read.cash Log in

@Kimpot14

Joined 11 June 2020 · 170 posts

marupokNo bio yet...

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

K@Kimpot14

Kape" Ang umaga ko ay "Nagsisimula sa aking Kape.....Ang sarap naman kase magkape para bamg di kompleto ang araw ko kapag hindi ako nakapag kape. Kayo ba mga katambay 'Coffee lover din ba kayo? Coffee is life ika nga ng iba...Actually nagkakape ako ngayon habang gumagawa na naman ng article" Sana marami pa akong maisip isulat haha, Pa minsan kase nablablangko din ang utak ko,minsan naman ang dami kong naiisip tapos makakalimotan ko kapag hindi ko kaagad naisulat...Simulan nalang natin ang araw na punong puno ng pag asa ,maging maayos na sana ang lahat...Mag iingat po tayo ,panatilihing mahinahon ang sarili 'Good vibes lang po😊

K@Kimpot14

Pamahiin" Naniniwala ba kayo sa mga Pamahiin? Merong mangilan ngilan sa atin na hindi ito pinapaniwalaan meron din naman na naniniwala dito...Kapag laking probinsya ka mas maraming pamahiin kang malalaman lalo na sa mga matatanda ,Maraming bawal at di dapat gawin.. Sa panahon ngayon 'Konti na lamang ang naniniwala dito dahil nga salin salin na ang henerasyon ang iba ay di na ito pinapa kinggan kung minsan pa nga ang mga kabataan ay namimilosopo pa kapag sinabihan sila... Pero para sa akin laking probinsya din ako at naniniwala ako sa mga pamahiin ,Wala naman sigurong mawawala kung susunod na lang kung para din naman ito sa ikakabuti natin... Salamat pa rin sa Seyensya' dahil nakakatukong ito sa atin upang mas marami pa tayong malaman..

K@Kimpot14

Laba laba" Goodmorning Mga Ka-ReadCash.." Today is laundry day😂..... 4am palang nagsisimula na agad kami para mas maaga matapos ang isang linggong labahan namin..Marami kase kami dito sa bahay kaya marami din labahan ,Pero mabilis natatapos dahil kami ay tulong tulong sa gawain.. Ingat sa ating lahat...God bless

K@Kimpot14

Zzzzzz"" Ganya na lang muna ang title ng Article ko...Inaantok na kase ako..Masarap ng matulog 'dadalhin na naman ako ng aking mga panaginip sa ibang mundo..Bukas na lang ako ulit mag susulat kung ano pa ang mga magaganda kong maiisip..Sa readcash na ito para ka na din may kalayaan na ilahad ang nais mong sabihin..Pero mas maganda kung may mga kabulohan ito at kakapulotan ng aral ng mga viewers!. Sa mga nakakabasa ng Article ko Sana kahit papano ay natutuwa kayo at nakakakuha kayo ng aral,.Isinusulat at Pinag iisipan ko po talaga ang mga Aritcle na Ipa-published ko ,Kung minsan ang lalim ng mga tagalog na ginagamit ko ,mas maganda po kase nahahasa ang ating talento sa pag susulat...Hanggang sa muli mga Ka-Readcash... Stay safe sa ating lahat..Goodnight'😴

K@Kimpot14

Pasaway"" Naisip ko lang ito ngayon☺️Bakit nga ba ang daming Pasaway? Tipong kakasabi mo lang na bawal ang ganito bawal ang ganyan ngunit hindi nia ito pinapansin bagkus eh Nagpapasaway pa sila.. Kahit saan may pasaway kahit sa loob ng bahay man iyan." I connect ko ito sa nangyayare ngayon ,..Sa tuwing manonood ako ng balita palagi nalang may mga Pasaway,...Bawal lumabas ng bahay ,Bawal mag umpokan ,Please observe social distancing ,Bawal mag dikit dikit ,...Pero Ano? Nanjan pa rin ang mga pasaway na walang paawat sinabihan mo ng lahat ayaw pa rin sumunod.. Mahirap po ba ang sumunod na lang? Para naman ito sa atin..Huwag na po tayong dumagdag pa sa problema ,Sana eh makatulong na lang tayo. Iwasan na po sana natin ang maging Pasaway' Oyy sa mga Pasaway jan..Magbago na kayo😊

