Paanyaya sa Bahay ng Kapitan [1887]
Tunay ngang nakakainip dito sa aming casa. Tila inaabot na naman ako ng pagkabalam at nauubusan na naman ng ideya sa aking isusulat na libro. Umuwi ako dito sa aming bayan upang makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip-isip, ngunit hindi marahil nakatulong iyon, bagkus nakasama pa.
Hindi ako halos nahimbing sa aking pagkakatulog kagabi. Hindi ko na maalala kung ilang tasa ng mainit na tsokolate ang aking ininom habang pinapanood ang mga alitaptap mula sa bintanang kapis sa aking silid. Maigi pa ang mga iyon, nagniningning ng may saya sa dilim, hindi kagaya kong nakakulong pa rin at namumuhay ng may hapis sa aking nakaraan.
"Hija, Kristina, may bisita ka! Darse prisa! (Madali)" sigaw ng aking ina muna sa ibaba ng aming hagdanan.
"Nariyan na po, mamá!" Sagot ko, inayos ko na ang aking buhok gamit ang payneta at madaling nagtungo sa sala de estar (living room).
"Oh, tila lumungkot ang mukha mo, mi amiga? Hindi yata ako ang iyong inaasahang bisita ngayong araw." ani Sita, ang aking kababata, na waring may panunukso sa kaniyang ngisi.
"Huwag mo nang tuksuhin ang iyong kaibigan, Sita. Lalo na't nagdurugo ang puso ng dalagang iyan sa nangyari kahapon." Gatong na panunukso ng aking ina. "Bueno (kung gayon), maiwan ko na kayo, nang kayo ay makapaghuntahan. Ipapahanda ko na sa utusan ang Torta Imperial at kape na babagay dito."
Nagagalak akong makitang muli ang isa sa aking mga kababata. Galing siyang Europa kasama ng kaniyang ama. Mga musmos pa kami nang huli kaming magkita at ngayon ay mga ganap na kaming dalaga. Maganda si Sita. Nakatali ang mahaba niyang buhok, balingkinitan ang kaniyang katawan, singkit ang mga mata nito na tila isang mestiza de sangley, at mga labi na kahit hindi na lagyan ng kolorete ay mapupula pa rin.
"Parang marami kang iku-kuwento sa akin, mi amiga." nakangiting sabi sa akin ni Sita. "Ako man ay marami ring iku-kuwento."
"Mabuti pa ay mauna ka nang magkuwento, Sita. Makakapaghintay pa ang aking mga kuwento sa iyo." ang turan ko.
"Noong wala ka rito sa ating bayan, ilang taon na ang nakalipas, pinuntahan kita rito at ang sabi nga ng Tiya ay nasa Maynila ka raw at doon pansamantalang namamalagi. Sa aking pagpanaog dito sa inyong tahanan ay may nakasalubong akong makisig na heneral. Alonzo raw ang pangalan ng ginoo sabi ng aking ama. Sa unang kita ko pa lamang sa kaniya ay nagustuhan ko na siya. Nang bumalik ako sa Europa, hindi na siya mawala sa aking isip. Nais kong makitang muli ang binatang iyon. Tila umiibig na ako sa kaniya, Kristina." ani Sita.
Natulala na lamang ako sa kaniyang tinuran. Tila napatakan ako ng nido del pájaro adarna (ipot ng ibong Adarna) at naging bato sa aking kinauupuan. Nang may narinig akong tumawag sa ibaba ng aming hagdanan.
"Sulat po, para kay Kristina de Asis."
"Perdone (paumanhin), kukunin ko lamang ang sulat na iyon." aking sabi.
"Muchas gracias, Senyor." pagpapasalamat ko sa ginoong kartero.
"Sa akin nagmula ang sulat na iyan. Naunahan ko pa bago makarating dito. Lubhang napakabagal ng sistema ng liham rito sa ating bansa. Kung ang iyong abuela (lola) ay maysakit pa lamang, sasabihin mo na agad sa iyong susulatang kafamilya na ito'y namayapa na upang pagdating ng sulat sa kanila ay husto ang ibinahagi mong impormasyon sa kanila sa tagal bago nila matanggap ang liham. Haha!" pabirong sabi ni Sita.
"Sita! Marinig ka ng mamá! siguradong kagagalitan ka nu'n. Ngunit tama ka, sana balang araw ay bumilis-bilis naman ang paraan ng komunikasyon dito sa buong Las Filipinas." saway ko sa kaniya.
"Biro lamang. Tama ka. Balang-araw siguro. Bueno, iyan ay sulat paanyaya sa iyo at kay Tiya. Magkakaroon ng salu-salo mamayang gabi sa aming casa. Inimbitahan ng aking ama ang mga makapangyarihang tao rito sa ating bayan, maging ang kura, alferes at iba pang mayayaman rito. Malamang ay darating din ang ating mga kaibigan at ang itinatangi kong heneral. Dalangin kong makarating kayo ng tiya, Kristina."
Hindi ko alam ang aking isasagot sa aking amiga. Ayaw kong pumunta roon kung darating nga ang heneral na si Alonzo.
Como estás!
Makalipas ang isang linggong mahigit na pagkabalam, nakapagsulat din ako. Nawa ay naibigan mo ang munting sanaysay kong ito.
Nabasa ko kaninang umaga ang pahayag na mawawala na raw ang noise.cash, marahil ay sa noise.app na tayo magkikitang muli. Narito ang imbitasyon patungo sa aking account KemiGranger.
Adios, mi amigo/amiga!
Daaaaaaang! That plot twist tho. Hahaha