Nagsukahan ang anak ko kaninang umaga, tapos after kumain ng lunch nagsuka nanaman sya, walang gana kumain at medyo may sinat sya, sumasakit rin ang tiyan kada magkakaroon ng laman at tinatae narin. Hayss gamutan nanaman sa anak ko, kada buwan nalang nagkakasakit sya. Sabi nila uso daw ngayon ang pagtatae at pagsusuka at halos katatapos lang din mangyari dun sa dalawa kong pamankin at ngayon nga sa anak ko naman. Sana namay maging ok rin agad sya.
No comments yet