K@Kimpot14

Napagod" Maraming pwedeng maging kahulugan ang "Napagod...Minsan Napagod kana sa kakahintay ng 'the one mo.Minsan naman "Napagod kana kakatrabaho, at minsan pa nga Napagod ka ng mabuhay.. Okay lang po mapagod sa mga bagay bagay ,maari tayong magpahinga sandali ,Isipin natin na hindi madali ang mabuhay sa mundong ibabaw lahat tayo ay makakaranas ng Pagod" Minsan Pagod na pagod kana at hirap na hirap na..Pero tuloy lang ang laban ,Huwag tayo basta basta sumuko kung ano mang mga dahilan kung bakit tayo napapagod.. Ipagpatuloy lang natin ang ating buhay ,marami pa tayong kakaharapin dto sa mundo ,Oo nakakapagod pero tuloy lang laban lang... Mapapagod lang po tayo ha, Pero hindi Susuko😊

K@Kimpot14

Step-mother" Sa article kong ito "Hindi ko po nilalahat ha, dahil patungkol ito sa mga "Step-mother.. Lumaking broken Family ang aking Partner' maliit pa lamang sya ay pinag pasa-pasaan na sya kung sino ang mag aalaga sa kanya mula ng magkahiwalay ang kanyang mga magulang.Sa tuwing na-ikwekwento nya sa akin ito ,Parang dinudurog ang aking puso.,Kumpara sa akin ,Buo ang Pamilya kong kinagisnan at mahal na mahal kami.. Nagkaroon sya ng Step-Mother sobrang malupit ito sa kanila ,Ang baon sa eskwela ay kailangan nilang pag hirapan magkapatid..Ang nakaklungkot hindi ito alam ng kanilang Ama..Sa tuwing magkakamali sila ,Walang humpay na palo ang ginagawa sa kanila,Kalaunan ay sabe nya sakin nasanay na lang sya na pinapalo sya nung bata pa hindi na nya iniinda ang sakit ,Sa bawat kwento nya sakin sa mga pinag daan nya nung bata pa sya di ko maiwasang umiyak dahil naawa ako sa kanya..Pero natapos din ang kanilang pag hihirap ng matuklasan ito ng kanilang Ama. Panibagong Step-mother na naman ngayon ang kailangan nyang pakisamahan ,hindi man ito nangbubogbog ,Kung minsan naman ay pinagdadamotan sila..Kahit sa pagkain ,Kaya masyadong limitado ang kanyang galaw..Para syang nakakulong sa isang hawla. Sa ngayon sa mga plano nalang namin sya nakatuon ,Pinapabayaan nalang nya ang Kanyang Step-mom...Pinapayuhan ko na lang din sya..Pinapalakas ko ang loob nya dahil alam kong mas kailangan nya ng taong iintindi sa kanya "Kulang man sya sa aruga dati ,pero ngayon makakaasa sya na at alam naman nya na Mahal ko sya at ng Pamilya ko.. Sa mga Step-Mother na malulupit at mapanakit ,Huwag naman po sana tayong ganon ,Kung di nyo po kayang ituring na parang anak kahit sana konsiderasyon na lang at huwag nyo ng saktan dahil sa bawat pananakit nyo dadalhin nila iyon hanggang sa pagtanda nila ,mga masasakit nilang Pinagdaan.

K@Kimpot14

Ipon" Isa ka rin ba sa mga mahilig mag ipon? Kase ako 'Oo ,,Bakit kaya hindi natin gawing hobby ang pag iipon ng sa ganon tayo ay may madudukot pagdating ng araw.. Marami akong kakilala na ,Meroong magandang trabaho ngunit walang ipon, Meron din akong kakilala na maliit lang ang kinikita ngunit nakakapag tabi pa rin ng pera..Kung tutuusin kung ikaw ay kumikita ng malaki kaya mong magkaroon ng malaking ipon ,Ngunit dahil nga ikaw ay kumikita ng malaki nagagawa mong bumili ng mga bagay na gusto mo o kung minsan pa nga mga bagay na hindi naman kailangan eh nabibili mo rin. Sa kabilang banda ang isang maliit kumita ngunit nakakapag impok ,Nabibili rin naman nya ang kanyang gusto ang kaibahan lang alam nya kung pano mag ipon at alam nya kung pano gagastusin sa tama ang perang pinag paguran ,Bibili lang sya ng mga kailangan lang nya dahil magka iba po ang "Wants and Needs" Sana maging aware po tayo dto ng sa ganon ang perang ating naitabi ay mapapakinabangan natin ,Lalo na sa panahon ngayon tayo ay may madudukot...

