Pariwara'
Nakakalungkot isipin na ang dami ngayong mga kabataan ang napapariwa ang buhay, Mga kabataan na hindi nakikinig sa payo ng magulang mga pariwara ang buhay dahil ang gusto sila na ang masunod na akala moy alam na nila ang lahat na akala ay magaling na sila.. Sayang nakakapang hinayang ang ibang kabataan na maagang napariwara ang buhay, Ang iba dahil sa impluwensya ng mga barkada ang iba naman ay nalulong sa droga, Sinasayang lang nila ang mga buhay nila kaya sa mga kabataan dyan, makinig kayo sa mga payo at sinasabi sa inyo ng magulang nyo sundin sila dahil ikakabuti nyo naman kung sila ay nag sesrmon yun ay dahil ayaw nila kayong mapariwara..
Itutuwid at itutuwid ang inyong pagkakamali ganyang ang mga magulang na gustong mapabuti ang anak... Ayaw nilang matulad sa iba na hindi natutokan ang bata kaya lumaking walang pakialam sa buhay at ang alam lamang ay bumarkada at magligalig... Kaya matutong sumunod at makinig upang hindi kayo maging pariwara, sayang ang buhay... Gamitin nyo ito sa makabuluhang bagay...
Bills"
Lahat tayo ngayon isa yan sa pinoproblema natin mga Bills, o bayarin sa bahay saan ka nga naman kukuha ng pambayad sa mga bills eh sa ngayon mahirap kumita ng pera papasok sa trabaho napakahirap dahil sa Covid19 na yan lahat tayo ay apektado, Kaya ang ating bayarin lalaki ng lalaki saan na nga ba tayo kukuha ng pang bayad sa mga yan eh kung sa pagkain araw araw eh kinakapos pa tayo..
Sobrang napakahirap ng sitwasyon ngayon malayong malayo sa dati, Hindi naman tayo pwedeng umasa na lang sa gobyerno dapat gagawa pa rin tayo ng ibang paraan para sa mga pansarili nating problema., Paano na nga ba, ano na ang mangyayare sa atin sana matapos na ang lahat ng ito para tayo ay muling makabangon, Kaya makinig at sumunod nalang tayo sa mga batas, Huwag ng maging sakit sa ulo.
Simple"
Simpleng pamumuhay at kasimplehan sa sarili... Ayos na yun sa akin maging isang simpleng mamayan lang at simpleng pamumuhay... May ibang naghahangad pa rin ng sobrang kagarbuhan sa buhay ang iba mas maraming pera mas masaya mas bongga sa katawan mas masaya sila pero sympre iba iba tayo kung ako ang tatanungin ayuko ng ganon mas masarap mabuhay ng simple lang.
Sa pagiging simple maapreciate mo ang mga bagay bagay mabibigyan mo ito ng importansya dahil alam mo ang hirap para lamang magkaroon ng mga mamahaling bagay. Sa buhay ng tao simple man o mayaman dapat pantay ang karapatan hindi yung may pinapanigan tayo, Pare parehas tayong tao mag kakaiba nga lang ng level pero dapat pantay ang pagtingin wala simple o marangya walang mahirap o mayaman.
Pagsubok*
Lahat tayo ay sinusubok, May mga pagsubok talaga na darating sa ating buhay upang mas lalo pa tayong patatagin, Ginawa ang pagsubok hindi upang pahinain tayo kundi tayo ay mas lalo pang palakasin at ihanda pa sa mga darating pang unos sa buhay natin.
Magkakaroon talaga tayo ng Pagsubok na parang ang sarap na lang sumuko pero diba kapag sumuko tayo, Tayo din ang talo kaya maging matatag lang tayo sa mga pagsubok na kakaharapin at darating sa atin. Mga pagsubok na papalakasin tayo.
Stress'
Kung ikaw ay nakakaranas ng pagka balisa o stress mabutin mong mag dasal at mas lalong kumapit sa pananalig.. Huwag tayong magpadala o magpatalo sa lungkot dahil sa kinakaharap natin ngayon marami talaga ang na sstress at yung iba pa nga ay dumaranas na ng deppression na mas malala na kaysa sa stress.. Kung may mga tao tayo na kakilala at dumaranas ng ganito mabutihin natin na palagi silang kausapin at kamustahin dahil merong namamatay sa ganitong sitwasyon hindi po ito biro.
