Henerasyon: Baguhin ang Konsepto ng Mundo

2 29
Avatar for Karl
Written by
4 years ago

Sa mundong kinalakhan tayo ay namulat sa mapaghusgang lipunan. Mga matang mapanghusga at mga salitang nakakasira sa ating dangal. Maaaring itoy makapanira ng buhay ng iba lalo na ang mga kabataang nasasangkot sa krimen. Mga kabataang gunagamit at tulak ng iligal na droga. Mga kababaihang kabataang maagang nabubuntis. At mga iba pang isyu sa lipunan sangkot ay ang kabataang.

Henerasyon ba natiy hatid ay pag asa o problem? Sa henerasyong kinabibilangan ikaw bay maipagmamalaki o isang kabataang di Alam ang kahahantungan sa mundong iyong kinalalagyan? Marahil ang iba sa atin takot magsalita sa kung ano ang to too at nais sabihin. Marahil ikaw Yung tipo na Tao na nakaupot nagmamasid sa paligid at naghihintay ngsa kung ano ang nangyayari at mangyayari. Bakit di mo Kaya? Bakit ka nahihiya?

Diyan ka na lang ba sa sulok at magpapasawalang bahala ka na lang ba habang ang ating henerasyon ay tuluyan ng nasisira. Para sa kapwa ko kabataan, kung kayo ay naniniwala na "tayo ang pag asa ng bayan" , ano ang ginagawa mo Para sa ating henerasyon?Sabi nila Edukasyon ang susi tungo sa magandang kinabukasan at kaunlaran ng bayan. Ng unit paano tatayo ang isang kabataan sa Kaniyang sailing paa kung talamak ang kopyahan at dayaan? Paano na ang kinabukasan kung sa mga pagsusulit at takdang aralin ay di mo pa kayang gawin?

Mayroon Kang natatanging galing at lahat tayo ay bukod tango Kaya huwag ng lumiko sa kaliwa o kanan. Sa mundong nagsasabing di ko Kaya, May Diyos na nagsasabi na di ka nag iisa! Tumayo Kat kumilos at gumawa ng tama.Baguhin ang konsepto ng Mundo at sumunid Kay Kristo. Dahil ang pag asa ay Siya at ang ating henerasyon ay di Niya kailanman kalilimutan.

Dahil kung tayoy taga lingkod NiYa ang Kaniyang salitay nakikita't naririnig sa ating gawa at pananalita. Huwag gamitin ang Diyos para makilala ka. Sa halip hayaan mong kumilos Siya sa buhay mo at maipadama ang pag ibig Niya sayo. Tayo ay pinalaki para di parang sanggol kundi mga mandirigmang lalaban sa tama. Dahil kung Para sa bayan mas para sa Diyos.

6
$ 0.00
Avatar for Karl
Written by
4 years ago

Comments

It's not just in this generation though. It exists in all generations, the problem is, mas normalized lang yung mga nangyayari and the lack of discipline and care for the kids became worse now. But if you look through every generation, the question will still be there

$ 0.00
4 years ago

Mas nahahalata lang ngayon dahil sa internet. Kadalasan bawat assignment copy paste nalang sa net. 😅 tapos kopya ng isa kopya ng lahat.

$ 0.00
4 years ago