This is a short story written by Laurenceuuu. Our teacher ask us to create a "dula" but since we're in pandemic, we can't act it so she said to write a script. Only a script. I also decided to publish this so my effort will not be in vain because who knows that Rusty will also tip this, right? Additionally, I can't write an article because this week will be the hell week for me. Take note that I put a corny lines in this story so...yeah forgive me, I'm not that good in writing a story. I can't think a good plot. Let's start!
MGA TAUHAN:
EIDEN
ZANDRIELLE
LANCE
KNIGHT
MANG LUCAS
SIMULA:
Tila huni ng ibon ang maririnig sa ganda ng boses ng isang binatang nagngangalang Eiden. Kasama ang kanyang mga kaibigan, inaalay niya ang kanyang awitin sa pinakamagandang babae na nakilala niya, si Zandrielle.
EIDEN: Oh minamahal kong Binibini...(umaawit)
LANCE: Bumaba ka na d'yan Zandrielle!
KNIGHT: Oo nga! Huwag ka ng magpakipot pa!
Sigawan ng dalawang kaibigan ni Eiden matapos nitong haranahin si Zandrielle katulong ang mga kaibigan. Agad namang siniko ni Eiden ang dalawang kaibigan senyales na tumigil sa kanilang ginagawa.
EIDEN: Oh Binibini awitin ko'y iyong tanggapin! Binuo sa matagal na panahon gamit ang buong puso't isipan na ikaw lamang ang laman!
ZANDRIELLE: Tigilan mo ako Eiden sa mga busilak at matatamis mong salita! Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan mo! Bigla ka na lamang nagiging makata diyan samantalang marami ka namang napupusuan.
EIDEN: Ilang beses ko pa bang papatunayan ang sarili ko para magustuhan mo?
ZANDRIELLE: Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo, ang kailangan mo lamang ay maging totoo at walang niloloko kahit na ang iyong sarili.
Hindi na nakasagot pa si Eiden sa sinabi ni Zandrielle nang biglang dumating ang ama nito galing sa trabaho. Mabait ito ngunit strikto pagdating sa pagnonobyo lalo na at nag-iisang anak si Zandrielle.
MANG LUCAS: Nandito ka na naman!? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi pa pwedeng mag nobyo ang anak ko!?
EIDEN: Mano po—
Hindi na nito natapos ang sasabihin niya nang tanggalin ng ama ni Zandrielle ang kamay nito sa pagkakahawak nito.
MANG LUCAS: Huwag mo akong mahawakan at hindi ako boto sa iyo! Umalis na kayo ng mga kaibigan mo!
EIDEN: Sige po pasensya na po, paalam na Zandrielle! Hanggang sa mul—
MANG LUCAS: Aba talagang hindi ka nakikinig ha!? Umalis na kayo!
LEO: Tara na pare, next time na lang ulit.
Hindi man boto sa kanya ang ama ng minamahal niya ay alam niyang dadating din ang araw na papayag na rin ito.
LANCE: Paano na 'yan ngayon pare? Hindi pala boto sa iyo eh!
KNIGHT:Oo nga! At isa pa, mukhang ayaw din sa iyo ni Zandrielle ah?
EIDEN: Ano ba kayo? Ganoon talaga kapag nanliligaw! Isa pa, mahirap talaga sa una. Lahat naman kailangan nating paghirapan. Sabi nga nila "Kapag may nilaga, may tiyaga".
Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan at saka sabay na tumawa ng sobrang lakas.
LANCE: Hahahaha alam mo pare mahilig ka talaga magpatawa! Hahaha diba Knight?
KNIGHT: Hahaha Oo pare! Dapat kasi pare "Kapag may tiyaga, may nilaga" baliktad yung sa'yo hahaha.
Malakas na tawanan ng dalawa habang si Eiden naman ay namula at tila nag-iisip ng maaaring sabihin.
EIDEN: A-ano ba naman kayo? Hindi kayo makakuha ng biro! Sinadya ko iyon para mabawasan ang lungkot!
KNIGHT: Ah talaga? Sige kunwari naniniwala ako hahaha.
LANCE: Pabayaan na natin siya Knight, halata namang naghahanap lang iyan ng malulusutan hahaha. Oo nga pala, paano na ang gagawin mo pare? Mukhang mahihirapan ka sa sitwasyon ninyong dalawa ah?
