Tao lang napapagod din.

0 8
Avatar for LenThoughts
1 year ago

Yes, I'm a mom but remember that I am a human too.

Napapagod din ako.

Nastress din ako.

Wala akong super powers tulad ng isang super hero.

Kaya hindi porket hindi ako nagsasalita at nagsasabing pagod ako.

Sana naman maintindihan mo.

Sana naman makita at ma-appreciate mo yung mga maliliit na bagay na nagagawa ko.

Hindi yung kapag nakita mo na'kong nagpapahinga sandali at hindi magawa yung dapat kong gawin ay sasama ang loob mo at magagalit ka.

Sandaling pahinga lang ang nais ko.

Sandaling pahinga sa nakakapagod na mundo.

Sandaling pahinga upang makabawi ng lakas at magawa ulit ang mga bagay na hindi pa nagagawa.

Sandaling pahinga para sa nawalang lakas sa maghapong trabaho.

Ang sabi mo tulungan tayo, dahil hindi tayo perpekto.

Pero bakit sa tuwing hindi ko magampanan yung mga trabaho at responsibilidad ko sa bahay nag-iinit kaagad ang iyong ulo?

Sana maisip mo din na hindi lang ako yung may mali.

Sana maisip mo din na hindi lang ako yung may pagkukulang.

Sana maisip mo din na hindi ako perpekto at hindi ko kayang gawin lahat ng trabaho.

Pasensya kana kung minsan mas pinipili kong mahiga nalang at wag ng magtrabaho.

Pasensya kana kung minsan hindi ko magampanan ang mga responsibilidad ko bilang isang ina at asawa mo.

Pasensya kana kung hanggang ngayon sinasabi ko pa din na nag-a-adjust ako.

Pasensya kana sa mga pagkukulang ko.

Pasensya kana hindi ako naging handa sa mga nangyayari.

Sana sa bawat pagkukulang ko, makita mo yung bawat paghihirap at sakripisyo ko.

Sana sa bawat pagkakamali ko, makita mo yung effort ko na kinakaya ko.

Sana sa bawat pawis at luha ko, makita mo na napapagod at nahihirapan din ako.

Oo alam kong pagod ka din sa trabaho mo.

Dahil hindi madali ang ginagawa mo.

Pero sana maisip mo din na pagod din ako, hindi yung pagdadabugan mo ako kapag hindi ko natapos yung trabaho ko.

Pareho lang tayong tao.

Pareho lang tayong napapagod.

Pareho lang tayong na-stress.

Pareho lang tayong nangangailangan ng pahinga.

Kaya sana sa bawat pagod na ating nadarama.

Maging sandigan at pahingahan natin ang isa't-isa.

Dahil sa mundong nakakapagod ikaw at ako lang ang magkasangga.

Wag kang mag-alala hindi ako susuko, magpapahinga lang ako kapag pagod na ako

Naalala mo yung pangarap ko?

Pangarap na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya .

Pangarap na sayo ko lang nakita.

Pangarap na ikaw lang ang gustong makasama.

Kaya wag kang mag-alala aking mahal, sapagkat pahinga lang ang aking kailangan

Mapagod man sa lahat ng bagay pero hindi ako bibitaw sa pangarap na kasama ay ikaw.

Nakakapagod man ang mundo pero tandahan mo, puso'y hinding hindi mapapagod sayo .

Sapagkat ikaw mahal ang bigay ng poong maykapal na makakasama ko habangbuhay.

1
$ 0.00
Sponsors of LenThoughts
empty
empty
empty
Avatar for LenThoughts
1 year ago

Comments