Unconditional love

0 20
Avatar for LadyJean
3 years ago

Clifford thought that there will be a general meeting this morning. Ngunit, pagpasok niya sa conference room ay hindi niya nakita ang Board of Directors. Instead, his father was the only one sitting there, comfortably.

"Pa? I thought we're having a general meeting?"

Ngumiti ito. "This meeting is between you and me, son."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Umupo siya sa kaibayo ng kinauupuan nito.

"So, what's the agenda?" He asked indifferently.

"I'm planning a business merge."

"And?" Bigla siyang naging interesado sa sinabi nito.

Sumandal ito sa kinauupuan. "Santiago Hotels has been in existence since the 1940's. We accomodate the finest in the country. But in the late 60's, may isang Filipino-American ang nagtayo ng isa pang hotel na napantayan ang serbisyong kaya nating ibigay."

Tumango-tango siya. "Its the Alcantara's right?"

"Right."

"You're planning to merge with them?" Clifford concluded but somehow knew it was exactly his father's point.

Noon pa man ay lagi nang mag kakompetensiya ang Santiago's Hotel and Alcantara Auberges. Kung saan sila ay may branch ay mayroon din ang mga ito. Tuwing may season din ay laging parehong fully booked ang Santiago at Alcantara.

Nang minsang mag-karoon ng pool tungkol sa may pinakamaganda at accomdating na hotel last year, nag-tie ang dalawang hot sa first place.

But they never set a rivalry with the other party. Ganoon din nman ang mga ito. Walang naghihigitan sa kanila. For that two hotels, what mattered most was not about being a accomodation, pleasure and comfort on the guests .

"Isn't it a good idea?" Tanong nito.

"Well,it is. Incorporating with them would surely are the headlines," Maraming kailangang asikasuhin at kausapin tungkol diyan, Papa."

"I know."

"When are you planning to get into business with them?"..

I already did."

Nagulat siya. "What?" Without him knowing?

"I talked straight to the owner. We had a golf game las Saturday."

Sa pagkakaalam niya, kaedad ng kanyang ama ang presidente at nagmana ng Alcantara. Si Mr. George Philip Alcantara.

"What happened,then?"

Tumayo ito at tumanaw sa floor-to-ceiling glass window.

"He wants to retire like me. Marami kaming parehas gustong gawin. Like touring around the world for pleasure purposes alone. Play golf everyday, pero wala siyang mapagpasahan ng kaniyang position.

"He has a child,right?"

"A daughter. Only daughter. Ang kaso, although her daughter is willing to manage their business,still,napansin niya raw na iba ang gustong gawin nito. May mga pamangkin nman siyang lalaki mula sa mga kapatid niyang babae,pero napansin niya ring gusto lamang suluhin ng mga ito ang posisyon upang makawala ang kanyang anak sa responsibilidad. Lahat ng pamangkin niya ay deserving naman sa position ngunit gusto niya,ang papalit sa kanya ay totoong dedicated at mamahalin ang trabahong minahal niya rin.

"Looks like Mr. Alcantara's daughter is so dear.to them."

"Sa latest generation ngayon ng mga Alcantara,ang anak ni Philip ang pinakabata at nagiisang babae sa magpipinsan. That's why her male cousins adore her.

"So that's why."

"Alam mo bang pumayag siyang makipag merge sa atin?" Sabi pa ng kanyang ama.

Napatayo siya at totoong nagulat."Seriously!" Lumapit siya sa kinatatayuan nito. "That would be the biggest merge in the history of our business,if ever."

He felt excitement rushing through him. Imagine the incorporation of the two biggest and most famous hotels nationwide!.

Natawa ito sa excitement na nakikita sa kanya. "And if ever, will be hailed as the first president and CEO of both Santiago and Alcantara chain of hotels."

"Really?" Hi di na talaga siya makapaniwala.

Tumango ito. "And mind you, napagkwentohan ka rin namin. Ang sabi ko, bata ka pa lang ay nakakitaan na kita ng interes sa ating mga negosyo. Nagiisa kang tagapagmana ng lahat ng mayroon ang Santiago and you're so enthusiastic about it".

Limang taon gulang siya noon ng mahiligan ang pagpunta sa kanilang mga hotel at maglaro. Hangang sa kinalakihan niya ang paglilibot sa kanilang hotel para tingnan nman ang operations at management. Since high school, he was already looking forward to assume the role as the next president and CEO. Marami siyang plano para sa mga hotel nila. Until now,he still has those plans na unti-unti ay nababawasan dahil ang iba ay nagawa niya na.

