Nung mga bata pa tayo ay mayroon na tayong mga pangarap sa buhay. Yung iba gusto maging doktor, nars, pulis, chef, at kung anu ano pa.. Pangarap kung maging doktor pero dahil sa kahirapan sa buhay ay diko nakamit ang aking pangarap na maging doktor.. Sa halip ay Information Technology ang aking napiling kurso, dahil sa Yun ang in demand noon at Yun din ang napiling kurso ng aking mga kaibigan.. Bagamat hindi iyon ang nais ko, ay inaral ko na lang iyon Para sa aking kinabukasan..
Nag graduate naman ako kaso hindi ko nagamit ang pinag aralan ko. Cashier ang naging trabaho ko sa mga mall.. Palipat lipat ako sa mga mall bilang cashier.. Masaya naman maging cashier, nakakapagod nga lang lalot madaming namimili..
Nakapag asawa ako at nagkaroon kame ng isang anak.. Mula noon ay hindi na ako Naka pag trabaho dahil ako na ang nag aalaga sa anak namin. Masaya naman ako sa pagiging housewife.. Ngayon ay pa sideline sideline na lang ako bilang tagaluto ng mga Kakanin kasama ang kapatid ko.. Masaya naman kahit hindi ko nakamit ang pangarap kong maging doktor....