Paborito mo din ba ang manibalang mangga? Eh ung maasim-asim pa bet mo din ba? Okay lang kahit ano, lalo na sa inuman pangpulutan may kasama pang bagoong na sawsawan. 😋
When i stayed back in the middle east ito ang prutas na pinaka-namiss ko sa lahat. Dahil bukod sa mahal ang mangga nila doon, iba din ang lasa dahil kalimitan inangkat hindi mula sa pinas kundi sa kalapit nilang bayan.
Itong mangga na 'to mula pagkabata ko hindi na ko iniwan. May maasim, may matamis, at talaga namang mayroon na pangsaktuhan lang. Minsan hindi mo namamalayan nakakarami ka na pala kaya yung iba na gusto pang kumain sasabihin nalang "ubos na? 😩". At ikaw naman si tawa, napasarap kasi. 😆
May laro pa nga ang mangga , yung kanta na "mangga mangga, hinog ka na ba?. Oo, oo hinog na ako. Kung hinog ka na ay umalis ka na jan sa pwesto mo." Kung kanino natapat out na at kung sino matira sya ang taya (haha! Relate ang mga batang 90's). 😂
Mango is a national fruit of the Philippines at ako ay isang proud Pinoy. Proud ka din ba sa bayan mong pinagmulan?😉
🥭🥭🥭 Thank you for reading. If you liked the content please don't forget to subscribe. Have a good day! 😊
Yung tipong kaya kong maka isang kilo o mas higit pa,. Manibala o hinog inuulam ko pa sa kanin...
Ahhhhh naalala ko c lolo... Pag ayoko ng ulam na niluto nya nung bata p aq, mangga ang sagot sa pag iinarte ko.. 😂