read.cash Log in
@Keeian

@Keeian in July 2021

@Keeian

Good morning July 1st. Please be good to us all. May our month be filled with blessings that we deserve. Ber months is waving, ipon ipon na naman ang mga ninong at ninang ng para sa christmas present😅.

@Keeian

Perks of living in the bundok. Tanim tanim ka lang paglipas ng ilang bwan harvest harvest na,at fresh na makakain ang mga produkto. Picture was sent to me by my nephew they were about to harvest from their pineaple plantation🍍🍍🍍 kakamiss na talaga umuwi sa aming kabundukan.

@Keeian

Ginabi na ng gising yarn, pero harot agad ang gusto. Ganto ganto rin ako nun ky mama kapag bagong gising eh, gusto ko agad lumipad😆 Gandang gabi kanoise, anu na naman kya ang iuulam natin?

@Keeian

Kabayan, nagulat ako sa kakaibang tunog kanina habang nghuhugas ako yun pala cp ko may alert advisory si Ndrrmc tungkol sa pagputok kanina ng bulkan Taal. Natakot ako kasi nagflashback bigla yung kaganapan nung 2020 hanggang dito samen sa Cavite ang kapal ng ashfall.. Sana po maging ligtas lang ang lahat ng malapit sa Taal, mag evacuate na po yung mga kinakailangan. Tanging Dasal lng po ang makakapitan natin sa mga ganitong sitwasyon. Lord, please help our land🙏

@Keeian

3 hrs na pala akong nakahiga at hindi pa rin makatulog, nalibang na naman ako sa pinapanood kong series. At dahil hating gabi na matutulog na ako🤦🏻. Hello Sa mga gising pa, at yung mga uuwi palang galing sa trabaho, ingat po kayo. Sinuspend ni gov mga school activities para bukas due to taal erruption, sana kumalma na ang bulkan🙏

@Keeian

Yey! Biyernes na naman mga kaingay. Papuri sayo Ama sa bagong linggo na lumipas, patnubayan Mo po nawa kami sa aming mga gawain at ilayo sa anumang sakuna o karamdaman. Umaga na, almusal na tayo kaingay. Kape at pandesAl ang aming nasa hapag kainan. Sana ay maging maayos at produktibo ang ating buong araw.

@Keeian

Mag aala una na pala manananghalian palang ako, maaga kong pinakain ang mga bagets tapos humilita ulit ako kasi masakit ang ulo sa sobrang init ngayon. Kumusta po ang lahat? Sana ang lahat ay nakakain na at nabusog sa biyayang ipinagkaloob ng Dyos. Ganda hapon!

@Keeian

Hello katambay, hapon na naman.. Wala pa rin maisip na pang ulam, mukhang itlog na naman lang ang maihahain ko ngayon😅 tutal itlog is life naman mga inakay ko. Kay bilis ng oras, wala ako nagawang kaaya aya maghapon dahil sa sakit ng ulo ko gawa ng sobrang init😞 idagdag pa itong module ng anak ko na tinatapos na namin kasi magbabaksyon na. Pero ganon pa man pasalamat pa rin ako sa kalakasan na binibigay sa akin ng itaas. Ingat po ang lahat!

@Keeian

Biglang buhos ng ulan nasa kabilang street pa naman ako kaya basang basa sa ulan ang ganap saken ngayon haha derecho ligo pag dating ng bahay para hindi siponin. Ayos masarap tulog namin ngayon napalitan ng lamig yung sobrang init kanina. Sana lang lahat ay may masisilungan ngayong tag ulan😔. Huwag kalimutan ang payong kaibigan saan man tayo pupunta.

@Keeian

I remember the pre covid time, when friday or saturday night comes we often have some drinks with friends and cousin, after a long days of work it is the time to chill and relax our mind from a tiring week. But now, we seldom see each other not just because of the virus but because we have our own family to priority. I just missed those days, because its friday now i know some of you are having a bottle of beer to celebrate happiness, cheers to that!🍻🎉

@Keeian

I praise you my Lord for giving me again the oppotunity to see the world🙇🏼 its another brand new day to receive blessings from Your power.✨ Woke up early but still lying on bed, nauna pa bumangon mga bata sila na ata amg mag aasikaso ng agahan ko parA maiba naman😜. Rise and shine peepzz its sabado again that means my labahan is waiting.

@Keeian

Kabayan, oras na ng pananghalian sa ating bayan. Anu ang inihanda nyong ulam, mga ilaw ng tahanan? Nagluto ako ng ginataang tulingan na maraming petchay at talong. Paborito rin to ng anak ako, hindi kasi ko ma upload ng pic super bagal ni globe😁. Ako'y nagpapasalamat sa Ama sa pagkain binigay nia sa ating lamesa. Kain na po, mga kaPinas!

@Keeian

Dito sa amin kapag nag cecelebrate ng birthdate every month ang mga baby may pacupcake si momshie, may neyborhood kasi kaming nagbebake ng mga cake at bnbgay lang nya sa makatarungan na halaga😁. So, meron na naman akong natanggap na blue cupcake that means bebe boy ang celebrant👶🏻He just turned 3months today❤. Just sharing the sweet story of this cake😛

@Keeian

Sabado nights ng magtotropa, kay sarap mag saya ng sama sama. Enjoy lang mga katambay, paminsan minsan kailangan natin yan lalo na sa panahon ngayon na puno ng pagdurusa at pangamba. Basta wag lang tayong sosobra at alalahaning may virus pa. Good night na sa mga kagaya kong papunta na sa dreamland. Salamat ulit sa nagdaang araw ng pagmamahal❤.

@Keeian

A blessed sunday to you. God is a generous God that he has providing us what we need, and today is a day in a week that we should offer time to worship Him with all our heart⛪. I glorify you my Lord because that is what i supposed to do to be your child. By your love and grace i and will overcome all the biggest challenges that crossed and will cross my way🙇🏼❤. Hava a beatiful day ahead. Dont forget that everything happen for a reason, just leave it all to the Lord.