K@Kimpot14

Isa,dalawa,tatlo" Isa,dalawa,tatlo...Saan nga ba tayo patungo? Ano ang ating kakahantungan diba nga sabi na ang lahat ng bagay ay may hangganan. Base sa aking obserbasyon sa kasalukuyang nangyayari ngayon Napapa bilang na ako"Isa-dalawa-tatloooo---.. Maaring ito na ang simula ,Nagsisimula ng mangyari ang nakalathala sa banal na aklat' Nakakatakot, Nagdudulot ito sa atin ng pag kabalisa 'Ano na lang ang mangyayari sa atin? Sa bansa natin? Sa buong mundo?..Nalalapit na nga kaya ang paghuhukom? Sa mga nangyayare ngayon dumaranas tayo ng kahirapan,Ang iba ay nagkakasakit at mga nangamamatay..Paano na? Sino na ang dapat nating lapitan? Pwede bang pakipikit ng iyong mata sandali...Ano ang iyong nakita? Kadiliman diba ..Sa mga panahong tayo ay nalulugmok isa lang ang ating kinakapitan walang iba kung di ang Dyos' tayo ay nananalig sa kanya...Subalit ang iba sa atin sa tuwing Nalulugmok lang sila nakakaalalang lumapit sa Dyos, Hindi po ako nanenermon at hindi rin ako perpekto...Ang sa akin lang "May kailangan tayo sa wala ,huwag po sana tayong makalimot sa nasa taas..Lalo sa panahon ngayon wala tayong ibang malalapitan kung di ang ating Panginoon.

K@Kimpot14

Gala' Isa ka rin ba sa mahilig sa mga Adventure...Ang sarap naman kaseng gumala ,Puntahan ang ibat ibang lugar dito sa Pilipinas ,. Kaya lang sa panahon ngayon hindi mo magagawang gumala ,baka makakuha ka lang ng sakit..So better na sa loob ka lang ng bahay sa ngayon.. Hanggang balik tanaw nalang sa mga lugar na napuntahan mo na..Alalahanin mo na lang yung masasayang karanasan mo sa 'Pag gagala mo...Sana matapos na ang krisis na ito upang yung may mga balak at Plano eh magawa na nila.

K@Kimpot14

Tatay" Advace happy Father's day sa mga dakilang Tatay out there'..Salamat po sa mga Sakripisyo nyo hindi matatawaran..Haligi ng tahanan ,Palaging nagpapakatatag para sa Pamilya..Sya ding nag proprotekta sa mga anak..Walang katumbas ang maging dakilang Tatay"...Mga obligasyong kailanman ay hindi tinalikuran bagkus palaging nagpupursigi sa buhay. Mga Tatay na di na mapirmi sa bahay para makapag hanapbuhay, Mairaos at maigapang nila ang lahat na gastusin sa bahay man o sa pag aaral ng kanilang anak..Kahit mahirap ang trabaho pinipilit pa rin nila Ganyan nagpapakatatag ang ating "Haligi ng tahanan.. Kaya bilang isang anak ,matuto din sana tayong suklian ang bawat pagod nila, Hindi man nia ito hingin sa atin ,Mag kusa tayo na kapag kaya na natin sila naman ang ating tulongan..Mahalin at alagaan natin sila tulad ng pag aalaga at pagmamahal nila sa atin..

