My father is the best❤

0 18
Avatar for Leonice-01
2 years ago

Naaalala ko noong bata pa ako si papa na lagi ang kakampi ko. Every time na napapagalitan ako ng mama ko lagi akong nagsusumbong kay papa. He treat me like a princess kasi bunso akong babae malayo ang agwat ng edad namin ng ate ko. Mga kapatid ko naman lalaki kaya ako favorite ni papa?, lahat ng hingiin ko kay papa binibigay niya. Siya rin yung nagtuturo sa akin sa math. Kaya kinder pa lang ako marunong na ako ng addition at subtraction.magaling kasi siya sa ma math kahit libo libo na ang kukwentahin kahit wala siyang calculator kaya niya isolve. Matalino si papa kaya lang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga namatay ang papa niya siya yung panganay kaya lahat ng responsibilidad ng kanyang ama siya yung gumawa. Sa mura niyang edad natuto siyang magtrabaho upang may makain ang kanilang pamilya. Nagtrabaho siya sa bukid at nanirahan mag-isa uuwi lang siya sa bahay nila upang hatiran ng pagkain ang pamiya niya. Kaya bata pa lang siya responsable na.

Si papa istriktong ama. Gusto niya makapagtapos kami ng pag-aaral pero dapat ayusin namin ang pag-aaral. Pero kahit istrikto siya nandun pa din yung pagmamahal niya sa amin. Yung oras niya laging nakalaan sa amin..may time siya sa amin para makipagbiruan... mahilig siya mang -asar. Tuwang tuwa siya kapag naiinis niya kami pero kapag umiyak na kami icocomfort niya kami at sasabihin na joke lang🤣 sobrang bait ni papa at napakaswerte namin na siya yung naging ama namin na ni minsan hindi kami nakaranas magutom dahil sobrang sipag niya at mahal na mahal ko siya.

Ginawa niya ang lahat upang mapag-aral kaming lahat pero yung iba kung kapatid hindi sineryoso ang pag-aaral kaya hindi sila nakapagtapos. Kami lang ni ate ang nakapagtapos ng college yung mga kuya ko high school lang at yung iba graduate lang ng elementary. Gayunpaman okay naman ang kanilang buhay ngayon kahit may pamiya na sila.

Masakit na pangyayari :

College ako may nararamdaman na pala si papa na sakit hindi siya nagpapadoctor kasi pinapaaral ako... hindi ko alam na ganun na pala kalala yung sakit niya pero tinitiis niya lang lahat yes bumibili siya ng gamot sa kung anong nararamdaman niya kung baga pain killer lang sa nararamdaman niya without consulting the doctor. Lagi niya sa akin sinasabi na pagbutihin ko daw ang pag- aaral ko para makapagtapos ako baka daw pagkagraduate ko wala na siya. Lagi siya namin pinipilit na magpacheck up pero ayaw niya talaga. until na nakagraduate na ako tuwang tuwa pa siya at first time niya magpapicture kasama ako kaya siguro sa aming magkakapatid kami lang ni papa ang may picture. After ilang weeks nagrereview ako at that time para sa board exam for the first time pumayag siya na magpadoctor pero huli na ang lahat may sakit siya sa baga at lumaki yung puso niya. One week din kami sa hospital nun, di ko alintana yung puyat ko papasok ako sa umaga pagkagaling ko school magluluto ako para may pagkain ang papa ko at ihahatid ko sa hospital pag gabi magbabantay ako sa kanya. Nakita ko kung paano si papa lumaban kung gaano kagusto pa niya madugtungan ang kanyang buhay dahil gusto pa daw niya magabayan yung bunso namin. Kahit 10 years pa daw sana okay na daw siya. Pero minsan napaka unfair ng mundo bakit kung sino pa ang mabubuting tao yun pa yung kinukuha agad. Napakamali naman ng timing, hindi makasink in nun sa utak ko ang mga pangyayari yung sobrang lungkot ko, natutulala ako sa mga pangyayari everytime uuwi ako ng boarding house para magluto at maglaba ng damit mga ginamit umiiyak ako dahil hindi ko tanggap. Ayaw kong mawala si papa dahil hindi pa ako ready gusto ko pang makabawi sa kanya. Sa lahat ng sinakripisyo niya para makapagtapos lang ako ng pag-aaral tsaka siya lang ang kakampi ko.