@Keeian

Happy aftie kabayan, akoy maiidlip muna sasabayan ko itong mga junakis ko.. Araw ng linggo kaibigan, mag laan tayo ng ating oras upang papurihan ang Amang Maylikha. Laging tandaan na ang Dyos ang ating sandigan sa lahat ng oras, kung ikaw ay may mabigat na pinagdadaan itaas mo yan lahat sa Kanya at magtiwala ng buong puso sa plano Nya.. ❤❤

@Keeian

Cooking time for dinner.. I ask my bigboy what he wants for dinner and he shouted fried chicken(with feelings). No choice ang inahin gora ng talipapa para bumili ng manok🤷🏼 Okay, next time dont ask your child when you are lazy to cook😂

@Keeian

Isang linggo na naman ang natapos, at bukas ay panibagong lunes na naman ang ating haharapin, panibagong pagsubok ang hahamon sa atin, panibagong pag asa na magbibigay kulay sa buhay natin. Maging anu man ang buhay na naghihintay sa ating bukas manatili lang tayong kalmado at hingin ang pagbasbas ng itaas sa mga magiging desisyon natin. Salamat kaibigan na naging bahagi ka ng araw ko dito❤. Kitakits na sa dreamland💤😴

@Keeian

Its nice to wake up in the morning to see the beautiful sunshine again after days of rain. I woke up early and got some errands done, but theres always so much things to do when you're a mom. Its monday again, may we all be productive all through out the week. Keep safe and hydrated my dear noisemate.

@Keeian

Been busy again with my kuya's module.. di bale ilan araw nalang bakasyon na. Hirap talaga maging guro ako isa lang tinuturuan ko nahahighblood na ako haha anu pa kaya yung nasa isang klasroom na maraming bata na mkukulit at matitigas ang ulo🤦🏻. A pleasant afternoon to all.

@Keeian

While watching the news, my heart goes to the family of the fallen soldier from the c130 plane crashed, i cant imagine the pain they are bearing now😭. And to the heroes who lost their battle on that accident, may you find peace in the arms of our creator.

@Keeian

Kabayan, dumadaan ka ba sa masikip na daan ngayon?na feeling mo wala kang ibang option kundi tahakin ito?walang ibang makasama sa paglakbay dito? Tibayan mo lang kaibigan, sigurado ako na inihahanda ka Nya sa mas malaking kalsada na deserve mong mapuntahan. Pumikit ka at humingi sa Dyos ng kaliwanagan para saiyong patutungohan. Magandang gabi katambay, laging tandaan na ang pag ibig ng Dyos ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat. Stay in love with HIM😇

@Keeian

Thanks God i completed an 8 hour sleep last night. I cant compare the feeling that my body had, it is so great feeling this way. I Hope you too❤. A blessed morning pipol, may we have a blissful tuesday ahead of us, may we all be productive and safe as we do our errands today. Dont forget to bring umbrella☔.

@Keeian

Inabot ako ng lunchbreak ng transaksyon ko sa banko kaya sa jolibee na ako kumain para may matambayan ako habang naghihintay ng oras😁. Kain po muna tayo kabayan, sharing you my medyo late lunch happy meal from the big bee.

@Keeian

What a stressful day it is😬 nakakainis yung winidraw mo na nga ng palugi yung pera mo kasi hindi pa sya mature, hassle pa masyado ang banko juskolord talaga, cash na pera mong ipinasok sa branch nila ibibigay sayo na cheke na hindi basta maencash kasi andaming document n hinihingi🤦🏻, mas maigi pa talaga sa mga rural bank at coop mag save ng pera. Gandang hapon pa rin noisemate, sana hindi kayo stress katulad ko ngayon😅

@Keeian

My head aches so bad and i decided to sleep early, its been a long day for me. So much happened today. How was your day, my lovely noisemate? I hope you had a great day and you spent it well. Whatever your day went through always remember that it is part of God's plan for you. You may feel upset because it didnt happened now, trust that it will in His precious time✨..

@Keeian

All praise and glory to you our God for waking us up again to this beautiful wednesday. Upon waking up I hear my neighbor singing a happy birthday song to her child, what a sweet gesture from a first time mom who is celebrating her child first bday😍. At sa laha ng may kaarawan ngayon, happy happy birtday po! Let us start the day with a prayer and stretching our body for a healthy mind and spirit the whole day.

@Keeian

Having my kinda late lunch now at karenderya ni ate. I have here may favorite dinakdakan. Yummy. Kain po!

@Keeian

Flexing my brother's masterpiece, char lang😆! Pero gandang ganda po talaga ako sa table na gawa na ito ng kuya ko, gawa sa kahoy na nabuwal sa aming kabundukan dahil sa bagyo. Nakakatuwa at maganda ang kinalabasan ng mtyaga nyang pag gawa simula sa pagbaba ng kahoy sa bundok hanggang sa matapos. Hindi pala biro gumawa ng table katulad nyan simple lang tingnan pero mahirap gawin.

@Keeian

Gabi na naman kabayan pero wala pa kaming ulam😁. Magluluto nalang ako ng hotdog para sa aming hapunan. Nakakapagod ang maghapon pero sulit at maganda ang kinalabasan ng lakad ko, salamat sa Ama at lagi ako ginagabayan sa bawat hakbang ko.. Ingat po ang lahat lalo na yung malalapit sa Taal, patuloy pa rin ang pag alburuto ng bulkan sana maging maayos lang ang lahat ng kababayan natin na malapit dito..

@Keeian

Nakakatamad na umaga kanoise, kung pwede lang sana mahiga maghapon at matulog pero hindi ganon ang buhay lalo na sa tulad kong my dalawang chikiting na ako lang ang inaasahan🙍. Pag nanay ka bawal ka na mapagod at tamarin, lavarn lang tayo mga momsh. Asikaso na naman tayo ng para sa pananghalian, bibili na lang ako ng lutong ulam. Ingat po ang lahat!!