"Natuwa siya at sinabi sa akin sana raw ay may anak siya lalaking katulad mo,pero mahal na mahal niya ang nag-iisa niyang anak at wala na siyang mahihiling pa. The daughter is a darling herself. Nakilala ko na siya when I and Philip extended our camaraderie over dinner. Palangiting bata at napakagalang," kwento pa nito. "Anyway, they invited us for dinner tonight."

"Okay. I would surely come."

"Good." Humarap ito sa kanya. "As for you ,young man the six months are finally over."

Sinasabi niya na nga ba. "I know ,Pa."

His father smiled wickedly. "Be ready to het married."

Nagkibit-balikat lang siya . May usapan sila at wala siyang naiharap ditong babae. Kung sino man ang ipapakasal sa kanya ng kanyang ama,wala na siyang magagawa.

"Joana,ano ba'ng isusuot ko?" Aligaga si Rose sa pagpili ng damit na susuotin para mamayang gabi. "Gusto ko yong maganda para hindi nakakahiya kay Clifford."

Lahat ng nka-hunger na damit ni Rose ay inilalabas niya at nilalapat sa kaniyang katawan.

"Girl,relax ka nga lang. Alas-tres lang ng hapon. Marami ka pang oras," natatawang sabi ng kaibigan.

Nagpatuloy pa rin siya sa pagpili sa mga damit. "Ayokong maging mukhang ewan sa harap ni Clifford at saka sa papa niya. Hmm,lets go shopping kaya? Tama! Bumili na lang tayo!"Ngunit bago pa siya makalabas ng pinto hinila siya pabalik ni Joana sa harap ng salamin.

"Rose, there's no need to buy one." Pinaharap siya nito sa salamin. "Look at you. You're simply gorgeous. Kahit basahan pa ang isuot mo,magagandahan sayo si Clifford."

Napangiti siyan "Really?"

Tumango ito."Malakas nga ang kutob ko na na-attract siya sayo nong kinuwento mong lumapit siya last week sayo nong gabi ng recital "

"Hindi nman siguro. Napansin niya lang daw na parang hindi ako kumportable."

"You're so naive, Rose. Of course, that's only an excuse. Knowing yong mga katulad niya,ma pride yom at hindi aamin na naa-attract siya sa beauty mo."

Natawa siya. "Joana, you're boosting up my ego."

"That's what friends are for."

Nagtawanan sila. "Eh ano ba'ng isusuot ko?"

"Mamaya mo na nga problemahin yan, Rose," anito at saka hinila ang kamay niya. "Sa ngayon, relax lang tayo,okay? Mag-swimming na lang tayo."

Hindi niya alam kung paano siya napapayag mg kaibigan. Nag-swimming nga sila sa swimming pool na nasa bakuran ng kanilang bahay. Masyado silang nag-enjoy ng kaibigan hanggang sa napansin ni Rose ang oras mula sa malaking orasan sa may patio nila.

"Umahon na kaya tayo? Malapit nang ma seven , Joana," aniya sa kaibiganna busy pa sa pagpo-floating.

"Joaan...pangungulit niya.

"Okay,fine." Nauna si Joana na umahon sa pool. Kinuha nito ang bathrobe o tuwalya man lang.

"Ay! Nakalimutan kitang ikuha. Na-excite kasi akong mag-swimming. Wait ka lang dito." Pumasok si Joana sa loon ng bahay nila.

Siya naman ay bumaba uli sa pool dahil nalaligan siya sa simoy ng hangin.Mabilis ang tibok ng puso niya. Siguro kasi ay malapit na ring dumating sila Clifford. She's so excited.

Naisipan niyang mag-float around muna,para naman kumalma siya kaunti sa excitement na nararamdaman. Ano kaya ang mangyayari mamaya sa dinner? Paano niya kaya kakausapin si Clifford? Naalala pa kaya siya nito?

Biglang nanigas ang kanang binti niya. She stopped floating. She tried to paddle,pero hindi niya mapagalaw ang kanang binti niya. Pinupulikat siya! Nasa malalim siyangparte ng pool,and she panicked nang lumubog nang lumubog siya.

"Joana!" She kept on paddling her left leg. "Joana! Help! Nakainom na siya ng tubig but still yelled for help. Sinubukan niyang pagalawin ang mga kamay ngunit parang mali ang ginagawa niya. Nagpa-panic na siya.

