Horror*
Isa talaga ito sa hilig kong panoorin mga katatakutan haha, Nakakatawa naman kase kabadong kabado ako tapos hindi pa ako makanood na hindi nakatakip sa mukha yung kamay lalo na kapag alam kong suspence na, Hahaha nakakatakot kase pero gustong gusto ko ito.. Tapos kapag gabi na naaalala ko pinapanood ko haha nakakatakot feeling ko may mga multo din na nakasunod sakin bakit kaya ganon na iimagine ko mga pagmumukha ng multo, Pero patuloy pa rin ako sa panonood tapos minsan makakalimutan ko na din hindi na ako ulit matatakot...
Hindi naman talaga ako maklat nakakapg solo ako kahit gabi, Kapag nakakapanood lang ako ng mga horror mejo natatakot kase ba naman ang daming papanoorin yun pa ang natipuhan ko... Kahit kakabog kabog ang dibdib eh pinapanood ko pa rin lalo na kung mga bagong palabas ngayon mga zombie, ghost, paranormal... mga ganon... Kayo ba ano ang gusto nyong panoorin.?
Palpak'
Marami sa atin ang takot magkamali, takot maging palpak eh bakit nga ba naman hindi ka matatakot eh sa isang palpak mo lahat pwedeng maging iba na ang tingin sayo ng ibang tao, Ganyan ang tao eh konting pagkakamali mo lang hindi na nila nakikita yung mga dati mong mamagandang ginawa yung mga mabuti, dahil mas marami man mabuti ang gawin mo, Kapag nagkamali ka yung isang pagkakamali ang palagi nilang maaalala at isusumbat sayo.
Bakit kaya hindi nalang kapag pumalpak ang isa tao ay ituwid natin, tulongan natin sa kanilang pag bangon hindi yung ilulugmok pa natin sila bagkus alalayan at turuan, Alisin na natin ang ugaling mang down ng iba sa tuwing nag kakamli sila, Kaya marami ang takot magkamali dahil sa ganitong pag iisip ng tao.
Almusal*
Almusal sa umaga sympre hindi mawawala ang mainit na kape' para sa aking panimula ang sarao naman kaseng humigop ng Kape' Ugaliing mga almusal dahil ito ang isa sa pinaka mahalagang meal sa isang araw, Pero sympre nakakalungkot dahil hindi lahat nakakapg almusal hindi lahat may pang almusal, Kaya ako everytime kakain, lubos ang aking pasasalamat kase may kinakain pa ako, Nakakapag almusal pa, at isang kabilin bilinan ng aming magulang huwag mag sasayang ng pagkain, Ubusin ang kinuha mong pagkain na inilagay sa iyong plato.
Dahil merong hindi na nakakain ng sapat sa isang araw, kaya huwag tayong mag sayang ng pagkain, at mahirap din kitaan ang perang ipapambili ng pagkain, Kaya magpasalamat tayo kung sobra sobra pa sa tatlong beses tayo nakakakain... Wag unahin ang reklamo kahit maliit na bagay matutong magpasalamat.
Pusa'
Simula talaga pagkabata namin mahilig na kami sa mga Pusa' Kayo ba mga ka read cash ano naman ang hilig nyong alagaan na pet'.... Ang pangalan ng aking pusa ay *Tobby and Itim' sila ngayon ang palaging kasama namin dito sa bahay nakakatuwa sila at nakakawala ng stress para na ngang mga bata ang turing namin sa kanila kase ba naman ang tagal na din na sila lamg ang bini baby namin dito, Pinapakain at pinapaliguan, Ang saya nilang pagmasdan lalo na kung nag hahamagan ang dalawang iyan.
