read.cash Log in
@Kaeyousse

@Kaeyousse in August 2021

@Kaeyousse

Good morning! Happy Sun-Yey! Enjoy a cup of coffee and a slice of bread with yourself because this day is yours πŸ’› Each day brings new blessings and opportunities, let's achieve our dreams together. Start your day with a smile and spread love in everywhere πŸ˜„ Have a wonderful day ahead! Keep fighting ≧ω≦

@Kaeyousse

Isang pinagpalang umaga mga kababayan ko! Ngayon ay linggo, maglaan ng oras upang pasalamatan ang ating Panginoon sa walang sawa niyang pagmamahal at pag intindi sa atin. Humingi tayo ng kapatawaran sa mga nagawa nating kasalanan at ipagpasa Diyos natin kung ano man ang problema na pinagdadaanan natin ngayon. Hiling ko ang kaligtasan at kaunlaran natin sa araw na ito. Maging masaya nawa tayo ngayong maghapon ~\(≧▽≦)/~

@Kaeyousse

Magandang Umaga FSFG! Kain na kayo ng almusal, nakakain na po ako kanina ng tinapay at kape. Saging naman ngayon, pangpalakas ng katawan. Malapit na ako magpa vaccine πŸ˜… pinayagan na rin ako ni mama sawakas HAHAHA isasabay daw nila ako πŸ˜„ Jusko sana lang hindi magbago ang isip ni mama, si ate naman pinayagan niya agad 😫 bata pa raw ako, baka daw hindi ko kayanin. Medj OA po talaga ang mama ko eh

@Kaeyousse

Magandang hapon sa inyo kaigans! Meryenda po muna tayo. Palabok yayyy! πŸ’› kain po kayoo πŸ˜… ekis muna sa kape, kakainom ko lang ng softdinks HAHAHA. minsan lang naman ako mag coke πŸ˜‚

@Kaeyousse

Yes! May mga kumakanta at sumasayaw sa likod ng room, may mga nag chichismisan sa gilidan. May buraot sa paligid, may sobrang mahal ng magulang kaya marasap ang ulam πŸ˜‚ may mga gamer din tapos meron din namang naglalaro ng uno cards sa gilid gilid. Nakakamiss naman HAHAHA

@Kaeyousse

Kain muna tayo mga lodicakes at marecakes! Tinapay at chichirya πŸ˜‚ ititira ko 'yung isang piatos para mamayang gabi. Tamang tama habang pinapanood ang mga chicka ni mareng jessica HAHAHA. Kain po kayo 😁

@Kaeyousse

Magandang gabi mga kaigan! Kain na po kayooo πŸ˜„ nakakain na ako ng gabihan, Tilapia po ang ulam namin. Kayo ba, anong ulam niyo? Nanonood kami ngayon ng movie, life with dog. Chill muna tayo mga kaigan, abang abang lang sa KMJS HAHAHA

@Kaeyousse

'yown! KMJS na HAHAHA. Byee byee na rin mga kaigan, kailangan ko nang icharge ang phone ko. Maaga kase kaming aalis bukas, papa vaccine na kami 😳 Kinakabahan na medyo na eexcite ako. Bahalana bukas πŸ˜… alas tres ng madaling araw ang alis namin, shemay patulog palang ako noon eh HAHAHA. Good night na mga lodicakes!

@Kaeyousse

Hello! Good morning everyone 😁 I'm back HAHAHA. Have you eaten your breakfast? I already ate earlier γƒΎ(〃^βˆ‡^)οΎ‰ Let's enjoy this brand new day! Every day brings new opportunities and memories that can be treasured forever. Always stay safe and healthy guyssss

@Kaeyousse

Got my first dose of covid19 vaccine yesterday! Yayyy Although sobrang toxic kahapon kase 4 am kami nakadating doon pero 'yung pila umabot na sa lagpas 1500+ na tao. Ang quota lang daw is 2500 kaya sobrang kaba kami dahil baka hindi kami makaabot. Ang daya kase nung iba, hindi sumunod sa curfew. Mga 1 palang ng madaling araw nakapila na. Sobrang dami talagang tao, kagulo na tapos wala pang social distancing. Ang haba ng pila, sobrang daming process but then again, we…

@Kaeyousse

Nood tayo ng the flue kaigans! Chill lang muna dahil masakit pa ang katawan ko kakapila kahapon para sa vaccine πŸ˜‚ Ang ganda talaga ng movie na 'to, ilang beses na namin to pinanood pero gandang ganda pa rin kami. Sino nga bang mag aakala na mangyayari 'tong ganito sa tunay na buhay :((

@Kaeyousse

Magandang tanghali noise cash pips! Makulimlim na Tanghali po πŸ’› anong meryenda niyo ngayon? Wala pa ako huhu, hindi pa ako nalabas ng kwarto nakakatamad πŸ˜‚ ikain niyo nalang ako mga kababayan!

@Kaeyousse

Good morning! Happy Wednesday noise cash pips! Kumusta po ang tulog niyo? Maaga akong nakatulog kagabi at medyo maaga rin akong naging ngayon πŸ˜„ nakakain na po ba kayo ng almusal? Kakakain ko lang, Pandesal at kape po ang almusal ko ngayon πŸ’› Hangad ko ang kaligtasan at kapayapaan nating lahat para sa araw na ito. Ingat po kayo palagi ≧ω≦

@Kaeyousse

Ganda naman ng weather ngayon, mainit at mahangin. Wariko'y makakatuyo ng sinampay sina mama πŸ˜† kumusta ang panahon sa inyo? Kanina grabe nakakainis, 'yung cellphone ko paurong mag charge HAHAHA Ampochiiii πŸ˜‚ pag gising ko tuloy low bat pa rin. Si mama kase ang nag chacharge ng phone ko bago siya pumasok sa trabaho kaya pag gising ko laging full charge na. Nung mga nakaraang araw, laging paurong magcharge kaya nakakayamot talaga.