Sa mga dumaranas ngayon ng stress o ano pa man, Sabay sabay po natin itong labanan, Kapit lang sa pananampalataya at tayo ay makkaraos din sa ating mga pinag dadaanan... Mga hamon at pagsubok lamang ito sa atin pasasaan at malalagpasan din natin ito.
Malambot na puso'
Ito ang tawag sa mga taong mahabagin masyadong mabait' Mga malalambot ang puso' Dahil hindi nila natitiis ang hindi makatulong sa kapwa nila... Iniisip nila kung pano sila makakatulong kahit na sa maliit na paraan lamang...
Sila yung tipo ng tao na hindi madamot, Pero sympre mangilan ngilan na lamang ang mga taong ganyan bibira ka ng makakilala ng ganyan dahil sa panahon ngayon mga garapal na ang tao. Tutulongan mo na kasit lahat kahit nagmagandang loob ka na may maririnig ka pa rin sa kanila na ganito ganyan.. Kaya minsan ang mga taong malambot ang puso ay naabuso ng iba dahil nga mabait inaabuso naman ng iba kapag nahingan nila ng tulong, Wag naman tayong maging mapag samantala sa kapwa natin.
Mayabang'
Minsan mayabang ka sa pormahan o maangas kung minsan naman mayabang ka sa mga materyal na bagay... Mapag yabang sa kapwa na kung anong pwedeng ipag yabang eh iyayabang nila sa tao para lamang hindi sila masapawan,.. Magyayabang ng mga bagay bagay, Lalo na sa mga gamit at kung ito ay mamahalin pa iyayabang nila yan sayo hindi pwede ang hindi dahil nga 'Mayabang sila kaya kahit anong gamit ipag yayabang nila..
Kung minsan naman sa Pormahan, Kontodo mag yabang kase naka branded ika nga nila, Mamahalin ang kasuotan kaya feeling eh angat na angat na sa iba ang sarili ay to the highest level na na akala mo ay nuknukan ng Yaman pero sadyang mayabang lamang ito, Mayabang sa kaalaman pero mali mali naman ayaw papatalo sa iba, ayaw ng nayayabang sila ng iba. Ganyan ang ugali ng mayayabang, Hindi maganda yan, magbago na kayo.
Tiwala'
Ang tiwala maikukumpara ko sa isang basong mababasagin. Ang tiwala hindi basta basta nakukuha ng iba ngunit kapag ang tiwala ay nasira at nagkalamat na hindi mo na ito mabubuo tulad ng isang basong mababasagin ang tiwala dapat mo itong ingatan dahil kung hindi mababasag ito at masisira at hindi mo na ito mabubuo pa.
Kung meroong taong Nagtitiwala sa iyo blessing yan dahil maswerte ka at Pinag kakatiwalaan ka nila kaya huwag mo itong sisirain bagkus ay iyong ingat, Dahil sa panahon ngayon mahirap ng basta basta na lang tayo nagtitiwala na hindi pa natin lubusang kilala ang tao.
Solusyon*
Lahat tayo ay may pino problema, Problema kung paano tayo makakaraos sa pang araw araw kung paano at saan tayo kukuha ng pera para may makain at yung iba problema dahil maraming pinagkautangan, Iba iba tayo ng problema pero sabi nga Ang lahat ng Problema ay may solusyon, Kung wala itong Solusyon Hindi ito matatawag na problema...
Ang problema natin sa buhay dapat buong tapang natin itong hinaharap, Dahil ang problema hinaharap hindi tinatakbuhan Dahil maraming pwedeng maging solusyon kong ano mang pinoproblema natin maging positibo lang tayo at huwag pang hinaan ng loob.. Kapit lang tiwala lang matatapos din ang lahat ng problema na ating kinakaharap.
Selos"
Malimit na pag awayan ng magkarelasyon ang selos...Minsan selos ang pumapatay sa relasyon sa kaka selos nag sasawa na din ang ating kapareha... Meron kaseng selos ng selos na wala naman dapat ikaselos pero anong magagawa mo kung sobrang mahal ka ng tao.. May mga tao kaseng sobra ang Pagkaselosa/seloso kahit konting bagay lang pinag seselosan nila pero sana wag nating kalimutan na may kanya knya tayong munda hindi porket gf/bf muna eh sayo na lahat ang atensyon sympre may mga bagay din yan na gustong gawin at kung alam mo naman na tama suportahan mo huwag puro selos at bawal.