Marami na rin akong naging pusa bago pa ang mga iyan, Kinahiligan ko talaga yan kaya nga pati sa pagtulog nakakatabi ko pa eh mabuti nalang at wala akong hika, Kase sabi nakakahika ang pusa kase ang balahibo nito,... Kaya mga Ka read cash kung may nag papa ampon sa inyong pusa amponin nyo swerte din daw yun, yun ang paniniwala ng iba dahil pinuntahan ka ng pusa may misyon daw iyan sa bahay nyo...
Katangahan*
Diba minsan ay naging tanga din tayo huwag tayong mag malinis minsan ay nagkakamali rin tayo at nasasabi nating 'katangahan ko' Pero kung ano man yan kase iba iba tayo ng mga katangahang nagawa eh, Huwag tayong basta basta susuko at huwag nating hayaan na i down ang ating sarili bagkus ituwid natin ito kung anong Katangahan ang ating nagawa.. Kung minsan kase ang tao nasanay na lamang sa salitang tanga* kahit wala ka ginagawang mali sinasabihan ka ng tanga* diba masakit din yun 'sabihan ka ng patanga tanga pero hindi naman totoo gusto lang talagang mag magaling ng isang tao..
Mag tao naman na' Nag tatanga tangahan lamang yung tipong alam naman nya ang mga dapat gawin pero bakit mas pinipili nyang hindi umintindi at hinahayaan nalang tawaging tanga' Pero sana ang ating bunganga ay huwag naman ka sobra na konting mali lang eh tinatawag na agad na 'Tanga ang ating kapwa, konting konsiderasyon huwag puro' Pantatanga agad...
Gising'
Salamat sa poong may kapal dahil akoy kanyang ginising pa, Panibagong araw at pag asa na naman mga ka read cash tayo ay magpatuloy lamang sa ating mga mabubuting ginagawa at tayo pay pag papalain.. Good morning at ang lahat po sa atin ay mag doble ingat kung kayo ay may trabaho mas triple kayo mag ingat dahil mahirap mag commute yung iba nag lalakad para lang makapasok sa trabaho para kumita at matugonan ang pangangailangan ng kani kanilang pamilya..
Magpugay tayo mga ka read cash kung tayo ay ginising pa ngayong umaga, Magpasalamat sa mga biyaya na natatanggap at iwasan ng maging reklamador, at ngayong panahon matutong makinig at sumunod na lang muna para tayo ay maging ligtas..
Salot'
Ito po ay opinyon lamang, Dahil bakit yung iba ay itinuturing na salot ang mga tomboy at bakla. Ano po ba ang ginawa nila sa inyo para masabing sila ay salot sa lipunan. Mga tao rin po sila na may damdamin, Nasasaktan lalo na kapag sinasabihang Salot lang kayo sa lipunan, Diba ang mga salot yung mga mamamatay tao, mga corrupt. Porket ganyan ang katayuan nila ay salot na, Intindihin din natin mga pinag dadaanan nila kaya huwag basta basta na lang magsalita na salot sila.
Minsan kung sino pa yung salot na sinasabi nyo sila pa yung mas may silbi at pakinabang sila din yung nakakatulong sa kapwa, Kaya imbes na magkukuda tayo ng salot, Magtulongan na lang at wag ng magsalita pa ng masasakit sa kapwa pare parehas lang tayong tao na nangangailangan ng respeto sa isat isa.
Love letters'
Love letters, nakakilig makatanggap ng ganito, Yun tipong kahit makaluma na sa panahon ngayon konti na lamang ang gumagawa ng ganito dahil nga may teknolohiya naman, Pero para sa akin sweet yung mga ganito nakakaalala pa na gumawa ng love letter na ibibigay para sayo alam mo talaga na nag effort pa sya para sumulat kahit na may teknolohiya na.
Isa ako sa mga gumagawa pa ng ganito, Ako pa ang Nagbibigay sa asawa ko ng mga ganitong love letters, hindi ko idinadaan sa tex ang mga gusto kong sabihin sa kanya kung di sa pag susulat.. Nakakatuwa dahil na aapreciate naman nya lahat ng effort ko yun nga lang hindi kami magkatulad sya naman walang hilig sa mga love letters na yan.. Kayo ba mga ka read cash naranasan nyo rin ba mabigyan ng love letter.?