@Kaeyousse

Magandang tanghali mga kaigan! Kain po muna tayo ng tanghalian. Mauuna na akong kumain kahit medyo maaga palang HAHAHA. Tinatamad daw po silang magluto ng ulam ngayon kaya kanya kanya nalang kaming bili πŸ˜† minsan lang naman sila tamarin. Wow ulam po ang nabili ko, masarap sana ang caldereta flavor pero afritada lang ang available. Kain po kayooo

@Kaeyousse

Makulimlim na tanghali sa inyo mga kaigans! Gutom na ako pero tamang abang lang kay kuya rider na magdadala ng parcel ko. Kanina pa 'yun out for delivery, hindi tuloy ako makalabas ng bahay. Baka masaktuhan na pag alis ko, saka dumating HAHAHA.

@Kaeyousse

Low budget meryenda HAHAHA dahil hindi ako makaalis ng bahay, kumupit nalang ako sa tindahan ng lola ko πŸ˜† Sizzling Bangus kayo diyan mga kaigan! Nakatikim na ba kayo nito? Inuulam ko 'to minsan pag ayoko ng ulam sa amin πŸ˜‚ laking bangus ata 'to. Miss ko na 'yung mga titsirya na Xsakto tapos sugo at happy :(( ayaw nang mag tinda ng lola ng ganon, ako lang daw ang nakain HAHAHA

@Kaeyousse

Yayyy! Dumating na rin ang parcels namin HAHAHA. Kahit na halos isang linggo at mahigit namin inantay, nastuck kase sila sa paraΓ±aque. Ang galing nga, parang nag antayan 'yung dalawang parcel para isang deliver nalang πŸ˜‚ Napost na ni ate 'yung KF94 mask, ang hirap talaga pag may kapatid kang nag nonoise cash din. Lagi nalang ako inuunahan at inuubusan sa pwedeng icontent. Eto nalang glow in the dark stars na hindi naman talaga nag goglow ang ipopost ko πŸ˜‚ pang decorate sa…

@Kaeyousse

Magandang gabi mga kaigan! Kain po tayo ng dinner. Imbotido po ang ulam namin, kayo ba? Kain tayo ng madami nga kaigan para hindi tayo magugutom pag matutulog na tayo πŸ˜‚ Kakauwi ko palang galing sa bahay ng tita ko. And as usual nanonood kami ngayon ng movie sa channel 9 πŸ˜†

@Kaeyousse

Yikes! May nayaya ulit akong isang kaibigan dito HAHAHA. Actually may mga nayaya na rin ako dito na kaibigan dati kaso mga inactive na sila ngayon dahil sa busy life nila πŸ˜‚ Niyayaya ko sila dito kase ang saya at ang laki ng naging tulong ng noise cash sa akin. Feeling ko mas maganda kung maeexperience rin nila 'to. Support po natin siya pag nakapag create na siya ng account ah 😁

@Kaeyousse

Good morning mga kaigan kahit medyo late na HAHAHA. Kumusta po ang tulog niyo? Ngayon lang ako nakapag post kase inantay ko pang ma full ang phone ko πŸ˜‚ happy Thursday po sa ating lahat ΰΈ…(ΰΉ‘*β–½*ΰΉ‘)ΰΈ…!! Nawa'y maging maayos ang araw na ito sa ating lahat. Keep safe and hydrated po

@Kaeyousse

Lomi kayo diyan mga kababayans! Nagluto 'yung tita ko sabi niya lomi daw na "pacham" nagtaka ako, anong pacham. 'yun pala "pachamba chamba" kase third time niya palang mag luto ng lomi HAHAHAHA. LT eh, masarap naman, magaling kase siya mag luto sana all. Madami talaga yang toppings, kinain ko lang HAHAHAHA

@Kaeyousse

Maulang patanghali mga kaigans! Ang oras na ay 11:27 AM sa pilipinas. Naghahanda na ba ng pananghalian ang lahat? Ang lakas ng ulan ngayon shems, medyo may hangin pa. Mataas naman ang sikat ng araw kanina ngunit biglang kumulimlim at bumugso ang ulan. Kain na po kayo ng tanghalian!

@Kaeyousse

Kain na tayo mga kaigans! Imbotido po ulit HAHAHA. Bumili ulit sila eh, nasarapan ata sa luto nung binilhan namin. Kami nalang ni ate ang hindi pa nakain ng tanghalian kaya kakain na kami πŸ˜‚ hindi ko alam kung anong uulamin ng ate ko, hindi naman siya nakain ng imbotido. Ayaw niya ng karne (baboy or manok) ang weird diba?

@Kaeyousse

Napakainit pero dahil Pilipino tayo, arat kape! HAHAHAHA. Kain po kayo mga kaigan πŸ˜† Kape at tinapay lang po (FITA) Nakakaloka ang panahon, kanina bigla ulit umambon eh ang dami pa namang sampayin ng tita ko. May nga blanket at punda pa kase akala niya iinit mag hapon. Edi bilis bilis naming kinuha, after naming makuha lahat, biglang uminit ulit πŸ˜‚ susko po

@Kaeyousse

Yeyyyy! Spaghetti pababa tayo diyan mga kaigans πŸ˜† Kain po tayo ~\(≧▽≦)/~ Nagluto pala sila ng spaghetti, hindi ako nainform kase nagkukulong ako dito sa kwarto HAHAHA. Dinalhan nga lang ako kanina ng kape at tinapay, baka daw nagugutom na ako πŸ˜‚ Medj masakit kase ang puson ko, parang ayoko muna mag gagalaw

@Kaeyousse

Magandang gabi po mga kababayan! Kain na po kayo ng hapunan, nakakain na kami. Nanonood kami ngayon ng T.V pero hindi movie ang pinapanood namin ngayon HAHAHA. Balita muna dahil inaabangan namin ang news about sa lockdown tomorrow :(( Grabe, eto na naman tayo. Ingat po kayo at dasal palagi. Malalapagsan din natin 'to

@Kaeyousse

Ang cutieee nito πŸ˜† Para sa mga gustong uminom ng coke pero bawal masobrahan dahil may UTI πŸ˜‚ Bawal 'to sa mga mahihilig sa coke, tiyak na ika'y mabibitin ka lamang ng todong todo HAHAHA.

