read.cash Log in

@Labofmylife

Joined 25 September 2021 · 44 posts

Love your work

120 KT

0 KT · $4.57 received · 0 KT · $1.20 given

Posts

@Labofmylife

Another blessings for my new sponsor sis @Adrielle1214..Thank you so much po sa tiwala..heheh

@Labofmylife

My two weeks journey here in read.cash This is my 9th article here in **read.cash** and I just wanted to share with you about my two weeks experience here.. **My 1st article** **My first day here in read.cash** Actually 2nd day ko na bago ako makagawa ng first article kasi nga po baguhan palang ako at hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan gumawa ng articles..Sa unang araw ko ay nakaramdam ako ng hiya kasi ang gagaling naman talaga ng mga author's dito sa read.cash..Pero linakasan ko lang yong loob ko..Sa isip ko kaya ko ito.At sa wakas ay makagawa nga ako ng isang articles .After ko gumawa panay subscribes ko sa mga madaanan ko sa home page na talaga namang kahanga-hanga ang kanilang mga artikulo..Panay din ang comments ko..On my third day na pag open ko ng aking account dito sa read.cash..Ay ito na nga yong nagpasaya lalo sa akin..Ang pag bisita ng ating mabait na si **Random Rewarder** sa aking unang article..Super happy ko talaga at mas lalo akong na inspired.. **My 2nd article** **Feeling happy and blessed for my first day..** Ito ang naisip kong gawin na pangalawang artikulo dahil yon ang nararamdaman ko..Super happy talaga ako ng araw na yon ..Super nag thank you ako sa aking mga readers and new subscribers.. **My 3rd article** **No words can I say but thank you** Yes super blessed and pasasalamat po talaga yong nararamdaman ko dito...Kasi bukod sa ating mabait na si **Random Rewarder** ay dumating din ang aking mababait na mga **sponsors.**.By the way gusto kong magpasalamat sa kanila dahil sa walang sawang pag support po sa akin.. ***You can check them also if you want*** **My 4th articles** **Day-off** Siguro dahil sa pagod ko sa work ay nagkasakit ako...Kaya pag-uwi ko ay kailangan kong magpahinga..Siguro 1day na hindi ako makapag open ng read.cash and nakakamis talaga... **My 5th article** **Thank you everyone** Nang gumaling ako ay agad akong gumawa ng article para mag thank you po sa inyo dahil kahit wala akong paramdam ay andyan pa din kayo para supportahan po ako.. **My 6th article** **Brigada Eskwela** **Dahil sa magaling na ako** ay ako yong nag represent na nanay ng kapatid ko sa school and na ishare ko din sa inyo yong mga ginawa namin sa school.. On my 7th article **We will survive** Binigyan ulit ako ng simpleng pagsubok ni god..Nagkasakit ang jowa ko until now ay hindi pa siya ok ..Tapos Yong current namin ilang days walang power... **My 8th article** **My phone is lowbat** Ilang araw ako nagpahinga dahil sa lagi nalang akong lowbat..Gustong-gusto ko mag read.cash pero wala kaming kuryente at ang layo ng bayan dito sa amin..Nasunog daw kasi yong live wire na connected sa linya namin..Nainis ako..wala naman akong magawa...Kaya pasensya na po kayo kong bibihira ako makapag online ng mga nagdaang araw.... **And this is my 9th article.**. Gusto ko lang po ishare sa inyo na sa 2weeks ko dito sa read.cash..Ay feeling ko malapit na ako mag 1yr.hahaha...Kasi namis ko po kayong lahat especially sa bestfriend ko dito...I hope na tuloy-tuloy na ito and goodluck sa ating journey dito sa read.cash... ***Kayo po kumusta yong journey niyo dito sa read.cash?Ako sa 2weeks ko and meron na akong 18 subscribers and 3 sponsors..Masasabi kong super blessed na po ako..*** ****Thank you so much to all and Godbless..**** Date published October 10.2021 Sunday 11:32am Philippines @Labofmylife