EIDEN: Bahala na pare, basta kailagan ko lang ipakita na seryoso ako. Narinig niyo ba ang sinabi ni Zandrielle kanina? Ang ganda ng sinabi niya ano? Iyon siguro ang dahilan kung bakit ginusto ko siya. Matalino, maganda, simple at lahat ng positibong katangian na hinahanap mo sa babae, siguro nga ay perpekto na siya.
KNIGHT: Wala namang perpektong tao sa mundo pare. Isa pa, hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao kung dahil lang ito sa ugali o pisikal na anyo niya, kung ganoon ang dahilan mo, humahanga ka lang hindi nagmamahal.
LEO: Aba tingnan mo nga naman itong kaibigan natin! Humuhusay na sa pagsasalita at pagpapayo ah?
KNIGHT: Ano ka ba? Nagsasabi lang ako ng totoo. Ano pare? Tama ba ako?
Hindi nakasagot ang binata, sa halip ay tumahimik na lamang ito at tumuloy sa paglalakad dala-dala ang mga salitang binitawan ng kaniyang kaibigan.
Lumipas ang magdamag at nagsimula ng tumilaok ang mga manok. Kulang man sa tulog ay pinilit pa din ni Eiden na bumangon sa higaan upang makapasok sa paaralan. Ngayong araw ay plano niyang sunduin si Zandrielle sa kanilang bahay.
EIDEN: Kailangan ko ng kumilos, susunduin ko pa si Zandrielle.
Nagmadali na siya at saka dumiretso palabas ng bahay. Nasa kabilang kanto pa lamang ay tanaw na niya ang magandang imahe ng babae.
EIDEN: Zandrielle! Zandrielle!
ZANDRIELLE: Ano ba? Kanina ka pa tawag ng tawag Eiden!
EIDEN: Buti kilala mo ako?
ZANDRIELLE: Nakabisa ko na ang boses mo! Ikaw ba naman ang kausapin araw-araw.
EIDEN: Sus! Miss mo lang siguro ako!
ZANDRIELLE: Luh asa ka!
Tinawanan lamang siya ni Eiden habang tinitigan lamang ito ni Zandrielle at bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso nito.
EIDEN: Oh baka ma-inlove ka ha? Pabor sakin 'yan!
ZANDRIELLE: H-hindi ah! D'yan ka na nga.
Takbo ni Zandrielle habang namumula nang dahil sa hiya. "May gusto na ba ako sa kaniya?" tanong nito sa kaniyang sarili.
Nagtuloy-tuloy ang araw na ganoon ang nangyayari sa kanilang dalawa. Hatid doon sundo dito. Tawanan doon, tawanan dito. Hindi namalayan ni Zandrielle na unti-unti na itong nahulog sa binata.
ZANDRIELLE: Sige papayagan na kitang manligaw, basta alam mo naman ang mga ayaw ni Papa ha?
EIDEN: Talaga!? Totoo ba 'yan? Oo sige! Sa bahay kita liligawan hindi sa daan o kung saan-saan man!
Hindi maipaliwanag ang tuwang nararamdaman niya, pakiramdam niya ay nakamit na niya ang matagal na niyang pangarap.
***
EIDEN: Papatunayan ko po na mahal ko talaga ang niyo. Mamahalin ko po si Zandrielle.
MANG LUCAS: Lintik na bata ito masiyadong mapilit! Osige pumapayag na ako—
EIDEN: YES! Salamat p—
MANG LUCAS: Anong yes yes ka diyan? Kailangan niyo munang magtapos! Kapag nakapagtapos na kayo ay ako mismo ang magtutulak sa inyong magpakasal. Nakikita ko naman sa iyong mahal mo talaga ang anak ko. Ayaw ko lang mapabayaan niya ang kaniyang pag-aaral.
EIDEN: Wala pong problema iyan, pinapangako ko po na tatapusin namin ng sabay ang aming pag-aaral.
MANG LUCAS: Mabuti kung ganoon, oh siya dito ka na kumain iho at medyo dumidilim na rin. Hindi ka maaaring tumanggi dahil ako mismo ang nagsabi.
EIDEN: Sige po, maraming salamat po sa pagpayag niyo.
***
Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon. Magkasama nilang natapos ang kolehiyo, masaya at may tunay na pagmamahalan. Nagplano ng kasal at ng kanilang kinabukasan. Ngunit totoo ngang malupit and tadhana, tulad ng ibang relasyon, hindi rin ito perpekto.
