Noong 1 Enero 1897 may apat na pelikulang pinamagatang Un Homme au Chapeau o (Kalalakihang may Sumbrero) Une scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l'Opera Sa lugar ng Tanghalan les Boxers (Ang mga Boxingero) ay ipinalabas sa Salon de Pertierra na isang sinehan sa 16 Calle Escolta ng isang ngangalang Antonio Ramos na isang Sundalo mula sa Espanya, Nag angkat siya ng Lumiere sinematograph na may 30 pelikula mula sa kayang account sa isang bangkong swiso. Ang Pelikula ay Buhat sa mga bansang Pransiya Alemanya at sa Britanya, ang ipinapalabas sa Lungsod ng Maynila.
Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere para gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa Pilipinas na isang dokomentaryo tulad ng Panorama de Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta de Quiapo o Pista ng Quiapo puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La Ecsenas de la Callejeras o ang Sayawan sa kalye. Bukod kay Ramos ay marami ding mga Dayuhanng taga gawang pelikula ang ang pumunta sa pilipinas tulad ni Burton Holmes na ama ng Travelogue, na kumuha ng ilang mga dokumentaryong mga pelikula sa pilipinas tulad ng Battle of Baliwag si Kimwood Peters din ay kumuha ng ilang mga tanawin sa Banaue Rice terraces at si Raymond Ackeman ng American Biography at ang Mutoscope ay nag Cock Fight na ipinapakita ang pagkakahilig ng mga pilipino sa Sabong.