How was our first day in online class ( S.Y 2021-2022 )

3 55
Avatar for Lejay28
3 years ago

~Personal blog

These apps play an important role for my online class

Welcome Ber Months? Nooo!!

It's Welcome back to online classes. Hi there google classroom, zoom, google meets assignments, plates, PE videos. Ito na ulit tayo

Ayon na nga, kung napapansin niyo nag iba na yung simula ng pasukan na dati ei nasa month of June talaga and July. Ngayon, karamihan nag start na sa month of August and September. I don't know kung dahil lang ba ito sa pandemic or talagang sa ganitong month na talaga mag sisimula yung pasukan kahit mag face to face na. And di ko din alam kung may face to face pa ba, lol. Madami kasing estudyante na gustong gusto talaga ng face to face dahil na rin need ito sa course na kinuha nila. Parang lahat naman talaga ng course mas maganda talaga yung face ti face. Like for example sa amin, yung course namin is about aviation which is need talaga ng face to face and actual learning sa course namin diba? Same for the Med. and other courses. But yeah, I really don't know. For me, sa pag aaral ko, sa ngayon parang okay pa sakin yung online class dahil 2nd year palang naman ako and hindi pa major yung subjects and hindi pa more masyado need ng actual learning talaga but sa akin lang yun. Paano yung iba noh? Let's just wait and pray to make all things back to normal.


So for todays article just want to share how was our first day in school ( Online class ).

So supposedly, kanina talaga yung opening of classes namin for the school year 2021-2022. But nagkaroon daw ng problem yung school kasi madami daw yung nag enroll for this semester compared sa dati kaya ang nangyari na hirapan daw sila sa sectioning ng mga studyante. Yan po ang sinabi nila sa email nila kanina dahil naghihintay talaga kami na may mag meet na teachers samin. Actually okay naman ang lahat samin dahil meron naman kaming study load, schedule and codes for our google classroom but sa section palamg namin yata? Don't know sa iba, parang hindi pa yata kasi wala namang nag meet samin na teacher kanina kahit isa.

So, our first day was a kind of nothing, lol, because nothing happened. Though nag send sila ng mga course specification but yung dalawang teacher pa namin, yung iba di pa nag paramdam. Parang nag hintay kami sa wala.

My Schedule

So yung first day ko ay ginugol ko nalang sa crypto. Dahil sayang naman yung kikitaon ko dahil wala naman akong nagagawa nag hihintay lang na may mag meet ng ang teachers namin. So while waiting kanina, naglalaro din ako sa mga crypto games ko. Actually na isipan ko ngan mag post sana kanina dito but wala talaga akong masulat kasi yung nasa isip ko ay yung klase, baka kasi biglang mag email yung teachers namin. So nag decide nalang akong sumulat ngayon.

What a day right? Buti nalang talaga may pinag kakabusyhan din ako kasi kung wala, siguro hindi naging effective and productive yung araw ko. At ang saya at ganda din sa mata ng market ngayon. I really love green.

How was your day guys? Comment it down

Edit: Kagabi ko sana to i popost but it happened na nag brownout 9pm palang ang kababalik lang ng kuryente ngayong 10am. Siguro dahil sa malakas na ulan kagabi. So just imagine nalang na kagabe pa ito heheh.

Sponsors of Lejay28
empty
empty
empty

Date Published : September 6, 2021

By: Lejay28

3
$ 1.61
$ 1.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
Sponsors of Lejay28
empty
empty
empty
Avatar for Lejay28
3 years ago

Comments

Ayos, lods. Maximize your time ika nga. Kami, katatapos lng din ng zoom classes ng anak ko.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga ei. Ganon talaga ginagawa ko. Sayang din kasi ang time pati yung kikitain ko for the day.

Mabuti naman nag start na sila. Yung proof ko kasi nag email na next week pa daw kami mag start ng klase.

$ 0.00
3 years ago

Sanaol may klase na tapos kumikita pa online magaling din sa staking.

$ 0.00
3 years ago