K@Kimpot14

Nanlamig' Minsan mapapatanong ka na lang ,Bakit naglalamig ka na? Hindi kana tulad ng dati? Madami na ba akong pagkukulang? Halos lahat ng tanong ay maitatanong mo sa iyong sarili kung bakit bigla syang Nanlamig sayo sa pakikitungo nya...Kaya minsan di natin maiwasang mag isip ng mga bagay na baka may nahanap na syang mas hihigit sayo ,baka mas may nagpapasaya na sa kanya at ang Pinaka masakit Baka sa Iba na sya Masaya at hindi na sa iyo.. Sana naisip natin bago tayo manlamig sa karelasyon natin tingnan natin mga naging sakripisyo para lamang sa iniingatang relasyon..Imbes na Manlamig pag usan ang problema maging open sa isat isa upang mapag usapan ang 'Namlamig na relasyon o pakikitungo..Sa may mga Karelasyon dyan lalo na ngayong Quarantine hindi nagkakasama ,Sanay panatilihin pa rin ang maayos at masayang relasyon dahil kung mahal nyo talaga ang isat isa walang dahilan para manlamig at end of the day mas pipiliij nyong ayusin ang problema kaysa tapusin ang Relasyon.💕

K@Kimpot14

Bakasyon' Dati rati palaging gusto natin magbakasyon at makapag relax ,Sa mga studyante naman gusto nila palagi magbakasyon na...Ngayon ay napagbigyan na kayo ,Sobra sobra at mahabang bakasyon ang nararanasan natin ngayon ,Kakaiba nga lang sa bakasyon na inyong inaasahan.. Lahat tayo ay nakabasyon..Nakabakasyon sa loob lamang ng apat na sulok ng bahay...Ikot dito ikot doon..Halos mainip na tayo sa loob ng bahay pero wala tayong magagawa dahil may virus ngayon..Sulitin na lang natin ang bawat oras sa pamiya natin na halos araw araw ay nakakasama na natin..

K@Kimpot14

Pagtanda'" Lahat tayo ay tatanda, puputi ang buhok ,balat na mangungulobot,rurupok ang mga boto at makukuba..Pero ang kailanman na hindi mag mamaliw ang kagandahang inasal nila ,kailanman ay hindi mabubura... Kaya habang bata pa tayo matuto tayo ng kagandahang asal dahil ito ay babaonin natin sa malayong paglalakbay..Sa mga taong tanging Ganda ,at labas na Anyo lamang bumabase ,lahat po iyan ay mawawala ,mababago ang itsura... Kaya humanap kayo ng di lang maganda sa panglabas na anyo ngunit Pati na rin sa loob..Sila ang tunay na maipagmamalaki mo ang taong may magandang asal kahit saan sya makarating ito ay hindi mawawala.

K@Kimpot14

Lola' Hello sa mga batang laki sa 'Lola...Ang lola' na ang nagpalagi sa kanila at naging Ina na rin nila..Maswerte kayo dahil may Lola' kayong aarugain kayo at mamahalin...Hindi lahat ay nagkakaroon ng Lola' na mabait at mapagbigay meron ding mangilan ngilan na mga Lola na madamot sa mga Apo maging sa anak nila.. Mga Lola' na handang mag alaga ng kanilang mga apo. Mamahalin nila ito na parang tunay na anak kaya nga minsan napapaisip tayo minsan mas matimbang pa daw ang apo kesa sa anak ,Kase nga doon nila iginugugol ang oras nila ang pag aasikaso at pag aalaga sa apo nila.. Saludo po ako sa inyo mga Dakilang Lola...Naway magpatuloy pa ang kabutihan nyo sa mga Apo at maging sa anak nyo.😊

K@Kimpot14

Quarantine' Sa panahon ngayon maraming naghihiwalay, why? Dahil hindi nagkikita, kulang sa understanding, kulang sa time, wala ng spark, wala ng kilig, hindi na masaya? Well, I tell you sa relationship dumadating talaga sa stage na ganyan dahil paano tatatag ang isang relasyon kung walang pagsubok, paano magiging matibay kung puro saya, paano mag-mamature kung walang pagdadaanan, paano aakyat sa next level kung susukuan ang current level? Remember, "partner" kayo dapat dalawa kayong humawak sa relasyon na meron kayo, hindi mawawala ang mga taong mapanira actually isa sila sa mga magpapatunay kung gaano kayo nagtitiwala sa isa't isa. Tiwala at pagiging Kontento ang pairalin kung gusto niyo hanggang dulo kayo pa rin. Lastly, huwag kalimutan si Lord ilagay sa center ng relationship niyo, pray for your partner. ❤️