@Keeian

Shaklap besh😭 tumambling yung cellphone ko sa hagdan, nabangasan tuloy. Ang cellphone pa naman ay pangunahing pangangailangan na ng tao ngayon, hirap na bumili ng bagong ngayong panahon.. 2years na rin kaming magkasangga ng phone ko na ito, pero kahit anung ingat ko masisira at masisira din talaga sya, wala talagang permanente sa mundo😥(naerelate ko pa sa totong buhay😅).

@Keeian

Ah kaya pala wala ako makitang mga litrato kabayan, akala ko kay globe ako may problema... Sa ating mga nasa Pinas lang po ba hindi makasilip sa picture.. Sna wag tayo sukuan ni noise sana bumalik ulit ang kulay ng ating mga post.. Magandang gabi po sa lahat. Oras na ng pagtulog sa ating bayan, malapit na naman matapos ang pangalawang linggo ng Hulyo, papalapit na talaga ang bermonths😅

@Keeian

Its fri-yay pipol! Nagising akong umuulan kanina kaya ninamnam ko muna ang lamig at hindi agad bumangon😁pero ngayon akoy magkakape na para maenergize na ang katawang lupa. Thank you Lord for giving us another day to spend with our loved ones. Enjoy the rest of the day, friends!

@Keeian

Nakakaloka itong jeep na nasasakyan ko bawat madaanan n subdivision hihinto at tatambay ng ilan minuto. Buhay commuter💁🏼. Magandang buhay kabayan! Wag kalimutan ang payong at alcohol kapag my pupuntahan.

@Keeian

Maghapon akong naging Dora ngayon, sobrang kakapagod at nakakatakot talaga lumabas ng bahay, ibang iba ang panahon ng pandemya, simula sa pg suot ng faceshield nakakapagod na, dagdag pa ang mahal ng pamasahe sa mga tricycle kaya mas pinili kong maglakad, sa jeep naman hindi natin alam kun safe ba tayo kasi hind naman nasusunod ang distancing. Anyways doble ingat nalang tayo mga kapatid at sana lahat na mabakunan para kahit papano makampante na tayo. Good night na. Salamat sa…

@Keeian

Hello saturday, the sun is up so this means its labaadaaa day for me. I have to finish all the household chores this morning, so i can have a rest and watch my fave series. Hope you'll have a productive and happy saturday!

@Keeian

Sharing you guys my all time favorite breakfast, eggdesal plus cucumber..simple but healthy🥒, and of course with a cup of coffee. Dont forget to break you fast people, having it will regenerate you body and will have the energy to face the whole day. Have a good one!

@Keeian

Tilapiang picadillo for lunch. Kapag ganito ang ulam unli rice is waving😁. Luto ito ni mama kaya talagang paborito ko simula bata pa. Late na nman ang lunch ko kabayan, kayo po ba ay kumain na rin? Wag palipas ng pagkain. Tara po at kumain na! Ingat po ang lahat.

@Keeian

Kanina nakapasyal ulit sa sm after 1 and a half year. Yung dating maingay lalo kapag sabado kasi walang pasok ang mga bata, sarado at hindi tiyak kung kelan ulit bubuksan at masisilayan ang mga malalaking laruan. Kahit ang ilaw sa loob ng mall hindi lahat binubuksan, napaemote talaga ako kanina kasi ibang iba na ang dating masayang pasyalan ng mga bata at matatanda. Gandang evening noise peepzz. Its late already and half of the world are sleeping so here i am wishing you all…

@Keeian

Thank you for the beautiful shine Mr. Sun, its so refreshing seeing you up after days of raining. Hello everyone, its Sunday again, its the Lord's day. Let us devote some time to give thanks and worship Him. May we all be blessed with the blessings we deserve and we've pray for.😇

@Keeian

Nap time ng dalawang batang makulit, yung isa cellphone ang pampaantok habang dede yung isa. Pero baka mas mauna pa akong makatulog nito😅 mahirap kalaban ang antok kapag ganitong oras lalo na at katatapos ko lang magpaligo at puyat pa😴. Gandang aftie kaibigan!

@Keeian

Whats up kabayan? Busy ako maghapon birthday kasi ng kuya, kaya tulong tulong kami magkakapatid maghanda sa salo salo para maicelebrate ang panibagong taon na binigay ng Maykapal sa kanya. Sa youtube ko nalang panunuorin mga chika na mareng jess, hindi na kaya ng powers magpuyat😴. Kumusta naman po ang mga nakabili ng maraming siopao sa 711, sulit po ba?😅 sanaol marami pang bili sa mga sale na yarn, s SM midyear sale rin nila. Maganda gabi po sa lahat.

@Keeian

Yung kagigising lang pero bardagulan agad😁 ganyan kapag nag sama sama sila, 10 silang magpipinsan 2 lang ang girls. Ang sakit sa ulo magsaway😅 Monday ulit ohh bilis talaga, back to reality na naman ang mga workaholic dyan. Have a productive week guys!

@Keeian

Flexing my mom's taro plant🌿. Mas mataas pa sa tao. Nakakatuwa lalo syang tumaas at tumaba simula nung tag ulan. Yung maliit na puno ang kinukunan namin pang laing, yung malalaki kasi pinapalaki ni mama ang laman kaya talagang hindi nya pinakukunan ng dahon yan. Sarap talaga sa eyes kapag green ang paligid, kahit nasa subduvision na at puno ng bahay masipag pa rin mg tanim si mudra.

@Keeian

Inutusan ako ni mudra pumunta sa bayan para magdeposito sa banko, at dahil sobra naman ang pinadala nyang pera sinamantala ko na kumain ng paborito kong lasagna ng greenwich, nagutom ako sa haba ng pila.. Magandang hapon kabayan, ngmeryenda ka na ba? kung hindi pa, tara po sabay na tayong kumain at magpasalamat sa biyaya na ipinagkaloob Nya.

@Keeian

Its bedtime😴, my bed are calling me so i guess i have to lay down and sleep, i didnt get enough sleep 2 nights and now that we're home im hoping to complete an 8 hour sleep. Goodnight lovely peepzzz, thanks for today's care and love. May God give us a better and peaceful sleep. Take extra care especially those who are still outside of their home.

