Nurse Life

3 21

Hi gusto ko lang sana i share dito anu nga ba talaga ang totoong Buhay ng mga Nurse sa panahon ngayun.

Simulan natin sa simpleng kwento kung saan ito mismo ang nararanasan namin, Nung panahong hindi pa na didiskubre ang sakit na COViD nakakasama pa namin ang aming mga mahal sa buhay specially my little princess, yes bago pa lang ako sa buhay may asawa at anak sa buong isang taon na kasama ko ang asawa at anak ko lagi akong excited umuwi dahil alam kong makakasama ko na sila,ngunit ito na nga March 16,2020 nag simula kumalat ang sakit na COVID 19 sa Pilipinas sa kasamaang palad yung pagiging excited kong umuwi ay napalitan ng takot.. takot na baka pati ang sakit na COVID 19 ay maiuwi ko sa kanila. Ng mag simula ang ECQ sa luzon doon na din nag simula ang pangamba ko sa kung ano ang pueding madala ko sa pamilya ko dito na rin nag simula na hindi na ako umuwi sa pamilya ko upang hindi ko sila mahawa o madalhan ng kahit anung sakit na pueding makasama sa kanila.

March 16,2020 nag simula kong iwan ang aking pamilya, ito yung unang araw na kailangan kongmawalay sa aking mag ama. sa mga araw na lumilipas doon ko naranasan ang pakiramdam na mawalay ka sa iyong pamilya. lumipas ang dalawang linggo hindi ko napigilan hindi makita ang aking anak. dahil sa kagustuhan ko syang makita naisipan ng aking mga kapatid na ipasok sa isang malaking plastic ang aking anak para kahit sa kaunting sandali ay mayakap ko sya.. yung pakiramdam na nakita at nayakap ko sya ay sobrang nakakawala ng problema. ang kaunting oras na yun ang nag bigay ng lakas ng loob sakin upang ipag patuloy ko ang laban na aking kinakaharap.. lumipas pa ang madaming linggo nag karoon ng required Rapid testing sa aming ospital sa hindi inaasahang pag kakataon ako ay Nag POSITIBO sa rapid testing, yung iyak ko nung mga panahon na yun ay sobra sobra sa kadahilanang hindi ko alam kung ano ang puedi mang yari sakin.. Isa sapinaka Inisip ko ay ang aking anak 1 year old palang sya pano kung mag positibo din ako sa swab pano na ang anak ko.. sumunod na araw naka schedule na ako para ma swab. 7 daysang result bago lumabas. 7 days akong umiiyak at iniisip paano na ang aking pamilya lalong lalo na ang aking anak.. April 29,2020 8:45pm. may nag message sakin lumabas na ang result ng aking Swab, yung tuwa ko ng mga oras na yun ay abut hanggang langit. 9pm agad agad akong bumyahe pauwi sa bahay ng aking magulang upang makasama ang aking anak kahit isang gabi lng ay makatabi ko syasa pag tulog iba talaga. isang buong mag damag na sinulit kong kasama ko sya.

napahaba na ang kwento ko sa susunod naman ang part II

Para sa mga taong alam kung ano ang nararanasan ko sana maibahagi nyo din ang mga kwento nyo☺️☺️

2
$ 0.00

Comments

Saludo po kamj sa inyong mga frontliners . Salamat po sa mga sakripisyo nyo. Sana po ingatan po kayo ni God sa trabaho nyo na hindi mag kasakit and sana po ay positive lang po kayo😊 malalampasan din po natin itong pandemic.

$ 0.00
4 years ago

maraming salamat po. isa sa nag papalakas ng loob namin ay ang mga tulad nyong sinusuportahan at pinag dadasal kami maraming salamat po

$ 0.00
4 years ago

Walang anuman po. Deserve nyo po iyon 😊

$ 0.00
4 years ago