Bakit di ginawang korso ang pagiging isang ina?

10 73

Bilang isang first time mom hindi ko inexpect ang mga bagay bagay na nangyari sa buhay ko. Simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak. Marami akong naranasan na sobrang nagbigay nang saya at lungkot sa buhay ko. Marami akong tanong na hanggang ngayon ay walang sagot at marami rin akong gustong gawin na di ko magawa. Bakit ganon? Wala man lang nakapagsabi sakin na ganito pala. Bakit may mga tao na imbis na turuan ka ay huhusgahan kapa. Sana napag-aaralan sa eskwela ang pagiging ina. Gusto kong maliwanagan ang sarili ko at maipaintindi sa ibang tao kung bakit ganito ako. Bakit ganito tayo?

Una, sa pagbubuntis ko maraming bagay ang iniwasan ko. Gala, inom at mga kaibigan. Lalo na at kasagsagan nang pandemya. Noon sobrang concern ako sa health nang baby ko na kapag bawal kainin o inumin ay di ko tinitikman. Pero nung nagtagal parang naisip ko na kawawa ako. Di ko makain gusto ko, nagagalit ako sa isip ko na ang daya naman nang ganito. Naramdaman niyo rin ba yon? Alam ko naman na yun ang makakabuti sa baby ko pero minsan nagchecheat ako para lang gumaan loob ko at masatisfy sa cravings ko. Masyado din akong emosyonal, konting taas lang nang boses nang asawa ko naiiyak na ako. Mainis lang sya nang konti sakin feeling ko hindi na niya ako mahal. Pag hindi niya ako pansinin maiisip ko agad na nagsawa na siya sa akin. Parang ewan talaga. Akala ko hanggang don lang ang emotional struggles ko. Hindi pala. Nung nanganak ako mas grabe ang struggles ko mentally. Parang papunta na sa depression. Siguro na trauma ako sa paglalabor ko. O talagang ganon pag nanganak? Kasi hindi nman ako pinababayaan nang mga biyanan ko pati nang asawa ko pero yung feeling ko ibang iba. Ang daming emosyon na pumapasok sa isip ko na hindi ko ma control. Nagagalit ako kapag pinaghahandaan ako nang pagkain. Ayaw na ayaw ko na parang bini-baby ako. Gusto kung gumalaw nang normal pero palagi akong pinag-iingat. Sa paglalakad, pagtayo, at marami pa. Kahit magbukas nang bintana ay hindi ko pwedeng gawin. Naiisip ko na wala akong silbi. Kahit sa pag-alaga sa anak ko hindi ko magawa. Hanggang breastfeed lang ako tapos wala na. Titingnan ko lang anak ko sa higaan niya buong araw. Sobrang hirap pa kasi hindi ko ma breastfeed nang maayos si baby. Isang kalbaryo sakin ang mga unang linggo nang panganganak ko. Gusto kong ipagdamot anak ko. Grabe ang kaba ko kapag umiiyak sya. At naiingit ako pag nakikita ko na pinapa-breastfeed siya nang sister-in-law ko. Ayoko nang ganon mas gusto ko pa na mgbottle feed anak ko wag lang i.bf nang iba. Naiinis ako kasi hindi man lang ako tinanong kong okay lang na ganon. Parang wala na akong say sa anak ko. Dumating yung panahon na hindi ko na napigilan sarili ko, ngbreakdown ako. Umiyak ako nang umiyak kasi hindi ko na kayang pigilin yung mga emosyon na gumugulo sa isip ko. Yung frustration ko pag hindi namin napapatahan agad si baby. Ayoko na ng eenterfer sila sa pag-aalaga namin sa baby ko. They have their time, pag kami nag aalaga parang nagagalit sila na bakit di namin mapatahan. We are trying our best. Wala pang isang minuto kukunin agad samin yung baby. Pano kami matututo? Pano ko mafefeel yung pagiging nanay ko kung iaasa ko sa kanila yung pagpapatahan sa baby? Pati sa pagtulog nang anak ko minsan hindi ako ang katabi. Masama ba na sumama ang loob ko? Tama ba ako sa nararamdaman ko? Ganon lang ba ang reaksyon ko dahil kapapanganak ko palang? Hindi ko na alam ang sagot. Basta ang alam ko gusto ko lang na gumaling na ako at alagaan ang anak ko.