@Kaeyousse

Heyow! Good morning mga kaigan ko πŸ˜„ Kumusta naman ang tulog natin? Tatlong oras lang ang akin, epal kase ang insomnia. Nakapag almusal na ba kayong lahat? ECQ na naman sa amin jusko lordddd. Nawa'y maging maganda ang takbo ng araw na ito para sa ating lahat. Ingat po palagi πŸ’›

@Kaeyousse

Maulang umaga mga kaingays! Kanina may araw na pero biglang kumulimlim at tapos ngayon, naulan na. Sayang, inaabangan ko kase dumaan 'yung nagtitinda ng pilipit at butse pero pumasok na ako sa loob ng bahay dahil naulan nga. Sa inyo po ba, naulan or maaraw?

@Kaeyousse

11:05 AM na ang oras mga kaigan! Arat mag handa at magluto na ng pananghalian. Ito ang akin, corned beef na lalagyan ng itlog. Kina mama daw ay gulay, nag luto sila kanina. Anong sa inyo mga kababayans? Huwag nating kalimutang pasalamatan ang ating panginoon na siyang nag handog ng biyaya na nakalagay sa ating hapag kainan. Pakabusog po tayo at siguraduhin walang masasayang na pagkain ≧ω≦

@Kaeyousse

Ayan chill muna tayo mga kaingay! Sarap sa feeling pag nakahiga ka lang tapos nakikinig lang ng music. Tapos mamaya makikinig ko na ang sigaw at katok ng lola ko sa kwarto dahil napakatamad ko raw HAHAHA chars πŸ˜†

@Kaeyousse

Ayan luto na ang pagkain, kain na kayo mga kaigan. Lampas alas dose na, huwag na pong papalipas ng gutom. Sasakit lang ang ulo at tiyan niyo HAHAHA. Wahh nakakainip, sobrang tahimik ng paligid. Nalow bat na ang speaker πŸ˜‚ wala naman magandang mapanood, wala na rin akong movies πŸ˜†

@Kaeyousse

Kain tayo meryenda mga kaigans! Hello na chocolate waffer HAHAHA. Nakakabitin nga lang tapos ang corny pa nung nakalagay sa likod πŸ˜† Anong meryenda natin diyan ngayon mga ka noise cash?

@Kaeyousse

YIIIKES! Dumating na 'yung anti rad/blue na binili namin sa shopee. Akala ko'y matatatagalan pa dahil nag lockdown sa amin pero nag text si j&t kaninang umaga, biglang nabugay ang dugo ko πŸ˜‚ Ang galing kase nag provide si seller ng free tester para malaman kung legit ba or hindi 'yung anti rad na pinadala nila. Yayyyy!

@Kaeyousse

Magandang gabi kababayans! Nood po muna tayo ng movie, kakatapos lamang namin kumain ng hapunan. Ang palabas ngayon ay "The Three Stooges" Bonding na talaga namin ang manood ng movie. Ngayon pa na kumpleto kami dahil walang pasok sina mama dahil lockdown πŸ˜‚ Naghahanap nga siya ng offline movie kanina kaso wala pa akong naidownload dahil wala pa akong alam na magandang movie. May alam ba kayo? Suggest naman po kayo πŸ˜…

@Kaeyousse

Lateee morning kaigans! Kumusta naman ang tulog niyo? Kakagising ko pa lamang HAHAHA. Bumawi ako sa tulog dahil halos tatlong oras lang ang tulog ko nung last. Nakakain na ba kayo ng almusal? Hindi pwedeng hindi tayo kakakin ng almusal dahil ito raw ang tinaguriang pinaka importante na meal sa buong mag hapon. Sana'y maging maayos at masaya ang araw na ito sa ating lahat! Ingat po palagi πŸ’›

@Kaeyousse

Magandang weather 'yarn? Isang mainit na umaga para sa ating lahat! Mahangin at masikat ang araw, matutuyo na rin sa wakas ang mga sampayin HAHAHA. Anong ginagawa niyo ngayon mga kaingays? Nakahiga lang ako dito sa kwarto, napakatahimik ng paligid grabe πŸ˜† eto ba 'yung lockdown vibes? Chars

@Kaeyousse

Ayan mga marecakes at lodicakes, kain muna kayo ng titsirya HAHAHA. Baka nagutom na kayo kaka scroll πŸ˜† pili nalang po kayo diyan, kuhanin niyo na 'yung mga bet niyo πŸ˜‚ Tatambay muna ako sa tindahan, ayoko nang mag mukmok sa kwarto, nasakit na ang katawan ko kakahiga suskooo.