"Help!" She screamed at the top of her lungs. Ngunit tuluyan na siyang lumubog sa tubig. Pinigilan niya ang paghinga sa abot ng kanyang makakaya.

Then, she heard a splash. At bago pa siya maubusan ng hininga ay may matitipunong bisig na agad na pumalibot sa kanya. The next the she knew, nasa ibabaw na uli siya ng tubig

Ilang beses siyang suminghap at sumagap ng hangin. She was saved.!

Agad na yumakap siya sa kung sino man ang nagligtas sa kanya. "Oh! Thank you!"

"Are you okay?" Narinig niyang tanong ng kanyang hero.

Natigilan siya . She knew that voice.

"C-Clifford...? aniya at agad na binistahan ang mukha nito. Those dark night eyes..

Si Clifford nga!

Agad siyang napangiti. "You're my hero!" Niyakap niya uli ito nang mas mahigpit. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Her chest was pressed tightly to his.

Tumikhim ito. "Ahh... Miss...?"

Miss? Tumingin siya rito. Hindi siya nito natatandaan?

Biglang sagot sa tanong niya ay nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito. Parang gusto niyang malungkot. Hindi na siya nito natatandaan? Eh, last week lang sila nagkita at nagkakilala?

Unti-unti na siyang lumayo dito. "T-thank you." Lumangoy na siya papunta sa gilid ng pool. Sumunod naman ito pagahon niya ay nagtaka siya ng mapahinto ito.

Bago mag-alas-siyete ay dumating sina Clifford sa bahay ng mga Alcantara. Masaya silang sinalubong ng mga mag-asawang sina Mr. Philip and Mrs. Ria Alcantara.

Tinanong niya kung nasaan ang toilet upang makagamit siya. Following the instructions given to him,he was able to find the comfort room; however,the moment he go out of the room, may narinig siyang pagsigaw at parang humihingi ng tulong. Lumabas siya sa isang glass sliding door. Isang malaking pool ang nasa labas niyon at sa bandang gitna ay nakita siyang babae na nalulunod

Naging alerto siya. Agad niyang hinubad ang suot na coat at sapatos,and dived inro the pool. His instincts told him to save the girl. Mabilis naman niya itong nakuha at inahon paitaas.

When the girl called his name, nagtaka siya. At nang tumingin ito sa kanya,he felt something stir inside him. Like passion and...heat?

Damn it!

Good thing nang lumayo na ito sa kanya at muling nagpasalamat. Lumangoy na ito sa gilid at sumunod na rin siya. Pero nang umahon ito at makita ang ganda ng katawan nito sa suot na two-piece pink swimsuit, napahinto siya.

Wala itong kahit anong unwanted fat. Conservative cut ang suot nito , but she's looking sexy and hot. He immediately felt desire to get her and take her. Right then and there.

The woman was surveying his body too. Napalunok siya.

Their eyes met.

Napalunok si Rose. Habang tinitigan niya ang katawan ni Clifford ,she felt something inside her. Not the usual "kilig" but the heat...

Basang-basa ang suot nitong white loong-sleeved polo at black slacks. Nakabakat pa doon ang maganda nitong katawan. His firm muscles and abs...

Then, their eyes met.

Lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang puso. And it was getting hotter every second. She saw passion and desire in his eyes. Hindi niya alam ngunit parang nasasabik siya sa pinahihiwatig ng titig nito. Like he was promising heaven.

Unti-unti itong umahon habang hindi pa rin nagbibitiw ang kanilang mga tingin. Unti-unti rin itong lumapit sa kinatatayuan niya.

And the heat spreading through her.

When Clifford was right in front of her, he stopped. And she automatically wrapped her arms around his neck. Hinapit naman siya nito at hinalikan.

Opppsss.. pabitin muna tayo sa episode na ito...nabitin ba kayo..sa next chapter nalang natin itutuloy☺️

Disclaimer:

Ang mga pangalan,lugar na nabangit sa kwento ay pawang kathang isip ko po lamang. Ito po'y sarili kong gawa .

Kung nagustohan niyo po comment below naman po kung ano pa pwede ko bang iimprove sa pagsusulat .

Maraming Salamat po!

Thank you readcash❤️❤️❤️

1
$ 0.00
Sponsors of LadyJean
empty
empty
empty
Avatar for LadyJean
3 years ago

Comments