+6 more

@Labofmylife

My phone is lowbat Battery lowbat Ang dami kong namis dito sa read.cash...Hindi ako makapag basa ng mga articles ng maayos dahil sa araw-araw ay brownout sa lugar namin..Hindi lang sa araw...24hrs na po ata..Kaya sorry po lalo na sa aking mga sponsors kung hindi na ako gaanong active ngayon kahit gustong-gusto....Yong feeling na maiinis ka nalang kasi sobrang tinitipid mo yong battery bar mo.. Signal Yong nagtitipid ka na sa battery mo tapos more on loading pa.hahahah...Kaya maswerte Yong mga nakakaranas ng malalakas na signal sa internet connection...Actually **data** lang ang gamit ko para makapag **read.cash.**..Minsan kasi malakas naman ang signal dito sa amin..Kaya lang ngayong week..3days na atang straight na brownout simula 6am until 6pm..Tapos pag 10pm naman until 6am wala pa ding current..Ngayon nga malapit na mag 7am wala pa din tapos yong phone ko 20% nalang..hehe..Kapag walang kuryente kasi dito sa amin kahit yong signal ay apektado din... **Big thanks to my generous sponsors...Super bait po nila.**.. Nahihirapan ako ngayon gumawa ng articles dahil sa sitwasyon dito sa amin ngayon pero kahit ganito nakakamis pa din po dito kaya kahit malapit na akong ma lowbat..Gusto ko pa din makagawa kahit medyo maikling articles...Pagpasensyahan niyo na po..Babawi nalang ako later . Thank you also sa aking mababait na readers and sa ating si **Random Rewarder** kahit nagpapamis siya sa akin ay talaga namang namimis ko din siya.hehe **Happy Thursday everyone and have a good day** Date published October 07,2021 Thursday 6:55am Philippines Orig content&Lead image Thank you so much to all.. @Labofmylife

@Labofmylife

We will survive Paano natin malalagpasan ang mga pagsubok na nararanasan natin ngayon at sa mga susunod pa? **No current** Isang simpleng bagay lang naman kung iisipin kapag walang kuryente like brownout.Pwede naman tayo gumamit ng kandila sa gabi or gasira..Pwede din tayo gumamit ng pamaypay kung naiinitan sa araw....Or pwede tayong pumunta sa isang lugar na hindi tayo apektado ng brownout...Pero ang mga bagay na yan ay hindi madali sa atin para gawin.Kasi may mga kanya-kanya tayong dahilan at sitwasyon sa buhay na mahirap baguhin...Lalo na kung hindi mo naman talaga nakasanayan.....Tulad dito sa amin halos araw-araw nalang brownout..Kung hindi sa araw,,sa gabi..Napaka hirap sa isang tulad ko lalo na kung nagtatrabaho ako sa araw at nagtuturo ng module ng kapatid ko sa gabi.Sobrang naaawa ako sa bata kasi gustong-gusto niyang matuto pero madilim dahil sa brownout..Hindi naman kaya ng budget namin ang bumili ng solar para lang sa kapatid ko....But super proud ako sa kapatid ko dahil kahit madilim at gamit lang ang aming flashlight ay hindi hadlang sa kanya ang tumigil sa pag-aaral... **Disease** Hindi talaga naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit kahit anong ingat natin.Minsan kusa nalang dumarating ang karamdaman tulad ng nangyayari ngayon dito sa atin..Pero para sa akin, napakahirap ng pagsubok na ito lalo na kung isa sa pinakamamahal mo sa buhay ang magkaroon ng malubhang karamdaman..Hindi mo alam kung paano mo siya matutulungan lalo na sa sitwasyon natin ngayon..Ang tanging paraan lang natin ay iparamdam sa kanya kung gaano natin siya kamahal at palakasin ang kanyang kalooban...Hindi lang sa akin kundi pati na din sa mga pamilya po dyan na nakakaranas din ng ganitong sitwasyon...Huwag tayong susuko para sa kanila..Manalig tayo sa itaas at maniwala na anuman ang hamon ng buhay ay laging may pag-asa... Money Hindi madali ang kumita at humanap ng pera sa marangal na paraan..Lahat tayo ay nahihirapan at isa ang pera sa pinaka problema natin ngayon..Dahil sa pera marami din ang mga pamilyang nagkakawatak-watak..Yong iba naghihiwalay dahil sa pera..Yong iba naman kailangan pumunta ng malayo at mangibang bansa dahil sa pera...Tama po..Importante naman talaga ang pera kasi kung walang pera paano tayo mabubuhay?Ano ang ibibili natin ng pagkain at mga pangangailangan sa pang araw-araw.. Job Kadalasan mas pinipili natin ang trabaho kisa sa pamilya?bakit?Kasi paano natin bubuhayin ang pamilya kung wala tayong trabaho?Minsan isa sa mga dahilan kung bakit nag aaway ang mag-asawa dahil sa trabaho...Ang iba dahil walang trabaho ang asawa at ang iba naman dahil walang oras sa pamilya at lagi nalang trabaho..By the way may kanya-kanya Naman tayong rason pagdating dyan.... **Closing thought** Ang mga bagay na aking nabanggit sa itaas ay para sa akin ay part ng pagsubok sa ating buhay..Ika nga natural na daw yan habang tayo ay mabubuhay....Mas masarap daw na harapin ang mundo kung tayo ay palaban at hindi sumusuko... **To all my beautiful and generous sponsors thank you so much**.. To all my readers and commentors old and new...Thank you so much....and to my **Random Rewarder,rusty for short**..I miss you😅😅 Date published October 05,2021 Tuesday 11:00am Philippines Original photos @Labofmylife

