'Happy Birthday in heaven my little angel'

3 11
Avatar for Key
Written by
3 years ago

Limang taon na ang lumipas. 😞

Pano ko ba sisimulan? Andito nanaman yung sakit simula nang nawala ka sakin kahit matagal ng panahon ang lumipas kahit sabihin kung ok na ko hindi pa din never nawawala yung sakit at kirot na nararamdam ko simula nang iniwan mo ako/kami.

kahit alam kong wala kanang buhay sa loob nang sinapupunan ko umaasa pa din ako na maririninig ko ang iyak mo pag nailabas na kita hindi ako tumigil na magdasal na sana magkaroon nang himala na sana pag lumabas ka may buhay ka. Pero dumating na sa point na ayan na ..pero wala kana talaga😭😭.

Napaka sakit na hindi ko manlang narinig ang pag iyak mo, hindi man lang kita nahele sa pagtulog mo,hindi manlang kita natimplahan nang gatas mo,hindi manlang kita napaliguan😭😭

Hindi mo manlang nakita ang mundong kinatatayuan natin,hindi mo manlang nakita kung anong meron sa mundong ito. Di ko manlang naparamdam sayo ang pag aaruga nang isang ina 😭

Pero anak salamat nang marami kasi dahil din sayo Nakapagtapos ako nang pag aaral ikaw ung naging inspirasyon ko para tapusin ang pag aaral ko. Lahat nang to para sayo at sa kapatid mo😘

Happy happy birthday my little angel Mahal na mahal ka namin 😘😘❣️

Habang sinusulat ko ito napapaluha ako kasi andito pa din ung sakit dahil kahit matagal na ang lumipas hindi ko parin matanggap💔💔

HAPPY 5TH BIRTHDAY MY PRINCESS IN HEAVEN ❣️

1
$ 0.00

Comments

Everytime you write different and beautifull artcl.I appreciate your work bro,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

$ 0.00
3 years ago