K@Kimpot14

Kapatid" Kapatid ,..Minsan kasundo,minsan hindi' Pero hindi natin maikakaila na ang ating kapatid ay kahit anong gawin natin ay sila pa rin ang makakasama at makasangga natin..Oo minsan hindi natin sila nakakasundo pero hindi iyon magiging hadlang para maputol ang samahan nyo.. Sila pa rin ang magiging kakampi mo ,Iniisip pa din upang mapabuti ka...Palaging payo ng aking Ina na kaming magkakapatid ay magmahalan dahil kami kami din ang magtutolongan..Magbigayan at huwag maging sakim..Kung ano ang pwedeng maitulong ay tumulong..

K@Kimpot14

Kapitbahay" Lahat naman tayo may kapitbahay.' Iba iba nga lang ng mga ugali ang ating kapitbahay"...Pero isa lang masasabe ko sa kapitbahay namin.. Nakakatuwa dahil mabait at wala kang magiging problema sa kanila...Sila na mapagbigay at hindi madamot..Ganon din naman kami sa kanila lalo na ngayong quarantine kami kami din ang nagtutulongan ,Nagbibigayan.. Kung ano man ang pwedeng maitulong ay nakahanda sila at kami din..Ang sarap lang sa pakiramdam na mabait din sila at maayos makisama...Walang plastikan walang chismisan.. Sa mga kapitbahay na Chismosa ,Itigil nyo na yan at hindi yan maganda ,Hindi rin yan nakakatulong bagkus ay nakakasama pa sa buhay ng iba..Mag focus na lang tayo sa buhay natin kesa sa ibang buhay ng tao..Huwag tayong para pakialam sa buhay ng may buhay at huwag tayong manghimasok sa buhay ng iba...

K@Kimpot14

Panaginip' Lakas ng kabog ng aking dibdib habol ang aking hininga pinipilit kong kumalma..Isang trahedyang ayuko kong mangyare sa totoo kong buhay.. Takbo ,takbo dito takbo doon....Pinipilit kong makalayo, Hindi ko naman kilala kong sino ang humabol sa akin...Halos mapagod na ako sa kakatakbo...Ano nga ba ang aking tinatakbuhan?Sa panaginip kong gusto ko ng magising... Mga problemang pinagdadaan ko ngayon, Bakit sa panaginip ay tinatakbuhan ko..Sana magising na ako ,Ayaw kong habang buhay ay tumakbo sa problema...Haharapin ko ito kahit na mahirap... Dahil ang problema hinaharap hindi tinatakbuhan...

K@Kimpot14

Camping' Nasasabik na ako sa pag cacamping..Camping na di na matuloy matuloy..Lahat naman siguro tayo naghahangad na makaranas nito..Isa pa ang pagka camping ay nakakarelax din pati na ng isipan..Kung ang mga kasama mo sa Camping ay pamilya mo at mahal sa buhay mas lalong magiging maganda ang kalalabasan ng camping... Sarap sana sa tabi ng dagat habang ninanamnam nyo ang malamig na simoy na hangin habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan ,Ang iba naman ay nagsasayawan ,Napaka sarap sa pakiraman pagmasadan na ang bawat isa ay masaya..Nakakapag relax at masayang nakikihalubilo sa samoy ng nagmumula sa dagat..

K@Kimpot14

Every gising is a Blessing' Good morning mga Ka-ReadCash....Tunay ngang maituturing na 'Every gising is a blessing'...Panibagong araw na naman ,Salamat sa may kapal at binigyan pa ako ng panibagong bubay..Kaya huwag nating sayangin ang pahiram n buhay satin...Gumawa tayo ng mga magagandang asal na maipapamalas natin sa kapawa..Ang tinatamasa nating buhay ay gawin nating produktibo at maging positibo sa mga bagay bagay.. 'Habang hinihigop ang kape sa aking baso,Ang makulit kong isip at imahinasyon ay umaarangkada na naman..Mga labi kong anh dami na namang gustong sabihin,Hindi man ito maririnig sa bawat salita ko ,Ito naman ay mararamdaman mo...' Sa mga Nagkaraoon ng Pangalawang buhay dyan..." Magpasalamat po tayo g sabay sabay sa Poong May Kapal dahil pinayagan pa tayong magpatuloy dito sa mundo ,Ang ating misyon ay hindi pa tapos ,Kaya hanggat may Nabubuhay tayo ay may kaakibat na 'Pag asa ... Pag asang Malalagpasan natin ang Epidemya..Pag asang tayoy muling babangon sa krisis na ito...Pakatatag lang po tayong lahat...Stay at Home ,Stay safe and God bless❣️