Dalagang Ina*
Hindi po ako Dalagang Ina.. Ito ay base sa mga nakikita ko at sa mga kakilala kong ganito 'Dalagang Ina ang tawag sa kanila dahil wala namang asawa pero nabuntis.. Ito lang ha, Pero labas na tayo doon eh bakit meron paring uungkatin kung bakit ganyan ka naging dalagang ina, Sa aking opinyon lang ha, Wala naman sigurong masama kung naging dalagang Ina ka, Lalo na kung ito ay Pinangatawanan at Pinanindigan mo hindi mo ito iniaasa lang sa iba.
Kaya lang may taong pakialamera, Kahit ginawa mo na ang lahat para maging mabuting ina ka, wala pa rin para sa kanila dHil ang iniintindi nila yung Pagkakamali mo, yun ang uulit ulitin sayo. Kung meron kang kakilalang ganito tulongan mo huwag mong i down ang mahalaga alam nya ang responsibilidad nya at hindi nya pababayaan ang magiging anak nya at maging mabuting ina sya.
'Pintasera*
Ayan mga taong ganyan, Nakakayamot kayo.! Lahat na lang ng makita nyo pinipintasan nyo, maganda man o hindi, Kapag maganda sexy may maipipintas pa din kayo, Kapag pangit naman lalo ng kapintas pintas, Nakooo hindi nyo ba alam nagiging makasalanan na ang inyong mata dahil sa mga nakikita nyo at ang nakakatawa pa dahil ang namimintas ay kapintas pintas din naman. San kung anong makita nyo manahimik na lang kayo kung nakita nyong kulang sya ng ganito huwag nyo ng punahin pa.
Lahat naman tayo ay mayroong kapintasan kaya nga lang yung iba sumobra naman sa pamimintas wala ng preno kahit nakakasakit na sila sa kapwa nila, ang lahat ng makita ay wala ng ligtas dahil lahat ito ay mapupuna, baka po nakakalimutan natin wala pong taong perpekto kaya bago tayo mamintas tingnan muna natin ang ating mga sarili.
Kasambahay"
Sa mga nangangtuloy o kasambahay saludo rin ako sa mga pag hihirap nyo, Hindi ko man naranasan ang pagiging kasambahay alam ko namang mahirap man ito, ito naman ay marangal na trabaho, pero sympre sa iba ito ay basta basta lamang may mga taong maliit ang tingin sa mga kasambahay ang iba pa nga ay hindi maganda ang trato dito..
Ito po ay base sa aking napapansin na bakit kaya yung iba ay iba tratuhin ang mga kasambahay nila, Oo nag tratrabaho sila sa inyo Pero nag seserbisyo lamang sila hindi bo bayad ang dignidad at buong pagkatao nila para tratuhin nyo na parang hayop, Yung iba hindi pinakain at ang masakit pa hindi pinapa sweldo ng tama.. Sana iturin nyo rin silang pamilya dahil sila ay nakakasama nyo na sa araw araw kahit nga ituring nyo na lang din sila tao at irespeto hindi porket katulong na ay mababang uri na ng tao, Wala po dyan ang basehan hindi rin sa antas ng trabaho.. Ang mahalaga marangal ang iyong ginagawa.
Isnabera'
Haystt bakit kaya may naging kaklase ako na ganito dati... Masyadong isnabera nakapg aral lamang ay nakalimot na din, Noong nakapg aral at nakapg trabaho, Naging isnabera na ayaw ng makisaya sa mga walang work, eh diba ang tawag dun masyado na syang nagmamataas, Okay lang sana kung hindi kakilala eh magkakilala naman pero sobrang taas na ng tingin sa sarili feeling mayaman na eh hindi naman..
