25 August, Wednesday 2021
7:40am Kuwait time
Magandang araw sa lahat
Tandang tanda ko pa ang habilin ng aking pinakamamahal na ama,ang habilin na diko sukat akalain na magiging huling habilin na pala niya 😔 Araw ng sabado April 10,2010 bandang alas otso ng umaga. Sa may bintana ng aking silid tulugan,ang aking ama ay tinawag ako upang sabihin ang kanyang habilin:
Ama: Bhai,aalis na ako at mukhang gusto mo pang matulog,huwag ka nalang sumama at ako na lang ang pupunta para tingnan ang mga prutas na ating inorder sa aking mga suki sa bukid.
Ako: Ama sige po sa susunod nalang kita sasamahan at mukhang nakakaramdam ako ng pagkatamad ngayong araw. Mag iingat po kayo .
Ama: Ibinili ko na pala kayo ng aalmusalin ninyo at nilagay ko na sa mesa. Silip silipin mo na lang ang mga pamangkin mo at silay naglalaro sa may bakuran. Huwag mo silang pababayaan.
Ako: Opo ama babangon na ako maya maya at babantayan ko sila
Ang mga katagang yon ang huling narinig ko sa aking ama 😭 nakita ko pa ang pag iwan niya ng barya sa aking mga pamangkin at narinig kong habilin niya sa nga bata:
Ama: Huwag na huwag kayong mag aaway na magkapatid at ako ay aalis muna.
Mga pamangkin ko: Opo Ama sabay halik
Ang halik na diko man lang naipabaon sa aking mahal na ama sanhi ng katamaran bumangon.
Ilang oras pa ang lumipas bandang 11am ay may kumatok sa aming bahay dala ang balitang WALA NA RAW ANG AKING AMA. Diko lubos naintindihan ang sinabi ng lalaki dahil sa malakas na tugtog sa aming television.hininaan ko ang volume ng television namin at inulit ng lalaki ang kanyang balita. WALA NA DAW ANG AKING AMA 😭 Di ako makapaniwala sa balitang aking narinig,ang aking ama ay umalis ng bahay na walang anumang karamdaman o sakit o anumang hinaing na nasasambit.
Diko maipaliwanag ang aking naramdaman sa mga panahong iyon. Para akong nakalutang sa ulap,manhid ang aking katawan,nakatulala habang parang ulan ang aking luha. Na waring isang masamang panaginip ang lahat. Na sana isang masamang bangungot na lang yon at maaari pa akong magising at masilayang muli na buhay pa ang aking AMA.
Walang sinasabi sa amin ang aking ama na nararamdaman maliban na lang sa pananakit daw ng kanyang ulo minsan at pamamanhid ng kalahating katawan pero ayaw naman niya pumayag na magpatingin sa doctor.
Ang sabi ng nakasaksi sa pangyayari ,habang ang aking ama ay tinitingnan ang mga prutas na aming inorder para sa aming BUY AND SELL FRUIT STAND ay biglang napaupo si ama sa tabi ng mga prutas at ang huling mga salita na kanyang nabanggit ng tatlong beses ay ang SHAHADA salitang ARABIC na ang kahulugan ay THERE IS NO GOD EXCEPT ALLAH AND MUHAMMAD IS THE MESSENGER,(LAA ILLAHA ILLALLAH MUHAMMAD RASULLULLAH) at doon na daw natapos ang kanyang hininga.
Masakit ang pagkamatay ng aking ama sapagkat wala kami sabtabi niya pero masaya na din kami at dina sya nakaramdam ng anumang paghihirap o di sya nag iwan ng mabigat na pasanin para sa aming mga naulila nya.
Sa ISLAM papaliguan ang isang namayapa ayon sa alinsunod na paraan ng muslim,babalutin ng TELANG PUTI na magsisilbing kasuutan nya,ipagdadasal at ililibing din sa araw na yon kung kayang humukay ng paghihimlayan ng isang namayapa ngunit kung gabi na bago namayapa ang isang tao ay maaaring ipagpabukas na lang ang paglilibing,ngunit dina pwedeng umabot ng dalawang araw sapagkat bawal ilagay sa kabaong ang mga namayapang MUSLIM mahirap ka man o mayaman ay ihihimlay sa hinukay na lupa parin ang huling higaan.
Ang sakit,napakasakit na mawalan ng isang ama. Isang ama na mapagmahal,mapagbigay at lagi kong nasasandalan kapag pakiramdam ko pasan ko ang mundo. Isang ama na laging sumusuporta sa lahat ng gusto ko lalo na kung nakakabuti ito para sa akin.
Ang Ama ang haligi at sandigan ng pamilya
Ps: Kung tayo ay may mga magulang pa.mahalin natin sila ng buong puso,ng buong pagmamahal.Huwag natin silang hahayaang masaktan o makaramdam ng ikakasama ng loob nila. Ang mga magulang ay minsan lang sa ating buhay at hinding hindi mapapalitan ninoman.
Habang sinusulat ko ito ay parang ulang pumapatak ang aking mga luha,na halos diko na makita ang screen ng aking cellphone. Bumabalik ang sakit na naramdaman ko ilang taon na ang nakakalipas 😭
Pagpasensyahan niyo na lang ako sa mahaba kong kwento. Nadala lamang sa aking emosyon. Maraming maraming salamat po sa mga bumasa ng aking pang apat na artikulo ❤
Hanggang sa muli,naway di kayo magsasawang tunghayan ang mga susunod kong artikulo.Maraming salamat po!
Nkakalungkot nmn sissy... Napaiyak mo nmn ako and may he rest in peace... Love love sissy ko