@Keeian

Nakakalungkot naman ang umaga ko😭 pero working pa yan kahit nakanganga na.. Pag gising ko kanina nag aaway mga anak ko yun pala pinakialamanan na ng bunso ang cellphone ko at nabagsak pa nya at ayan na nga ang nangyari🤦🏻. Hindi ko na nagawang pagalitan eh, tinanggap ko nalang ang mga naganap. Maayos pa naman yan, malaking gastos nga lang.😔

@Keeian

Gandang gabi kabayan, maghapon ako matamlay at walang lakas dahil sa sipon, naulanan kasi ako kagabi. Sa panahon pa naman ngayon nakakatakot magkasakit, kaya nilulunod ko sarili ko kaiinom ng tubig😅 at uminon na rin ako ng tabletang gamot. Anu ulam nyo dyan?kami yung tira kaninang tanghali na sinabawang isda perpek sa malamig na panahon. Ingat po ang lahat!❤

@Keeian

Time to have a rest guys, its 12 mn here in the Ph, my fingers cramps and i cant stop laughing while chatting with my long lost friend for two hrs., its so nice reunited with a friend even it happened virtually, we had talked so much just like we usually did back in childhood days. I just feel nostalgic while remisniscing those moments in our life❤ And now im signing off here tonight, and see again tomorrow lovely noisemate. Thank you for sharing your love and thought with…

@Keeian

Breakfast is served. Lets eat heavy for the 1st meal of the day. I have so much things to do now thats why i decided to have rice on breakfast. Itlog na maalat na maraming pipino at kamatis ang ulam ko tapos may mainit na kape pa. Salamat po Ama sa biyayang nasa harapan ko. Whats yours? Hope that you had your breakfast too.

@Keeian

Pinapanuod nyo rin ba si kuya Will, kabayan? Dati palagi ako nag memsg sa fb at youtube account nya pero hindi ako sinwerte matawagan, kaya sinukuan ko na😅. Pero nanunuod pa rin ako sa kanya, natutuwa ako at marami sya natutulongan, saludo ako sa kawang gawa nya kesa sa ibang politiko na puro lang porma✌. Gandang gabi na Pinas! Kumusta po ang lahat? Ang mga momshie dyan busy na naman maghanda sa hapunan ng pamilya. At yung mga galing sa trabaho ingat po kayo pauwi, wag…

@Keeian

Tulugan na ng mga successful sa qr challenge😅. Naloka ako sa challenge ni noise, super thankful talaga ako sa platform na ito. Hindi nauubusan ng paandar sa mga noisers. Its time to have a peaceful sleep. See you in dreAmland noisemate, thank you thank you for the l❤ve. Thank you Lord God for blessing us abundantly, may we all be deserving by your grace🙇🏼

@Keeian

Ang lakas ng ulan sa amin kabayan, kaya ang signal ni globe kabaliktaran😆 super bagal hindi ako makapagbrowse. Yung mga bagets tuwang tuwa na naman sa pagligo sa ulan, ayaw na umalis sa kalsada🌧. Magandang hapon po sa lahat, mag ingat po kayo lalo na nag mga nagmamaneho at masyado madulas ang kalsada, takaw aksidente talaga.

@Keeian

Maulang gabi noisemate. Gabi na naman, oras na naman ng hapunan pero kami wala pang ulam. Magluluto palang ako ng noodles at tuyo swak sa ganitong panahon na malamig at umuulan. Kayo po ba ay kumain na? Ingat po ang lahat ng pauwi galing trabaho. Sigurado ang trapik ngayon gawa ng ulan.

@Keeian

Lord, thank you for today. I will always be greatful for every little blessing that comes from your power, please lead us always to your Holy will.🙏 Its late already here at Ph, and i am just about to sleep. I guess im having a more peaceful sleep as the rain continues to pour down, its so nice to sleep in a cold weather like this. Good night my dear noisemate😴. May you a have good sleep or a wonderful day ahead of you💚

@Keeian

Finally, module free🤓 Ngiting tagumpay na si bagets, bakasyon na! Natapos na rin ang makapal n module na yarn. At busy na ang nanay pagsoli sa skul pati ang mga libro na pinahiram noong pasukan. Salamat po Ama at nairaos na namin ang challenging na modular schooling na ito. Parang kelan lang grade 5 na ang kuya ko❤

@Keeian

Antok na antok ko pero yung mga alaga ko hyper pa masyado. Ang sarap manakit eh😅. Makapag kape na nga lang para mawala ang antok, marami pang gawain bahay na nakapila.. Meryenda time na noisemate, sakto dumaan si kuya na ngbebenta ng choco dunot paborito ng mga bagets, wala na talagang pag asa matulog💁🏼. Gandang hapon ebriwan..time out ka na muna sa trabaho at mag snack☺

@Keeian

Byernes ng gabi kabayan, ang ibang tropa dyan ngasasalo salo at tumatagay kasi bukas sabado na at yung iba walang pasok, masarap sa pakiramdam yung paminsan minsan mag chill chill rin tayo, wag puro problema sa buhay ang pagkabusyhan natin. Ok lang maging masaya paminsan minsan basta dun lang tayo sa tama, at wag sosobra. Magugoodnight na rin ako sainyo mga mahal kong kaibigan ko sa noiseland, manunuod muna habang nagpapaantok. Ingat po ang lahat ng uuwi pa lang❤.

@Keeian

Tara na't mag agahan mga kaingay, oh ako nalang ata ang hindi pa nag aalmusal😅. Nagluto po ako ng ginataang saging na may kamoteng kahoy, paborito ito ng anak ko. Kain po🍽

@Keeian

Nakakaantok na hapon kabayan, bakit kaya kapag ganitong oras ang sarap talaga matulog😴. Ang dami ko pang nkapending na gawain sa loob ng bahay, pero pag bibigyan ko muna ang sarili ko umidlip😆. Pag taong bahay talaga kasama na sa daily routine ang power nap, katulad rin sa mga nagtatrabaho ang tawag naman ay breaktime. Pag bgyan natin ang ating katawan na makapag hinga, hindi naman ito kalabisan at katamaran, ito ay kailangan ng ating kalusugan. Magandang hapon po sa lahat.