@Kaeyousse

Meryenda tayo diyan mga kababayans! Ang sakit ng ulo ko pero naka inom na ako ng gamot kanina. Nakakaloka, bakit ang sarap matulog pagkaligo ano? Bawal pa naman sa amin 'yun. Bantay sarado ako ni mama πŸ˜‚ every five minutes chinecheck kung gising ba ako juskoo, lalo tuloy sumakit ang ulo ko πŸ˜†

@Kaeyousse

Magandang gabi kaigans! Kain na po tayo ng dinner πŸ˜„ Ito po ang ulam namin ngayon, kayo po anong ulam niyo? Hindi ako makatambay dito ng madalas dahil nasakit ang ulo ko, nakakamiss tuloy makipag interact dito πŸ’›

@Kaeyousse

Tamang nood lang ng Pepito Manaloto. Ang cutiee talaga ng mga pormahan nila dito HAHAHA lakas maka throw back eh πŸ˜‚ ang cute ng batang Pepito at batang Elsa πŸ˜† Nanonood din ba kayo nito ngayon? #PepitoDobolTrobol

@Kaeyousse

Byee byeee na noise cash pips! Good night na po 😁 una na ako matulog, masakit ang ulo ko eh HAHAHA. Ipapahinga ko lang po saglit ang mata ko πŸ˜… Bukas nalang po ulit. Maraming salamat sa araw na ito mga kaigans. Nawa'y magkameron tayo ng mahimbing at mahabang tulog para may sapat na energy para bukas. Sweet Dreams po ^Ο‰^

@Kaeyousse

Good morning mga kaigan! Happy Sunday po 😁 Bago tayo maging abala sa pag checheck out ng mga nasa carts natin sa shopee at lazada, mag laan muna tayo ng oras para pasalamatan at sambahin ang ating butihing Panginoon πŸ’› Nakatulog ba ng maayos ang lahat? Nakapag almusal na rin po ako, sana kayo rin ^Ο‰^ Isang mapayapa at maayos na araw po ang hiling ko para sa ating lahat. Magiingat palagi ah

@Kaeyousse

Masikat ang araw ngayon! Kagandang panahon ≧ω≦ Happy 8.8 shopee and lazada sale mga kaigan HAHAHA. hinay hinay lang po ulit πŸ˜† lord waley na akong money, nawa'y huwag matukso ng todong todo πŸ˜‚

@Kaeyousse

HAPPY 5TH ANNIVERSARY BLACKPINK 😭✨ To the girl group who brought me to kpop, thank youuu for the five years filled with joy and love. Ang bilis ng panahon grabeee, parang kahapon lang basher lang ako HAHAHA chars. Kahit na ang tagal niyo lagi mag comeback, kayo pa rin ang main ko huhu. No matter what happens, I'll always be your biggest fan. Saranghae!

@Kaeyousse

Tubig ka muna kaigan, baka napagod ka na kaka scroll mo πŸ˜‚ Napakainit ng panahon ngayon, pag nakita mo 'to sign mo na para uminom ka ng tubig HAHAHA. Drink your water bhie πŸ˜†

@Kaeyousse

Grabre ang init nga panahon huhu, hindi tuloy ako makainom ng kape 😩 kape na nga lang ang meryenda ko hindi ko pa mainom HAHHAA. Btw, anong meryenda niyo guys? Beke nemen chars. Inom tayo ng madaming tubig ah. Stay hydrated po! Mahirap magkasakit ngayon

@Kaeyousse

Heyyy what's up noise cash pips! Good evening po. Kain na kayo ng dinner mga kaigan. Nakakain na po ako, anong ulam niyo mga kababayan? Nanonood kami ngayon ng farm to table, kainis guto ko manood ng PopPinoy kaso ayaw ni mama ipalipat HAHAHA. Sinusuportahan ko pa naman 'yung JDAR doon πŸ˜‚ -wow ayaw na naman mag upload ng picture 😾 Aba'y nakakayamot na talaga

@Kaeyousse

Katagal naman ni mareng jessica, ako'y naiinip na. Arat manuod muna ng Block screening HAHAHA. Nakita ko nga pala kanina nung nilipat ni mama sa channel 5, may Rated-K pa pala πŸ˜…

@Kaeyousse

Okacakes! Good night na po mga kaigan πŸ˜„ Napakabilis lumipas ng oras, ngayon ay oras na muli para magpahinga at ihanda ang sarili sa mga hamon ng buhay bukas. Mauuna na po akong mag out dito, low bat na kase eh HAHAHAHA Sa ngayon, tatapusin ko muna ang KMJS. Nakaka aliw panoorin si mareng jessica, sari sari ang mararamdaman mo dahil ang dami niyang baong chicka πŸ˜‚

@Kaeyousse

Eyow! Magandang umaga mga kaigan! Medyo late na naman akong nagising HAHAHA ayos na 'yun, at least kumpleto ang tulog πŸ˜† Nakapag almusal na ba kayooo? Nakakain na rin ako 😁 Simulan natin ang araw na ito ng may ngiti sa ating labi. Maging positibo sana ang pananaw natin sa mga bagay bagay. Lahat ay ating malalagpasan basta't magtitiwala lang tayo sa ating Panginoon. Maging alerto at maingat lagi kababayans πŸ’›

@Kaeyousse

Mainit na umaga again mga kababayans! Napakainit agad, inom po kayo ng madaming tubig ah. Iwasan ang dehydration, mahirap magkasakit ngayon. Kumusta naman kayo mga kababayan? Naghahanda na ba kayo ng pananghalian?

