Unconditional love

0 28
Avatar for LadyJean
3 years ago

Nang makita ni Rose si Clifford na papalapit sa gawi niya ay agad nang tumahip nang mabilis ang puso ng dalaga.Kahit kailan ay hindi na yata magbabago ang reaksiyon ng puso niya tuwing makikita ang binata.

He look so charming in his coat and tie. Ahh! Every woman in that event was drooling over him.

"Rose, stop staring at Clifford like you're one of his obsessed stalkers."

Hindi pinansin ni Rose ang sinabi ng kaniyang kaibigang si Joana at pinagpatuloy lang ang pagtitig kay Clifford.

"Rose," tawag uli ni Joana sa kanya. "He's coming our way."

"I know".

"Huwag mo namang ipahalata na gustong-gusto mo siyang makita."

"Why? I really want to see him."

"Girl,'pakipot' is in our vocabulary!."

"Well not mine."

Nasa function hall sila ng Santiago's Hotel isang five star hotel kung saan gaganapin ang isang piano recital na kasali siya. Hotel din iyon na isa sa pagmamayari ng pamilya ni Clifford.

Nagtapos si Rose ng Kursong Hotel and Restaurant Management Nagmamay-ari rin kasi ang pamilya nila ng chain of hotels nationwide. But when her male cousins insisted on manahing their family business,hindi na siya pinilit ng kanyang ama na magtrabaho so she decided to pursue her love in music. She took Conservatory in Music at the University of the Philippines.

She's twenty-four now. Isang year na lang at ga-graduate na siya. Ngayon ay piano recital sila ng mga classmate niya para sa pagtatapos ng third year nila.

Maraming mga kilalang negosyante ang nandoon ngayon dahil may mga anak ang mga itonsa recital. Siguro ,iyon din ang dahilan kaya pinaunlakan ni Clifford ang imbitasyon ng kanilang eskwelahan para manood sa recital nila- para nman makapag-mingle din ito sa ibang negosyante.

Palapit na sana si Clifford sa kanyang kinatatayuan kaso naharangan ito ng dalawang matandang lalaki na mukhang mga negosyante.

Napasimangot siya.

"Hey, Rose." Hinila na siya ni Joana. "Magsisimula na ang recital. Pumunta na tayo sa place natin."

"Pero si Clifford..."

Joana rolled her eyes."Later na lang. Let's go na."

Wala na siyang nagawa kundi sumunod kay Joana. After ten minutes ay nagsimula na ang program. Bago magsimula ang recital proper ay sandaling naimbitahan si Clifford sa entablado upang magbigay ng maikling welcome greeting sa pagpili sa Santiago Hotel bilang kanilang recital venue. Sa maikling pagsasalita nito ay hindi niya ito hiniwalayan ng tingin.

Nakapag-dignified nitong magsalita. Full of confidence and appeal. Kaya hindi na rin siya magtataka kung ang iba pa niyang classmate ay mataman ding nakatingin habang nagsasalita ito.

Nasa kalagitnaan ito ng pagsasalita nang magsalubong ang mga tingin nila.

Agad kumabog nang malakas ang puso niya.

Oh my, Hes looking at me! He really is. Oh! How do i look? How do i look?

Nagtagal ang paghinang ng kanilang mga mata. Sobrang nagwawala na ang kanyang puso. She didn't know what to so but at the same time, she didn't want to break their eye contact.

She's already blushing. But she managed to smile sweetly at him

Nang malapit nang matapos ang speech nito ay nag-iba na ng direksyon ang tingin nito. Ngunit sapat na ang sandaling paghinang ng kanilang mga mata upang mas ma-inspire siya sa pagtugtog mamaya. Nasa business trip kasi ang mga magulang niya kaya walang manood para sa kanya.

Ngunit ang naging eye to eye contact nila ni Clifford ay sapat na upang maging kompleto ang gabing iyon.

Patuloy parin sa pagkabog nang mabilis ang kanyang puso. Oh... Cliff...hayy..she sighed dreamily.

Natapos na ang piano recital at unti-unti na ring nagsiuwian ang mga tao.

Tama ang pasya ni Clifford na pumunta sa event na iyon kung saan siya inimbitahan upang manood. Hindi nasayang ang oras niya dahil marami siyang nakilalang mga negosyante. Marami siyang nakausap na gustong mag-invest sa kanilang kompanya. He just hit two birds with one stone.

Para sa kanya, wala dapat nasasayang na oras, lalo na sa trabaho.

Sa nakalipas na limang taon bilang vice president ng Santiago, mabilis siyang nakatulong upang mas lumago pa ang kanilang family empire. His father was about to turn over the Presidential position to him. Pero may kulang pa raw sa kanya.

A wife. A family.

He's the only heir to the Santiago Empire. Nagiisa siyang lalaki sa kanilang magpipinsan.

"Be serious with your relationship Clifford. Mary a decent lady and I will turn over my position to you immediately," sabi ng kanyang ama sa saknya habang nagkakape sila sa opisina nito.

"Seriously, old man? You know I don't want to marry anyone," nkakunot noong sabi niya."

Kahit isa lang sa mga napapabalitang girlfriends mo?"

"They're just flings. I'm not serious with them."Napakunot-noo ito. "Well,son, you're not getting any younger. Stop fooling around with women."

"Pa,hindi pa ba sapat ang one hundred percent dedication ko sa trabaho? My hundred percent effort and persistence on making our company the best? Bakit kailangan ko pang magkaasaw muna bago makuha ang posisyon n'yo?" Napapailing pa siya. His father wan unbelievable.

Tiningnan siya nito ng diretso. " You've done more than enough, Clifford. You already act as if you're the president and CEO of our company."