@Keeian

Merienda time! I have here banana loaf with chocolate chips, i ordered this from my cousin, she's selling this online. Super yum! Lets eat.

@Keeian

Masarap matulog sa malamig na panahon pero mas hihimbing ang tulog ko nito dahil sa surprise challenge na naman ni ninong noise🎊...ibuhhhh ka talaga noise, lab na lab mo talaga ang mga user mo.. Salamat sir Marc Demesel💚. Sana wag ka magsawa na magshare ng blessing mo. More bch to us, noisemate. But for now let's sleep well and rest our body and be prepared for tommorow's challenges. 💤💤

@Keeian

Tanghalian na kabayan, bumili ako ng alumahan na isda. Sinigang ko ang ulo na may talbos ng kamote at pinirito ang buntot, simula bata pa ako paborito ko na ganitong ulam..mas gusto ko talaga piprito yung isda kesa sa sinigang pero gustong gusto ko rin ang sabaw na sinigang na ulo nito😅. Kumain kana ba kaibigan? Kung hindi pa tara na't kumain ng pananghalian.

@Keeian

Kapag naglalakad lakad kami ng anak ko tuwing hapon dito nya tlaga gusto pupunta sa mga kambing na ito, tuwang tuwa sya tingnan pero takot naman lapitan😄. Maganda pa rin talaga sa pakiramdam na may nakikita na mga ganitong hayop sa lugar namin na marami ng bahay at tao. Magandang gabi na naman mga kaingay, mabuti at my natira pa kaming ulam, magsasaing nalang ako para sa hapunan.

@Keeian

Its 1:40 in the morning @Ph, its monday already and im just heading to sleep. See you in dreamland guys! Hoping to have now a peaceful sleep.. And good morning or afternoon to the other side of the universe,hoping that you are spending your day the way you want it, like eating your cravings, dancing while singing and never thinking of covid. Yeah, have fun pipol! Life is too short so dont lose your enery to something you cant control.💚

@Keeian

Hindi ako makakain dahil sa movie na to, ngayon ko lang to napanuod eh, tinapos ko talaga. Masaya na malungkot ang ending❤💔. Maganda pala talaga to, nakakaiyak sa huli..hayy Lunch time na, kain na po tayo.

@Keeian

Meryenda po tayo kabayan, may pabihon,puto at pizza ang may birthday sa kapitbhay. Parang naghihinayang ako kainin ang puto ang ganda kasi ng kulay😅. Sakto yung cravings ko sa pizza eto na sya🍕, ako lang rin kakain nito kasi hindi naman kumakain mga anak ko, juice lang solve na sila kapag may ganyang mga birthday salo salo😹. Biglang bumuhos na naman ang malakas na ulan, kanina lang ang init init kaya ingat po ang lahat dahil ang panahon natin ay pabago bago.

@Keeian

I thank God for waking me up to see another beautiful tuesday, It feels good completing an 8 hr sleep. Great morning everyone! May we all have a day full of love and forgiveness❤. Umuulan pa rin sa labas, ingat po ang lahat ng papasok sa trabaho lalo na ang mga nakamotor kasi madulas ang kalsada.

@Keeian

Maulang hapon kabayan. Napakahirap talaga magcommute sa ating bayan lalo pa kapag ganitong umuulan. Ang pamasahe pinamahal pa lalo ng pandemya. Magandang hapon pa rin Pilipinas kong mahal,. Kumusta po ang lahat? Nakapag kape ka na ba?ako magkakape pa lang, kararating lang namin dito sa aming pinuntahan.

@Keeian

Hello Mr. Moon, ang lungkot mo naman masdan nababalot ka pa ng ulap at wala man lang tala na kumikinang. Napaemote pa ako😅,gusto ko lang naman bumati ng magandang gabi sa mga mahal kong noisemate. Hapunan na mga kapatid, kain na tayo at magpasalamat sa biyaya sa ating hapag.❤

@Keeian

Lately hirap na naman ako matulog ng tama sa oras. Ang dami kasi isipin sa life🤷🏼. At dahil madaling araw na siguro naman makakatulog na ako ngayon, masakit na likod ko kakabali baliktad sa higaan. Myerkules na naman, marami ang gising na upang magbanat ng buto,lalo yung mga namimili ng mga gulay,isda at karne, ingat po kayong lahat. At goodnight sa lahat ng masasakit na ang ulo na tulad ko at matutulog pa lang😴.

@Keeian

Late na pananghalian ko kabayan, pork sinigang sa malamig na panahon. Sarap humigop ng maasim na sabaw habang mainit pa ngayong tag ulan. Ang dami kong gutom kabayan, late na kasi nakapag luto kaya eto kakain palang kami. Sana po kayo rin ay nakapananghalian na. Keep safe po,.kaibigan!

@Keeian

Natakot yung anak ko sa tunog ng cp ko, sasabog na daw😅, yun pala may emergency EXTREME alert si ndrrmc😔. Dito sa lugar namin sa Cavite literal talaga maghapon ang ulan simula pag kagising ko. Mabuti at hindi bahain ang lugar namin, Salamat sa Ama. Pero malamang sa ibang lugar baha na talaga. Mag ingat po tayong lahat mga kaibigan lalo na po sa mabababang lugar, sana ay maging ligtas ang lahat at umalis na ang sama ng panahon sa ating lugar. Magandang gabi po!

@Keeian

Paano ba ako neto makakatulog kung hanggang dito sa loob ng kwarto mAlakas ang bagyo😅 sakit na ng ngala ngala ko kasasaway kaya hinayaan ko nalang, ako nalang mag adjust para mamaya kontento tulog nila. My dear noisemate may you have a peaceful sleep tonight, its raining all day i hope everyone is safe and sound. May God embrace us in this stormy night especially the most affected by the floods. Keep safe, friends🙏.