K@Kimpot14

GoodNight' GoodNight mga Ka-ReadCash ako ay matutulog na..Bukas naman ulit para magsulat ng mga bagong pwedeng pagkapulutan ng aral ang aking ishashare sa inyo...Sa lahat ng nakakabasa ng mga pina-published ko sana ay kahit papano may naitutulong ako o di kaya naman ay nakakapulot kayo ng aral..Ang lahat ng aking pina-published ay akin talagang pinag iisipan para makapg bigay ng mas magandang idea para sa lahat..GoodNight and Stay safe,Stay at home sa ating lahat...God bless.💕

K@Kimpot14

Antok' Pinipilit kong labanan ang aking antok ngayon dahil masyadong makulit ang aking isipin ,Ang dami kong gusto isulat ,ang kulit ng aking imahinasyon,Kaya pagkatapos ng isang article nakakagawa ulit ako ,Natutuwa ako dahil may mga bagay ako minsan na gustong sabihin pero di ko nasasabi pero dahil meron na nito yung iba dito ko nalang idinadaan..Masaya ako na ang dami kong naiisip na isulat nag uunahan sila sa aking isip patungkol sa mga buhay buhay na talaga namang nararanasan natin.. Kaya pilit kong nilalaban ang aking antok, para mas makapg sulat pa ako ng maraming article ,Nag eenjoy ako sa ginagawa ko ,Dahil masarap mailabas ang mga gusto mong sabihin kahit na sa ganitong pamamamaraan lamang..

K@Kimpot14

Takot' Takot sa lahat ng bagay...Takot na baka magkamali at mahusgahan ng ibang tao,.Lahat tayo ay may kanya kanyang takot na dapat kaharapin..Mga tao kase ngayon feeling perfect kaya nakakatakot magkamali isang maling galaw mo lamang ang lahat ay nakatingin na sayo na pakiwari moy lahat ng ginawa mo eh mali.. Iwasan natin ang ugaling feeling perfect kase lahat naman tayo ay nagkakamali ,Kung nagkamali man ay itama at ipa intindi ang maling nagawa hindi yung nagkamali na nga hinusgahan pa ,Kaya karamihan satin nababalot ng takot ,Takot na baka magkamali...Paano tayo makakawla sa takot kung hindi natin susubukan ang ibang bagay..Mamumuhay na lang ba tayo sa takot...Huwag kang matakot magkamali ang mahalaga natuto ka sa mga pagkakamali mo at handa kang ituwid ito ..

K@Kimpot14

Mobile legend' Isang online game na patok at kinahuhumalingan ng karamihan sa atin ngayon..Isusulat ko ang isang Article na ito para sa mga adik na sa Online games. Natural lang na mayroon tayong bagay na kahumalingan o kahiligan tulad ng mobile legend' pero ano nga ba ang mga dis-advantage nito sa atin...Mayroon kaseng hindi marunong pag dating sa time manangement ,Ang lahat ng oras ay iginugugol na lamang sa paglalaro ,hindi po tama yun ,.Maglaan lang tayo ng oras para sa paglalaro at gawin pa rin ang ibang bagay na mas kapaki pakinabang... Yung iba nakakalimutan ng matulog o kumain dahil sa pagkahilig nila sa laro ano ba ang naidudulot nito sayo...Magkakasakit ka lamang kung hindi mo kayang maglaan ng oras para sa pagpapahinga at pagkain.. Mas unahin natin ang kalusugan natin kesa sa ibang bagay..Matuto tayong mag kontrol sa mga ginagawa natin ,Alamin natin ang limitasyon ng sa ganon ,Nakapag laro ka na ng maayos ,Hindi ka pa magkakasakit.

