Siguro pag nakita o narinig mo yang lines na yan ay iisipin mo agad yung kanta ng The Script na The Man Who Can’t Be Moved pero hindi niyo ba alam na may ilang lalaki din ang nakakaranas niyan? Yung lalaking nagmahal ng sobra sa isang babaeng sinaktan o iniwan lang siya. Tapos sa sobrang lungkot ng buhay niya dahil sa mga ngyari ay naghanap na lang siya ng pagmamahal mula sa iba. Minsan akala niyo malandi lang yung lalaki pero hindi niyo alam na nasasaktan talaga siya, kaya siya naghahanap ng pagmamahal mula sa isang babaeng kayang intindihin ang sitwasyon niya. Kaso madalas imbes na mahalin din siya eh siya pa yung niloloko, pinapaasa, iniiwan, ginagago at sinasaktan ng mga babaeng sumunod dun sa babaeng minahal niya ng sobra. Akala nung lalaki yung babaeng nagcocomfort sa kanya ay mamahalin din siya ang hindi niya alam minsan ginagawa lang siyang reserve, palipas oras at kalandian lang nung babae. “Sabi nila mabilis mafall ang mga babae pero MAS mabilis kaming mafall sa totoo lang. Yung mga simpleng sweet words at effort lang ng isang babae sa amin ay mahuhulog na talaga kami lalo na kung broken hearted kami o nasa magulong sitwasyon sa buhay pag-ibig.” “Takot kaming mga lalaki dumating sa point na kung saan wala kaming makakapitan sa oras ng mga problema. Oo, malakas at matapang kami pero may times na takot na takot kami sa mundo. Yung feeling ng mag isa lang kami sa buhay? Yung feeling walang nakakaintindi sa amin? Yung feeling na wala na kaming ginawang tama? at yung feeling na wala ng nagmamahal sa amin? Madaming pakiramdam ang ayaw naming maranasan mag isa. Kaya nga kami naghahanap ng girlfriend eh, kasi kailangan namin ng makakasama sa buhay, kailangan namin ng makakaintindi sa amin, kailangan namin ng magsasabi ng tama at magtatama ng mga pagkakamali namin, at kailangan namin ng may magmamahal sa amin.” "Bilang isang lalaki hirap na hirap kaming gumising kada umaga pag wasak ang puso namin. Akala ng iba masaya kami, hindi nila alam na bago kami matulog ay lumuluha o umiiyak kami ng dahil sa isang babae. Syiempre nagmahal kami eh, totoo at walang halong biro. Magaling lang kaming mag tago ng aming nararamdaman kaya hindi alam ng kahit sino kung gaano kami nasasaktan. Hindi man nakikita ng babaeng mahal namin yung sakit pero kitang kita namin yun kasi kami mismo ang nakakaramdam sa puso’t isipan namin.” “May times na malandi kami lalo na pag sawi ang puso namin. Alam namin na mali ang maging malandi pero nagagawa namin yun dahil naghahanap kami ng pagmamahal mula sa iba. Kaya pati kami nagiging malandi minsan dahil takot na kaming muling magmahal ng sobra. Siguro dahil na din sa huling babaeng naging dahilan ng sakit sa aming mga puso. Takot kaming muling maramdaman yun. Pero sa totoo lang nararamdaman pa namin yung sakit eh. Niloloko nga lang namin yung sarili namin madalas kapag sinasabi namin na AYOS LANG AKO lines.” “Ang hirap magmahal, nakaka gago, nakaka asar, nakaka tanga. Sorry sa mura, pero walang murang kayang mag explain ng sakit. Ang hirap mag move on sa taong minahal mo ng sobra. Yung sobrang sobra mo siyang mahal pero sobra sobra din yung sakit. Ang unfair kasi lagi na lang sinasabi na kaming mga lalaki yung mangloloko, paasa, mangiiwan at mang gagago. Pero sa totoo lang madami din naman babaeng gumagawa nun eh. Ang hirap talaga, sobra, sobra pa sa sobra. Minsan nga hindi ka na lang makagalaw sa sakit. Yung nasa isang tabi ka tapos nakikita mong masaya ang lahat pero lang sa isang tao at ikaw yun.” Siguro sinasabi ng iba na nasisiraan na ako, pero sa totoo lang…. Lalaki ako, nagmahal, umasang mamahalin din, ngunit nasaktan lang. Mararamdaman at maiintindihan mo din ako at ang sakit na nararamdaman ko kapag nawala sayo yung taong minahal mo ng sobra pa sa sobra.
0
13