read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Adobo overload : ) Ito nga pala ang ulam na niluto ko for dinner kagabe.Wala talagah ako maisip isahog sa 1/2 kilo na sitaw na binili ko nung isang araw sa kapitbahay namin. Hindi kase kumakain ng plain gulay ang asawa ko kaya talagang kung gusto ko ng gulay obligado ako sahugan ng karne oh kaya may isda na pang prito dahil for sure hindi talagah siya kakaen. Ito talaga mahirap pag magkaiba kayo ng taste sa pagkain kailangan 2 putahe ang lulutuin mo o kaya naman eh magisip ka ng ulam na all in one para tipid. Kaya naman naisipan ko mag sapaw ng 4 na itlog sa sinaing if incase na di ako makabili ng pansahog na karne ito na lng ang ipapaulam ko kay Hubby. Pero mukhang sinipag ang lolo niyo at naisipang bumili ng atay at balunan sa talipapa halagang 100pesos 50pesos na atay 50 pesos na balunan. Kaya ang dami tuloy sahog ng adobo kong sitaw may ataybalunan na may itlog pa tapos may bigay pang monggo sila mama kagabi habang kumakain kami. Ako na nagulam ng monggo at baka mapanis lang kase may kamatis. Nakasave naman ng 100 pesos ngaun araw dahil sa bigay na ulam hehe umabot pa un luto kong adobo overload kagabe ngaun umaga haha : )

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.