Face to face na ang klase ng mga bata, excited lagi anag anak ko sa pagpasok, maaga gumising at laging may energy sa umaga. Mas gusto daw nya kase si mam nya ang magturo kesa saakin, π
Ang totoo kase nyan tamad talaga ako magturo eh at napaka iksi ng pasensya koπ€. Kaya pabor ako sa F2F dahil bukod sa mas matututo sila sa eskwela mas naeenjoy pa nya dahil nakikita nya yung mga friends nya at mga new classmates niya. Sana nga mag tuloy tuloy na.
Goodmorning Noisers!
Ngayon nalang ulit nakapost hehe.
Tara kape tayo, halos kagigising ko lang rin kase. Masarap matulog dahil medyo maulan ngayong linggo, kahapon naman sobrang init.
Happy Easter Sunday saating lahat! Araw ng pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Jesus.
Dahil hindi pa ako makatulog tamang nood lang ako ngayon mag isa, para akong baliw tumatawa mag isa dito sa pinapanood ko. Mas ok na ito kesa nakahiga lang ako sa kwarto tapos di maiiwasan ang pag iisip, nakakaistress lang. Awat muna sa ML at K-Drama π waiting pa naman ako sa next episode nung Bussines Proposal π
Meryenda tayo mga kaingay, lomi kahit tag-init π ang aga ko magmeryenda kahit halos kakakain ko lang ng tanghalian kanina. Sabi nga nila kapag stress ka daw idaan mo nalang sa kain, para happy life! π
Goodmorning! Haha
Late na ako nagising pero coffee is life parin kahit tirik na tirik na yung init ni haring araw.
Napuyat ako kagabi kakalaro ng ML kase binabantayan ko rin yung lagay ng anak ko kagabi. Awa naman ng diyos medyo ok ok na ang pakiramdam nya at nawala na yung lagnat,.
#Have a blessed sunday everyone.
Nagsukahan ang anak ko kaninang umaga, tapos after kumain ng lunch nagsuka nanaman sya, walang gana kumain at medyo may sinat sya, sumasakit rin ang tiyan kada magkakaroon ng laman at tinatae narin. Hayss gamutan nanaman sa anak ko, kada buwan nalang nagkakasakit sya. Sabi nila uso daw ngayon ang pagtatae at pagsusuka at halos katatapos lang din mangyari dun sa dalawa kong pamankin at ngayon nga sa anak ko naman. Sana namay maging ok rin agad sya.
Mainit na hapon sa ating lahat, grabe yung init ni haring araw ang sakit sa ulo, ang sarap rin mag swimming kapag ganito,. π Nakakatamad rin naman lumabas dahil nga sa sobrang init, ang dami rin ngayon nagbibilad ng palay sa daanan. Summer na summer na talaga! π‘οΈβοΈ
Dahil sa araw araw na pagkainip nakapagdownload ako sa playstore ng tongits Go! Hindi ako bihasa sa larong ito, pampalipas oras lang at syempre pampaantok ko narin. Hindi po ako nakikipag bet or anything,π nagsasawa narin kase ako sa ML. π
#ShareLang
Ang layo ng binilihan ko ng mangga para lang dito sa graham na ito. π Daig pang maglilihi ng anak ko para lang sa mango graham na gusto nya, kahit gabi na kami naghanap ng mabibilhan ng mangga, buti nalang meron kaming nabili, napuyat narin sa paggawa, sigurado bukas paggising masaya ang bata π
Alam nyo kung anong masaya kapag may anak??
YUNG FEELING NA KAHIT ANG DAMING PAGSUBOK MAY DAHILAN KA PARA BUMANGON AT LUMABAN SA BUHAY!
Grabe yung nangyayari sa anak ko sunud sunod, nakagat ng aso tapos nabunggo ng motor. Ok lang sana kung pera'y maubos pero yung hirap pakiramdaman bilang magulang sa mga sakit na nararamdaman nya. Mapapaisip ka nalang bilang magulang kung nagkulang kaba o napabayaan ko. Sana namay maging ok rin ang lahat. Nakakapanghina ang mga nangyayari sa anak ko. Last november lang ospital. Nagpalit ng taon ganun parin.
Halo halo sa mainit na panahon, buti may tinda ng meryenda dito sa malapit samin, umay narin sa lomi eh! May tapsilog narin at saka pares, kapag nagutom ang aking anak malapit na ang bilihan. Maganda ito para saakin kase tamad ako pumunta ng palengke para bumili ng mga lulutuin. π
Ang ganda pagmasdan ng bukirin samahan ng maaliwalas na hangin at bughaw na langit.
Isang mapagpalang Linggo saating lahat.
Own photoπΈ
Yung anak ko na halos araw araw nagdrawing halos naubos na lahat ng papel nya at pati isang rim ng bondpaper. Siguro sa sobrang inip nya rin sa bahay wala naman kase syang makalaro dito saamin dahil walang halos bata kung meron man medyo malayo rin,aayaw narin manood ng Tv dahil paulit ulit naman daw ang cartoons. Maioasyal nalang dun sa tita nya para makipaglaro sa mga pinsan nya.
Simulan ang LUNES ng pagiging masipag!π
Dami gawain ni inday ngayon, kailangan narin magmodule ng bata at wala pang nasisimulan dahil sa paglalaro lagi.
Happy Monday!
Hindi makatulog, bahing rin pati ako ng bahing, nakay sisipunin pa ata. π₯΄
Usong uso pa naman ngayon ang sakit. Sana namay hindi magtuloy.