@Kaeyousse

Pikit matang budol ni shopee kahapon HAHAHA. Jusko kawawa naman ang coins.ph ko eh πŸ˜‚ Kase naman, bigyan ba naman kami ng shopee ng sandamakmak na free shipping voucher, marupok pa naman kami πŸ˜† Hayaan na, maunti pa 'to kumpara sa mga expert budol kay shopee. Ps. Hindi pa nga nagsisidatingan ang ang mag inorder ko, nag aadvertise na agad sila ng sale nila sa 15 pay day sale. Ang gara, piste

@Kaeyousse

Magandang tanghali mga kaigan! Kain tayo ng lunch kahit medyo late na πŸ˜… Nakakain na ba kayo? Kami ay hindi pa. Ngayon palang kase naluto eh. Akala ko tinola 'yung niluto nila 'yun pala ay mais HAHAHA. Kain po tayo ng madami ahhh πŸ’›

@Kaeyousse

Oppps! Tigil ka muna dito saglit. Kuha ka ng Halo-Halo kaigan πŸ˜… Kaka scroll mo, napadpad ka na sa paayudang halo halo ko HAHAHA chars πŸ˜‚ Napakainit ngayon, huwag nang sabayan ng init ng ulo. Baka ikaw ay mapaano pa. Chill lang tayo mga kaigans, inom ng madaming tubig πŸ˜† Magandang tanghali po Image below ctto

@Kaeyousse

Meryenda muna tayo diyan kaigans! Kape at tinapay na biskutso (toasted bread) tagaktak ang pawis ngunit hindi maaring mawala ang kape HAHAHA. anong meryenda niyo mga kaingay?

@Kaeyousse

Good evening guysss! Kain na po tayo ng dinner 😁 pritong meatloaf po ang ulam ko, medyo sunog kase mas gusto ko pag tusta HAHAHA. Mas masarap kase kainin pag malutong eh πŸ˜… kain na po ang mga hindi pa nakain. Huwag nang pag intayin ang pagkain, baka raw magtampo πŸ˜† Shemsss nakakaiyamot, nakailang attempt na ako sa pag uupload ng picture pero ayaw pa rin πŸ˜‚ Realtalk, mas matagal pa mag upload ng picture kaysa sa mag type ng context HAHAHA

@Kaeyousse

Good morning po mga kanoise cash! Kumusta po ang tulog niyo? Napasarap ang akin kase naulan sa amin ngayon, late na tuloy ako nagising πŸ˜‚ kagabi hindi ako nakapag noise cash, nag eerror eh HAHAHA. Tapos ayaw pa nag charge ng phone ko, na stress tuloy ako ng todong todo πŸ˜† Anyways, ingat po kayo mga kaigans! Lalo na sa mga lalabas tapos naulan sa kanila. Madulas po ang daanan, dahan dahan lang po.

@Kaeyousse

Maulan 'yarn? Ang sarap na namang humiga sa kama mag damag HAHAHA. Kanina pa naulan eh, hindi pa rin natila. Pahirapan na naman maligo mamaya, chars πŸ˜† Anlaaa shems dahil umuulan nga, lalo ng nawala ang data connection ko 😩 kanina pa ako nag tatry mag upload ng picture, bagya na maka upload. Naka ilang screeen shot na ako eh. Hindi nga ako kanina makapasok dito πŸ˜‚

@Kaeyousse

Diyan na muna kayo mga kababayans, mag fifill up lang ako para sa COG namin. Hindi kase nag bigay 'yung iba kong teacher ng grades. Kailangan ko pa naman malaman ang GWA ko para sa scholarship namin HAHAHA. Malapit na ulit magpasukan 😳 Hindi pa ako enroll yawaaa πŸ˜‚

@Kaeyousse

Maulang tanghali madlang pips! Kain na po kayo tanghalian. Since may nakita ko kanina na pancit canton, bigla akong nag crave tapos sabi ko iuulam ko nalang HAHAHA. Kayo ba, anong lutong ulam natin diyan? πŸ˜‚

@Kaeyousse

Mapayapang hapon po mga kaigan! Ngayon nalang ulit nakapag post HAHAHA. Nalibang kami nung ate ko kaka tingin sa shopee. So ayon, nabudol ulit kami. Pag talaga dumating na lahat ng parcels namin, ipapabura ko na talaga 'yan πŸ˜‚ ayoko na, waley na me pera πŸ˜† Tumila na rin sa amin ang ulan, sa inyo po? Ano na na naman kaya ang iuulam namin mamaya? ≧ω≦

@Kaeyousse

Maganda gabi po mga kababayan! Umuulan na naman, ang lamig tuloy ≧ω≦ kumain na ba kayo ng dinner? Nakakain na rin kami. Ang ulam ko ay ang pambansang ulam ng bayan, ang itlog HAHAHA. Hindi ko kase bet 'yung niluto nila πŸ˜‚ Nanonood kami ngayon ng T.V, ang palabas ay Eraser sa IHeartMovies. Pag patalastas nililipat ni mama sa balita, inaabangan niya kase 'yung news about ayuda πŸ˜†

@Kaeyousse

Good night na mga kaigan! Kailangan ko na kayong batiin ngayon dahil hindi ko na kayo mababati mamaya HAHAHA. Sira kase ang charger ko tapos low bat na ako ngayon πŸ˜… Tiyak na masarap ang tulog natin ngayon dahil maulan at malamig. Siguraduhing magdasal at magpasalamat muna kay God para sa mga blessings na natanggap natin ngayong araw. Nawa'y magkameron tayo ng mahimbing na tulog at magagandang mga panaginip. Bukas nalang po ulit!

@Kaeyousse

Good morning pips! Kumusta po kayoooo? Nakatulog ba kayo ng maayos? Akin ay maganda naman ang tulog ko ngunit nagising ako nung madaling araw tapos nahirapan ulit ako sa pagtulog πŸ˜… Nakapag almusal na rin po ako, sana'y nakapag almusal na rin kayo. Maging productive po tayong araw para wala tayong maging backlogs 😁 Ingat lagi kaigans!