@Keeian

Yung mga anak kong ayaw papigil maligo sa ulan kahit malamig. Kahapon hindi ko na sila pinayagan kasi mas malamig at malakas ang ulan, ngayon konteng oras lang daw sabi nkiusap yung maliit kaya pinagbigyan na.. Ingat po tayong lahat, sana tumila na ang ulan, kawawa talaga ang nasa mababang lugar dahil hindi maiwasan ang pagbaha. Naalala kung nung nasa Bacoor pa kami nakatira kaoag ganitong panahon grabe na yung takot ko, ntrauma na talaga ako kasi naranasan namkn nun ang…

@Keeian

Kabayan, kape po tayo☕ malamig dito samen ngayon dalawang araw na kasing umuulan. Tsaka meron ako dito pritong saging na saba, maruya ang tawag nito samen. Hindi ako nag sasawa sa meryenda na ito kahit paulit ulit pa , swak na swak talaga ito sa panlasang pinoy.. Magandang hapon po, Pilipinas!

@Keeian

Nung bata ako pinapagawa rin samen to ni mama kapag masakit ang kalamnan nia, pinatatapakan ang likod na parang minamasahe, at ngayon pinagagawa ko rin sa anak ko kaya lang mukhang pag aawayan pa nilang mag pinsan, nag uunahan pa at may kasamang lundag pa sa aking likod😅 pero masarap talaga sa pakiramdam, nakakarelaks rin talaga. Lalo na ngayon tag ulan ang dami nating sakit na nararamdaman sa ating katawan. Magandang gabi po sa lahat.

@Keeian

Ilang araw ng ganito kalungkot ang tanawin sa labas, pangatlong araw ng maulan, hindi pa rin nagpapakita si haring araw at bukod dito my ilang cases rin ng covid sa subdivision kaya hind rin talaga lumalabas sila mama, lalo ang mga bata. Good morning pa rin, thank God its friday! Sana bukas uminit na para sa labada day ng mga momshie..

@Keeian

Ginisa ni mama yung bunga ng malunggay at nilagyan nia rin ng toyo, masarap sya. Pers time ko talaga nito makakain, walang halong biro. Hindi ko kasi alam na kinakain pala ang bunga na ito may nakapag sabi lang ky mudra🤗. Masarap rin daw ito ihalo sa paksiw na isda o nilagang karne. Nakakain ka na rin ba ng bunga ng malunggay kabayan? Masarap na masustansya pa.. Happy lunch time po, meju late na naman ang pananghalian ko. Tara kain po!

@Keeian

Been lying down for hours but still dont want to let go of my blanket, the rain is pouring down heavy now thats why im so lazy to get up and run some errands and prepare meal for dinner. But i have to, being a mom doesnt permit to stay in bed a bit longer, so much chores to do.. I will just have coffee to energize my body. Good afternoon everyone!

@Keeian

Gandang evening ebribudeh, ang sarap matulog sa ganitong kalamig na panahon, sigurado marami ang mapapasarap ang tulog sakto bukas ay sabado yung iba ay walang pasok sa trabaho kaya pedeng tanghaliin sa higaan. At yung mga ng sa-shot dyan, enjoy lang kaibigan🥂. Ako naman ay manunuod muna ng aking mga dinownload habang nag papaantok. Goodnight guys, lagi tayong magpasalamat sa Ama sa araw araw na binibigay nia.

@Keeian

Nagulat ako sa biglang paglakas ng ulan, ang lakas ng patak sa bubong ng bahay, nawala na naman tuloy antok ko at nabalot na naman ng nerbyos ang utak ko. Lord, sana po tumila na ang ulan lalo na po sa mga mabababang lugar at lubha ng apektado ng pagbaha. Naalala ko kasi ang hirak ng sitwasyon kapag ang baha pumasok na sa loob ng bahay, mahirap lahat gawin kahit paghinga mhihirapan ka eh gawa ng stress na mkikita mo sa paligid😥. Keep strong mga kapatid, this too shall pass☝🙏.

@Keeian

Meryenda tayo kabayan, meron ako ditong cheesy nilupak na kamoteng kahoy at kutsinta🤤. Nabili ko online, iba talaga nagagawa ng online advertisement ang sarap tingnan sa pic kaya napabili ako, hindi naman ako nag sisi, sulit naman ang presyo sobrang sarap,hindi tinipid ng seller sakto ipartner sa mainit na kape ngayong tag ulan. Kain po!

@Keeian

Father God, I am grateful for the grace of the food you have served at my table🙇🏼. Im praying for my countrymen that severely afftected by the flood due to bad weather may they find home to shelter and a food to eat🙏. Lets eat dinner my dear noisemate, its already late thats why i just ordered tapsi online. Hope you had yours🍽

@Keeian

Still wide awake at 2 am😳. The rain starts pouring heavy again, i just feel sleepy now and will definitely sleep coz its morning already. I have few more hours to sleep coz my child will wake me up early🤪 Puyat na naman si inday. Kdrama pa kasi😅. Father, please embrace all those who are wet and weary, may they find warmth by your love and comfort. I know that you will not forsaken your children, and in your mercy we will all be saved. Amen. 🙏

@Keeian

Good morning Sunday, done attending the mass of Quiapo church virtually⛪. At sabi ni Father araw rin ngayon ng mga lola at lolo natin👵🏻👴🏼. Hello sa mga certified lolo at lolas girl o boy dyan, at isa ako dun. Bigla ko tuloy namiss ang aking lola na maaga kami iniwan. Tanghali na rin pala oras na naman ng pananghalian wala pa ako naihahanda. Anu kya masarap na iulam?

@Keeian

Jusme ako itong balut na balot na sa sobrang lamig, yung anak ko tutok na tutok pa sa efan, ayaw paawat, nagigising pag ino-off ko🤷🏼. Magandang hapon sa lahat, maulan pa rin sa aming lugar, masarap pa rin humilita pero nakakapag alala na ang sunod sunod na araw ng ulan, sana naman magparamdam na si haring araw at maging maayos na ang panahon.

