Gaano nga ba kahirap at nakakapagod maging isang ER Nurse?. nung akoy nag aaral pa lagi kong sinasabi sa aking mga kamag aral na gusto kong maging isang ER nurse madami nag sasabi mahirap sa ER kasi lahat ng papasok sa ospital na may sakit ikaw agad ang haharap. para sakin isa itong challenge kung saan lalaban ka sa isang gera na hindi mo alam qng sino o anu ang kalaban mo. Para sakin hindi mahirap maging isang ER Nurse basta nag eenjoy ka sa ginagawa mo, oo may oras na mararanasan at mararamdaman mo yung pagod pero after work mapapangiti ka nalang pag nakikita mo yung mga taong natulungan mo ehh nag papasalamat sayo.
Ang totoong emergency room hindi puedi tumagal ng apat na oras ang pasyente sa loob ng ER ngunit sa goverment hospital makikita mo ang mga pasyenteng naka admit dahil sa kakulangan ng kwarto sa buong ospital, Maraming pasyente at relative ang nag rereklamo sa kadahilanang hindi sila komportable sa mga ayus nila kaya ang mga health worker ang napag iinitan nila dito na pumapasok ang salitang "mahirap sa emergency room" bakit nasabing mahirap hindi ka mapapagod sa trabaho mo mapapagod ka sa pag papaliwanag sa mga pasyente at relative mo, mahihirapan kang ipaliwanag ang sitwasyon ng ospital dahil hindi ka nila maiintindihan ngunit kahit mahirap yan ang isang Nurse ay gagawa ng paraan para masolusyunan ang problema. kahit napakahirap kakayanin mo para sa mga taong nangangailangan sayo.
Ang buhay ng Nurse ay hindi basta basta, Oo mahirap,Oo nakakapagod pero kahit na ganun sa bandang huli mapapangiti ka nalang dahil alam mong nakatulong ka sa mga taong nangangailangan sayo.