"Then , why do i need to marry first?"

"Because i want you to."

"That's unreasonable." Inubos niya na ang kanyang kape at oagkatapos ay tumayo na upang umalis.

"Clifford."

"What?" Iritadong tugon niya.

"I'm giving you six months to choose a girl you want to marry."

Marami siyang trabaho at wala siyang panahon upang maghanap ng babae. Ayaw naman niya sa mga nagiging kafling niya. They're just good bedmates,but not for keeps . Ayaw niya ring makipagsabwatan lang sa kung sinong babae dahil ayaw niyang nagsisinungaling sa kanyang ama.

" What if i won't able to find atfer six months?".

He grinned wickedly. "I will arrange your marriage."

Nagayon gabi ang pagtatapos ng six months na ibinigay nito sa kanya. And hell! Wala siyang nahanap dahil sobrang busy niya sa pagtatrabaho. Halos nakalimutan niya na nga ang sinabing iyon ng kanyang ama.

Kilala ni Clifford ang kanyang ama. Hindi ito nagloloko lang nang sabihin nitong ipapakasal siya sa gustong babae para sa kanya.

Pero ano pa aba ang magagawa niya? Sigurado namang pipili ang kanyang ama ng babaeng maayos para sa kanilang pamilya. Ngayon, hinihintay niya na lang ang tawag nito.

Papalabas na siya ng hotel nang mamataan niya ang babaeng nakahuli ng kanyang paningin kanina habang nagsasalita siya sa stage.

She was wearing a long bay blue gown, whic exposed her, back revealing her fair smooth skin. Medyo nakatalikod ito kaya kitang-kita niya ang likod nito.

He imagined running his fingers on her back. His fingers would definitely enjoy her smooth and soft skin, traveling lower until he reached her.

"Shit!", He muttered to himself silently. His body was reacting ! And with just the sight of that lady's back.

Agad niyang inalis ang mga mata sa likod nito. Napadako naman iyon sa mukha ng babae.

The girl looked, young, obviously. Kasama ito sa college piano recital kanina. Maybe she's around eighteen or nineteen. The girl was gorgeous, indeed.

She has eyes like that of a doll coupled with a cute nose and luscious pink lips. Her hair was fixed in a french twist,showing off a beautiful long neck.

She has a perfect body,too. Humahapit ang suot na gown sa katawan nito. She looked alluring. Her breasts were of average size but well-rounded. And when his hands would slip her small waist and taut hips down to her....

Snap it, Cliff! You're lusting over a young girl? Shame on you!

Pilit niyang kinokontrol ang sarili Argh!

Or kamukha kasi siya ni....

Kiniling niya ang ulo at pinigilan ang muling pag-alala sa nakaraan. Aalis na sana siya nang marinig ang pakikilag-usap nito sa phone.

" Mang bert,matagal pa po ba kayo?" Tanong nito sa kabilang linya. Mukhang inaantok na rin ito base sa pamumungay ng mga mata.

"Sige po,hihintayin ko na lang po kayo. Bilisan nyo na lang po please? Bye".

Hindi niya alam nagtulak sa kaniya upang lapitan ito.

Pagkababa ni Rose ng kanyang cellphone ay napabuntong-hininga siya. Kanina pa tapos ang recital at kanina pa rin hinihintay ang kanilang family driver na si Mang Bert. Katatawag lang nito sa kanya upang ipaalam na matatagalan ito dahil napaka -traffic daw sa EDSA dahil sa bangaan.

Inaantok na siya at nilalamig pa. Mahaba ang suot niang gown ngunit backless iyon.

"Miss?"

Napalingon siya at laking gulat niya kung sino ang nasa likuran niya.

"Clifford.."mahinang anas niya.

Kumunot ang noo nito "Do you know me?"

Kumurap-kurap pa siya ngunit hindi talaga iluson ito.

"Ahm...E-Everybody knows you, Clifford... You're a Santiago." Nabubulol pang palusot niya.

Napatango ito."I see."

"B-by the way I'm Rose." Agad niyang pagpapakilala. Bakit kaya siya nilapitan nito?

"Nice meeting you Rose."

"Ahm...Do you need something?" Tanong niya.

Seryoso ang mukha nito. "I think you're feeling cold."

She smiled shyly. "Yeah."

Napansin nito iyon? Ibig bang sabihin niyon ay kanina pa siya nito tinitingnan? Napayuko siya. Oh, she felt herself blushing again

Napatingala siya nang ibalot nito sa kanya ang coat nito.

Napatulala na lang siya sa gwapong mukha nito, and gosh! Parang gusto niyang mahimatay nang ngumito ito.

"Clifford..."

"I don't want our guests to feel uncomfortable," anito bago tumalikod

Nataranta naman siya. Aalis na agad ito?" Clifford!"

Lumingon ito.

"Y... Y-your coat..."

"Keep it.It will keep you warm." Iyon lang at naglakad na ito palayo

Napangiti siya ,at kinikilig pa siya!

Clifford put his coat on her to keep her warm! Oh! He's such a gentleman. Napahawak siya sa mabangong coat nito.

Parang gusto niyang pasalamatan ang pag-kalate ni Mang Bert sa pagsundo saknya. She had her first encounter with Clifford!

She hoped this will not be the last.

Disclaimer :

Ito po ay pawang emahinasyon lamang ang mga nabangit na pangalan at lugar sa kwento ay kathang isip ko po lamang.

Maraming salamat po

Sana tangkilikin nyo po ang mga susunod pa pong kabanata

Keep safe everyone❤️

2
$ 0.03
$ 0.03 from @leejhen
Sponsors of LadyJean
empty
empty
empty
Avatar for LadyJean
3 years ago

Comments