@Keeian

Champorado ang hapunan ko, dinamihan ko na yung luto ko kaninang meryenda kasi paborito rin to ng mga anak ko at gusto nila ito nalang rin ang kainin nila sa hapunan. Pinapartneran namin ng skyflakes at nilagyan ko ng dagdag powder milk para lalo sumarap. Ang sasarap ng mga ulam na nakikita ko🤤 lalo ako nagutom. Tara kabayan, kain n muna tayo.

@Keeian

Im saying goodnight to all my lovely fellas here. Its been another though day but we survived! All praise and glory to our God🙇🏼. Im glad that rain stopped already for hours now, hoping that tomorrow mr. Sun will visit us coz my laundry is crying out for help😅. To the other side of the world, Wishing you'll have a good and productive day. Im signing off now to sleep, its already passed 12 in the midnight here at Ph. Tomorrow again, noisematez💚. Thank you all for the love😘😴.

@Keeian

There you go Mr. Sun🌞. Maraming nag aabang sa iyong pagsikat. Isang magandang umaga talaga ito sa aming lahat lalo na sa mga nasalanta ng baha. Makakapaglaba na ang karamihan, literal n gabundok na ang labahan ko😅. Sana wag kana munang umulan🙏. Salamat po Ama sa pag gising sa amin sa umagang ito. Patuloy Nyo po kaming kalingain ng iyong pagmamahal. Masayang araw sa lahat!

@Keeian

Hello kabayan, sino rito DITO sim user? Kumusta po? So far so good ang experience ko kay dito, kahit nung maulan hindi sya ngla-lag. Sulit yung 99 na nload ko kasi meron pa syang pangkol and text sa ibang net. Sana lang hindi sya magbago. Yun pong gusto itry si Dito search nyo po muna kung compatible sya sa cp nyo, meju choosy pa ngayon si dito eh hind pa sya gumagana sa lahat ng klase ng cellphone. Gandang tanghali po sa lahat!

@Keeian

Nagugutom na ako pero bongga pala ang pila ng magbabayad sa mismong meralco🤦🏻, my mali kasi sa bill namin kya dapat derekta daw sa opis mgbayad, nasanay na kasi ako sa bayad center o gcash magbayad😔.

@Keeian

Hello po ka squad, meryenda po tayo. Kanin po talaga ang kakainin ko kasi hilong hilo na ako sa gutom, hindi oobra ang tinapay lang😁. Mabuti at may natira pang pera sa binayad kong bills kanina sa meralco keri pa pang order ng rice meal sa chowking. Salamat po Ama sa biyayang ito, naway mawala nito ang sakit ng ulo ko dahil sa gutom. Kain po!

@Keeian

Gonna sleep tonight with a happy heart, so much happened good today. One of that is the winning moment of our very own Hidilyn from Tokyo olympics, the very first gold medal award after 97 years, it was 1924 since Philippines won gold, mabuhay ka kabayan!🎉🏋. At marami man ang hindi sang ayon sa sona ng ating pangulo pero sigurado ako na mas marami ang tagasuporta at naniniwala sa kanya, great job po pangulong Duterte, marami ka mang pagkukulang pero mas marami kang…

@Keeian

Great morning everyone! Maaga ako nagising kanina para magluto ng pansit bato, paborito naming bikolano ang pansit na ito. Tapos na rin kami mag agahan at ngayon ay pananghalian na naman ang aking aatupagin. Medyo mainit ulit samen ngayon pero hindi gaanung matirik ng sikat n haring araw, kumusta po sa lugar nyo? Ingat po🤗

@Keeian

Kwek kwek meryenda ko ngayon, sawsaw sa maangghang na suka at may gulaman na panulak ay busolve na. Meryenda na kabayan! Medyo masama pakiramdam ko ngayon , konteng sakit lang ng ulo ko napaparanoid na ako,epekto ito ng covid kun anu ano kasi ang naiisip ko kapag may nararamdaman akong kakaiba. Itutulog ko nlang muna at ipapahinga ang katawan, at kapag ganito pa rin maramdaman ko maya iinum na ako ng tabletang gamot para maagapan. Gandng hapon kabaya!

@Keeian

Ang haba ng tulog ko kaninang hapon kasi masakit ulo ko, nauna pa magising yung anak ko na pinatutulog ko lang tlaga sana😅 kya ngayon gustohin ko man matulog ng maaga aga ayaw pa ng mata ko, babalikan ko nalang si penthouse marami ako nababasa na magnda raw kwento nun, pero season 2 na ako mgsisimula manuod.. Sweetdreams sa papunta na ng dreamland ngayon, at sa mga nsa labas pa ng kanilang tahanan mag ingat po kayo,sana wala ng ulan sa lugar ninyo at maging ligtas lang…

@Keeian

Its 4 in the am, i suddenly woke up coz of the heavy rain. I was startled hearing the heavy raindrops on the roof, grabbed my blanket, and will go back again to sleep.. I hope everyone is safe and snorring😴.. And hello to the busy people on the other side of the world, i hope you have a wonderful and peaceful day. ...okay, im going back to dreamland. Please Lord, keep us all safe po🙏❤.

@Keeian

Magandang tanghali po mga friendship. Share ko lang itong aking healthy drink na gawa sa nilagang tanglad o lemon grass🌿 2 days na akong umiinom nito, lately kasi sumasakit na naman balakang ko feeling ko dahil sa UTi, kaya ito ang ngsisilbing tubig ko. Maganda sa pakiramdam, feeling ko ang linis linis ng pantog ko kasi nkakailang wiwi ako kumpara sa plain water lang iniinum ko.. Mabuti at marami nitong tanim si mama kya bago ako umuwi nung monday sa amin ngdala na ako para…

@Keeian

Saw this mama's post earlier on fb, and she finally end up getting the vaccine just now. Many of her friends' comment are encouraging her to be vaccinated, this helps her decide to push through.. She went on robinsons mall and easily got the vaccine because seniors are priority, now that she's vaccinated she can go out with less worry contacting the virus. I just hope that it will not give any negative effects on her. She got johnson and johnson, and i just learned that it…

@Keeian

Goodnight po from my clingy bigboy. Sabi nia matulog n raw kami natakot sya bgla kasing my nagtatakbuhan sa kisame namin, malamang may hinahabol na nman na daga ang pusa ng kapitbhay😆. Maganda ang panahon sa amin ngayong gabi, medyo mahangin lang pero walang ulan kaya masarap matulog. Magandang gabi kabayan, ingat po kung pauwi ka plang sa iyong bahay. At sa lahat ng matutulog na, wishing you all a tight sleep.😴

@Keeian

Gumawa ako ng sisig para sa pananghalian namin. Tara po kain na! Namiss ko gumawa nito yung partner ko kya ginaya ko yung version nya, masarap naman pero iba prin yung timpla nya😅. Nilagyan ko maraming sili pra solid yung anghang🌶. Late lunch na, kaingay!