@Labofmylife

Hello po...medyo busy ako ngayong mga nakaraang araw dahil may sakit ang jowa.heheh..After sa work inaalagaan ko muna siya.Sana gumaling na siya para maging ok na din ako..Hindi na mag worry sa kanya..

@Labofmylife

Brigada Eskwela This morning I'm very busy because I'm going to school for attending the **Brigada Eskwela** for my youngest brother.. At the school I'll be there at 8am...Ang aga ko ata dahil wala pang parents na dumating...Kahit yong teacher ng kapatid ko ay wala pa but late last ng kunti..Siguro after a minute ay dumating na din siya at kitang-kita na nagmamadali na din siya...Humingi pa nga sa akin pasensya.Sabi sa akin pasensya na mommy at late ako.hahahaha..Nag smile nalang ako kasi hindi pa naman talaga ako mommy.. Attendance Pagbukas ng pinto ay pumasok ako ng kwarto.Ibinigay ko sa guro yong module 2 na natapos na ng kapatid ko..Sabi sa akin ng guro ay maglilinis daw ko..Ilinapag ko sa isang sulok yong aking bag at kinuha ko yong walis para magsimula na ng pagwawalis at pagbubunot ng mga damo..Feel na feel ko yong pagiging nanay para sa kapatid ko.hahahah.Hanggang sa nag datingan na nga yong ibang mga parents at tulong-tulong na kami sa paglilinis.. Hindi kami magkakakilala kaya panay lang ang paglilinis namin para matapos agad Ang aming ginagawa at ng makauwi na... School supply give-away After maglinis ay nag announce ang teacher na kapatid ko na may free school supply like bag,pencil,crayons,coloring book,notebooks,and paper.. Dami kong dala-dala pauwi...But Nakakatuwa dahil hindi ako magbibili ng ibang gamit ng kapatid ko... At the market Bago ako umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa palengke dahil inutusan na din ako ng mama ko na bumili ng ubas yong seedless daw.hahahah.Naghanap talaga ako sa palengke para huwag mapagalitan paguwi.hahaha Yong kapatid ko din naglambing ng **Piatos** sa akin kaya binilhan ko din..Ang bait ng ate hahaha.. Sa wakas nakauwi na din ako ng bahay at hindi na nahirapan ang mama ko.. Closing Masayang-masaya ang kapatid ko dahil may bago daw siyang mga gamit sa school.. **By the way thank you so much to my sponsors.** **Author's thought** Mahirap ang maging isang ina kaya kanina habang ako yong guardian ng kapatid ko ay naranasan ko ang pagiging isang nanay..Kaya dapat ko lang suklian at mahalin ang aking nanay na nagpakahirap sa akin para mapagtapos ako ng pag-aaral. Sa mga nanay po dyan I'm so proud of you.. Date published October 1,2021 Friday 1:24pm Philippines Original photos @Labofmylife

+5 more

@Labofmylife

Thank you so much sa mga nag upvote sa akin..Pasensiya na po kung hindi ako nakagawa ng articles ngayon..I hope mamaya po..Ako muna ngayon Ang parent ng kapatid ko.hehehe..May brigada eskwela kami mamaya at kailangan don ang parent.Ayaw ko napapagod ang mama ko kaya ako nalang pupunta sa school.hehehe.Tamang tama wala naman akong pasok sa work..