Ang tao talaga nag iiba lalo na kung nagkakapera na ang dating samahan ay naiiba na rin Pero meron din naman na hindi nakakalimot at namamansin pa din kahit na maganda na kanilang pamumuhay hindi nila nakakalimutan kung saan sila nanggaling, Ganon sana Ate Ghorl" Huwag masyadong mapagmataas porket may work kana, parang hindi ka nanggaling sa wala ah, huwag masyadong mang isnab baka isang araw, wala ka ng malapitan dahil sa ugali mo.
Okay lang*
Madalas nating sagot kapag tinatanong tayo, Kamusta kana? okay lang.. Pero minsan sinasabi natin ito kahit hindi naman talaga tayo okay kase hindi natin alam kung concern ba sila o baka nangamusta lang. Pero may tao din na kahit sabihin mong okay ka lang eh nalalaman nila na hindi kase tumitingin sila ng diretso sa iyo sa mata mo sila titingin at ang sarap sa pakiramdam kapag may taong ganon sayo.. na kahit itanggi mo na okay ka lang mararamdaman nyang hindi.
May iba naman kase na ayaw kang pakinggan, minsan gusto mong mag kwento dahil nahihirapan ka minamabuti mo na lamang itong solohin dahil natatakot ka na baka wala naman silang pakialam 'okay ka man sa hindi. Kaya madalas *Okay lang kahit hindi naman... Minsan ayos lang din hindi maging okay lalo kung hirap na hirap kana.
Magiting'
Para sa ating bayani na si Dr. Jose Rizal, Binabati ko po kayo ng maligayang kaarawan tunay nga pong hindi matatawaran ang inyong pagkamagiting.. "
Isa pa sa mga Magigiting na kilala ko... Ang ating mga Tatay, Papa, Daddy, etc.. Bigyan natin sila ng parangal dahil naparami na nilang ginawa at isinakripisyo para sa atin, Sa pag hahanap buhay sila ay matuagang nag babanat ng buto kumakayod upang kumita para may pantutos sa mga gastusin... Ang mga Tatay na pilit Nagpapakatatag lalo na sa panahon ngayon gumawa ng diskarte may maipakain lamang sa pamilya ang lahat ng iyon ay hindi natin matutumbasan ng kahit anong bagay, Bagkus iparamdamn natin sa knila ang ating pagmamahal bilang isang anak, Sa darating na 'Father' s day ating ipadama ang pagmamahal natin sa knila para mabawasan man lang ang bigat na dinadala nila, Kung maari nga dapat araw araw nating iparamdam ang pagmamahal natin dahil ang bawat bukas ay walang kasiguraduhan..
Masipag:
Kapag naririnig ko ang sakitang ito, Mama ko agad naaalala ko dito, Napaka sipag kase nya hindi lang sa gawaing bahay pati na rin sa pag tatrabaho, Wala syang ibang inisip kung hindi kaming mga anak nya, Tunay ngang napaka sipag nya.. Saludo ako sa aking Ina dahil hindi nya kami pinabayaan simula pa noong bata kami hanggang sa paglaki namin naka alalay pa rin sya, Kaya nyang pagsabayin ang pag aalaga samin at pag tatrabaho, Inaasikaso kami sa pag pasok sa iskwela, ipinagluluto inaasikaso at inaalagaan..
Wonderwoman nga talaga ang mga Nanay na handang mag sakripisyo para sa anak mabigyan lang ito ng maayos na pamumuhay, Salamat at may kinagisnan kaming Nanay na tulad ng Mama'ko. ❤️😘 Walang katumbas lahat ng paghihirap mo, Kaya kahit na tumatanggi ka minsan sa mga tulong namin ay ipinipilit pa rin namin ito para makabawi man lang kami sa iyo. 'Mapasaya at mapangiti ka namin sobrang sarap na nun sa pakiramdam...
