Sunod na nagpakilala ang lalaki na kanina pa kumukulit kay David, tumayo ito ng tuwid at parang ginaya lang ang kilos kanina ni David, rinig naman ang tawanan sa loob ng classroom
"So hello guys I'm Hanz Alcairo, I'm single and ready to mingle, just kidding I'm 18 years old and if your asking me for my hobby well I love reading books also"
Sabay na nagtawanan ang buong klase, agad na umupo si Hanz at tumingin doon sa dalwang babae, pero parang hindi natutuwa ang mga ito kay Hanz
"OK class mukhang nagpakilala na ang lahat at naubos ang time natin doon, for now wala muna tayong gagawin since first day pa naman, well I guess ididismiss ko na kayo but don't produce too much noise ok"
Nakaalis na ang instructor at doon na nagsimulang makilagchikahan at makipagkilala ang mga estudyante sa isat isa, maraming pumunta sa upuan ni Lhaine at gusto nila itong makilala lalong lalo na ang mga lalaki
"Hi Delos Reyes pwede ba kitang mayaya mamaya, labas lng tayo and then treat kita kahit san mo gusto?" alok ng isang lalake
Napangiti na lng si Lhaine at tinangihan nito ang alok ng lalake, sumabat naman si Hannah sa usapan ang parang galit itong nagsalita
"Ayan mga style niyo tlagang lalaki, lalambingin niyo yung mga babae tapos mangangako tapos sa dulo sasaktan naman" parinig ni Hannah
Napakamot na lng sa ulo ang lalake at umalis ngunit hindi mapigilan ni Hanz na sumabat na naging dahilan ng pagiinitan ng dalawa pero iniba na lng ni Hannah an usapan ang napunta ito kay Lhaine.