@Labofmylife

Thank you everyone Hello everyone..how's your sleep?Ako ito hindi makatulog..Inaatake na naman ako ng **Insomia....😔😔** This is my fifth article here in **read.cash....** Kapag ganitong madaling araw nahihirapan talaga akong makatulog..Kagabi lang ata ako nakatulog ng maayos dahil maysakit ako..Sa isip ko thanks god kasi nakatulog din ako Ng maayos..Pero ito balik na naman ulit ako sa dati...Kapag ganito more water lang ako lagi..Kailangan lang mag relax para hindi manghina yong aking katawan..Naghahanap ng pampaantok para kusa ko nalang mabitawan yong aking phone.hahaha By the way before I continue I would like to thanks my beautiful/handsome and generous sponsors and readers Another surprise Yes dahil hindi makatulog ay naisip kong magbukas ng aking account dito sa read.cash..And guess what?Na amaze ulit ako dahil kahit bago palang po ako dito ay ramdam ko ang pa welcome dito sa akin...Masayang-masaya ako dahil meron na akong 100views at sobrang thank you po sa inyong lahat...And syempre ito pa po yong mas nagpa inspired sa akin..Binisita ulit ako ni **Random Rewarder rusty** for short..Wow po talaga and super thank you God sa patuloy na blessings.. I know po na hindi lang ako yong nakakaranas ng ganito lalo na po yong talagang matagal na po dito sa read.cash..Gusto ko lang po ito ishare sa inyo lalo na po sa mga baguhan din na tulad ko na kung hindi pa man po kayo nadadaanan ng ating mabait na si rusty ay ipagpatuloy niyo lang po ang pagsusulat at pagbabasa ng mga articles po dito dahil baka isang araw po ay bigla nalang may mag surprise sa notification niyo...Huwag po kayo mawalan ng pag-asa..Ang isipin niyo lang po habang nagsusulat kayo ay galing sa puso at masaya po kayo sa ginagawa niyo.. Say thank you Sa lahat ng blessings na dumarating sa atin..Unang-una ay lagi tayong magpasalamat ki God..At sa nagbigay sa atin ng blessings...So I dedicate this articles who those amazing and generous people na patuloy na naniniwala sa akin..Most especially sa aking mababait na sponsors..My special lovely friend @ibelieveistorya..Ang sikat at kilalang kilala dito sa read.cash dahil talaga namang napakabait si @BloghoundAt syempre ang patuloy na nakikipag sapalaran sa Kuwait for the family na napakabait din si @Sweetiepie At sa aking mga mababait na **readers and commentors**..At higit sa lahat ang inaasam ng lahat dito sa read.cash ang ating **Random Rewarder**...From the bottom of my heart..**Thank you so much**.. Date published September 30,2021 Thursday 4:50am Philippines @Labofmylife