Until dumating yung kinatatakutan ko may 5, 2019 sabi ng doctor na makakalabas na kami kinabukasan kasi okay na talaga si papa. Tuwang tuwa ako nun kasi pinakinggan ng diyos ang panalangin ko na dugtungan ang buhay ni papa para makasama pa namin. Kahit si papa tuwang tuwa nung malaman na makakauwi na siya. Pagsapit ng gabi nakaramdam si papa ng sobrang pananakit ng ulo hindi siya mapalagay bumabangon siya hihiga siya hindi niya malaman kung ano ang pwesto niya. Hindi siya mapakali . At that time ako lang ang nagbabantay sa kanya kasi si mama natulog muna pati yung dalawa kong kapatid kasi inaantok n sila.... isa isa kami ni papa tinitingnan kahit na tulog sila tapos ang hindi ko makakalimutan yung tatlong beses niya ako tinapik sa aking braso at sinabi niya na "paano to bhe hanggang dito nalang siguro ako" sinagot ko siya na diba papa magaling kana? Sabi ng doctor lalabas na tayo bukas? Sabi niya sa akin "wala na bhe tinapos na nila" hindi ko mapigilan ang pag iyak non biglang tumulo ang mga luha ko pero patuloy pa rin ako sa pagcomfort sa kanya na "laban lang papa kaya mo yan..!" Hanggang sa nagising na si mama dahil si papa todo habilin na sa amin kung ano ang dapat gawin.. tinawsg ko yung nurse sabi ko masakit ulo ni papa pinuntahan naman agad nung nurse at binigyan ng gamot pero wala pa din effect masakit pa din daw ulo ni papa.. until na 12 am ng madaling araw pumunta pa sila ate at kuya sa manggagamot kasi ang sabi pa noon pa na pinapakulam daw si papa ... kasi napansin namin na kahit ano sinasabi ni papa sabi niya"ayaw kong sumama sayo ang pangit mo" tapos sabay siya tatawa at yung pagsabi pa lang niya sa akin na " wala na bhe tinapos na nila" wala na kami nun ni mama nagawa kundi magdasal ng magdasal at gusto rin ni papa na dasalan siya namin. Until sumapit na yung umaga may 6, 2019. Maaga pa si papa bumangon na kasi uuwi na daw sa bahay excited siya umuwi... tapos sige habilin niya na bago daw kami umuwi bumili daw si mama ng isang sakong bigas, isang galon na suka at toyo pati daw mga panrekado. Tapos daw bumili daw ng isanv baboy kasya na daw yun. Tinatanong siya ng pinsan ko "bakit pay gusto mo kumain ng adobong baboy ta nagpapabili ka ng baboy?" Sagot niya "hindi naman, para sainyo. Ako hindi na nun makakakain" sumapit ang 9 am chineck siya ng doctor tig bp ang papa ko bumulong yung doctor na wala daw bp si papa... ilang beses tigtry pero wala talaga. Biglang sumigaw yung tita ko na "wala na bp si kuya" at todo hagulgol sa pag iyak. Parang nabigla si papa nun dahil may sakit siya sa puso bigla nalang timirik mga mata ni papa tapos nakapagsabi nalang ng "wala na pala ako bp, wala na pala ako bp, wala na pala akong bp!" Yun nalang ang huling narinig namin kay papa at tuluyan na siyang binawian ng buhay. Sobrang sakit ng mga pangyayaring yun hindi ko matanggap. Yung tipong todo yung iyak ko sobrang lakas ng hagulgol ko at pinuntahan ko pa nun yung mga doctor at mga nurse na nag uumpokan alam na nilang walang bp si papa pero wala silang ginagawa iniwanan lang nila si papa lahat sila umalis... kung hindi ko pa sila pinuntahan hindi nila babalikan si papa... sobrang galit ko nun sa doctor at nurse yung feeling ko pinabayaan nila si papa...

Noong mawala si papa parang naputulan ako ng mga pakpak... nawalan ako ng pag - asa... nawalan ako ng tiwala sa lahat dagil hindi ko tanggap ang nangyari kay papa.. nawalan ako ng kakampi siya lang yung laging nakakaintindi sakin pero kinuha agad siya ni Lord.

Hanggang ngayon tatlong taon na yung nakalipas pero hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala ng aking ama.... mahal na mahal ko si papa at sobrang miss ko na siya... kung may isang wish man na ibibigay sakin si Lord na tutuparin niya yun yung ibalik niya sa amin si papa. Ang isang uliran at responsableng ama, na kahit sa huling araw niya siya pa yung nagplano kung ano yung dapat naming gawin.

"Kaya kayo habang buhay pa ang mga magulang niyo, mahalin niyo sila, dahil sobrang akit ang mawalan ng magulang"

3
$ 0.00
Avatar for Leonice-01
2 years ago

Comments