@Kaeyousse

YIIIKES! Mainit na umaga mga kababayan! Tinulungan ko si mama kanina mag banlaw ng damit para mabilis kaming makatuyo mamaya ng damit. Sipag 'yarn? 😎 HAHAHAHA. Wariko'y malapit na akong palayasin dito pag hindi pa ako tumulong πŸ˜‚ Ang init ngayon, bumabawi ata kase maghapong umulan kahapon.

@Kaeyousse

Globe niyo pagod na HAHAHA. Walanjo, nakakaumay eh HAHAHA. Pahirapan nalang lagi sa pag uupload ng picture, nakailang screenshot na ako para mareduced 'yung size ayaw pa rin πŸ˜‚ pag nag rerefresh ako ng feed, ganan ang nalabas. Tapos pag mag ffb ako or manonood ako ng video natigil πŸ˜† when kaya bibilis, paranas naman jusimyaaa

@Kaeyousse

Late lunch! Kain po kayoo HAHAHA. Ginisang CDO corned beef po ang ulam namin. Pinadamihan namin ang patatas kase paborito ng kapatid ko 'yun πŸ˜„ Nanonood din kami ngayon ng Eat bulaga pang tanggal inip. Wala kaseng pasok si mama dahil sa lockdown, hindi naman siya sanay na walang ginagawa kaya sobrang naiinip HAHAHA. Nagpapahanap ng movie kaso hindi keri ng signal kong mag download ng HD na movie πŸ˜‚

@Kaeyousse

Magandang gabi po kaigans! Kain kayo ng dinner. Kakakain lang namin kanina, napa extra rice pa ako πŸ˜‚ Nanonood kami ngayon ng balita. Ano sa tingin niyo mga kababayans, Maeextend kaya ang lockdown?

@Kaeyousse

So ayon na nga, skl. Kaninang umaga ang daming nilabhan nina mama kase feeling niya raw maganda ang panahon. Paano ba naman, ang taas ng sikat ng araw πŸ˜‚ tinulungan ko pa nga siya mag banlaw para maisampay niya agad. Nung bandang tanghali biglang umulan ng malakas HAHAHA amporchappp πŸ˜† Edi sinilong niya 'yung mga sampayin, after niyang makuha lahat siguro pag lipas ng 30 mins biglang tumila at umaraw ulit. Tapos nung ilalabas na ulit nina mama 'yung sinampay biglang kumulimlim…

@Kaeyousse

Arat nood ng PVL. Hindi ko alam kung anong team ang susuportahan ko HAHAHA. Cherry ba or Creamline πŸ˜‚ kase sa Cherry, sinusuportahan ko 'yung magkapatid, si jaja santiago at si dindin. Sa Creamline naman, si valdez at si morado πŸ˜† Dati naadik ako sa panonood ng Volleyball. PSL pa dati, Petron blaze spikers pa sinusuportahan ko Ps. Balita ko na injured daw si bebe Maddie madayag kanina 😒

@Kaeyousse

Yayyyy! Good night na po mga kaigans πŸ˜„ Arat magpahinga na. Nakakapagod ang araw na ito. Nakaka antok na rin dahil medyo malamig ngayon. Ganda ng palabas, extra-ordinary you kaso'y ang sakit ng ulo ko HAHAHA. Ilang beses ko rin naman napanood 'yun. Ay siya bukas nalang ulit ah. Makatulog po sana tayong lahat ng mahimbing!

@Kaeyousse

Good morning mga kaigans! Actually, late morning pala HAHAHA. Kanina pa naman ako gising, matagal lang talaga ma full 'yung phone ko kaya ngayon lang ako nakapag bukas πŸ˜‚ Siguro po nakakain na ang kadamihan sa atin ano? Nakakain na rin po ako. Nawa'y magkameron tayo ng magandang araw! Ingat po tayo mga kababayans

@Kaeyousse

Maaraw na umaga kababayans! Ganda ng sikat ng araw natin ngayon, ewan ko lang mamaya kase mapaglaro naman ang panahon HAHAHA. Wala kaming sinampay ngayon kaya walang tatakbuhin mamaya πŸ˜‚

@Kaeyousse

Tamang nood muna ng movie habang nagluluto pa sina mama ng pananghalian. Catwoman ang palabas sa channel 7. Hindi ko pa siya napapanood kahit matagal na 'tong movie na ito HAHAHA. Arat nood muna

@Kaeyousse

Hello mga kanoise cash! Magandang tanghali po, kain tayo ng tanghalian. Gulay na sitaw po ang ulam namin, pangpalakas ng katawan. Pass daw muna sa mga processed food, ilang araw na kasenh ganon ang ulam namin πŸ˜‚ Kain na po 'yung mga hindi pa nakain tapos inom ng madaming tubig. Mainit ang panahon ngayon, iwasan po ang dehydration!

@Kaeyousse

Yayyy cutieee budol sa shopee πŸ˜‚ Nakita ko lang 'to sa shopee finds ata 'yun sa FB tapos chineck ko, mura lang naman kaya binili na namin. Remote camera shutter po 'yan. Akala namin nung una sira, 'yun pala maluwag lang 'yung battery HAHAHA. Muntik na akong manghinayang eh πŸ˜†

@Kaeyousse

Omg excited na ako, ang tagal nga lang mag download HAHAHA. Nirelease na kase kahapon 'yung Kissing Booth 3 kaso dahil nga wala akong Netflix, asa lang ako sa FB HAHAHA. May nahanap na akong link kagabi pa kaso hindi ko naman madownload dahil mabagal ang net πŸ˜‚ ngayon ko tinatry, kaloka baka mareport agad 'yung post eh. Sana pag katapos kong maligo tapos na 'to mag download para mapanood ko na

@Kaeyousse

Magandang hapon kaigans! Bilis ng oras hehe. Kumusta naman ang mag hapon niyo? Naging maayos ang akin. Chill lang mag hapon πŸ˜‚ Ineenjoy ko lang 'tong bakasyon kase malapit na naman mag pasukan. Hay jusko bangungot na naman HAHAHA.