Salute to all Nanay, Mama, Mommy na masisipag at maalaga sa mga anak nila...
Travel'
Napakasarap mag travel pero sympre dapat may budget' para mas maging maayos at komportable, Kaya lang dahil sa panahon ngayon wala munang travel travel bawal muna, manahimik muna sa loob ng bahay para maging safe tayo.. swerte nung mga nakakatravel around the world yung tipong di na iniisip ang budget basta yung nasa bucket list' lang ang iniisip na mapuntahan swerte nyo naman sana all nalang ako.
Nakakarelax din kase ito ng pakiramdam ang pag tatravel sa mga lugar na pinapangarap mo, nakakatulong din ito upang mapaganda ang ating mood. Masayang magtravel sana marami pa akong mapuntahan na ibang lugar and hoping na pati na rin sa labas ng bansa sa pag tatravel nag eenjoy kana nakikita mo pa kung gaano kaganda ang mundo..
Mapang-angkin'
Ang mga ari-arian na meron tayo ay isang biyaya, hindi man ganon kalaki ang mahalaga meron pero paano nga ba kung meron tayong kapatid o kapwa na Mapang angkin, kahit hindi naman ito sa kanya.. Ibibigay mo na lamang ba ito basta basta.. Sympre hindi dahil kung anong meron tayo ngayon ay pinag hihirapan natin ito bago makuha kaya hindi tayo papayag sa mga taong mapang angkin ng hindi sa kanila bagay man yan o ari-arian.
Bakit kase hindi nalang makontento ang tao at nakukuha pang ankinin ang hindi sa kanila, Mga bagay na gusto nila eh meron din sila baka hindi nila alam na nakaka perwisyo na sila sa Pang aangkin ng gamit na hindi nMan sa kanila.. Iwanan na natin ang gawaing ganyan walang kalalabasan na maganda yan kung anong bagay ang meron tayo pagkasyhin at makontento huwag ng kumuha pa ng iba lalot hindi sayo.
Karangyaan'
Ang iba sa atin ay lumaking marangya ang pamumuhay, lumaking merong mga bagay na wala ang iba, Maswerte kayo dahil hindi nyo dinanas ang hirap maging mahirap, Pero hindi ibig sabihin na mayaman ka o lumaki kang marangya ang pamunuhay ay perpekto na ang lahat. Kalimitin sa mayayaman nawawalan na ng oras sa kanilang anak dahil puro negosyo na lamang ang inaasikaso nila pero par rin naman ito sa mga anak nila pero sympre ang anak ay mag hahanap ng kalinga ng magulang,. Magulang na palaging andyan para sa kanila.
Kaya hindi pa rin maituturing na sobrang swerte ang mapabilang sa karangyaan tulad natin may kanya kanya at ibat ibang istorya din tayo, Minsan ninanais natin ang bagay na meron sila at sila naman ninanais ang bagay na meron tayo. Ang mahala hindi tayo nang aapak ng ating kapwa alam natin ang limitasyon.
Alak'
Normal lang naman uminom ng alak' pero bakit yung iba laklak na ang ginagawa, Hindi ko nilalahat ah sa mga laklakero tapos reklamador na wala ng makain pero may pambili pa ng alak, hay nako kumusta naman kayo may atay pa ba kayo. Mayroon na ngang paalala na 'Drink moderately pero ang ginagawa pa rin ng iba ay laklakan na.. Hindi mawawala ang alak sa mga okasyon pero kailangan alam mo ang limitasyon mo dahil hindi rin maganda ang masobrahan ng alak sa katawan nagdudulot ito ng sakit.
Mayroon ding iba na mas uunahin pa ang pang inom kaysa sa mga bagay na mas kailangan bakit kayo ganyan mga lasenggo, kawawa naman pamilya nyo kung ganyan kayo imbes na makatulong ay magiging pabigat pa kayo sa inyong pamilya kaya baguhin nyo na sarili ngo kung kayo ay nabibilang sa lasenggero.
