Katitingin ko sa shopee ng mga damit pang kids inabot na pala ako ng hating gabi. Parang gusto ko nalang perahin ang pagreregalo sa mga pamankin at inaanak para sa pasko kesa magtitingin ng mga damit sa shopee. Tapos magbabalot pa.π
Makatulog na nga lang, goodnight na po sa inyong lahat.
ImageπΈ: screenshot from shopee
Yung tanghali na ako nagising kanina pero pagdating ng hapon inaantok ako. Kape po tayo, ayoko kase matulog mahihirapan naman ako mamayang gabi makatulog. π₯±
Magandang gabi saating lahat, tapos na ako sa mga gawain ko, nakakain narin ng dinner at nakapaghugasan na ng mga plato at mga pinaglutuan, tamang hilata na at manonood na ulit ng anime. π
Busy pa yung anak ko manood sa sala ng cartoons mamaya ko nalang paglilinisin ng katawan at pagtootbrushin. Ganito kami laging mag mommy parang may mga sariling mundo π dalawa na nga lang kaming magkasama lagi pero para kaming di magkasama parehong busy sa kung ano. π
#December1st
Simula na ng buwan ng December, halos karamihan ay nasa pasyalan kasama ang pamilya, napakaluwag na ngayon hindi tulad nung mga nakaraan buwan at taon, makikita mo ang saya sa mukha ng mga bata na nakalabas at nakapamasyal na. Pero yung anak ko maligaya na sa puregold makapamili ng mga gusto nyang kainin at makakain ng paborito nyang lomi,. π
Hindi nag aakit sa magaganda at maiilaw na lugar kahit dito lang sa malapit saamin.
natatawa ako dito sa pinapanood kong anime, demon slayer, naiinip na ako dun sa sinusubaybayan kong boruto kaya nagtry ako ng iba. ang layo na agad ng natapos kong episode. Kaya lang antok na ako hindi ko kayang tapusin hanggang dulo, π€£ bukas nalang ulit.
Goodnight na po sa nyong lahat.
Before mag dinner parang gusto ko ng maasim, so nagbalat ako ng pipino at binabad ko sa suka na may sibuyas, so ayun napagbigyan ang gusto ng bibig!π
after ko kumain naman ng pipino after 30 minutes nag dinner naman ako ulam ay adobong baboy, pagkatapos ko naman kumain ng dinner parang gusto ko naman ng matamis, hays diosko! daig ko pang maglilihi eh!
At eto nga ang ending kakain naman ng Goya Almonds.
ganito po talaga ako pag paparating na ang aking dalaw π€
SALAMAT PO SA IYONG PAGDATING SA AMING MUNTING BAYAN!
WALANG HANGGANG PASASALAMAT POONG JESUS NAZARENO! Salamat po sa panibagong umaga na kaloob Mo. Ikaw nawa ang maging gabay at lakas ko ng aking pamilya at ng buong Bayan na sayo ay Nanalig, sa maghapong ito at sa mga susunod na mga araw at Panahon. Patuloy Mo po kaming pagkamitin ng mga biyaya mula sa Iyo. Amen!
Nuestro Padre Jesus Nazareno, maawa ka sa amin!
Good evening noise friends!
Nagcrave sa Pares, tamang tama sa maulang panahon. Lets eat guys π€€
Ang ulan ng panahon wala akong stock ng pangsopas kaya nagluto nalang ako ng spagety π
Kain po tayo mga kafoodtrip π€€
Sabado namaman po kaya alam ko karamihan saatin ngayon ay may schedule ng paglalaba. Pero dahil sa maulan kayo nalang muna mga kamarites. π
Maulan at makulimlim na byernes saating lahat, friday nanaman ang bilis ng araw. Wala akong energy ngayon parang gusto ko lang humilata.
Mamaya nalang kapag sinipag, paulan ulan rin naman kaya pag ganitong panahon masarap lang maghihiga.
#Tamadπ
Maulang Gabi noise friends at mga kadiary!
ilang araw din akong hindi nakapost, at pag open ko dito napansin ko may mga pagbabago na pala ulit si noise.
Kamusta naman po kayo?
Ako eto ok na, ok narin ang anak ko, masigla na, naglalaro na, nakapagmomodule na ulit.