@Kaeyousse

Kain tayo ng meryenda bago kumain ng hapunan. Turon po, kuha kayo kahit may kagat na HAHAHA. Ang sarap nito kase malambot 'yung saging tapos may langka pa.

@Kaeyousse

Good evening guysss! Kain na kayo ng dinner 😁 kakakain lang namin, okoy po ang ulam namin. Healthy food ulit HAHAHA. Medyo malapit na ulit kase kaming turukan for second dose πŸ˜† Nanonood kami ngayon ng NiΓ±o NiΓ±a, hindi ko na naintindihan ang palabas na ito dahil hindi naman kami lagi nanonood nito. Inaabangan ko ang legal wives sa channel 7, sinusubaybayan ko 'yun ng slight πŸ˜‚

@Kaeyousse

Nanonood kami ng balita kanina tapos binalita rin 'to. Ang cuteee, nakaka miss talagang magkameron ng aso, medyo matagal tagal na rin kase nung last kami nag alaga. Ayaw nina mama eh, nakatira kase sa amin ang lola ko. 94 yrs old na siya kaya medyo malabo na ang mata. Baka daw matapakan nung lola ko 'yung aso tapos makagat pa. Nagiingat lang daw sila.

@Kaeyousse

Magandang umaga kaigans! Arat kain ng almusal. May nag tinda sa amin ng mga pang almusal kanina, spaghetti at tinapay ang binili nina mama. Kayo po ang inyo? Katulad ng hiling ko kada araw, nawa'y maging madali lamang ang araw na ito para sa ating lahat. Malagpasan natin ang mga pagsubok na ibabato ngayon ng mundo. Kapit lang mga kaigans!

@Kaeyousse

Medyo Makulimlim na umaga mga kababayans! Anong ginagawa niyo ngayon? Ako'y walang magawa, nakahiga na naman HAHAHA. Kumusta nga pala ang tulog niyo? Nagising ako ng maaga eh. Si ate kase nagpagising kay mama kaso ako ang nagising HAHAHA. Inaantok tuloy ako πŸ˜…

@Kaeyousse

Late lunch again HAHAHA. kain po tayo, San Marino Tuna ang ulam πŸ˜† namiss ko lang 'to, tagal nang hindi nakakain. Mas bet ko 'yung maanghang kaso wala daw tinda. Awts gege

@Kaeyousse

Magandang gabi kaigans! Kain tayo ng dinner 😁 nanonood kami ngayon ng movie sa channel 9. "Sing" 'yung palabas, isa sa mga favorite movie ko na magkaka part 2 na sa Dec 25 yeyyy. Ang weird lang panoodin pag tagalog dubbed HAHAHA. Feeling ko hindi masyadong bagay 'yung boses and ang dami ring cuts which is expected naman na talaga namin. Pero cutiee pa rin, nag eenjoy kami.

@Kaeyousse

May chicka ako sa inyo mga kaigans! Earlier around 7 pm may tumawag sa kapatid ko, ako pa nga 'yung sumagot kase mas malapit ako sa phone niya. It was an unknown number kaya inakala namin na baka shopee rider. Actually it was a call from a lazada courier daw confirming the COD parcel na naka address sa pangalan ng ate ko. Luh wala kaming order HAHAHA. Ang nakakaloka pa dito, 'yung order daw ay nasa 1K plus ang price πŸ˜‚ medj nagimbal kami ni ate eh. Hindi naman kami nagamit ng…

@Kaeyousse

Since ayoko muna panoorin 'yung the world between us at legal wives dahil naiistress ako ng slight sa mga kaganapan doon, buti nalang naligaw ako sa channel 8 HAHAHA. Sayang natulog na 'yung mama ko. Paborito pa naman niya 'yung ganitong type of movie. Shark attack 2 po 'yung pinalabas ngayon sa G! Flicks. Naks, may mapapanood na ako habang inaantay ang exta-ordinary you at sky castle.

@Kaeyousse

Good morning guysss! Kumusta po kayo? Nawa'y walang nasaktan dahil sa lindol kagabi. Nakahiga na ako noon eh, biglang sinabi ng ate ko na nalindol daw. Hindi ko siya naramdaman dahil patulog na ako πŸ˜… sana ay nasa mabuting kondisyon ang lahat! Hangad ko ang kaligtasan natin sa araw na ito. Stay healthy and hydrated everyone

@Kaeyousse

Panibagong araw, panibagong pag asa at pag tambay, chars (β‰§βˆ‡β‰¦) OMG nag paparamdam na 'yung school, malapit na naman ang enrollment. Ganda ng weather ngayon, huwag lang uulan mamaya kase madaming sinampay si mama na mga kumot. Nako panahon huwag mong asarin ang nanay ko, baka highbloodin HAHAHA

@Kaeyousse

Coke muna tayo diyan! Iiunumin ko Mamaya pag kakain na ako ng tanghalian HAHAHA. Dala 'yan ng pinsan ko, nag tatarabaho kase siya sa coke kaya lagi kaming binibigyan. Hindi tuloy ako makaiwas, tuwing uuwi siya matik na may biyayang coke na naman. Si ate sprite ang nakuha, napaka duga eh.

@Kaeyousse

Kain tayo ng super late lunch mga kaigan HAHAHA. Hindi ko kase alam na mag tatagal pala kami doon, sinamahan ko 'yung mga pinsan ko sa bayan. Halos isang buwan na ring hindi ako naka labas eh. Buti hindi ako nalipasan ng gutom dahil kumain naman ako ng tinapay kanina.