Normal lang naman mag selos kase nga mahal natin yung tao pero dapat nasa lugar din huwag basta basta na lang dahil palagi itong pag mumulan ng away.
Ilog'
Sa probinsya masarap talaga maligo sa ilog, tapos malawak at makakalangoy ka,.. Naalala ko nung bata pa ako madalas kaming maligo sa ilog ng mga kaibigan ko kasama din ang kapatid ko ang saya saya lang paliligo lang sa ilog ang aming iniisip... May minsan pa nga na sinusundo na kami ng aming mga magulang dahil sobrang tagal namin halos mamula na ang mata kakasisid..
Napakasarap balikan noon.. Tanging laro lang ang aatupagin mo kapg bata ka pa, kung paano ka makakatakas sa iyong ina dahil sa tanghali palaging pinapatulog ang bata eh kami gustong gusto naman naming maglaro kahit na napaka init ng panahon wala kaming pakialam kung umitim man kami basta makapg laro lang..
Pinag sabay"
Nakakaloka nooo, Kapag nalaman mong Pinag sabay ka sa iba... Yung tipong ginawa mo naman ang lahat lahat pero ganon pa, magiging dalawa din pala kayo sa piling ng isa... Mga manloloko ang dapat na itawag doon mga hindi makuntento, lahat eh gustong pagsabayin kaya pati sa Pagmamahal pinag sasabay na din..
Sa mga Pinagsabay dyan, Huwag kayong mag alala mas may magandang plano sa inyo ang dyos, Iniaalis kayo sa taong hindi nyo deserve na maranasan yung sakit... Mas may better na darating kaya tuloy lang huwag tayong gumanti dahil Karma is real kakatokin nalang sila bigla dahil sa mga masasamang ginagawa nila.
Pangako"
Bakit nga ba tayo nangangKo... Bakit andaming mahilig mangako.. Mga pangakong nauuwe sa limot at Pagka pako....
Kung tayo ay Nangako sa isang tao sana tuparin natin dahil ang taong ating pinangakuan ay umaasa sa ating salita sila ay nagtitiwala na sa bawat sabihin mo na pangako ay tutuparin mo. Huwag tayong mag paasa ng tao dahil malalaman mo ang sakit kapag napangakuan k ng isang tao at hindi ito natupad madidismaya ka, Minsan nga sinasabi natin sanay na ako dyan di nya tinutupad mga pangako nya pero sa kabilang banda umaasa pa rin tayo na sana tuparin nila ito..
Ang hirap mapangakuan lalo na kung alam mong wala itong kasiguraduhan, Hindi mo alam kung aasa ka ba at magtitiwala sa mga salita nya o babalewalain nalng ito at hindi na mag hihintay pa... Pero may mga tao din namang marunong tumupad sa pangako at may isang salita.
Kamatayan"
Lahat tayo ay hahantong sa kamatayan, Dahil ang kabayaran ng Kasalanan ay Kamatayan.. '
Habang nabubuhay pa tayo marami pa tayong pagkakataong mag bago at itakwil ang mga maling nakagawian, habang nabubuhay tayo ay may pag asa pa, Pag asang makakawala sa mga masasamang gawi. Huwag tayong magpatalo sa mga tukso bagkus ay itakwil ito. Marami pang oras may oras kapa para ayusin ang iyong sarili..
Siguro lahat tayo ay natatakot mamatay o siguro may iba na hindi natatakot, Pero ang mas nakakatakot ano kaya ang mangyayare sa atin kapag namatay na tayo, saan kaya tayo mapupunta.. Kung iisipin mo yan dalawa lang naman sa langit o sa nag lalagablab na apoy, Kaya kung ikaw ay may oras pa para mag bago at ayusin ang iyong sarili at huminge ng kapatawaran napaka swerte mo dahil binibigyan kapa ng pagkakataon upang itakwil at tuloyang lisanin ang masasamang gawin...
Habang tayo ay Nabubuhay gumawa tayo ng kabutihan, at mangaral ng matutuwid na salita..
Sakripisyo"
Hindi na mabibilang sa ating mga kamay ang sakripisyo ng bawat isa atin, magkakaiba man tayo ng pinag dadaanan ang pag sasakripisyo natin ay laging kaakibat... Kailangang mag sakripisyo para sa mas makakabuti tulad na lamang nag pag tatrabaho...