Sobrang nagpapahina nang loob ko yung pag didisagree nang asawa ko sakin. Yung tipong sya ang hinuhugutan ko nang lakas pero siya rin nagpapahina sakin. Gusto niyang intindihin ko yung parents niya. Na ang gusto lang nila ay tulungan kami. At alam ko naman yun pero bakit sila ang dapat kong intindihin. They are on their right mind, ako ang hindi. Magulo isip ko, sensitive ako at sugatan pa ko. Bakit sila ang iintindihin ko. Bakit? Kung talagang gusto nilang tumulong maiintindihan nila desisyon ko. Nagagalit sila kasi ginusto ko na umuwi sa amin para doon magpagaling. Eh doon ako komportable. Mas matutulungan ako nang parents ko kasi mas kilala nila ako at hindi ako mahihiyang sabihin ang gusto ko. Kung hindi kami lilipat baka mabaliw na ako o mas worst pa don. Hindi sila sang-ayon kasi nalulungkot sila pag wala si baby. I ask him, sino ba ang magdedesisyon? Tayo o sila? Nagagalit ako kasi mas naiintindihan niya parents niya kaysa sakin. Isang milyong salita pa ang kinailangan kong sabihin sa kanya bago siya ngparaya sakin. Sumang-ayon siya kahit alam kung hindi parin niya lubusang naiintindihan kung bakit ganon ako. Sana marunong mag research yung mga asawa natin tungkol sa mga ganitong bagay. Sana na aaral din kung pano maging isang supportive na asawa. Siguro kung hindi ako marunong mag explain at hindi marunong makinig asawa ko, baka naghiwalay kami. Nakikita ko naman na ginagawa nang asawa ko ang lahat. Sobrang nagpapasalamat ako na kahit papano ay sinusubukan niya na intindihin ako. Sana nakatagpo din kayo nang ganon.

Sana ay subaybayan niyo ang susunod kung kwento. Dito malalaman niyo kung anu ang naging karanasan ko nung nanganak ako sa ospital sa kasagsagan nang pandemya.

CC(Photo above is from uplash)

10
$ 3.55
$ 2.80 from @TheRandomRewarder
$ 0.50 from @Sel
$ 0.20 from @Jane
+ 1
Sponsors of LaineB
empty
empty
empty

Comments

Welcome to read cash balyn! You're doing great as a first-time mom. All your feelings are valid so don't think otherwise. Ate loves you and our family loves you. Keep fighting. Love you

$ 0.00
User's avatar Sel
2 years ago

Thanks sis. Love lots..

$ 0.00
2 years ago

Welcome here.
May anak kna ngayan?.. Please read the rules and interact ha iba pra magka readers ka

$ 0.00
2 years ago

Thanks po.

$ 0.00
2 years ago

Opo..hehe.cge po magbasa ak.

$ 0.00
2 years ago

Ganyan ako dati, ngunit di ako umabot sa halos mabaliw na, kasi pag gusto kong umuwi sa amin, walang problem sa asawa ko, kung nasan kami doon siya kung san ako masaya. Buto nalang naintindihan ka ng asawa mo hehe.. kumusta baby mo ngayon sis?

$ 0.00
2 years ago

Okay naman sya sis..okay na kami ngayon.

$ 0.00
2 years ago

Buti naman sis.

$ 0.00
2 years ago

Ang buhay may pamilya ay nararapat na handa ang dalawang pusong nag-mamahalan. Sa mga responsibilidad at pag sasakripisyo lalo na ang isang pagiging ina.

$ 0.01
2 years ago

Tama po. Kailangan talagang maging handa sa mga di inaasahang pangyayari. Mabuti nalang at mahal namin ang isat isa na kahit mahirap di kami bumibitaw.

$ 0.00
2 years ago