@Keeian

Gabi na naman kabayan, pumapatak na naman ang ulan sa amin,sainyo po ba maulan pa rin? Napanuod ko sa balita na lubog ng baha ang Pampanga, nakakalungkot makita ang sitwasyon nila doon😥 pero iba talaga ang Pinoy! Hindi nagpapatinag sa mga hamon sa buhay. Sana lang wag na umulan sa mabababang lugar at maging ligtas lang po tayong lahat. Nakapag hapunan na ba kayo?kami po katatapos lang. Salamat po Ama sa lahat ng biyaya.

@Keeian

Hoy bata anu oras mo pa plano matulog?😅pati mga unan kinakalaban mo na ngayon, pinag boboxing mo pa yang mga yan😂. Yan ang hirap kapag mahaba ang tulog mo ng hapon eh, kya kahit gabing gabi na hyper ka pa pati tuloy ang ina hindi mkapag fucos sa pinapanuod na kdrama🤣 Sigurado marami pang gising na kaingay dyan. Ako ay magugoodnight na kahit na sigurado ako na hind pa kami agad makatulog nitong alaga ko. Sweet dreams, noisemate..bukas po ulit. Salamat sa pagmamahal ninyo💚❤.

@Keeian

Maganda magiging tulog natin nito mga kashare😍. The market is getting greener💚. Sana tuloy tuloy lang. Good night everyone, my eyes cant take it any longer. Late na nman ang tulog kakatambay sa youtube at kdrama😅

@Keeian

Magandang umaga FSFG family. Thank God its friday na naman, at huling araw ng byernes ng July. Nararamdaman ko na talaga ang bermonths, ilan tulog nalang maririnig na natin nag mga kanta ni Jose Mari Chan🎅🏽. Sumisilip silip ngayon sa amin si haring araw pero medyo makulimlim pa rin. Sana wag bumagsak ang ulan. Have a wonderful day mga friendship. Keep safe and healthy.💚

@Keeian

Lunch time na kabayan, tofu sisig ang entry ko sa pananghalian, kahapon nag pork sisig ako may natira pang mayonaise kaya naisipan ko tokwa naman ngayon😁. Kumain na po ba kayo? Pakabusog po kayo. Walang hanggang pasalamat sayo Ama sa mga biyaya ng pagkain na ibinibigay Mo sa amin.

@Keeian

At dahil 50% sale ngayon sa j.co napabili yung hipag ko at nabiyayaan ako🤗. Iba talaga ang doughnut nila mas bet ko kesa sa krispy kreme, pero lalong sumarap kasi libre😅. Meryenda tayo kaingay.

@Keeian

Avocado, anyone? Paano po ba kayo kumain ng avocado?ako nilalagyan ko ng powder milk at asukal plus yelo, yung kapatid ko asukal lang oki na sya pero mga anak ko ayaw talaga nila nito.. Isa pa naman ito sa pinakahealthy n prutas na meron tayo, sana pg lumaki sila matutunan nilang kumain nito. Gandang gabi mga kaShare, oras na naman ng hapunan..anu po ulan nyo dyan?kami dito itlog lang ito lang kasi amg madali lutuin para sa anak ko. Kain po!

@Keeian

Ito nalang talaga ngpapagaan ng buhay ko😅. Totoo talaga na kapag nagkaka edad na mas pipiliin mo na ang ganitong regalo kesa sa bulaklak. Ilang araw ng sumasakit yung likod ko siguro dahil sa lamig ng tag ulan at naisipan ko bumili nito at maglagay sa likod at nkakarelaks tlaga sya. Kahit papano gumaan pkiramdam ko sa likod.

@Keeian

Hapon na kabayan pero kakain pa lang ako ng pananghalian.. Busy-busyhan ako kanina kaya ngayon palang kakain, natuwa ako sa straw ng wendys, environment friendly sya..not sure kung saan gawa pero parang sa papel lang o karton lang ibig sabihin mabilis lang sya mabulok o biodegradable malaking tulong sa kapaligiran kung ganito rin straw ng mga fast food o restaurant satin. Tara po, kain muna.

@Keeian

Gandang gabi kaingay. Eto na naman c kuya noise my pa qr challenge na naman, pero hindi ko pa magawa ang bgal ng signal ko, pero hindi ako matutulog ng hindi ko nagagawa yan😁. Sa ngayon luto muna ako ng pang hapunan namin, sinangag ko kanin n ntira kninang tanghali tpos bumili ako daing at kamatis,. Tara mga kashare kain muna.

@Keeian

Finally mga friendship, natapos ko na yung challenge🎉 yey! Super bagal ng signal😔. salamat noise, mkakatulog kami ng mas mahimbing ngayon dahil sa pachallenge mo🤗. More bch to us. Goodnight po mga kasquad, nakakatuwa ang dami ko nababasa mga magaganda pakulo about sa channel na ito. Salamat po moderatorS.💚

@Keeian

Im off to bed noisemate. Another beautiful saturday is about to end. Thanks to noise.cash and smartbch for surprising us another qr challenge💚. Hope everyone is able to join the challenge.. As much as i want to make noise the signal is not in the mood to be with me🤦🏻. Sleep tight everyone😴