When Death Fell inlove to Life Continuation

0 14
Avatar for Leo_chan
3 years ago

If you read my first post about the story When Death fell in love with life, this is the continuation so enjoy!

Bale ikukuwento ko na lng kase may conversation eh heheh

Nagising si David dahil sa ingay ng alarm clock nya at di nya napansin ung oras kase sobrang weird ng panaginip niya, mabilis siyang bumangon at bumaba sa sala nila, nakita nya dun ung mama at papa nya na kumakain kaya nakisabay nadin sya. First day of school niya ngayon sa senior high school pero half day lng ung pasok nila since its a private university, Let me introduce to you our main characters, He is Davidson Alvarez, ,matalino, matangkad , handsome at higit sa lahat sobrang yaman, siya lng naman ang anak ng CEO ng Alvarez Enterprise, kaya parang prinsipe nadin sya pero kabaliktaran ang ugali ni David, mas pinipili nya na maging simpleng tao lng kase ayaw nya tlaga na pinagkakaguluhan sya ng tao dahil anak sya ng mayamang tao sa pilipinas,nung huli siyang nagpakita sa magazine, halos dumugin sya ng tao para mainterview sya o mapicturan sya kaya siguro ayaw niya talaga na makilala sya ng mga tao.

After finishing his breakfast umakyat na siya ng room nya at naghanda para pumasok, kahit na alas 7 plang at 11 pa pasok nya, mas gusto kase nya nauuna sya at ayaw nyang makipagsiksikan sa mga tao. Nagprepare na sya at ready na syang pumasok, nagpaalam sya sa Mama nya na papasok na sya pero sinabihan siya nito na gamitin yung kotse niya sa garahe pero ayaw ni David dahil mas gusto niya magcomute, since high school plang din naman sya mas gusto niya magcomute kesa gumamit ng service o gamitin man lng ung Mercedes niya. Mas sanay siyang magjeep, habang nasa loob ng jeep, sinuot niya ung headset niya pra makinig ng music, yung mga tao sa loob ng jeep ay nagtitinginan sa kanya, sino ba naman mapapatingin sa lalakeng sobrang guwapo tapos ang desente ng uniform at mukhang mayaman tapos sumakay ng jeep, may mga babae rin na tumitingin sa kanya pero wapakels sya. Hanggang sa bumaba siya at naglakad papunta sa university, sobrang daming students agad umaga palang, napalingon sya sa kaliwa nya at nagulat sya sa laki at lawak ng university, It is Winchester University na kung saan dito nag aaral ang mga anak ng mayayamang tao sa pilipinas at kung papalarin makakapasok ka dito kung nabigyan ka ng scholarship, David got entered in this prestigeous university because of scholarship, during his high school career, he was valedictorian of his whole batch kaya di nakakapagtakang nakakuha siya ng scholarship. Habang naglalakad siya papasok sa campus, kailangan niyang tumabi kase dumadaan ang mga magagarang kotse ng mga estudyante, habang yung iba namamangha sa mga kotse sya diretso lng sa paglalakad at dumiretso doon sa desk pra magtanong kung nasaan ung room nya, kase sa sobrang laki ng university baka maligaw lng siya, may nakatabi siyang babae na aligaga din sa paghahanap ng room niya, pero di niya napansin kase busy din sya. Dumiretso na siya sa room nya at himala dahil wala pang tao dun, kaya umupo sya sa bandang likuran pra hindi siya masyadong mapansin at magkaroon sya ng time para makinig ng music.

To be continued~~

1
$ 0.52
$ 0.52 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Leo_chan
empty
empty
empty
Avatar for Leo_chan
3 years ago

Comments