A Short Story

0 19

Uso Wattpad nung 1st year college ako. 2011 ako nagsart magbasa until i decided na mag post kahit short stories lang. Sinulat ko to’ng story na to way back in 2012 siguro. Isa lang ito sa mga nasulat ko. Medyo korny kase that time teenager pa ako. Pampalipas oras ko lang. So sana magustuhan nyo. Hahaha!

JEEPNEY. 


Isang salita pero libo-libo ang nakikinabang. 


Marami kang nakakasabay sa Jeep. Matanda, bata, lalaki, babae, Gay, tibo. etc!


Pero minsan ba na experience mo ng mainlove dahil lang sa isang pasahero ng Jeep na lagi mong sinasakyan? 



POSSIBLE BA YUN O HINDI?

SA TINGIN NYO?

Ako nga pala si Yanna Santos. 4thYear Highschool na ako. 5'4 ang height, medyo slim? Haha! Maganda daw? Osige. Kontra ka?? Subukan mo!!! Joke.


Andito nako sa terminal ng Jeep. Waaaaaaaaaa! "Late na ako! "


Haaay. Salamat naman at nakasakay na ako. Ang tagal naman mapuno! 

"MAMA MATAGAL PA PO BA???"


"WALA PANG NAKASAKAY!"


tae??! "Aba kuya, anong tingin mo sakin hindi tao? Hello?!" Psh!


Umagang umaga mababadtrip ako. 

Ahhh. Shit! Mr Crush sumakay. Hihihi. Gwapo niya talaga. Sa harap ko pa umupo :)


Matagal ko na siyang crush. Lagi ko kasi siyang nakakasabay dito sa terminal e. Kaso nga lang di kami same school. Saklaaaaaaaap nun!


Pero okay lang. Hehe! Lagi ko naman siya nakikita dito. Hindi ko alam name niya e, tawag ko lang sakanya MR.CRUSH. Ang gwapo niya tsaka mukha pa siyang mabaet. 


Pasulyap sulyap lang ako sakanya. Haha!


Buong byahe nakatingin lang ako sakanya. Feelig ko nga kami lang tao dito sa Jeep e. 


Bakit ako nakakatingin sakanya? Kasi po nakapikit siya. Ganyan naman siya lagi e, nakapikit tapos nakikinig sa ipod niya.  Oh see, lakas ng loob ko tumitig. HAHAHAHA!


SANA WAG MUNA AKO BABABA. PLEASE? 5 mins pa po. Gusto ko pa siyang makasama dito. 


Haay. ayan na bababa na ako :( Sana bukas makasabay ko siya ulit. 

"Para ho!" sabay baba ko. Sana makita ko pa siya.


Ganon lang routine namin pag umaga. Ako, eto hanggang pasulyap-sulyap lang sakanya. Sana mapansin niya ako. 


Friday ngayon, meaning di ko siya makikita bukas. awwwww!



Dito na ako sa terminal pero wala pang jeep. Asar! Baka malate ako nito e.


May tumabi sakin pero wala akong paki. 


"Tagal ng jeep nu?" 


Pagtingin ko sa katabi ko si...


MR.CRUSH!!!!!!


Kinausap niya ako! waaaaaaaaaaaaaa. Pwede magcollapse??


ay OA masyado. HAHAHA!

"Ako ba kausap mo?"Sbi ko sakanya


"Yup. Ikaw lang naman katabi ko ngayon diba? So, siguro ikaw nga." tapos ngumiti siya.


OMEGED LANG! Makalaglag panty. Chos!


"he-he. O-onga naman." Ano ba yan! bat ako nauutal. tsk


"Ano nga pala name mo?" tanong niya sakin.


Ano ba yan. feeling ko ang pula ko na.


Sana matagal pa dumating yung jeep para makausap ko pa siya :)


 "Yanna. Yun ang name ko. Hehe! Ikaw?"


"Jiro. Lagi tayo magkasabay sa jeep tapos lagi ka din nakatitig sakin. Crush mo ko nu? Hahaha!"  He smirked. Omygosh!


Lupa, eat me now please????!!!


"Hala. h-hindi k-kaya nu. Oh yan na pala jeep. Tara na" sabi ko sakanya.

 Habang nakasakay kami sa jeep, napapasmile nalang ako.


Ang sikip! Nagkadikit na mga braso namin ni Jiro.. 

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! KINIKILIG AKO!

Biglang tumunog yung radyo...


Sumakay ako sa jeepney

Ikaw ang nakatabi

Di makapaniwala

Parang may hiwagang nadama

Nang tumama sa'yo

Ang aking mga mata

At nagsiksikan na

Dahil tumigil ang jeepney

Sa tapat ng eskuwela

Biglang nagkadikit

Puso ko'y biglang sumikip

At natulala

Sabi nila'y walang hiwaga

Kung wala'y

Ano itong nadarama

Ayoko nang pumara kahit san mapunta

Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama

Ayoko nang pumara

Ayoko nang pumara

Ayoko na ahhh

Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko

Ayoko nang pumara sana di na huminto

Ayoko nang pumara

Ayoko nang pumara

Ayoko na

Kung ikaw ang kasama

[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/y/yeng_constantino/jeepney_love_story.html ]

Oh diba. Sakto??? Hahaha

Ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama ko.. Haaaay :)


Pero kailangan kuna bumaba. Magkikita pa naman kami e...




After nun, 1 week ko siyang hindi nakakasabay. I don't know why. Ano na kaya nangyari sakanya? Baka may kotse na? Oh di kaya may sakit? Haay. I kinda miss him.


Araw-araw hinihintay ko siya nun hangga ngayon. Andito ako sa terminal ng Jeep nakabusangot. 


>.<

"Libre lang ngumiti, Yanna."

I know that voice!!

"Jiro?"

"Yep. Ako nga. haha! hindi lang ako nagcommute ng 1week di mo na ako kilala?" then he smiled at me.


"Hehe. nabigla lang ako kala ko kasi napano kana." i'm so shy! 

Sumakay na kami sa Jeep. 


Nagkukwentuhan lang kami kung ano2. hehe! Feeling ko nga close na kami e kahit dito lang kami nagkikita..


Ng biglang......


*BOOOOOOOOOOOOOOOOOGSSSS!


Sakit ng ulo ko. Nahihilo ako.

Duguan mga nakikita kong tao dito sa jeep. 

NABANGGA KAMI ng truck.


Sh*t! 


"JIROOOO! Huy! wag ka naman ganyan oh. Wag ka pipikit. Please??? Nagmamakaawa ako sayo."

Duguan siya. Nanghihina na. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Iyak lang ako ng iyak..

"Y-yanna, A-alam mo ba ang g-ganda mo. N-nung u-na k-kita nakita dito sa j-jeep c-crush na k-kita. Sa t-tingin ko nga M-MAHAL NA KITA." Tapos bigla nalang siya pumikit.

"No!!!! Jiro. Please! Wake up! Mahal din kita alam mo ba yun ah??! Ano ka ba! gumising ka jan! Sasakay pa tayo sa jeep diba. Magkakasama pa rin tayo. Ano ba! *Huk *huk! Jirooo!!" 

1 Month na nung nangyari yun. Hangga ngayon naiisip ko parin siya. 

Mahal na mahal kita Jiro kahit sa sandali natin pagsasama minahal kita.. 

Magkikita parin tayo. Someday.

WAKAS.

2
$ 0.00

Comments