Bugbog'
Naaawa ako sa mga babaeng nabubog ng kanilang asawa, bakit kailangan nyong manakit bakit kailangan pang gumamit ng dahas lalo na sa inyong asawa.. Hindi lang ito sa pagiging martir, May ilan akong nakilala na literal silang sinasaktan ng kanilang mga asawa, Nakakagigil diba kase hindi pa nila ito hinihiwalayan pero bakit nga ba? Mag kakaiba daw kase ang karanasan natin sila binubogbog nga pero mabait ang mister nila sa kanilang anak kaya hindi nila ito maiwan iwan..
Makikita mo doon ang sakripisyo ng isang ina na kahit nasasaktan na eh patuloy lang sya para sa mga anak, yung iba naman Nag sasama na lang dahil sa anak,.. Pero meron ding mga lalaki na nakakaranas na mabugbog ng asawang babae pero bihira, Sana naman hindi na umabot sa sakitan dahil minsan din naman kayong nagmahalan, huwag nating gawing punching bag ang bawat isa maging mahinahon at huwag gumamit ng dahas.
Sorry'
Mga katagang palaging sinasambit kapag nagkakamali ang isang tao.. Sorry, Sorry, Sorry... Sa bawat mali ay tinutumbasan natin ng salitang sorry' Pero ang nakakapanlumo sa bawat pagkakamali ay puro sorry lamang ang ginagawa diba dapat ang pagkakamali hindi na inuulit ulit pa, dahil kung sa bawat pagkakamali mo eh puro ka lang sorry at hindi ka nagbabago wala rin itong saysay.
Meron kase na kesio alam na madadaan ka lang sa isa sorry ay okay na ulit, umaabuso naman Sana kung mag sosorry kayo yung sincere at hindi paulit ulit samahan nyo na rin ng effort, effort na ipaparamdam nyo yung tunay na kahulugan ng sorry,.. Bumawi din kayo hindi puro sorry lang lalo na kapag alam nyong nagkamali talaga kayo. Lesson learned hindi lahat ng nag sosorry ay sincere yung iba nasanay na lang kase alam nila papatawarin mo ulit.
Mapagkumbaba'
Nakakatuwa yung mga taong ganito.. Imbes na magmayabang sila itong mga 'Mapag kumbaba, Pero alam nyo ba na nakasulat sa bibliya na ang mga taong nagpapakumbaba ay syang itataas at ang mga taong nagpapakataas ay syang ibaba.. Makahulugan ang mga salitang ito, sa ilang mambabasa tingin nila karaniwan pero kung ito ay susuriin mo malalaman mo ang kahulugan nito.
Mga taong may mabuting kalooban, Hindi mapag mataas sa kapwa nila, palaging nagpapakumbaba kung alam nilang mali sila, Nakakatuwa diba kase kapag mali sila nagpapakumbaba na lang sila di tulad ng mga mapag mataas kapag nagkamali hirap na hirap nila itong aminin dahil ayaw nilang magpakumbaba na lamag hirap nila itong aminin sa kanilang sarili.
Kalamidad'
Sa paglipas ng panahon marami na tayong napagdaang mga kalamidad andyan ang lindol, bagyo, buhawi, baha, ang pag buga ng bulkang taal 'Pero ang lahat sa atin ay patuloy na bumabangon ang lahat ay patuloy na umaasang maayos din ang lahat at malalagpasan rin natin ang mga ito mga kalamidad na pilit tayong itinutumba ngunit ito pa minsan ang nagiging daan upang mas lalo pa tayong maging matatag.
Maraming kalamidad na ang nagdaan pero ang kalamidad ngayon ang isa sa hindi ko makakalimutan, Nakakatakot at nakakabahal dahil sa isang iglap lang pwede kang mawala dito sa mundo ganon kabilis kumulat ang kalamidad na ito, 'Nawa ang lahat ay mag pakatatag lang, at manalangin rin huwag tayong makakalimot sa nasa taas dahil sya ang mag bibigay ng lakas sa atin.