K@Kimpot14

Pakikisama' Oo at totoo nga na ang 'Pakikisama ay sadyang mahalaga...Dapat marunong tayong makisama sa kapwa at kung sino pa man ang ating makasalamuha..Pero sa kabilang banda ang 'Pakikisama ay mayroon ding limitasyon ,Lalo na pagdating sa barkada.. Makikisama ka pa ba kung alam mong mali na ang ginagawa nila.? Sasabihan ka ng walang pakisama dahil lamang sa ayaw mong gumawa ng mali...Kaya ang Pakikisama ay iba iba rin at mayoong limitasyon..Pakisamahan natin ng maayos ang mga taong nakikisama din satin..Hayaan na lang natin ang iba kung di sila marunong makisama dahil may mga tao talaga na ganon. Mga walang pakisama kahit na tama pa ang iyong gawin o kaya naman ay ikakabuti nila.

K@Kimpot14

Kamusmusan' Karamihan ang kamusmusan ay nagiging dahilan upang mabiktima tayo ng ibang tao.Sa murang kaisipan madali tayong naloloko,madali tayong sumakay sa mga bagay na di dapat.Maging alerto tayo sa paligid na ating ginagalawan. Huwag tayong basta basta mag titiwala sa mga taong di natin lubusang kilala..Huwag tayong magpalinlang at magpadala sa mga salitang mabulaklak...Sa ating murang kaisipan at sa Kamusmusan pwede tayong mapahamak isang maling galaw lang natin.. Maging mapanuri sa mga bagay na alam mong di makakabuti sa iyo ,lumayo sa mga taong takaw intensyon lang ang tanging gusto sayo..Huminge ng payo sa mas nakakatanda sayo.

K@Kimpot14

Pabigla bigla' Mahirap mag desisyon ng pabigla bigla..Minsan kung tayo ay galit nakakapag desisyon tayo ng pabigla bigla na sa kalaunan ay hindi naman talaga natin ito gusto.May mga pagkakataong mabilis tayo magdesisyon. Pabigla bigla na lamang papasok sa isang relasyon o di kaya naman ay pabigla biglang nag dedesisyon sa mga bagay na dapat eh pinag iisipan na muna..Panatilihin natin ang kaayusan ,Huwag tayong pabigla bigla sa mga bagay bagay dahil hindi natin namamalayan sa bawat biglaan n galaw at desisyon natin ,hindi na pala ito maganda o nakakatulong sa atin..Kaya unawain muna ang isang sitwasyon bago mag desisyon ng sa ganon maiwasan ang di magandang kalalabasan nito.

K@Kimpot14

Walanghiya' Ang taong walanghiya...Tinulungan mo ng lahat lahat sila pa ang may ganang magalit o di kaya naman ay manumbat.Mga walanghiya kung tutuusin kung tayo ay natulongan kahit konti dapat magpasalamat tayo ,Huwag tayong maging 'Walanghiya at makapal ang mukha. Sa mga taong ganito..Wala po kayong mararating kung gayan ang pag uugali ninyo na kahit sino pa ang tumulong sa inyo ay hindi magugustuhan ang asal ninyo...Kaya hanggat maaari iwasan natin ang mga taong walanghiya dahil wala itong maidudulot na maganda kundi puro problema lamang ,Sa huli ikaw pa ang masama kahit nakatulong ka.

K@Kimpot14

Medalya' Maraming kabataan ang naghahangad na magkaroon ng 'Medalya..Naghahangad na masabitan nito..Para sa mga magulang ay sobrang proud sila sa mga anak nila kapag nagkakaroon ng medalya.' Pero may mga bata naman na hindi nagkakaroon ng medalya ngunit nakakapag tapos ng pag aaral..Kaya huwag nating ibase na porke nagkaroon ka ng medalya eh ikaw lang ang may karapatang makatapos..Meron din naman na Nagsusumikap makapag aral kahit na hindi sila nakakakuha ng medalya..Kaya huwag sana ito maging hadlang para sa iba porket ba wala kang nakuhang award eh kulilat kana ,hindi ganon ..Diskarte sa buhay ang pinaka kailangan natin at matutong mag sumikap para maging proud satin ang mga magulang natin hindi man sa medalya kundi sa nakamit natin sa buhay.