Maulang hapon. Imbyerna minsan na nga lang sipagin maglaba maulan pa idagdag pa yung nasirang washing dahil sa daga.
Ano ng bago sa noise.cash, di na active eh. Hehe. Meron pba ditong mga kasabayan ko na active,. π
Siguro nga,! Sa sobrang stress ko narin siguro nalalagas na ang buhok ko. ' Yun ang sabi ni google ' anyway kamusta naman kayo? Tagal rin di nakapost at nakabisita dito.
Kamusta guyss??
One week rin pala ako hindi nakabisita dito, kamusta naman ang pasko nyo? Ang bilis lang ng panahon magbabagong taon nanaman, pero kahit papano may mga pagbabago naman hindi na ganun kahigpit dahil sa covid, yun nga lang matatapos na nga ang taon pero may mga lugar naman na napinsala ng bagyo, sana naman ay wala ng susunod pa para salubungin natin ang bagong taon na masaya. Kanya kanya man tayong mga problema at pagsubok sa buhay sanay maging matatag tayo na harapin yun at magtiwala lang sa PANGINOON. Advance Happy New Year saating lahat!
yes thatβs on point - people will talk in regardless. So pointless to put up with them as we have more better things to do than waste our time and effort. You have nothing to prove to anyone. Always stay true to yourself. You donβt owe anyone or anybody an explanation.
Photo: screenshot from Fb
Ilang araw na akong kinukulit ng batang ito na magpunta ng puregold kase daw mamimili na sya ng mga pagkain nya dahil ubos na laman ng ref namin, tapos yung akala mong mga pagkain lang may request pang mga new toys sa Mr. DIY! Budol yung anak ko. Haha
Sarap maging bata akala moy may patagong pera π
Ingat po tayong lahat dahil sa bagyo, dito sa lugar namin medyo malakas rin ang ulan at hangin sana naman ay huwag ng bumaha pa. Ingatan nyo po panginoon ang lahat ng tao sa lugar na tatamaan mismo ng bagyo, iligtas po nawa sila sa anumang kapahamakan. Amenπ
Wala nanaman akong kasama sa bahay kaya labaDAY muna at linisan ng bahay para di mainip. π
Yung anak ko sumama sa tita nya kaya maghapon walang makalat na bata dito sa bahay,
Wala kase yun makalaro dito saamin dahil wala naman mga bata dito kaya dun nalang muna sa tita nya para makipaglaro sa mga kapwa bata doon.
Hellow mga kanoise.cash, ngayon nalang ulit nakabisita dito, ang sakit ng ulo ko mgahpon natulog nalang ako ng natulog, ngayon naman medyO hirap ako makatulog. Simula ng maturukan ako ng vaccine sakit lagi ng ulo ko, ang bigat rin ng katawan ko pakiramdam ko para akong binugbog sa buong katawan.
2 days narin ako halos di makagawa ng gawaing bahay pero nakakaluto parin naman at yung anak kona naghuhugas ng mga plato. Hayss..
Nagpavaccine ako kanina sa center, ang dami ring tao dahil sabay sa mga kabataan, ayoko talaga magpaturok pero kailangan na dahil nagkakahigpitan narin. After ko maturukan ng 1st dose nagpunta kami dito sa house ng mother ko at ngayon nga nakakaramdam na ako ng bigat ng katawan at sakit ng ulo.
Nakakainis talaga yung data ko pawala wala, nagkapenalty at warning na tuloy ako na AFK sa nilalaro ko, ano ba yarnnn.. imbyerna na nga ako sa signal ng TM sinabayan pa ng walang power ng koryente, kung kailan naman gabi saka nagpapatay, inopen ko nalang yung bintana sa kwarto para pumasok yung malamig na hangin.
Goodeve π
Magandang gabi mga kaingay! Imbyerna ako sa TM! Pawala wala ang signal umaataakkk pa naman ako sa Mobile Legends, nako panigurado iyamot nung mga kakampi ko don baka nga minumura na ako ng mga yun, π
Dami pa naman don mga matatalino konting mali mo obob na agad agad yarn! π
Relate ba mga adik sa ml dito?
Signal ng Tm koπ
Kaya pala ang aga mawala sa higaan sa tabi ko isinama na daw sya agad ng tito nya sa lomihan at pagkatapos taga alaga ng kanyang pinsan. π
Pwede na talaga sya magkaroon ng kapatid at maaasahan na.
Have a Bbleased Sunday to all.
Masakit rin pala sa ulo at sa mata ang mababad sa paglalaro. Haha
Naexcite ako masyado sa larong ML at sa sobrang pagkaengganyo ko sa larong ito naloadan ko pa ng 99 pesos yung Tm kong sim dahil naubos ko yung 4gb ko sa Sun ko. E di nabawasan yung inipon ko galing kay noise.
Hindi magandang example ito saakin, bukod sa napupuyat na eh baka maubos kopa laman ng coins.ph ko. π
O xa tulog na ako at baka mas lalong maadik.
Goodnight mga kanoise!
Sa sobrang inip ko nakapagdownload ako sa Playstore ng Mobile Legends. Ahaha sabi ko noon ano bang maganda sa paglalaro ng ML?. At ngayong nilalaro kona nakakaadik nga naman pala. At dahil sa naganahan na ako nakakaubos naman ng data. π
Hapon nanaman pala wala nanaman nagawa kundi maglaro.
#newbieSaML