Ang hirap pala kapag yung anak ay nagkasakit tapos first time mom kapahalos dimo alam ang gagawin, marami pa pala talaga akong hindi alam, at sabi nga nila marami pa akong pagsubok na dadanasin habang papalaki ang anak ko.
Fresh vegetable galing kay mother, π
masarap talaga magkaroon ng nanay, hehe
Makakauwi narin kami sa bahay namin mamaya, pumayag na ang anak ko kase wala narin naman syang kalaro dito sa bahay ng lola nya, nag uwian narin sa kanya kanyang bahay.
#HappySunday
11212021 #PadulasNaMaligalig
Goodnight noisers friends!
busy maghapon hanggang gabi kaya hindi nakapost.
sakit rin ng ulo ko kaya tulog narin ako agad. #PadulasNaMaligalig
Kanina pagpunta ko ng school may mga empleyado ng gobyerno na nagtanong kung may bakuna na daw ako, sagot koy WALA PA,
magpaturok na daw ako, akala ko ba walang sapilitan ang pagpapaturok pero bakit ngayon halos hinahanapan na ng katunayan na may vaccine kana. Bawal narin pumasok sa Mall na walang turok o kahit sa work.
Nagdadalawang isip parin ako, ewan ko ba diko talaga feel magpaturok. ππ
Sopas para sa umagang kay ganda!
After nito makaligo na at makauwi muna sa bahay para maglinisan don. Aayaw pa umuwi ng anak ko sa bahay namin kaya ako nalang muna para naman malinisan at madiligan ang aking mga halaman, mapakin narin ang aking doggy na c megan.
#haveAgreatDayNoisers #FoodPhotography
Blessed Tuesday everyone! Maganda ang panahon ngayon, makauwi sa bahay mamaya para malinis naman, morethan one week na ata ako di nakakauwi sa bahay dahil dito kami sa nanay kong house nag stay. Mahirap kase kapag kaming dalawa lang ng anak ko don sa bahay wala akong makakatuwang o mauutusan pag may kailangan. Awa naman ng panginoon masigla na ulit ang aking anak at lagi ng nakakaramdam ng gutom, medyO alalay lang muna sa pagkain at iwas sa mga pwede maka allergy , nabawasan nga ang timbang nya, bawi nalang pag nakabawi na ng lakas at pag talagang magaling na ang aking bebe. #PadulasNaMaligalig
Dahil may promise ako sa anak ko nong nasa hospital pa sya na kapag gumaling na agad sya ibibili ko sya nga mga gusto nya, tinupad ko naman agad. Para happy ang bata. Pasyal saglit sa mall para lang maibili sya ng favorit nyang Pony at nga gustong laruan na barbie. #RandomThoughts
Rainy Sunday everyone!
Maganda na ang pkiramdam ng anak ko nakikipaglaro na sya sa kanyang mga pinsan.
Kaybuti mo talaga Panginoon at hindi mo talaga kami pinapabayaan.
Salamat din syempre sa pamilya ko lalo na sa mga kapatid ko na laging maaasahan. #RandomThoughts
Nakakatulog narin ng medyo mahimbing ang anak ko, napaliguan ko rin para mas maging maginhawa ang pakiramdam nya, hindi narin naman sya nilagnat magdamag, nawawala narin ang allergy sa mata at labi nya. Nakakita rin ako ng pagbabago sa kalagayan ng anak ko, akala ko maibabalik pa sa hospital eh, mas nahihirapan at nasasaktan lang sya doon,. sanay tuluy tuloy na ang paggaling mo anak. #ThankyoupoLord
11-13-2021 #PadulasNaMaligalig
Thank You Lord πβ€οΈ
Dear Lord, Thank you for your amazing power and work in my life, thank you for your goodness and for your blessings over me and my family. Thank you for healing and protection. Thank you that you are Able to bring hope through even the toughest of times, strengthening me for your purposes. Thank you for your great love and care. Thank you for your mercy and grace. Thank you that you are always with me and will never leave me nor forsake me. In Jesus' Name, Amen π
#goodnightNoiseFamily! #RandomThoughts
Kakalabas lang namin ng hospital. kagabi pero ang taas nanaman ng lagnat ng anak ko,
hayy jusko! nakakapraning na..
