Ang Ating Ama
By: Lejay28
Ikaw ang ama naming lahat oh diyos,
Mga buhay ng tao ikaw ang nag-ayos.
Kasalanan namin, ikaw ang nagraos,
Pagsamba sayo ang dapat sana'y kilos.
Sa oras ng aming problema't sakuna,
Ikaw ang gumagabay sa amin, AMA.
Pag-aalala namin ay nawawala,
Sapagka't alam ng lahat na nandyan ka.
Mahirap o mayaman ay pantay sayo,
Kaya't ramdam namin ang pagiging tao.
Diyos namin AMA, salamat sa inyo,
Wala kami kung hindi dahil sa iyo.
________________________
Sana ma appreciate niyo
Dahil sa covid19, Ito po ay isang handog ko sa inyong lahat na nagpaoarating ng mensahing mayroon tayong tagapagligtas, mayroon tayong ama na hindi tayo pababayaan.
Okay lang yan kung may sakripisyo tayo ngayon. Kasi ang sakripisyo ng ating amu ay mas malala pa dun. Kaya't mag tiwala lang tayo. Makakaraos din tayo sa probelama ngayon
Sa panahon o sitwasyon ngayon na may covid, kung nawawalan naman tayo ng pag asa matapos to kasi padami ng padami lang ang nag popositibo.. Isa lang po ang mahihingan natin ng tulong na siguradong tutulungan tayoo. Siya ang ating AMA. Ang Ama ng lahat. Kayang huwag po nating kakalimutan na tawagin siya segundo-segundo, oras-oras at araw araw. Kasi hindi hindi po tayo pababayaan ng ating ama. Ito ay isa lamang pag subok sa ating upang magtulungan, maging responsable at disiplina sa sarili.. Kaya't nais ko po na mag kaisa tayong lahat sa ngalan ng ating Diyos Ama. Walang problemang hindi malulutas.
Mag ingat po kayong lahat pinoys!!
Labannnan ang covid19!!
Thank youu
Ito po ay para sa inyo. Godbless us all