Victory and Humanity: Upholding Filipino Heritage and Identity

10 68
Avatar for Laurenceuuu
3 years ago

This is my entry on the essay contest on our school. Some of you will not understand this because it was written on our native language, Tagalog.

To my fellow Filipinos, feel free to ignore this but if you want to read it, please leave your feedback if possible. I'm accepting constructive criticism to improve this.

I included the key points and the outline while writing this. The outline will consider as the summary of the whole context.

KEY POINTS

  • Commemoration- pagdiriwang

  • Solidarity- pagkakaisa

  • Uphold- support.

  • Heritage- pamana

THEME: VICTORY AND HUMANITY: UPHOLDING FIIPINO HERITAGE AND IDENTITY

OUTLINE:

  • Ang mga Pilipino ay kilala dahil sa natatanging ugaling moral ng bawat isa

  • Hospitality

  • Pagmamano

  • Ito ay namana natin sa ating mga ninuo na talaga naming naiiba at marapat lamang na ipagmalaki

  • Bukod sa mga ugaling ito, kilala rin tayo bilang palaban pagdating sa ibat-ibang larangan.

  • Katulad ng isports na boksing, Manny Pacquiao

  • Miss. Universe

  • Sa kasalukuyan ay tanging sa mga Pilipino mo lamang makikita

  • Nagpapasalamat sa pamana ng ating mga Pinuno

  • Ang natatanging lakas, ugali at ganda ay namana sa ating mga ninuno

  • Kaya, nakakatuwang ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-500 na anibersaryo ng pagkapanalo sa Mactan ng isa sa mga itinuturing na unang bayaning Pilipino, si Lapu-lapu.

ESSAY

Ang mga Pilipino ay kilala dahil sa natatanging ugaling moral ng bawat isa. Isang halimbawa nito ay ang pagmamano, tayong mga Pilipino ay tinuruan ng ating mga ninuno kung paano magbigay galang sa simpleng pagkilos ng ating mga kamay na talaga namang natatangi sa ibang bansa. Sa katunayan, nakalakihan na ito ng bawat isa sa atin at patuloy na isinasalin sa mga susunod pang mga henerasyon. Isa pang ipinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang pagpapakita o pagbibigay ng kabutihang loob sa bawat isa. Ang halimbawa nito ay ang pagtanggap ng may galak sa puso ng may bahay sa mga bisita, malugod natin silang tinatanggap at pinapapasok sa loob ng ating mga tahanan, kung minsan pa nga ay inaalok pa natin ang mga ito ng pagkain upang maiparamdam na ang bawat isa ay malugod nating tatanggapin. Ang mga ugaling ito ay namana natin sa ating mga ninuno kaya marapat lamang natin silang irespeto at igalang. Kung hindi dahil sa kanila ay maaaring wala tayo ng mga bagay na ito.

Bukod sa mga ugaling ito, hindi rin tayo nagpapahuli pagdating sa iba’t ibang larangan tulad ng isports. Sa katunayan ay maraming beses na tayong nakatanggap ng gintong medalya at kilala sa iba’t ibang panig ng mundo nang dahil sa mga nakamtan nating papuri. Kung meron tayong isports na kadalasang ginagamitan ng lakas, kilala rin ang mga Pilipino pagdating sa ganda, itsura, at talino. Tayo ay kilala sa pagtatanghal ng naiibang ganda, nito lamang nakaraang taon ay kinoronahan ang kinatawan ng Pilipinas na si Catriona Gray bilang Ms. Universe 2018 dahil sa natatangi nitong ganda, talento, at ugali. Talagang nakamamangha ang mga Pilipino pagdating sa iba’t ibang larangan at halatang hindi papayag na magpahuli upang itayo at ipagmalaki ang dugong Pilipino.

Sa kasalukuyan, ang mga katangiang ito ay halos sa mga Pilipino mo lamang makikita. Hindi naman ito maitatanggi dahil ang mga natatanging ganda, lakas, talino, at galing ng bawat isa sa atin ay nanggaling at namana natin sa ating mga ninuno na marapat lamang nating bigyan ng pasasalamat at patuloy na isalin sa mga susunod pang mga henerasyon nang sa ganoon ay matuklasan at maranasan nila kung paano maging isang tunay na Pilipino.

Kaya naman, nakatutuwang isipin na nabibigyan natin ng panahon at araw ang ating mga bayani upang ipagdiwang at bigyan sila ng pagkilala bilang isang bayani ng Pilipinas. Isa na rito si Lapu-lapu na kinikilalang unang bayaning Pilipino matapos niyang manalo sa Mactan laban kay Magellan. Kasabay ng ika-500 anibersaryo ng pagkapanalo natin sa Mactan, sabay-sabay nating ipagmalaki na tayo ay mga Pilipino.

—END—

After reading the whole context, you can leave your comment even it is negative comments, I'm not expecting to win this but I want to improve it.

If you are the judge, are you satisfied with this and do you think that the content is related on the theme? Thank you!

9
$ 10.70
$ 10.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Crackers
$ 0.05 from @Jnavedan
+ 4
Sponsors of Laurenceuuu
empty
empty
Avatar for Laurenceuuu
3 years ago

Comments

Comments:

  1. Have an opening sentence or paragraph that will summarize what you are presenting in the essay.
  2. Break up your paragraphs, they are too long. Make it easier to read with 2 or 3 sentences per paragraph. You can allot more than one paragraph for every subheading.
  3. Avoid using synonymous words in the same sentence or paragraph (i.e. respeto, igalang)
  4. What do you mean by ugaling moral?
$ 0.03
3 years ago
  1. Thank you for that suggestion, I will do it.

  2. It looks long in mobile phone but the paragraph is based on “Desktop". Besides, the essay should be more than 400 words.

  3. Okay po thank you edit ko po ito.

  4. Hehe I thought they are good to combine...I can't explain I will edit it na lang po.

Salamat po sa feedback very helpful:)

$ 0.00
3 years ago

I read it using a desktop not a phone. And you can still have more than 400 words. You just need to shorten paragraphs for ease of reading. Good luck!

$ 0.00
3 years ago

Thanks for the suggestion and support!

$ 0.00
3 years ago

Napakainformative bro. Dagdag ko lang sa iyong sinambit, talagang nakakahanga din ang suporta ng bawat pilipino—lalo sa Miss Universe at iba pang laban ng ating mga pambato sa ibang bansa. Makikita natin na halos lahat ay nagkakaisa sa pagsuporta sa ating nga pambato; mapasocial media man o personal na suporta. Hindi din mawawala ang kaugalian ng isang pilipino na mahilig 'mangbash' ng kapwa pilipino tuwing may laban ngunit mas madami pa din naman ang sumusuporta. Ito ay kadalasang makikita at mararanasan sa kasalukuyang panahon.

$ 0.03
3 years ago

Salamat sa iyong suhestiyon! Idadagdag ko na lamang ang iyong mga sinabing impormasyon😁

$ 0.00
3 years ago

Correct mo lang yung ibang typo. Tapos pwede mo pa dagdagan ang kagandahan ng asal para d bitin. 😍

$ 0.03
3 years ago

Salamat po! Try ko yang idagdag sa first paragraph😁

$ 0.00
3 years ago

Thanks sa upvote. Sana manalo ka 😍

$ 0.00
3 years ago

Salamat po. Sana nga hehe

$ 0.00
3 years ago