Sa mga Ofw na handang mag sakripisyo kahit na malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay ay kanilang tatahakin mabigyan lamang ng maganda at maayos na pamumuhay ang kanilang mga minamahal... Mahirap ang malayo sa pamilya andyan ang ma homesick ka kase di mo sila nakakasama sa pang araw araw pero baliwale ng hirap kapag naiisip mo sila kapag naiisip mo na kailangan mong mag sakripisyo para din naman sa kanila... Mahirap maging Ofw lahat ng hirap ay dadanasin nila, kaya yung mga humuhusga sa ofw wag kayo basta basta humusga dahil hindi nyo alam kung anong mga pinag dadaanan nila para lang makapag hanap buhay.
Kamag anak'
May mga tao talagang Kilala ka lang na Kamag anak nila kapag Nakakaluwag ka sa pamumuhay pero kung hindi naman hindi ka nila maituturing na kamag anak... Pansin nyo rin ba yun na kapag hindi kayo mayaman ay tipong hindi kayo kilala ng ilan nyong kamag anak pero kapag kayo ay mapera at maganda ang inyong pamumuhay asahan mo yan dadami ang iyong kamag anak na kahit sa kanununonoan ay magiging kamag anak mo kase nga mag impluwensya ka ng salApi..
Sana huwag tayo maging ganon na nakakakilala lang kapag may pera paano naman kung tayo ay nabibilang sa Salat sa salapi at pamumuhay eh di ang lagay eh wala tayong kamag anak na pwedeng takbuhan dahil swertehan nalang kapag tayo ay kinikilala ng ating kamag anak may pera man tayo o wala.
Tamad at dugyot"
Masyadong nakakainis kapag nakasalamuha ka ng taong ganito, tamad na nga dugyot pa, wow total package... Nakakainis dahil ikaw itong gawa ng gawa sa loob ng bahay linis ka ng linis tapos ang kasama mo naman ay dugyot mapapainit talaga ang ulo mo... Kung gumalaw eh parang bigat na bigat at sa mga ginagawa nya hindi nya inaayos basta basta na lang...
Minsan pa pinapabayaan na lang na nakakalat mga gamit, nakakainis diba hindi ba pwedeng ayusin man lang at ilagay sa tamang lagayan para naman hindi nangangalat... Ang sama kayang tingnan kapag ang buong bahay ay makalat at dugyot, Mas masarap pa rin na marunong kang maglinis at hindi ka lumaking dugyot, maayos kang gumawa ng mga bagay bagay at alam mo kung paano maglinis ng kalat mo hindi yung iaasa mo pa sa iba.
Hanapbuhay*
Nasa isip na talaga natin ang pag hahanap buhay, Naghahanap buhay tayo para sa ating sarili at para na rin sa ating pamilya upang matustusan ang ating mga pangangailan at meron din tayong mga personal na pangangailangan... Pero bakit ang iba sa atin ay ninais na lamang na umasa kesa mag hanap buhay, Iniaasa na lang nila ang mga dapat eh obligasyon nila sa sarili kawawa naman ang isang nag sisikap dahil lahat na nya ay pasanin imbes na makatulong ay nagpapabigat pa bakit hindi tayo tumulong, wag tayong matutong umaasa na lang sa iba dahil tayo ay may kanya kanyang pangangailangan...
Sa mga mahilig umasa na lamang dyan, Mag banat naman kayo ng buto huwag yung pabigat na nga kayo ang lahat pa eh iaasa nyo na paano naman ang isang naghahanap buhay... Magtulongan nalang wag mag pabigat at kung ano man ang maitutulong ay gawin huwag maging tamad at umasa na lamang sa ibibigay mas masarap pa rin na ang pera mong gagastusin ay galing sa iyong pinag paguran..