Online seller'
Naranasan ko na din maging online seller hindi rin madali at hindi rin madaling kumita kung minsan pa nga ay mag aabuno ka pa, isama mo pa ang mga pasaway at bogus buyer mga pareserve reserve pa tapos ang ending hindi naman nila kukunin. Oo nga po at cellphone lang ang aming dinodotdot pero hindi rin po ito madali, puhunan at pasensya din dito ang pinag uusapan.. kaya walang bastusan sa mga online seller kase iba iba naman eh may mga scammer talaga meron namang legit din..
Kaya bago kayo mag order siguraduhin nyong legit at mapapagkatiwalaan, At isa pa wag nyo naman paglaruan ang mga nag oonline selling na magpapareserve tapos hindi kukuhanin tapos meron pang mag oorder nga tapos i cacancel naman nag aabuno din po kaming mga online seller dyan, saka hindi naman po isang bagsakan eh malaki na agad kikitain, Kaya respeto na lang din sa nag titinda dahil gusto lang namin magtinda ng maayos saka wag ng baratin ng baratin ang paninda at wag ding pintasan lalo na kung hindi ka naman bibili..
Mukhang Pera"
May kilala ba kayong ganito? Mukhang pera,, Nakakainis nu. kase yung mga taong ganito kilala ka lang kapag may mahihita sila sayo mga mukhang pera na tanging salapi na lamang ang iniisip. Pera na siguro ang nagpapatakbo sa buhay nila, kapag walang pera maiinit ang ulo pero kapag nabigyan mo sobrang luwag ng mga ngiti mga mukhang pera.
Hindi ko nilalahat ha... Pero meron at meron talaga na taong ganito, minsan kamag anak mo o kapatid mo pa, Kapag halimbawa nang hihinge sila at hindi mo napag bigyan kahit na isang beses lamang ayy nakoo marami ka ng maririnig sa kanila pero kapag may pera ka ang bango bango mo sa kanila. Hoy mahiya naman kayo ang tao di lang nabubuhay para sa pera.
Orihinal'
Kahit saan mo tingnan ang gusto talaga nila ay original, Kahit dito kay Read cash gusto origal compossition talaga ang ilalathala mong aticle sariling gawa mo... Tulad din naman sa ibang mga bagay minsan o kadalasan mas gusto natin ay original para pang matagalan kaya lang dahil nga original may kamahalan pagdating sa mga kagamitan..
Idagdag ko pa dito ang pagiging original na asawa diba mas may karapatan ang mga original sa lahat ng pag aari ng kanilang asawa kase sila ang totoo at tunay... Sa mga gawain naman natin matuto tayong huwag kumopya nalang sa iba halimbawa sa mga desinyo ng bahay gusto mo palagi gaya gaya ka, Sabi nga diba mas maganda kung may originality tayo para maituturing na hindi basta basta at hindi gaya gaya lang..
Kapos"
Marami sa atin ang kinakapos ngayon, Kapos sa pang araw araw na gastusin at pati narin sa kakapusan sa pagkain. Kaya bago tayo magreklamo na kung bakit ito lang o bakit ganito na naman halimbawa sa ulam ayy dapat mabutihin nalang natin mag pasalamat sa bawat biyaya na meron tayo dahil hindi lahat ay nakakain pa, hindi lahat ay may bahay pang matutulogan.. Sa panahon ngayon makikita kung gaano kalupit ang ibang tao pero salamat na lang din dahil mas marami pa rin ang pinipiling tumulong na lang.
