I saw my Papa walking outside our office this morning... Matagal ko siyang sinundan ng tingin at pinagmasdan.... He aged a lot... Puti na yung buhok nya, pero matikas pa rin ang katawan. While I was staring at my father, I remember my childhood days with him...
When I was a little child, I remember him giving us a kiss before we go to sleep... Ilalagay niya kaming tatlong magkakapatid sa higaan namin tapos isa-isa niya kaming bibigyan ng halik... (Hindi kami pumapayag na hindi niya kami mabigyan ng kiss bago matulog...) Then, we will say goodnight to him...
Tapos, kapag wala siyang pasok or kapag umuuwi siya galing sa trabaho, ipinapasyal niya kami gamit yung bisikleta niya... (wala pa kaming kotse noon e... ) Kakabitan nya lang yun ng side-car tapos, ayun! Ginanagala na namin yung kahabaan ng C5 na noong mga panahong iyon, e under construction pa...
Minsan, sa loob ng Libingan ng mga Bayani kami namamasyal kasama si Mama. (Mukha kasing parke yung LNMB e. hehe) At kung minsan naman, sa kampo ang deretso namin...
I can't forget my first day of school in my kindergarten... Nung umuwi si Papa sa bahay nang araw na iyon, tinanong niya ako kung ano yung ginawa ko sa klase namin. Ako naman syempre, ibinida ko yung hindi tapos na big and small letter A na ginawa ko sa notebook ko. Then he asked me kung bakit hindi ko daw tinapos... Di ako nakapagsalita... Tahimik lang ako... Akala ko, nagalit siya sa akin dahil hindi ko natapos yung ginawa ko... I silently went inside our house at umiyak ng bongga... When he found out that I was crying, lumapit siya sa akin at tinanong kung bakit ako umiiyak... His gentle voice made me cry even more kaya kinarga niya ako tsaka pinatahan... I remember him telling me na ok lang yung gawa ko. Na hindi sya galit...
With my elementary years, I remember him na hinahatid kaming dalawa ng sister ko sa school kapag hindi available si Mama... Ang gamit-gamit namin noon ay ang kanyang bisikleta. Minsan, Siya pa yung taga-sundo namin... Tapos, kapag gabi at nasa labas kaming magkakapatid, he'll gather us at saka magkukwento ng mga kwentong barbero... (parang yung mga kwento sa batibot??? hehe) O di kaya, magkakantahan kami ng mga kantang pambata...
Minsan naman, manghuhuli siya ng alitaptap o kaya salagubang para ibigay sa amin... Kapag weekend naman at wala siyang gawa, gagawan niya kami ng tarak-tarak (toy car na gawa sa lata at sirang tsinelas ) Tinuruan nya rin akong maglaro ng dama (kaya in the end, lagi ko na siyang natatalo kapag naglalaro kami noon...hehehe)
Marami akong memories na naaalala with my Dad habang isinusulat ko ito, but I can't put it all in writing... There were times that I make "tampo" with him but still, I love him so much.... He, together with my Mom, made so many sacrifices para lang maitaguyod kami... Hindi man nila kami binusog sa financial at materyal na bagay, binusog naman nila kami sa pag-mamahal at pag-aalaga...
I can say that I am blessed to have him as a father. And I can't thank the Lord enough for giving me such a loving and caring father...
same i feel you