DOKTOR: Huwag po kayong mabibigla ngunit siya po ay may malubhang sakit, ito po ay ang unti-unting paglaki ng kaniyang puso na kapag hindi naagapan ay maaaring humantong sa hindi magandang pangyayari.
ZANDRIELLE: Ano po ang dapat at pinakamaganda naming gawin upang maiwasan ito? May solusyon pa po ba dito?
DOKTOR: Sa ngayon, bibigyan ko po kayo ng reseta na iinumin niya araw-araw. Dapat ay walang laktaw upang mapabagal natin ang paglaki ng kaniyang puso. Ngunit kung ako ang tatanungin, mas maganda kung dumaan siya sa isang operasyon upang mapalitan ang kaniyang puso at maiwasan ang pinakaayaw nating mangyari.
Napaiyak na lamang si Zandrielle nang malaman ang kalagayan ni Eiden. Matapos ang ilang taon nilang pagsasama ay tila ito na ang pinamabigat at malakas na batok sa kanilang buhay. Sa huli ay binigyan na lamang muna sila ng reseta ng doktor habang wala pang tiyak na donor.
EIDEN: Malalampasan din natin ito, pero dapat maging handa tayo. Handa na ako sa kahihinatnan ko ngunit hindi ko kayang iwan ka ng mag-isa.
ZANDRIELLE: huwag kang magsalita ng ganiyan dahil wala namang mangyayari sa iyo. Ang kailangan lamang natin ay lakas ng loob, magdasal tayo at humingi ng gabay sa Maykapal.
EIDEN: Napakaswerte ko sa iyo. Mahal kita. Kailangan na nating makahanap ng donor upang mabuhay pa ako ng matagal. Madami pa tayong pangarap na kailangang matupad.
ZANDRIELLE: Mahal din kita, kailangan mo pang magpalakas.
Habang nag-uusap sila ay biglang may kumatok sa kanilang pinto.
ZANDRIELLE: Sino 'yan?
MANG LUCAS: Ako ito anak
ZANDRIELLE: Papa! Pasensya na hindi kami nakakabisita sa bahay. Naging busy kaming dalawa. Pa, mahal ko si Eiden. Ayaw ko pa siyang mawala. Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin Pa? Nahihirapan po ako...
Umiiyak na sabi ni Zandrielle habang nakayakap sa kaniyang ama.
MANG LUCAS: Shhh. Walang mangyayaring masama sa nobyo mo. Ano ka ba bakit ka umiiyak? Tumigil ka diyan dahil alam kong ayaw ng nobyo mong nakikita kang umiiyak. Naiintindihan kita, pero bilang ama kailangan kong gumawa ng paraan. Tutulong akong maghanap ng donor, tumahan ka na anak dahil nasasaktan din ako sa tuwing makikita kitang nahihirapan.
ZANDRIELLE: Salamat Papa. Mahal na mahal kita, ikaw ang pinakamabuting ama sa buong mundo.
MANG LUCAS: Mahal din kita anak. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti at ikasasaya mo. Sige na, tumigil ka na diyan dahil hinihintay ka na ng iyong nobyo.
***
Lumipas ang apat na buwan ngunit wala pa ding paramdam ng isang donor. Unti-unti ng nanghihina at namamayat si Eiden ngunit si Zandrielle at ang kaniyang ama ay patuloy pa ding lumalaban at hindi nawawalan ng pag-asa kaya naman naghahanap pa din sila ng donor. Hanggang isang araw ay biglang may tumawag sa telepono nina Zandrielle.
KABILANG LINYA: Magandang umaga po, ito po ba si Zandrielle?
ZANDRIELLE: Opo ito nga. Sino po ba ito?
KABILANG LINYA: Narito po ako upang sabihin na may donor na po ang inyong ksintahan na si Eiden.
ZANDRIELLE: Talaga!? Ano po ang pangalan niya? Kailan po ang operasyon? Ano po ang kailangan naming gawin?
KABILANG LINYA: Ang sabi po ng donor ay huwag na munang sabihin ang pangalan niya. Ayaw muna daw po niyang magpakilala. Ang operasyon po ay gagawin sa ikatlong linggo ng buwan dahil kailangan muna pong ikondisyon ang katawan ng dalawa. Ihanda niyo lamang po ang mga dokumentong ibibigay sa inyo ng doktor niya.