Kaya kung sa tingin mo sa nagdaang buwan at hindi kayo kinapos sa pagkain man yan o sa ibang bagay napakalaking pasasalamat mo dahil ang karamihan sa atin ay kinakapos na wala ng pera para makabili pa ng pagkain, Nariyan na ang mga nangungupahan nakakaawa dahil pinapalayas sila ng may ari sa kadahilanang wala ng maibayad, pero sana konting konsederasyon naman ang lahat po ay nag hihirap dahi sa pandemic. Lawakan pa natin ang pang unawa sa kapwa dahil yun ang kailangan natin ngayon magtulongan.
High school"
Napakasaya talaga ng pagiging high school, Ika nga eh High school life isa daw yun sa masayang yugto ng iyong pag aaral... Andyan ang asaran at tuksuan nyong mag kakaklase hindi mawawala ang bida bida jan o pabida lahat ay alam pero minsan ay nakakatulong din... Hindi mawawala dyna na merong tahimik lang at meron namang maingay sympre may matalino at merong hindi masyadong makasabay sa lecture.
Naalala ko pa nung high school days ko nakakatuwa kase kaming mag babarkada tulongan kami para makatapos hindi yung iwanan, kahit sa mga projects at assignment kami ay nagtutulongan, kung minsan naman magkakasama din sa kalokohan hindi literal na kalokohan kung di mga kakulitan lamang,... Ang saya saya mga tawanang hindi ko makakalimotan andyan pa yung pag dating ng exam eh nagkokopyahan hindi talaga ito maiiwasan pero bawal, pero pagkatapos ng exam at nakapasa kayo ang sarap sa pakiramdam, lalo na nung graduation nakakatuwa kase lahat kami ay makakatapos nakalungkot nga lang kase mag kakaiba n ng school na papasukan... Namiss ko yung barkadahan namin... Nakakamiss na sila... Hindi na natuloy ang reunion nagka covid pa.. Lalong di na natuloy.
Pagluluto'
Gabi na naman mga ka read-cash tayo ay magluluto na naman ng makakain sa gabihan... Isa ang pagluluto sa aking mga hilig, ang sarap kase magluto tapos mag iisip ka pa ng ilang bagong recipe na pwedeng itry para mas mapasarap ko pa ang aking paluluto... Meron ibang babae na hindi kinahiligan ang pagluluto pero ako hilig ko ito nakaka gaan din sa pakiramdam kapg nagagawa natin yung mga bagay na gusto natin..
Love ko rin ang mag bake, Mag imbento ng ibat ibang i babake, mga puto, brownies at condense cake at marami pang iba,... Kayo mga ka read cash ano ang inyong mga kinahiligan? Share it with me, comment nyo mga hilig nyo... Ngayong quarantine marami ako ibat ibang natutuhan na i bake at iluto,.. Nakakatuwa dahil na eexplore ko pa ang cooking talent ko... Sabi ng iba mas maganda daw sa babae ang marunong din magluto kahit papano tama nga naman para maipapagluto nyo ang mga mahal nyo sa buhay...
Ingat po tayong lahat...
Pag aalala*
Ang sarap sa pakiramdam na mayroong taong nag aalala sayo, may taong concern sayo at sa mga ginagawa mo... Sa panahon ngayon Puro tayo pag aalala, Nag aalala tayo para sa ating kaligtasan, lalo na ngayon na may pandemic kailangan doble o triple ingat pa nga tayo yun ang kailangan natin.. Salamat sa mga taong nag aalala para sa kaligtasan natin dahil hindi tayo nakakalimutan kumustahin o paalalahanan para mag ingat palagi..
Pakiramdam na nakakaluwag dahil alam mong may taong nag aalala sayo, ayaw kang magkasakit at iniingatan ka lahat ng paalala at mga bilin ay gagawin para lang maprotektahan ka, Ang lahat po sa atin ay mag iingat hindi biro ang Covid19 na ito, maraming namamatay pero ipagdasal natin na mas marami pa sana ang gumaling sa sakit na ito... Magdasal tayo na sana malampasan natin ang unos na ito.