August 17,2021
Isa sa mga ayaw at kinakatakotan nating mangyari sa mga partner/jowa natin ay yung dumating sa point na magkaka gusto sila sa ibang tao. Kasi hindi naman talaga imposible yun lalo na kung malayo kayo sa isa't isa. Sa ganitong sitwasyon natin ngayon isa yun sa mga threat sa relasyon kasi minsan lang magkita, minsan lang magkausap dahil nga nasa pandemic.
May mga bagay kasi minsan na hinahanap natin, at kung sino yung nakakapag provide noon sila yung nagiging malapit sa buhay natin at unti-unting may nabubuo. Ang sinasabi kong bagay ay hindi yung mga material na bagay ( pero siguro nga meron ganon, marami na din ako nabalitaan ), kadalasan kasi yung need lang sa relasyon niyo at yung pinaka gusto talaga ng mag partner is yung time nila sa isa't isa. Yung makakapag usap sila, yung may update sa ginagawa nila ( syempre hindi naman yung minuto minuto ), yung kinukumusta sila. Kasi sa totoo lang, nakakalimutan talaga ng isang tao minsan yung taong walang paramdam sa kanila, yung hindi man lang nakakausap, hindi man lang nag chachat ng kahit anu. Yes po, totoo yun. Kaya't dumadating sa point na minsan wala nalang talaga sa tao kung mag chat ka or hindi. But kasama yun sa love. I believe na kailangan talaga yun. Lalo na po sa mga malalayo sa kanilang partner.
Yung nangyayari kasi kapag walang nag pro-provide ng need nila o ikaw bilang partner niya ay di mo nabibigay yung need niya, yung hinahanap na at yung dapat mong gawin sa partner mo, ei hinahanap yun sa iba. Yes po, may ganon talaga. And there's a lot of cases na dadating na sa point magkakalapitan ng loob at magkakagusto yung taong yung sa kanya, tapos magugustohan din niya. Parang pang movie lang na story but meron talaga yun in real life.
Kaya as a partner you have to play your role. Kailangan mong gawin yung responsibility mo as a partner ( hindi lang to sa lalaki, pati din sa babae ). Siguro naman kasi before kayong pumasok sa relasyon ei, alam niyo na yung gagawin niyo kung tunay talagang love yun. Kasi yung talaga ang tama.
I'm not saying na perfect ako pagdating sa ganyan😅. Minsan diba may mga bagay akong di magawa na dapat ginagawa ko but dahil sa ibang priorities ko sa buhay ei di ko nagagawa but syempre bumabawi naman ako at ganon din siya. Ikaw din kasi, as a partner you have to understand that thing din. Dapat kayong dalawa nakakaintindi doon. Kaya't samin 2 years na kami but we still give an update sa isa't isa everyday. At syempre wala naman masyadong gawain ei doon ako bumabawi. Ganon yun. Pero di parin talaga maiiwasan ang away diba?
May mga bagay madalas pag awayan ng mga mag partner, katulad ng :
1. Hindi nakapag update
- Maraming nagsasabi na "OA" lang daw yan. Tapos ngayon lang daw yan dahil bago pa tapos pag tagal ei wala nang update update yan. Honestly, kami matagal naman din kami but palagi padin kami nag uupdate sa isa't isa at I can say na nakakatulong siya. Hindi siya masasabing "OA" sapagkat need yun at need mo as a partner para naman di mag alala yung partner mo sayo, like baka nadisgrasya ka or anu pa yan diyan. Kaya't minsan talaga sa mga partner kapag di nakakapag update yung isa, minsan pinag aawayan yun , pero syempre mababaw lang yun at maa-ayos din yun kaagad kapag masabi na ng isa.
2. May pinag seselosan dahil may ka chat kang iba tapos siya hindi mo china-chat.
- Ito syempre naman mag seselos naman talaga yun, dahil matatakot yun na baka magkagustuhan kayo ng kachat mo. Maliban nalang kung sabihin mo na pinsan mo yun o barakda mo yun at baka magkagrupo kayo sa school works. Pero dapat maging honest parin, kasi yun yung importante, kasi kahit naman anu pwedi mong sabihin para maka lusot. Wag naman ganon. Pero kung wala naman talagang dapat ipag-alala eii kailangan talaga yun ng paliwanag para naman di siya mag alala. Baka kasi mag hanap din yun ng ka chat, edi ikaw pa mag alala niya😅.
3. May hindi pagka kaunawaan sa isang bagay.
- Ito di naman talaga as in away talaga. May pagta talo lang sa isang bagay minsan dahil hindi sang ayon yung isa, sa sinabi ng isa or like ginagawa ng isa. Yung resulta nito kasi is tampohan lang🤦. Suyo-suyo lang ya, bati na kayo.
Actually madami pa yan. Parang yang sinabi ko is yung mga mababaw lang na dahilan para pag talonan. May mga bagay pa na mas nakaka takot diyan, yung parang mag hihiwalay na kayo. Pero iba iba naman talaga yung ma e-experience natin sa partner natin depende sa kung gaano tayo ka responsable.
Closing Thoughts:
May mga bagay talaga na hindi dapat natin balewalain lang, lalo na kung ayaw natin yun mawala. Dahil kapag yun mawala na yung pasensya hahanap yun sila ng iba na sa tingin nila deserving para sa kanila at kadalasan hinding-hindi na nababalikan yun. Kaya't if ever nasa relasyon ka at ayaw mong dumating sa point na may ibang magka-gusto sa partner mo, tapos magustuhan din niya dahil sa mga pinagga gawa mo o sa pagku-kulang mo bilang partner, alagaan mo siya ng mabuti. Gawin mo yung dapat mong gawin as a partner dahil yun yung role mo.
Pero syempre kung okay ka naman tapos nagka-gusto parin siya sa iba, eii iba na yun. Huwag ka din magpaka-tanga.
Date Published: August 17,2021
-Lejay28
hello, before naman siguro makipagrelasyon ang isang tao alam na niya yung roles nila bilang gf/bf. Yun ngalang kung hindi matatag relasyon nila hindi nila maiiwasang lokohin or saktan ang isat-isa. Opinyon ko lang dapat ang relasyon ay pinaghahandaan at sineseryoso yan, yung tipong maging loyal, sweet, open sa isat'- isa, yung tipong nafefeel nila na comfortableng-comfortable sila sa isat-isa. Na kahit mag-away sila, ay hanggang away lang wala yung word na lokohan.. Anyway agree ako sayo na importante talaga yung open communication para ramdam pa rin nila yung isa't-isa.