Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan. Kadalasan ang mapa ay isang dalawang-dimensiyong modelo ng isang tatlong-dimensiyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga kompyuter at mga kalipunan ng dato na siyang nagpalawig ng pagsulong ng Mga Sistema ng Heograpikong Impormasyon (Geographic Information Systems o GIS), nagagawa na ring nasa tunay na panahon at dinamiko o masigla ang paggalaw ng datos na heograpikal.
Ang mapa ay ginagamit sa paglalahad ng anumang lokal na pag-aari ng buong mundo o parte nito. Puwede rin siyang gamitin upang ilahad ang anumang pamamagitan, tulad ng utak o kalawakan sa labas ng mundo. Ang mapa rin ay larawan ng isang lugar na nagpapakita ng direksiyon.