Lalamove"
Share ko lang experience ko sa Lalamove first time namin mag book ng asawa ko kase need namin magpalit ng phone eh nasa Cavite sya hindi sya makauwi dito sakin dahil mahirap mag commute... Nagbook sya at naidiver ang package ng maayos sakin, kinontrata ko yung driver ng lalamove na kung pwede balik sya ulit kase may papa deliver din ako pabalik sa asawa ko, kaya lang pagod na daw sya kaya sinabihan nya ako na bukas na lang wag na daw ako mag book sa lalamove kase sya na mismo mag pick up dito.... Ganon lang naging usapan namin.. nung una nag alangan ako dahil baka di sya tumupad sa usapan pero ok lang din naman kase pwede ako mag book, at ayun na nga nagtext si manong driver at pipick upin daw nya parcell ko, salamat naman at maayos syang kausap kaya binigyan ko ng tip, Mabait din kase di nya kami niloko kase pwedeng itakbo na lang nya yung parcell kase di namn yun naka book sa lalamove, Yung tiwala ang Pinag uusapan dito...Nakakatuwa dahil mapapagkatiwalaan sya, Nag pa alala pa sya sakin kase sabi ko text nya ako kapag na drop na nga items ko, Nag pa alala pa sya na Hindi lahat ay mapapgkatiwalaan kase yung iba bogus itatakbo na items mo lalo na at hindi naka book sa lalamove, Wala kaming magiging habol doon...
First experience namin ng asawa ko sa lalamove ay maganda kase ang driver ay mabait nakakatuwa dahil meron pa rin mangilan ngilan na mapapagkatiwalaan....
Salute to Manong Driver ng Lalamove.. Ipagpatuloy nyo lang po ang pagiging mabait at lahat ng iyan ay masusuklian din ng kabutihan...
Kambal"
Ano kaya ang pakiramdam na may Kakambal"?.... Siguro masarap sa pakiramdam kapag magkasundo kayo at sa mga bagay naman ay iisa lang ang inyong gusto... Pero siguro depende pa rin sa kakambal kase sa mga kambal na kakilala ko minsan hindi daw sila magkasundo palaging mag kaaway kahit sa mga bagay bagay pinag tataluhan nila... Pero meron din naman na Magsundo sila at nagkaka unawaan din sa ibang bagay..
Mas masarap sa pakiramdam na kahit wala kang kakambal pero meron kang kapatid na pwedeng sandalan pagdating sa problema ay napakaluwag sa pakiramdam hindi mo maiisip na nag iisa ka sa mundo dahil meron kang kapatid na matatakbuhan, Kapatid na handang umalalay sayo...
Itsura"
Maraming tao ang bumabase lang sa itsura,... Minsan kapag maganda ka o gwapo akala nila maganda na rin ang kalooban mo dahil nga maganda ang panlabas na anyo mo.. Palaging hinahangad ng iba ang kagandahan ng panlabas na anyo, Pero di nyo ba naisip na ang Kagandahang panlabas ay kumukupas ito ay nalalaos at naiiba ang itsura pagdating ng panahon..
Huwag po tayong bumase lang sa Panlabas ng anyo, Pangit man yan o maganda basta Maganda ang kalooban Panalo yan, madadala nya yun sa Pagtanda nya at kailanman ay hindi makakalimutan ng tao na minsang naging mabuti ka sa kanila... Kaya huwag po puro itsura ng tao ang tingnan natin kung di ay ang kanilang malinis at busilak na kalooban...
Sakim"
Sakim,! Bakit nga ba may mga ganito? mga sakim mga mapanlamang sa kapwa...Kung ano meron ka kinakanya rin..
Sa mga pami-pamilya hindi maiiwasan na may mga sakim talaga lalo na pagdating sa mga yaman o lupain andyan na ang dayaan sa mana kase nga 'sakim...Ang gusto nila sila lang ang napapaboran sa mga bagay bagay .,Sa salapi gusto nila mas higit pa ang makukuha nila, ..Mga taong sakim at mapag imbot saan nga ba kayo hahantong kung ang pagiging sakim ninyo ay lumala, Wala naman pong maidudulot na maganda ang pagiging sakim ,huwag nating asamin ang lahat ng bagay huwag maging sakim at mapanlamang sa kapwa..
Byahe"
Ang byahe ng buhay ay parang walang katapusan ,Hanggang saan nga ba tayo makakarating? Walang nakakaalam sino man sa atin...
Byahe ng buhay na punong puno ng pagsubok at problema kung minsan hindi natin alam kung paano masusulosyonan ang ating mga Pinag dadaanan ,Subalit tayo ay nagpapa tuloy oa rin umaasang ang lahat ng saktipisyo ay mapapalita rin ng kaginhawaan...
Patuloy lang tayo sa ating byahe sa buhay ,Magpatuloy tayo sa magagandang gawain at talikuran na ang masasama ,Walang nakaka alam Malay natin sa Pagtigil ng ating byahe ay kaginhawahan na ang ating makamtam..