@Labofmylife

Day off I just wanted to share with you about what happened to me yesterday....By the way this is my 4th article now..I hope you like it especially of my sponsors and readers😊😊 Half day work Kinailangan ko umuwi ng maaga galing sa work dahil biglang sumama yong pakiramdam ko.Nahihilo ako at parang masusuka na hindi ko maintindihan.Habang nasa sasakyan ako ay pinipigilan ko Ang aking sarili na huwag masuka.Hindi Naman ako nahalata ng katabi ko Kasi nga may face mask at face shield kaya kahit namumutla na ako ay hindi pa rin mapapansin ng kasama ko..Pero sa isip ko panay yong panalangin ko na sana ay makauwi pa ako sa bahay..Sinasabi ko sa isip ko"kaya ko Ito".Hanggang sa pumara na nga ako ng sasakyan..Ang bahay namin ay medyo malayo din sa highway..Mga ilang metro din ang lalakarin bago mo matanaw ang aming bahay.Habang naglalakad ako papasok sa ay para akong lantang gulay na akala mo mawawalan ng Malay..Alam niyo po yong pakiramdam na pilit kinakalma yong sarili para Lang makayanan yong mararamdaman..And thanks god nong makita ko Ang pintuan ng bahay namin ay nakaramdam ako ng sigla.Nabuhayan ako dahil sa wakas ay makauwi din ako sa bahay.Pagdating ko ay agad akong pumasok sa kwarto,hindi na ako makapag palit ng damit..Nag lagay ako Ng vicks sa aking ulo at sinubukan Kong ipikit ang aking mga mata... After an hour Sa wakas ay nakatulog naman siguro ako Ng mahigit isang oras,pero Ramdam ko pa din yong pagkahilo..Yong feeling na pinipilit kong imulat ang mga mata at kukunin yong aking phone dahil super excited na ako mag open ng account dito sa read.cash pero hindi ko magawa kasi mas lalong humina Yong katawan ko...Kumatok ang mama ko sa aking kwarto dahil nagtataka siya sa akin kung bakit hindi man lang ako nagmano sa kanya...Nakasanayan kasi namin na kapag umaalis at umuuwi sa bahay ay kailangan magmano sa matatanda...Kanina ay hindi ko na talaga magawa dahil nga sa napakasama ng aking pakiramdam.........Nag malaman ng mama ko ang nangyari sa akin ay agad siyang bumili ng gamot para mapainum ako agad...Dinalhan niya na din ako ng maagang hapunan para daw makapag pahinga ako...Ang sweet talaga ng mama ko Lalo na kapag may sakit isa man sa aming magkakapatid... Midnight Napasarap ata yong tulog ko at nong magising ako ay midnight na..Uhaw na Uhaw ako..Bumangon ako para kumuha ng tubig sa kusina...Pagka inum ko ay bumalik ulit ako sa loob ng kwarto...Kinuha ko yong phone ko kasi naisip ko magaling na ako pwede na akong mag read.cash.hahahaha...Kaya Lang biglang sumama ulit yong sikmura ko...Tumakbo ako papunta ulit ng kusina dahil hindi ko na napigilan yong pagsuka...Excuse me po sa mga kumakain....Yon na nga po at nanghina ulit ako..Mabuti nalang at hindi ko magising Ang mama ko sa ingay Kung Hindi babangon yon at sigurado mag aalala sa akin...Balik ulit ako sa aking kwarto..May dala-dala akong isang pitsel ng tubig at baso para kung sakaling mauhaw ako ay hindi na ako lalabas ng aking kwarto.. Kinabukasan Pagising ko Kinabukasan ay nag message nalang ako sa aking boss na hindi ako makakapasok today dahil Hindi ko pa kaya...Nagising na din Ang mama ko at binigyan Niya ako ng almusal....Pagkatapos ko mag almusal ay may pahabol pang saging sa akin...Binisita ako ng aking super sweet na jowa hahah dahil nalaman niya yong nangyari sa akin...Kasama sa mga pasalubong niya akin itong paborito kong saging...Sinanpablo Ang tawag ng saging na ito sa amin...Welcome na kasi siya sa family ko and ganun din ako sa family niya.. After breakfast Finally nakapag open na din ako sa wakas Ng read.cash at super happy ako dahil isang blessings ulit yong bumungad sa akin...Pag bukas ko ng notification dito sa read.cash..Si RandomRewarder agad yong sumalubong sa akin..At may pa bonus pa na sponsor yon po ay ang mabait din sa si @Sweetiepie ..Kaya lang 19hrs ago na siya at Pasensya na kung late na din yong pag approve ko dahil nga po sa nangyari sa akin.heheh..But talaga Naman pong nakaka inspired magsulat lalo na for the 2nd time ay Binisita ulit ako ni rusty... Today Masaya ang araw ko ngayon dahil yong araw ng pasok ko dapat ay araw ng pahinga at medyo mahaba haba oras ko para makapag read.cash....Huwag ko lang masyadong aabusuhin dahil ayaw ko maulit yong nangyari sa akin kahapon.. Sending of love sa aking mababait na sponsors at readers Date published September 29,2021 Wednesday 11:05am Philippines Thank you so much to all Original photo @Labofmylife

@Labofmylife

Good morning to all here l'm so happy today dahil sa panibagong blessings..Thank you so much sa bago ko pong sponsor @sweetiepie .Pasensya na po now ko lang na approve..Kinailangan ko po kasing magpahinga kahapon dahil ang sama ng pakiramdam ko pag uwi ko galing sa work.But thanks god at ok na po ako ngayon..

