Usapang Monitor PC BUILD

0 38
Avatar for Kiryuu24
4 years ago

Usapang Monitor !!!

First define muna natin ang difference between FPS (Frame Per Second) and Refresh rate..

FPS = Ayan ang binu-buga ng GPU mo papunta sa monitor mo.

Refresh Rate = Ayan yung kung gaano kabilis mag refresh ang iyong monitor, Higher the refresh rate mas madami kang frames na makikita. Ayan yung Frames na kayang ipakita ng monitor mo.

Dito na nagkakaroon ng problema ang mga newbie PC Builders!

Segway natin si word na "Upgrade"

Laging sinasabi ng mga nakakausap ko is "kaya ganito 650w na agad sa psu" " Tipirin nalang natin sa peripherals basta goods yung loob ng system unit"

Ang tanong is may stable monthly income kaba na makakapagupgrade ka in no time? or ..

Matatagalan pa?

Diyan na ngayon papasok si Monitor !!

Bubuo si newbie ng 40k pc build at matatagalan pa siya bago magkapera ulit ..

Lahat ng pera buhos sa system unit pero yung monitor hindi pa full hd at 60hz lang.

Ang tanong ng karamihan?

"Magkakaroon ba ako ng full experience sa pc ko?"

the answer is no ..

Kahit na kayang mag 250+ fps ng system unit mo if ang kaya lang idisplay ng monitor mo is 60hz eh hindi mo makukuwa yung gameplay experience na ninanais mo.

Dahil ang refresh rate at fps is 1:1

Kumabaga kung ang monitor mo is 60hz ang ididisplay niya lang is 60fps kahit yung rig mo is capable na magproduce ng fps na triple.

Tips mula sa mga batak na master natin dito:

If ang budget mo lang is 30k do the 5k rule ..

20k sa system unit ..

5k sa peripherals ..

5k for emergency if nagkaroon ng iba pang bibilhin.

Habang tumataas yung specs ng rig dapat sumasabay din yung specs ng monitor at peripherals.

LALO NA KUNG MATATAGALAN KAPA MAG-UPGRADE.

Šī¸ to Owner

Sharing is caring ❤

1
$ 0.00
Avatar for Kiryuu24
4 years ago

Comments