ZANDRIELLE: Ganoon po ba? Pakisabi na lang po ay maraming maraming salamat!
Bakas sa mata mi Zandrielle ang tuwa, dali-dali niya itong ibinalita sa kaniyang ama at sa kaniyang nobyo na si Eiden.
MANG LUCAS: Talaga anak? Mabuti naman at maooperahan na si Eiden.
ZANDRIELLE: Oo naman po Papa! Napakabait talaga ng Diyos sa atin. Mabuti na lamang at nandito ka palagi upang gabayan ako, Papa.
MANG LUCAS: Ginagawa ko lamang ang dapat gawain ng isang ama. Mahal na mahal kita anak.
ZANDRIELLE: Mahal na mahal din po kita Papa.
***
Dumating na ang araw ng operasyon, tila di susing laruan si Zandrielle na palakad-lakad nang dahil sa pakiramdam niya. Kinakabahan dahil baka mamaya hindi maging matagumpay ang operasyon at masaya din dahil sa wakas ay may tiyansa ng mabuhay ang kaniyang kasintahan.
EIDEN: Basta kahit anong mangyari sa operasyon ko, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Hindi ko maipapangakong makakabalik pa ako ngunit gagawin ko ang lahat upang lumaban. Para ito sa kinabukasam nating dalawa. Mahal na mahal kita.
ZANDRIELLE: Mahal na mahal din kita, gawin mo ang lahat. Lumaban ka Eiden, magkakaroon pa tayo ng masayang pamilya.
EIDEN: Mahal din kita.
Ipinasok na si Eiden sa Operation Room. Ang sabi ng mga doktor ay baka abutin ng dalawapu't apat na oras bago matapos ang operasyon dahil sobrang delikado nito. Halos lumabas na ang puso ni Zandrielle dahil sa kabang nararamdaman niya hanggang sa lumabas ang mga doktor sa silid.
ZANDRIELLE: Ano pong balita, Dok? Kumusta po si Eiden?
DOKTOR: Masaya akong sabihin na tagumpay ang operasyon. Sa ikalawang araw ay inaasahan namin ang paggising niya.
ZANDRIELLE: Maraming Salamat po Dok!
DOKTOR: Kailangan din nating magpasalamat sa donor niya dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi mangyayari ang araw na ito.
ZANDRIELLE: Naku Oo nga po! Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya. Nasaan po ba ang kaniyang pamilya? Sana man lang ay nakapagpasalamat ako.
DOKTOR: Sa totoo nga ay may binigay na sulat sa akin ang donor ng iyong nobyo dalawang araw na ang nakalilipas. Ang sabi niya ay ibigay ko daw sa iyo ang sulat na ito pagkatapos ng operasyon. Ito ang sulat. Sige diyan ka muna dahil may gagawin pa ako.
ZANDRIELLE: Maraming salamat po ulit Dok.
Walang ano-ano ay tinanggap ni Zandrielle ang sulat. Nang makalayo na ang Doktor ay tsaka niya ito binuksan at binasa.
"Zandrielle,
Kung binabasa mo ito ay malamang alam mo na kung ano ang nangyari. Alam kong lalaban ang iyong nobyo kaya malakas ang loob kong gawin ito. Nakikita ko sa mga mata niyang mahal ka niya, nakikita ko rin ang ngiti mo sa tuwing magkasama kayo. Mahal n'yo ang isa't isa, alam ko. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam ng pormal sa inyo. Pakisabi na lamang sa iyong nobyo na mahalin ka niya nang higit sa pagmamahal ko. Mag-iingat kayong palagi. Mahal na mahal kita. Matanda na ako at sapat na ang mga narasanasan ko upang lisanin ang mundong ito. Mahal na mahal kita, anak.
Nagmamahal, Papa"
Tila babaha ng luha sa ospital matapos niyang mabasa ang sulat. Ngayon alam na niya kung bakit wala ito sa tabi niya. Alam na niya kung bakit hindi nagpapakilala ang donor ng kaniyang kasintahan. Ngayon ay naintindihan na niya kung gaano kamahal ng isang magulang ang mga anak nila.
—WAKAS—
What are your thoughts about this story? Did you like it? Let me know in the comment section! Thanks for reading!
Awwww. Grabe naman yung ending... Grabe na ituuu. Pwede na!