Komento sa pelikulang 4 sister and the wedding

5 163

Ang pelikulang ito ay isa sa may pinaka magandang mensahe para sa bawat pamilya na may pinagdadaanan at may di pagkakaintindihan.

________________________

Ang aking komento sa pagkagawa ng pelikula, tauhan, sountracks at iba pa!

- - - Pagdating naman sa actingan nila ,ito ay napakahusay makikita talaga ang isang daang pursenyentong galling nila sap ag aarte. Mas  naging maganda pa ito dahil sa mga magaganda’t gwapo ang mga gumanap nito na nakakahikayat din sa mga tao na manuod dahil sa kanilang mga artistang iniidolo.Bawat senaryo ay tudo actingan talaga sila. Isa pa sa nagpaganda ditto dahil hindi lang puro drama marami din ang nakakatawang senaryo sa palabas.Bagay na bagay ang kanilang mga ginampanan sa palabas.
     
- - - Si toni Gonzales na gumanap bilang teddie ay isa din sa nagpakita ng napakaganda pagdating sap ag arte. Pagdating sa mga katatatawan lahat yun ay galling sa kanya.Si bea bilang bobbie ay makikita din ang galling sa actingan na kahit ang manununuod ay madadala sa kanyang pag iyak. Maganda din naman ang ipinakita ni enchong sa kanyang ginampanan bilang isang bunsong kapatid. Kasama din ang ibang gumanap ,napakaganda ng kanilang pinakita sa kanilang mga ginagampanan sa palabas. Sa kalahatan maganda ang actingan ng mga gumanap sa palabas na ito.
     
- - - Sa  sountrack nila mapapansin na di masyado marami o hindi lahat ng mga senaryo ay mayroon. Ngunit mapapansin sa unahan palamang ay bagay na bagay talaga ang ginagamit nila na mga soundtrack. Dahil dIto ito din ang nagbibigay buhay sa isang senaryo na naging kapakapanabik ang kanilang eksina. Nagging maganda naman ang kanilang mga soundtrack subalit kulang ito para sa akin. Mayroon kasing ibang senaryo na sa tingin ang di nila na napagtuunan ng pansin na magiging maganda kapag may soundtack dto.
      
- - - - Subalit sa mga senaryo naman na nilagyan nila ng mga soundtrack ay maganda naman ang nagging resulta. May senaryo doon sa wakas na naging kapanapanabik dahil sa kanilang soundtrack. Isa yun sa  kinagandahan ng palabas. Maganda din ang pagkalagay nito dahil hindi masyado na aapektuhan nag kanilang mga sinasabi.May katamtamang lakas subalit nangingibabaw paring ang lakas ng mga sinasabi ng mga karakter .Sapagkat kung hind ito nalagay ng maayos ay maaaring di maintindihan ng mga manunuod ang mga sinasabi sa palabas . Kayat kahit medyo kulang ang kanilang mga soundtrack ay okay lang dahil nalagay nila ito ng maayos.

--Pangkalahatang komento

Ang masasabi ko sa palabas na yun,ay ” NAPAKAGANDA” mula sa mga aktingan ,sa gumanap,sa plot,sa mga nilagay na sountrack, cinematograpiya at higit sa lahat ang mensahe nito sa mga manununuod. Ang mensahe ng palabas ay  napakaganda sapagkat sa panahon ngayon “ang pamilya” ang nagiging problema sa karamihan sa atin..  

Sa lahat po ng mga pamilya dyan, at family member feeling nya nag iisa siya. Mahal na mahal kayo ng pamilya niyo. Tandaan niyo  yan!!

Godbless you all. Salamat!

5
$ 0.00
Sponsors of Lejay28
empty
empty
empty

Comments

Hhmm? Anung masaabi niyo? 😁

$ 0.00
4 years ago

sana Napa nood ko din yan, 😂

$ 0.00
4 years ago

Maganda HAHAH relate sa pamilya

$ 0.00
4 years ago

Hahahah nakita ko lang sa advertisement yan

$ 0.00
4 years ago

So faarr. Maganda din naman siyaaa! Napakaganda ng mensahe

$ 0.00
4 years ago