Akala ko ok na eh, gumastos na nga ng malaki pero balik nanaman sa pagkalagnat ng mataas. π« #PadulasNaMaligalig
THANK YOU LORD! hay salamat nakalabas narin ang anak ko sa hospital. Sa bahay nalang itutuloy ang gamutan. 2 days lang kmi sa hospital ang bill ko umabot ng 37, 600 grabeh! Pero ok lang mas mahalaga ang buhay at kalusugan ng anak ko. Babawi naman ako ng lakas at ng tamang tulog, sanay magtuluytuloy na ang paggaling ng anak ko at wag na ulit maibalik sa ospital. Goodnight na mga kanoise. #RandomThoughts
Gusto ko na matulog, gusto ko ng magpahinga, pero aayaw ng diwa ko, aayaw ng isip ko, gusto koy nakabantay, lahat ng gagawin at lahat ng ituturok gusto ko nakikita ko gusto ko alam ko lahat. sana naman maging ok na ang resulta ng dugo mo, mawala na ang allergy mo, ang mataas mong lagnat at panlalamig mo at maging ok narin sana ang tiyan mo para makakain kana at para makauwi na tayo at maenjoy mo ang paglalaro. Sana maging ok kana anak. π’ #NoiseCash
Ang hirap sa pakiramdam bilang ina yung makita mong nahihirapan ang anak mo. Nakakadurog ng puso na marinig galing sa kanya yung salitang " ayoko na ang sakit sakit sobrang sakit mommy " kung pwede lang sana saluhin nalang yung sakit na nararamdaman nya. ππ #RandomThoughts
Gamutan nanaman ang aking anak, halos dami nakaschedule yung ibang pedia mga pila sa dami ng magpapacheck up, buti may ibang alam ang kuya ko na pedia kahit medyo malayo. Yung anak ko kase halos nilalagnat sa gabi at hindi makakain dahil kahit konti lang ang kainin nya sumasakit na ang tiyan tapos susuka. Buti nalang pinagdrive kami ni kuya at napacheck up ko anak ko. Ang hirap sa pakiramdam bilang magulang na makita ang anak na may nararamdaman at nakikitang nahihirapan. Sanay maging ok na po sya LORD. π #PadulasNaMaligalig
Improve yourself, but never change. Be someone better but stay as yourself. Forget who hurt you yesterday, but dont forget who loves you every day. Forget the past that makes you cry and focus on the present thats makes you smile.
#BusyFriday
#tired #Motivation/Inspiration
Magandang hapon, napakainit ng panahon ngayon, ang ingay pa don sa kapit bahay dahil sa videoke at may birthdeyan.
Yung kulang ako sa tulog kagabi dahil sa pagbabantay sa anak ko dahil biglang nilagnat, gusto ko sanang matulog ngayon kaya lang napakaingay sa katabing bahay π #PadulasNaMaligalig
Dumating din ang order kong espasol, tamang tama sa meryenda namin ni bebe. π€€ partneran natin ng softdrinks.
Meryenda narin kayo mga ka foodtrip at kanoisers! Napakainit ng panahon ngayon nakakatamad lumabas ng bahay.
Dinner time na! Simpleng ulam sa hapagkainan, Naghanap pa ako nitong tinapa sa palengke, yung medyo malaki ayaw ko ng maliliit, buti nalang meron pang naabutan dun sa tinda ni ninang. π
Bumili narin ako ng pipino kamatis at sibuyas, hiniwa ko ng maliliit para ipartner saaking masarap na ulam na tinapa. Natatakam ako dito nung nakaraan pa mahirap lang talaga makatyempo ng tinapa na bago,.
Yung anak ko aayaw naman ng tinapa kaya napagluto ko parin sya ng walang kasawaan na Adobong baboy! #FoodPhotography
Ang daming summative Test na sinagutan ng anak ko, kanina lang namin inumpisahan inabot na kami ng 1 ng umaga hindi parin natapos. π
Ang haba kase ng tulog nya kaninang tanghali hanggang hapon kaya umabot sya ng hating gabi ngayon para sa mga sinagutang summative, ipapasa na yun bukas pero may mga hindi pa tapos, kaumay sa dami. Nauumay ako dahil may mga subject don na halos hindi naman nya napag-aralan, lalo na yung sa music, at yung iba diko rin alam ang sagot dahil nagkasakit nga ako at kapatid ko nag guide sa kanya nung ibang subject. Buti nalang may google π
O sya pahinga na si ako maaga pa gising para matapos ang test na yun ng mapasa narin sa tamang oras. #RandomThoughts