Pangarap lang kita ngayun abot kamay na kita

0 19

Nung bata pa ako elementary days isa akong pasaway na bata hahaha😂😂 can you imagine lagi akong nasa section 15 hanggang mag grade 6,suki ng guidance, lagi pinapatawag ang magulang sa kadahilanang may inaway ako.Nag simula ang lahat ng Pangarap ko ng mismong Graduation ko ng Grade 6 ito ata yung araw na dapat masaya aq kasi kahit lagi aq nasa section 15 nakapagtapos ako, pero ito pala yung araw na magiging simula ng pag pupursige ko. graduation day lahat ng mag sisipag tapos ay kasama nila ang kanilang magulang sa pag mamacha ngunit ako hindi ko nakasama ang aking magulang napaka pasaway ko kasi kaya ayun kapatid ko lang kasama ko kaya sinabi ko sa aking sarili "mag pupursige ako para makasama ko ang aking magulang sa pag marcha sa aking graduation". at dito na nga nag simula ang lahat

High Schoold days enrollment ng 1st year napaka laki ng problema ng mama ko kasi nahihirapan syang ma enroll ako kasi napakababa ng Average ko, kung kani kanino nakiusap ang nanay ko makapasok lang ako sa paaralan kung nasaan ang aking mga kapatid. Finally nakapasok ako sa paaralan ng mga kapatid ko alam nyo bang dapat 80 ang average mo ng elementary para lang makapasok ka sa paaralan na yun kaya pinangako ko sa magulang ko na pagbubutihan ko na ang aking pag aaral para pag dating ng college di na sila mahirapan kung saang paaralan ako mag aaral. sa totoo lang napaka hirap kasi lagi pa din ako nagiging suki ng guidance dahil lagi ako nag cucutting or nakikipag sagutan sa aking mga kamag aral pero hindi pa rin ako sinukuan ng aking mga magulang.3rd year high school nag bago na ang lahat dun na kasi nag simula tanungin qng anung gusto mo pag laki mo. naiingit ako nun sa mga kapatid ko kasi nakapag college sila ng walang kahirap hirap nakuha nila ang kurso na gusto nila ng walang kahirap hirap dahil matatalino sila. isang araw tinanung ako ng mama ko anung kurso ba kukunin mo sa college ang tanging nasabi ko "gusto kong maging Nurse" natawa ibang kamag anak ko at sinabi "ikaw mag nunurse ehh sa baba ng mga grades mo tingin mo papasa ka sa requirements nila" pero isa lang narinig kong sinabi ng mama ko "kung talagang gusto mo mag Nurse susuportahan kita alam kong kaya mo yan" yung saya ko nung time na sinabi sakin yunng magulang ko sobra sobra dahil alam kong kahit ganito ako suportado nila ako.

4th year high school pinilit kong pag butihin pag aaral ko. kinailangan kong makuha ang average na requirement sa college witch is 85 requirements yan para makapag Nurse ako. sobrang saya ko ng makita ko ang general average ko nakita ko rin yung saya sa mga magulang ko dahil alam kong proud sila sakin ang dating laging bagsak ngayun natuto ng mangarap☺️😂😂 pag pasensyahan nyo na simula elementary hanggang college makwekwento ko dito hahahaha. ayun na nga nakapasa aq sa entrace exam for nursing sobrang saya ko that time kasi nasabi ko na sa sarili ko finally konting tiis nalang nurse na ako.

1st year to 4th year hahaha suki ata ako ng deliveration pero napaka swerte ko pa din bakit kahit suki ako ng deliveration sa nursing lagi ako nakakaligtas hahaha😂😂😂 lagi nakacancel ang deliveration dahil sa mga issue sa school hahaha at ayun na nga sobrang saya ko kasi graduation ko na ng 4th year college sobrang saya ko talaga kasi kahit puyat ang mama ko pinilit nyang umattend ng graduation ko yun ngalang nag ka problema aq ng aakyat na aq ng stage nasira sapatos ko hahaha pero to the rescue ang kapatid q nag mamadali syang bumyahe mula cainta hanggang pasig madalan lang ako ng sapatos hahahah yun na ata yung isa sa pinaka masayang araw sa buhay ko hahahaha

Dito na nag simula ko ng maabot ang pangarap ko at yun ayang maging isang Ganap na nurse.

Board exam day 1st take sobrang iyal ako ng iyak pag labas ng result sa kadahilanang bagsak ako😭😭 oo unang take bagsak ako pero pero pero hindi parin ako sumuko dahil sabi ng magulang ko" isa pa lang yan marami pang chance dyan mag tiwala ka lang sa sarili mo nandito lang kami para sayo" at yun dahil sa sinabi nila sakin nag review ulit ako sa pangalawang pag kakataon 2nd take ayun lahat na ata ng pamahiin ginawa ko na makapasa lang kaso sa kasamaang palad nakalimutan nanaman ata yung pangalan ko mapaskil sa mga pumasa sobrang 😭😭😭iyak talaga ako nun to the point na sinabi ko na sa sarili kong ayoko na suko na ako ngunit may sinabi ang magulang ko para mag take ulit ng board " anak hindi mo kailangan mag mukmuk subukan mo ulit sa huling pag kakataon malay mo diba.pag oras na hindi ka talaga pumasa bibigyan kita ng pag kakataon mamili kung gusto mo mag aral ulit susuportahan ka namin" at yun na nga nag take ulit ako 3rd take sinabi ko sa sarili ko ito na ang huling beses hindi na ako iiyak oras na bumagsak ako tatanggapin ko ng maluwag sa loob ko..

3rd Take Board Exam for nurses. 2days exam pag uwi ko ng bahay isa lang nasabi ko sa mama ko " ma mag aaral na lang po ulit ako sobrang hirap po ng exam"at yun payag naman si mama after a month lumabas result ng exam sinabi ko sa mama ko "ma ikaw nalang mag check ng result wag mo nalang sasabihin sakin ma pag bagsak ako" hahahahhaa can you imagine sabi ng nanay ko sakin"nak ayus lang yan wala talaga ehhh" d na aq umasa dahil sa sinabi ni mama so inexpect ko bagsak nanaman ako... mga around 7pm may tumatawag sakin nag cocongrats may mga nag post sa FB q nag cocongrats na curious ako kaya ako mismo nag check ng result ng board exam.. nasa tindahan ako mag isa bigla nalang tumulo luha ko.. sabi ko sa sarili ko hinding hindi na ako iiyak pero hindi ko talaga napigilan ehh. pag dating nila mama at papa nakita nila ako bakit daw ako umiiyak isa lang nasabi ko mama may Nurse na kayong anak.. nung time na yun nagulat mama at papa ko kasi nung tignan nila yung result wala dun pangalan ko yun nga lang hindi kasi nila na check hanggang dulo ng ipakita ko sa kanila yung pangalan ko sa mga nakapasa sobrang saya ni mama at papa d rin nila maipaliwanag nararamdaman nila.. hahahhaa napaka haba ng kwento ko pero worth It naman ito hahaha

Nangarap ako noon ngayun isa na akong Ganap na Nurse. kaya sa lahat ng makakabasa nito sana wag kayong mawawalan ng tiwala sa saril hahaha😂😂😂

2
$ 0.00

Comments