Nutrition ay isa sa pinakamahalagang pag tuunan natin ng pansin.Sa araw araw nating pamumuhay naging busy tayo sa paghahanap ng mga paraan para maging komportamble ang ating pamumuhay.Pagkain ng mga masasarap ay isang regalo para sa ating sarili ngunit nakakalimutan na natin kung tama at kung nakakabuti paba ito sa ating katawan . Sa panahon natin ngayon karamihan sa atin online ang naging trabaho, nakaupo lang sa harap ng computer buong shift,kulang na sa excercise ang ating mga katawan,pagdating ng bahay sa gabi di na agad makatulog ng maaga kasi minsan may facebook at youtube pang inuuna,hindi na nakakatulog ng walo or anim na oras kung gabi,Pano na ang ating nutrition kung ganun?
Mas lalo sana nating ingatan ang ating katawan sa panahon ngayon kasi tanging immune system lang natin ang makakatulong na labanan na hinaharap nating kalaban sa ngayon.hindi tayo pwede magkulong sa bahay para maiwasan ang ating kalaban dahil may mga pamilya tayong kailangan buhayin at pakainin kaya kahit nakakatakot at mahirap makipag habulan sa mga virus sa labas, wala tayong magawa kundi makisalamuha sa mga kalaban,ang tanging sandata lamang natin para manalo ay ang pagdasal at pananalig sa ating Puong May kapal at patibayin natin ang ating immunes system sa pagkain ng masustanshang pagkain,mag inum ng maraming tubig,pagtulog sa tamang oras at higit sa lahat panatilihin ang kalinisan sa ating kapaligiran lalo na sa ating katawan para manatili tayong masustansha.
Nakakalungkot lang isipin na may mga batang namamatay dahil sa Malnutrition,sinasabi nating di nakakamatay ang gutom ngunit may iilan sa mga bata dito sa ating bansa ang namamatay dahil sa kakulangan sa nutrition.mabuti nalang na kahit papano binibigyan ng pansin ng ating pamahalaan ang Nutrition,kaya iilan lang ang namamatay ngunit dapat sana talaga walang umabot sa kamatayan dahil lahat tayo may karapatang kumain.Masolusyunan agad ang Malnutrition kung mabibigyan pansin agad..