A little insight about me part 1
June 10, 2022
Magandang gabi po sa lahat na nandito sa Platform na ito.
Bagong gawa ko lang ang account na ito, someone introduced me this site. She tell me if I wanted to earn some crypto which is bch need ko mag join dito. She say's also na no need to write an english word here. I am not good at talking or written an english word maybe you are noticing some of my grammar is not perfert but still i will trying my best to be part of this site, especially if I can earn extra money by doing this article of mine.
For today's article I wanted to introduced myself by telling the story about my user name. Lady_Pen is my user name here, i dont want tio share my real name because I don't want to enclosed my private information to anyone. Pasensiya na po kayo kung may pag ka mysterious effect muna ang peg ko. Sabi naman nung nag reffer sakin as long as hindi ako gumagawa ng pinag-babawal sa rules ay wala namang masama kung hindi ko ishare ang real name ko maging ang aking personal information like birthday. Ayoko kasi nba malaman na matanda na ko,pero walang pinagkatandan (joke). About my penname, mahilig po kasi akong mag-sulat mapa tula or likhang isip na kwento. Pangarap ko po kasi maging writer at hanggang ngayon is umaasa ako na matupad ko ang pangarap ko na yun,marahil itong site na ito ang isa sa magtutupad ng aking pangaerap. Ang mabasa ng iba ang aking mga nais ikwento ay isang malaking pasasalamat at marahil ay magiging stepping stone ko sa pag-tupad ko sa aking matagal ng pinapangarap.
Noon lapis/ballpen at notebook lang ang aking gamit pero ngayon lumilevel up na.
My hobbies
Watching MOVIES/TELEDRAMA
Isa sa aking mga hobbies ay ang manonood ng drama, any drama lalo na kung mag oopen ito para makapag-isip ako ng sarili kong kwento ay natutuwa ako. Kadalasan na mga pinapannod ko ang sikat na K-drama, pero kahit anong palabas pa ay gustop ko lalo na kung wala akong ginagawa. Ang mga gusto kong genre is RomCom(RomanticComedy) type kop rin yung mga may thriller and drama lalo na kung nag-eemote ako, kadalasan mga pinapanood ko ay drama talaga. Gusto ko yung tipong iluluha ko yung bigat na dala dala ko then after ng nakakalungkot ay yung romatic comedy naman, parang sira ano po? pero ganun po talaga ako.
Kayo po ba anong mga hilig niyong panoorin sa tuwing may dinaramdam kayo or ang bigat ng nararamdaman niyo?Comment niyo po baka same tayo ng trip.
SINGING
Isa ang pag-kanta sa aking mga hilig gawin, pero more on OPM song ang gusto ko kasi sabi nila mahalin ang saring atin. Favorite song ko ay mga kanta ni JESSA SARAGOZA, JAYA, REGINE, DONNA CRUZ at iba pa. Basta I LOVE FILIPINO SONG. Gusto ko din naman ang ibang kanta na galing sa ibang bansa ngunit syempre dahil sa ako ay Filipino more on Filipino song ang usually na kinakanta ko tuwing kami ay nag vivideoke ng aking pamilya. Isa ang pag-vivideoke sa aming Family Bonding, lalo na kung sasapit ang araw ng Linggo. Ewan ko ba? bakit nga ba tuwing linggo ay lahat ng kap[it-bahay namin ay nagsisimula ng magsipag-kanta. Kaya kami rin ay nakikigaya,may pangyayari pa nga na sa sobrang dikit na ng nagkakantahan ay hindi na maunawaan kung ano ba ang kinakanta. Naging remix na or nagkakaroon ng ingay nalang dahil sa hindi na maunawaan ang Lyrics ng kumakanta. Lalo na kung lasing yung may hawak ng microphone, sure yan nagiging lasing din yung kanta.
Kayo po ba? Anong bonding ang kadalasan o ussually niyong ginagawa ng inyong pamilya? koment mo lang yan ba we were same taste when it come on that.
LISTEN TO MUSIC
Isa sa nagpaparelax sakin ay ang pakikinig ng mga kanta. Lalo na kung nasa biyahe ako, nakaugaliian ko na na nakikinig ng musika. Minsan gagastos pa ako sa spotify para lamang makapakinig ng mga latest song. pero kapag tag- kuripot ay nagpapasa na lamang ako sa aking mga kaibigan( share your music) hehe
Ilang beses narin ako bumibili ng ear phone or head set dahil kadalasan ko itong ginagamit. Minsan kasi kapag murang gadget lang ay ilang araw lang ang tinatagal kaya kung ako ay papalarin na kumita ng extra dito ay mag-iinvest ako sa aking mga ginagamit pang libang. Kulang kasi ang kinikita ko para maka afford ng magandang klase na gamit kaya how i wish na mapansin ako ni green baby daw, para kahit papano is makapag-ipon. Mababaw lang akong tao, pero malalim ako mag-isip. Ako yung tao na susubukan hanggang makita ko if kaya ko ba or hindi. Pero naniniwala ako sa kasabihan na "TRY AND TRY UNTIL YOU SUCCEED" I am not good on everything but i am trying to doing everything.
Hanggang dito nalang muna ang aking pagpapakilala. Hope na even sa mga details na nasa taas ay magkakaroon kayo ng insight sa aking pagkatao. Nais ko rin na makilala kayo isa-isa kaya sana ay may makapansin ng aking article na ito. Hindi ko hangad na makilala agad agad, but still i am hoping na even my aricle was written in tagalog ay bibigyan niyo parin ng pansin. I am willing to do that too. Sabi kasi ng nag refer sakin para daw makilala ako need kong magpakilala sa iba.
Ngayon palang ay magpapasalamat na ako sa inyo.
Magandang Gabi and nice to meet you all.
Kita kits sa comment box.
ALL THE PICTURES ABOVE ARE FROM UNSPLASH
0
Welcome sa read! Pwede nmn po taglish dito at kung saan ka po komportable. Ako nga trying hard writer hehehe.