I am a Tatay's Boy

0 22
Avatar for Lejay28
3 years ago

June 11,2021

My Lead image

I am very grateful to have a strong and a happy family po. Thankful dahil alam ko po na yung iba satin is in broken family po. Yung iba ay dahil namatay na po yung tatay or nanay nila or kahit po yung ate, kuya or nakababatang kapatid. Yung iba is iniwan po ng nanay or tatay nila and I feel them po, ramdam ko po yung lungkot kahit hindi ko po naranasan dahil meron din po akong mga pinsan na ganon ang sitwasyon.

Actually po, ako hindi ko po naabutan yung lola at lola ko sa side ng tatay ko. I am sad po na di ko man lang sila naka bonding. kaya every time po na nag kwekwento yung family ko about sa lolo at lola ko kaya ini imagine ko nalang yung itsura nila pati yung tawa. Oh dba? mafefeel mo talaga yung lungkot kahit i kwento lang sayo. Kaya , siguro mas grabe pa dun yung lungkot kung magulang mo na talaga yung wala.

NANAY AND TATAY

Last December 1, 2021, My tatay and nanay celebrated their 30years Wedding Anniversary. And I am very happy and proud for them po na naging strong sila at they faces their responsibilities as parent po samin up until now kahit po malalaki na kami. To be honest, may nanay had her first baby na si ate at the age of 17 po at si tatay ay 23 po sa time na yun. At sabi pa ng tatay ko, sabi daw ng kapatid nya paano daw nya kami bubuhayin. Siguro yun yung nagmotivate talaga kay tatay ko.

Yung tatay ko po is isa po graduated architecture student po but di po sya nga try na mag take ng board exam dati but yung work nya daw dati is nagplaplano ng mga bahay at nag guguhit. Also nag priprint din po sya ng mga damit. Pero kung wala naman nagpapagawa is nag titinda po sila ng kakanin like bibingka, moron, suman, suman latik at madami pa po. Actually hanggang ngayon we accept orders po ng mga kakanin. So ayon

Pinag aral nya si nanay po hanggang nakatapos ng College sa kursong BSED. But unfortunately po, 6 takes na po sya ngayon at hindi parin siya nakakapasa. So ayon nag stop nalang po sya dahil yung ate ko naman yung sumalo sa kanya.

We are 4 po na mga anak at ako po yung bunso and the only boy po. I am already 19 years old po and yun isa kung ate is 25 yung dalawa is in 30's na. Ako nalang po yung nag aaral yung tatlo ko pong kapatid is nakapag tapos na po. Yung isa is Teacher na po. She passed the board exam last 2018 po, kaya nasabi ko nakina na si ate yung tumubos sa pangarap ni nanay.

I am a Tatay's Boy

Kahit po nung bata pa ako, I am a tatay's Boy na po. Pero hindu po ibig sabihin nun, di kami close ng nanay ko lol. Yung nanay ko po palagi yung nag aalaga sakin, yung nag hahanda ng baon sa school, pumupunta sa meeting at nagpapatulog sakin kaya close na close din po kami ng nanay ko and syempre I love her so much.

What I mean sa Tatay's Boy is that yung samahan kasi namin ng tatay ko is parang barkada lang. But hindi pi sobra, syempre tatay parin yung pag tingin ko sa kanya and I call him tatay syempre. But yung bond namin is parang barkada. I think po it's because only boy lang po ako sa aming magkakapatid. Nung bata pa ako kahit anu talaga na gusto ko ginagawa ng tatay ko like,yung pagawa ng laruan, ginagawan po ako nyan. At kahit ngayon po ka bond ko po siya sa basketball. Mahilig po kami sa Sports. Kaya yon, feeling ko Tatay's boy talaga ako.

But I remember po, pinagalitan po ako at pinalo nya sa isang boses po . When I was 5 years old po and a Day care student pa po ako nun. Kasi ayaw ko talagang mag aral dati because yung gusto ko is mag laro ng mag laro lang. Kaya ayon napalo ako nung time na yun, that was the first po and the last po yata na pinalo ako ng tatay ko. But since that day po, nag aral na talaga ako kahit wala ng kasama sa school. At so far, okay naman yung pag aaral ko up until now.

Yung magandang pagpapalaki po yung hinangaan ko talaga sa tatay at nanay ko. I don't know po why but yung pag iisip ko parang matured na po. Hindu dahil hindi ako pinaglupitan nila tatay at nanay. Yung feeling na hindi ka pinagbabawalan na makipag bond sa kaibigan mo pero sasabihan ka na "anak alam mo na gagawin mo". Kahit po hindi na ako pagsabihan kung anung oras uuwi, naiisip ko po yan na kailangan ko nang umuwi, or like tama ba tong gawin? Iniisip ko po yun palagi. Yung nasa isip ko kasi is hindi abusuhin yung freedom ko and I don't want to disappoint po yung nanay at tatay ko.Kaya kapag di ako pinapayagan nila tatay at nanay, alam ko talagang delikado yan, at sinusunod ko sila dahil minsan lang naman silang mag bawal sakin. I think yung pag iisip ko na ito is dahil po rin sa pag papalaki sakin.

THAT'S WHY I AM PROUD PO sa TATAY AT NANAY KO!!

Closing thought

I know po na hindi lahat same ng experiences, yung iba maaaring mas maganda pa at yung iba is worst yung experience nila sa family nila. Actually, I don't know what to say po dun sa ibang worst yung experience sa family nila. Gusto ko man sabihin na "okay lang yan" but I know hindi talaga so hindi ko po talaga alam kung anu ang sasabihin. But alam ko po na mahal po kano ng magulang nyo. Sigurado po yan! Pagbutihin nalang pi natin bilang mga anak po.

Godbless to all!

-Lejay28

1
$ 0.31
$ 0.31 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Lejay28
empty
empty
empty
Avatar for Lejay28
3 years ago

Comments