@Labofmylife

No words can I say but thank you For my third articles na ito ay gusto ko lang na sabihin ulit na thank you.. Emotion Halo-halong emosyon ang aking naramdaman ngayon..Hindi ko alam kong tatalon ako o sisigaw sa sobrang kagalakan.Para akong nanligaw tapos sinagot agad ng nililigawan ko.Pasensya na sa aking ❤️ dyan kung masaya ako ngayon..wag magselos hahaha... Alam niyo po ba kung bakit ako super happy?Siguro hindi lang ako kahit sino man sainyo kapag ito ang sumalubong sa pagbukas ng inyong notification ay siguradong lubos din ang kasayahan na mararamdaman ninyo.. O diba para akong nanalo sa lotto kasi hindi ko inasahan na bibisitahin ako ni RandomRewarder..After kong makita yong notification..Nagkataon pa naman na kumakain ako..Alam niyo po yong feeling na hindi pa nga ako sumusubo pero busog na busog na ako.hahahah For those who visited of our Random Rewarder Sa mga katulad ko na nadaanan at laying dinadaanan ng ating mabait na si Random Rewarder..Congrats po sa atin at mas lalo pa nating pagsikapin na mapaganda ang ating mga articles..Alam ko po na mas lalo po kayong na iinspired na gumawa tulad ko.Kaya po natin yan basta galing sa puso natin ang ating mga ginagawa.. For those not yet visited of our Random Rewarder Huwag po kayong mawalan ng pag-asa..Alam ko po na mapapansin din kayo tulad ko po..Kung napansin man po ako sa aking unang article na ginawa..Para po sa akin ang tawag po dyan.."Big blessings"..At naniniwala din po ako na mararanasan niyo din po yan.. Ang pagsuko ay nagpapakita lamang na hindi mo na gusto ang yong ginagawa at hindi ka na masaya.Kaya kung talagang part na ng buhay niyo ang read.cash at kasama na ito sa mga ginagawa niyo sa araw-araw..Ibig sabihin ay kailangan niyong ipagpatuloy ang journey niyo dito..Malay po natin bukas,o sa isang araw po ay biglang dumating sa inyo ang malaking blessings.. What can I say to read.cash in my three days here Sa unang article medyo hirap ng kunti kasi hindi ko alam kung paano at kung saan ako magsisimula dahil mahilig lang talaga ako magkwento pero hindi ako magaling magsulat ng articles. Sa pangalang articles medyo ok na yong pagsusulat ko.Hindi na ako masyadong nahihirapan kasi madami na din akong nababasa dito at mas na inspired na akong gumawa ng articles..Naisip ko din na hindi lang ako nag-iisa na baguhan dito..Mas marami akong nakilala na mababait na readers.. On my second day here...Talagang super happy ako kasi nakilala ko din ang mabait na nag sponsors sa akin..Kaya naramdaman kong super blessed ako. On my third day... Ito ang hindi ko makakalimutan dahil for the first time ay nakilala ko si RandomRewarder..Kaya po wala akong ibang masabi ay Maraming maraming salamat po sa inyong lahat... Closing.. I hope na hindi po kayo magsawa sa akin.heheh..At yong mga ayaw din po ng gawa ko ay ipagpaumanhin po ninyo at malugod ko pong tatanggapin kung inyo na lamang pong babaliwalain.. Date published September 27,2021 Monday 12:12pm Philippines @Labofmylife