Maarte"
Napaka issue kapag ang isang tao ay maarte, lalo na kapg babae ito....Maraming kang maririnig na salit tulad ng ,Nako arte arte di naman maganda ,Ang arte nyan wag na natin isama o yayain...Maarte yan di nya gagawin yan...Mga ganyan maririnig mo kapag meron kang kakilala na maarte ,masasabihan pa ng pabebe'...
Pero bakit kailangan mo pa nga ba mag inarte? Lalo na ngayon ,ang kailangan ng tao ay pagkakakitaan dahil quarantine lahat ay limitado lamang..Pero ikaw nag iinarte pa ,Halimbawa na lang sa bahay ninyo ,masyado kang maselan at maarte pagdating sa ulam ,Eh kailangan ngayon mag tipid ,Magpasalamat nalng tayo kung ano ang andyan mabuti nga at may makakain pa ,yung iba wala na..
Kung minsan naman sa Kasuotan masyadong maarte gusto palagi bongga pero wala namang pera o ibobonggo masyado ka lang talagang maarte...Makibagay ka wag ganyan may lugar ang pag iinarte ,kung alam mong walang wala na kayo at mag iinarte kapa ay nakoo lalo lang na kaiinisan ka...
Mind your own business"
Sabi nga ng iba 'Mind your own business" mapa monkey business man yan o ano yan...Sinasabi nila yan dahil ayaw nilang pakialaman mo sila sa ginagawa nila ,Kaya ikaw huwag kang para pakialam kung ano man ginagawa nyan o gagawin nya hanggang hindi ito nakaka perwisyo sayo pabayaan mo lang.
Ang hirap kase sa atin ang daming usisador....Kung ano ano itatanong sayo kesyo ganyan keesyo ganito ,Lalo na kapag alam nila May pera ka I'm sure ma iisue ka.. bakit kaya sila ganon hindi nalang buhay nila ang pagka abalahan nila aba ehh gusto pa atang pati problema ng iba eh problemahin..
Ang maganda nyong gawin solusyonan nyo ang sarili nyong Problema at Pag aralan nyo rin kung paano mabubuhay ng hindi nangingialam sa iba..'Please mind your own business'
Ingitera"
Marami talagang taong "ingitera yung tipong wala ka naman ginagawa sa kanila pero inggit na inggit sila sayo..May mga nakasama na akong ganito mga Ingiterang Palaka." Hindi mo naman sila pinapakialaman eh sila naman itong mga naka inggit sayo..Oo minsan may pag kakataong naniinggit tayo pero huwag po natin un ugaliin mga Besh.. Mahirap po na kapag ang tao ay namuhay na sa inggit dahil ang kalakip nito ay pagka galit ...
May mga bagay na meron tayo at wala yun sa iba 'Kung minsan pa nga yun lang ang tanging pinapangarap nila ,Meron naman ding wala tayo na meron nun sa iba ,Kaya ka naiinggit dahil hindi ka marunong makuntento kung ano yung andyan sayo ,Gusto mo kapag meron sya meron ka din ayyy certified Ingitera ka nga Wag ganon Mars"..Makunto ka kung anong bagay at meron ka para maging masaya ka na lang kahit malaman mong wala ka nung meron sya... '
Pa-awa!"
May ganito kabang kakilala? Yung taong pa-awa palagi na akala moy ka awa-awa talaga pero yun pala nag papanggap lang....
May mga taong ganito yung kahit di naman kailangang mag pa away eh ginagawa nila lalo na kapag alam nilang may mahihita sila sayo o kaya ay may makukuha sila sayo gamit man yan o pera..Mga mukhang pa-awa mga kwentong maaantig ka pero ano? Pagtapos na mabigyan mo yung hinihinge nila lumalabas na ang totoong ugali.
Madaming naloloko ang taong pa-awa palagi ,hinge ng hinge yun pala meron naman sila yung tipong mas maraming mas nangangailangan ng tuloy pero sila ay nakikisali pa! Hoyy mahiya naman kayo ,dapat mas unahin yung mas nangangailangan hindi yung mga Taong Pa-awa na kala mo'y walang wala pero Meron naman pala mga mapag samantala.
Goodbyee 500 na ba?"
Hello mga ka read-cash...Ngayon lang ulit makakapag sulat ng article ,Hayss ngayong araw kase tinatamlayan ako..
