Ito ay parte ng ating araw na kung saan tayo ay magpapahinga pagkatapos ng isang buong araw na gawain. Ito yung oras na tayo ay hihiga sa ating mga paboritong higaan at mag uunat. Ngunit dapat sa ating pagtulog tayo ay nakangiti at magpasalamat sa isang buong araw na nagdaan at para sa panibagong simula at kinabukasan.
Ang gabi para sa iba ay panahon na makakasama nila ang kanilang pamilya at makakasamang kumain sa hapag kainan at makakakuwentuhan tungkol sa buong araw ng trabaho at nakangiting matutulog kasama sila. Ngunit para naman sa iba malungkot ang ibig sabihin nito, ito kase yung oras na matutulog silang mag isa walang kasama, oras para mag isip at patakan ng luha ang kanilang unan. Panahon kung kailan nila nailalabas ang kanilang saloobin ng walang nakakakita o nakakaalam. Matutulog na mugto ang kanilang mga mata hanggang paggising nila. Sana ay gumaan na ang kanilang nadarama sa kanilang pagmulat upang sa susunod na gabi ay nakangiti na sila na hihiga at mahimbing na matutulog.
Ang gabi ay simbolo para sa ating lahat upang patuloy tayong bumangon na may tuwa at galak sa ating puso at para maghatid sa atin ng magandang bukas at simula. Panatilihin natin ang ngiti sa ating pagtulog bawat gabi.
Ang gabi ay simbolo ng pag asa para patuloy tayong bumangon bawat araw.
Mapagpalang araw at gabi sa ating lahat.
Waaah wag isabay sa buhos ng ulan idle. Ang bawat umaga at pagdilat ay isang blessing at oanibaging buhay na ginising tayo ng panginoon. Stay safe everyone! 💜