" Anak gising na!!! Bumili ka na ng pandesal sa bakery habang maaga pa at baka maubos na yun."
Madalas na bungad ng ating mga magulang panggising pagsapit ng umaga. Kapag nais nilang kumain ng paborito nilang tinapay sa almusal ang mainit na pandesal kapares ng isang tasa ng mainit na kape.
Lumaki tayong kilalang kilala ang tinapay na ito. Paborito ng lahat bata man o matanda. Ang iba ay nilalagyan ito ng iba't ibang uri ng palaman, ang iba ay isasawsaw lang ito sa tasa ng mainit na kape.
Sa ating paglaki hindi na ito nawawala sa ating hapag-kainan. Minsan pa nga ay ginagawa pa itong meryenda.Masarap kasi ito lalo na kapag mainit-init pa at medyo tostado.
Sa pagdaan ng panahon ang pandesal ay sumasabay sa makabagong teknolohiya. Ito ay nagkakaroon din ng bagong lasa, anyo at kulay. Pinasarap at hinahaluan ng ibang sangkap. Patunay na ang pagbabago ay para sa lahat, maging tinapay man ito. Maari ring sumabay sa pagbabago.
Para sa akin maiba man ang lasa nito, madagdagan man ng ibang rekado mananatili pa rin ang orihinal na pandesal na aking paboritong tinapay at aking kinalakhan idadagdag ko na lamang ang mga makabagong anyo nito at lasa.
"Isang mainit na pandesal kapares ang isang tasang kape sa inyong umaga mga kaibigan."