Ginataang Tulingan Kahapon nagtinda ang Suki namin ng isda sabi niya sa akin may tinda daw siyang tulingan. Alam niya kaseng Favorite ko to eh nagkakataon naman tuwing magtitinda siya maagang nauubos hindi na umaabot sa baba. Dulo pa kase bahay namin kaya minsan un tira na lng talagah inabutan namin. Nakabili ako 3 pirasong Tulingan na lang kase dapat 200 bigay na lng daw niya sakin ng 180. Sabi ko hanggang Sabado na namin to ulam dahil inabot siguro ng 250 kasama ang sahog kaso mukhang hindi aabot haha. Pero okay lang dahil kitang kita ko naman rnjoy na enjoy si Hubby at ang anak ko gustong gusto nila ang sabaw nilagay ko kase un pangalawang gata para may sabaw siya na konti ayaw kase nila ng dry. Nilagyan ko din ng Talong para may gulay kase hindi ako pwede ng purong isda o karne di talagah ako makakaen ng maayos pag walang gulay. Goodluck sa ulam namin sana umabot hanggang Sabado hehe.
5 comments
budlisan ata tawag samin niyan sissy hehe masarap nga yan sis kapag semi adobo na paksiw,diko pa lang na try yong may gata jan siguro masarap din yang may gata..kilo samin niyan sis nasa 280
Hehehe lang two days na budget sis hehehe
Hindi na ako nakaluto na ganito may gata madalas paksiw lang talaga kapag isda :) masarap nga naman nito lalo na kapag macreamy ang sauce niya.
kilo ng tulingan samin 180 lang din kaso nag isang kilo ba yang tatlong pirasong binili mo ?
This dish is completely new to me. Hope you enjoyed the meal.have a good 😊 day