Meron kase akong sinalihan na isang Online business din at may puhunan worth 500 nakapag bayad na ako ang nakakainis di naman ako makapasok sa site nila ,Nakoo po akala ko eh hahataw na ako ,excited pa naman ako tapos ganon lang kesyo sa phone ko ang may problem hay ano ba yan sana eh bago mag invite sabihin ang totoo na dapat ganito dapat ganyan ,nakakapang hinayang yung pera ko🤦😔 sana naman wag lang natin isipin ung kikitain natin kapag nakapag invite tayo ,magsabi tayo ng totoo kung ano yung business natin...Hoping na makapasok ako sa apps nila kase kung hindi talaga ,Goodbyee 500🤦
Pina-utang"
Natatatawa ako na maiinis sa isusulat kong ito...Kase ba naman bakit kaya may mga taong Pina-utang mo ng lahat lahat eh kalaunan ikaw pa nagiging masama ,hindi lahat ha" pero meron talagang mangilan ngilan na ganyan ang pag uugali...yung tipong sa una ang bait bait kwento kwento tapos kapag nakuha na nila loob mo jan na papasok yung 'Manghihiram o mangungutang ...Okay lang naman mag pautang pero sana huwag tayong maging abusado kapag pinag bigyan tayo ng isang beses eh mahiya naman tayong mangutang ng mangutang ulit...
Isa pa idagdag pa natin dito...Kung sino pa ang nag pautang sila pa yung Maamong tupa na 'Nahihiyang maningil, take note --Sila yung Nahihiya ,Wow kumusta naman sa 'Nangutang o Pina utang mo? May beses na maniningil ka kase nga kailangan mo din pero minsan wala kang mapapala tapos ito pa may masasabe pa yan sayo kapag siningil mo kesio ,Ang aga nating maningil kesio kapos din sila...
Sana naman alam natin yung Obligasyon nating 'Magbayad ng utang Hano!! Poket di tayo sinisingil nung tao eh hindi na tayo mag babayad ,Magkusa po tayo lumapit sa kanila kase nung nangutang tayo ,Tayo din mismo ang lumipat sa knila ,Huwag masyadong makapal ang mukha...Magaling kang mangutang dapat magaling ka ding magbayad....Para naman matuwa sa inyo yung Pinag kakautangan nyo..
Sana din kapag siningil kayo ,Wag na kayong maraming sinasabi minsan nag kakaaway pa ,Kase in the first place kayo po ang unang lumipat at kayo ang Nangutang...
'Matutong magbayad ng utang para walang maging problema at mag pasalamat kayo sa Nag pautang sa inyo hindi yung kung ano ano pa sasabihin nyo matapos nyong mabayaran ang utang....'
Pinsan"
Natatawa ako sa barkada namin dito..Ang article na ito ay pinamagatan ko ng "Pinsan...Pero hindi po ito literal na pinsan ha.😂 Sya mismo ang nag suggest sakin na isulat ito..
Ang barkada namin dito ay Bisexual" sya ang nagbabantay sa kanyang pamangkin sila lang ang palaging naiiwan sa bahay nila ang ate nya ay nag tatrabaho ang pamangkin naman na kanyang binabantayan ay nag aaral na ,kung tutuusin ang batang ito ay matured na ang isip kahit bata pa sya.
Ang mahirap sa barkada namin dahil nga Bisexual sya ay nagpapapunta sya ng kung sino sinong lalaki sa bahay nila at tinatawag nya itong "Pinsan" ....Hindi naman kami nangingialam sa kanya sa ginagawa nya ang mahirap lang pinag tatakpan namin sya sa Ate nya ," Mali iyon kaya Pinag sasabihan na lang namin sya na kung di sya titigil eh sasabihin na lang namin dahil baka malaman ng Ate nya na kung sino sino pinapatulog sa bahay nila ay baka pati kami eh magalitan dahil kinukunsente pa...
Saka nag aalala lang kami sa Pamangkin nya ,Ang batang iyon ay maganda at malaking bulas ,Eh nakakatakot na kung sino sino lalaki pinapatulog nya dahil baka di naman sa hinihiling eh baka mapag balingan yung pamangkin nya ,...Mabuti naman at Nung pinag sabihan namin nakinig naman sya...
Mahirap na kase magtiwala sa panahon ngayon ,Hindin natin alam baka may masama na palang balak sa atin yung taong pinapapasok natin sa bahay eh di pa natin alam kaya mag iingat po tayo wag basta basta magtitiwala..."