@Labofmylife

Feeling happy and blessed for my first day This is my second articles now and I hope na magustuhan niyo po.. Thank you Yes nais ko pong magpasalamat unang-una ki God,Kasi pinaramdam niya po sa akin ngayon na super blessed po araw na ito para sa akin.Pangalawa po para sa dalawang sponsors ko ngayon..Ang una ay ang napakabait na si my Ibelievestorya at ang pangalawa ay syempre napakabait din na sponsor ko si Ma'am@Bloghound...Dahil po sa inyo,at sa mga readers ko ay sobrang na inspired po ako na ipagpatuloy ang aking journey dito po sa read.cash.. **Why I'm so blessed?** Siguro hindi lang po ako,I think madami po tayo na binibiyaan ng blessings ngayon..But for me,I'am so blessed dahil una ko palang dito sa read.cash ay may nakapansin na po sa akin..Ang aking mababait na sponsors.Sa isang baguhan na tulad ko ay talaga namang happy ako.Relate ba kayo mga ka readers na yong unang araw niyo po dito sa read.cash tapos sa first article na gawa niyo ay may nakapansin agad and sa unang pagbukas niyo ng notification ay isang magandang good news sasalubong sa inyo.."New Sponsor"..Kaya masasabi ko na I'am so blessed now.. Why I'm so happy? Syempre po masaya ako dahil bukal po sa puso ko yong ginagawa ko.Masaya ako kasi mas nakaka enjoy po pala dito sa read.cash..Masaya ako kasi madaming mababait dito.Masaya ako kasi anyan po kayo.Masaya ako kasi ipinaramdam ng readers ko na welcome na welcome ako dito and mas masaya ako kasi nakilala ko itong aking mababait na sponsors..Kaya masaya po talaga ako dahil po sa inyong lahat.So thank you so much po. Closing Sa mga bumasa at nagustuhan ang aking 2nd articles..Thank you so much po..I hope na hindi po kayo magsawa... Umaga na naman hirap makatulog but kailangan ko ng pilitin na matulog dahil may lalakarin pa ako ng maaga bukas.. Mornight to everyone❤️❤️❤️ Original photo @Labofmylife

@Labofmylife

Feeling ko super blessed ako ngayon..And super happy ko kasi may nakapansin agad sa article ko..So yes happy talaga ako dito sa read.cash... Super thank you so much my Ibelievestorya for my first sponsor..Mas pagbubutihin ko pa ang pagawa ng article..

@Labofmylife

My first day here in read.cash Bakit ko nakilala ang read.cash? Actually dati meron akong noise.cash account kaya lang dahil busy ako sa work at kapag uuwi ako ng bahay ay pagod na pagod na..Gusto ko ng matulog agad..Hanggang sa nakalimutan ko na yong password ng aking acc..Sa noise.cash ay nababasa ko na din talaga yong about dito sa read.cash...Pero hindi ko nga pinapansin dahil sa noise.cash palang ay hindi ko dati mabigyan ng oras. Ngayong week,may bago na akong work at mga 5hrs nalang kaya naisip ko magkakaroon na akong time sa noise.cash or read.cash..Tapos kahapon ay nakasalubong ko nga ang aking friend na dati ding nagturo sa akin about sa platform na ito.Na ikwento ko sa kanya yong about sa read.cash na gusto ko gumawa ng sariling account.Kaya kahapon mismo ay tinuruan niya ako.Kumain kami sa isang food chain at habang kumakain ay gumawa kami ng read.cash account.Nakakatawa kasi mas inuna ko pa talaga mag pagawa ng read.cash..Pero yong noise.cash ay nakalimutan ko magpaturo.hahah.Sabagay madali nalang yan para sa akin kasi dati na rin akong meron non.Baka memorize ko pa.hahaha..Kaya kahapon palang ako nagkaroon ng read.cash account at ngayon palang gumagawa ng article..Salamat sa pag support sa akin friend. Bakit gusto ko magkaroon ng read.cash account? Unang-una mahilig din ako mag kwento.Madrama din kasi ako minsan.heheh..At sympre may oras na ako ngayon..Dati ko pa gusto magkaroon ng read.cash account.Oras lang talaga yong Wala ako..Gusto ko kasi kapag pumasok o sumubok ako ng isang bahay ay dapat dedicated ako ginagawa ko..And to be honest..syempre pandagdag na din sa mga needs ng family kung sakali.. Magaling na ako gumawa ng isang artikulo? Hindi po..Makwento lang po ako pero hindi ko alam kung paano simulan ang kwento.At isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko Ang platform na ito para matuto din ako sa pagsusulat.. Magiging masaya ba ako dito? Sa tingin ko syempre oo..Kasi bukal na ngayon sa loob ko ang pagawa ng isang artikulo at willing ako na mas matuto pa. Closing Hanggang dito nalang muna mga ka readers ko po dyan..Maraming salamat po sa inyong oras.. Thank you so much all @Labofmylife