@Kaeyousse

Yeyyyy! Nakatanggap din ng invitation kay noise cash HAHAHA. Nung last hindi ako nakatanggap ng qrcode challenge kay nc, 'yun pala may pa second batch ulit siya πŸ˜† Buti nalang, may pang EasySurf 50 na ulit ako πŸ˜„

@Kaeyousse

Meryenda tayo guysss! Ang pinaka pabirito namin ni ate. Hansel/magic flakes na dinurog tapos nilagyan ng powered milk. Yayyy super sarap at satisfying. Hindi ko alam kung kami lang ba ang nagawa nito or natatry din 'to ng iba. Kain po kayoooo

@Kaeyousse

Kay sarap pag masdan ang kahel na kalangitan <3 Iba talaga ang kapayapaan na na mararamdaman mo pag pinagmamasdan mo ang takipsilim. Nakakawala ng problema at stess.

@Kaeyousse

It's a prank! HAHAHA. Kala ko'y mag MECQ na sa 16, inextend pala nila ang ECQ until 20 sa Laguna πŸ˜… mukhang lockdown sa birthday ng ate ko. Ang dami kase laging cases, grabe 😩

@Kaeyousse

Okcakes! Bye bye na mga kababayans. Good night na po. Medyo intense 'yung panonod namin kanina sa the wall Philippines HAHAHA. Bukas, linggo na naman. 'yung iba walang pasok at 'yung iba matagal nang walang pasok dahil sa lockdown πŸ˜… Sweet Dreams po sa ating lahat! Nawa'y makatulog tayo ng mahimbing at maayos.

@Kaeyousse

Magandang umagaaa! Nakapag almusal na ba lahat? Kakaalmusal ko palang, late akong nagising eh. Ngayon ay linggo! Panatilihin ang kapayapaan sa puso at isip ay mag laan ng oras para pasalamatan ang ating Panginoon. Maging maayos sana ang araw na ito. Hangad ko ang kaligtasan nating lahat.

@Kaeyousse

Maulang umaga kaigans! Kanina pag gising ko malakas ang ulan pero ngayon, ambon nalang. Wala munang sampayin dahil hindi naman makakatuyo. May dadating akong parcel from shopee ngayon. Kawawa naman 'yung mga rider nababasa pag naulan. Sana hindi sila magkasakit. Bigla tuloy akong nakonsensiya πŸ˜…

@Kaeyousse

Kain tayo ng tanghalian! Nakalimutan ko ang tawag dito pero eto ang ulam ko ngayon HAHAHA. Kayo, anong ulam niyo po? Kain tayo ng madami para hindi malipasan ng gutom. Huwag mag sayang ng pagkain, madaming nagugutom :(( Makulimlim na tanghali po mga kaigan

@Kaeyousse

What's your 8.8 shopee budol? Ito ang akin HAHAHA. Isa sa mga binili namin πŸ˜‚ Ang cute kase, since my sister and I both love stars and we can't go outside for a stargazing, bumili nalang kami ng star projector. Syempre mas maganda pa rin pag actual mong makikita ang stars and moon pero nabudol kami eh πŸ˜† Ang Ganda, try namin ulit mamaya pag matutulog na kami.

@Kaeyousse

Meryenda tayo guys! kape na may gatas at paborita na square hehe. Nakakagutom eh, mamaya pa kami kakain ng dinner. Uminom pati ako ng kape dahil inaantok ako. Kayo, ano pong meryenda niyo?

@Kaeyousse

Magandang gabi kaigans! Anong ginagawa niyo ngayon? Ang amin ay ang kadalasan naming ginagawa tuwing linngo ng gabi. Una kakain ng hapunan tapos manonood ng balita, sunod ang paborito nina mama na palabas, ang farm to table. After noon, I Juander or ililipat namin sa amazing earth or PopPinoy. Antay antay lang sa KMJS dahil parang hindi makukumpleto ang Linngo namin pag wala ang chicka ni mareng jessica.

@Kaeyousse

OMG sawakas naabutan ko rin ang JDAR sa PopPinoy. Nirerepresent kase nila 'yung city namin. Ayaw ni mama manood nito HAHAHA. pasimple kong nilipat eh. Go JDARRRRR

@Kaeyousse

Happy 25 Million Followers on Facebook Mareng Jessica. More chicka's to come HAHAHA deserve mo 'yan kase may mga sense naman 'yung mga story mo. Sana all nakatanggap ng money bouquet. When kayaaa? Chars

@Kaeyousse

Ayan, bye byee na dahil kailangan ko ma mag charge. Hindi ko alam kung saan ako manonood, kung sa KMJS ba or sa channel 8. Ang ganda kase nung movie, Lord of the rings. Hindi ko rin naman matiis 'yung KMJS HAHAHAHA. Matulog na po kayo kung inaantok na kayo, huwag nang magpuyat para sa maling tao, chars. Mahimbing na tulog para sa ating lahat! Kitakits dito bukas

@Kaeyousse

Good morning! Late na naman ako nagising. Napuyat eh, nagising ako kanina ng 2 AM ng madaling araw tapos nakatulog na ako ng bandang 7 AM huhu. Pag pa naman ako nagigising ng madaling araw, madalas sa oras na 'yun ako inaatake ng sleep paralysis juskoooo. Anyways, at least may tulog pa rin diba? HAHAHAHA. Hiling ko ang matiwasay na maghapon para sa ating lahat! Ingat palagi

@Kaeyousse

What's up mga KAFSFG! kumusta po kayoooo? Arat kain ng pandesal na may itlog. Eto ang almusal namin ngayon. Paboritong palaman ng ate ko ang itlog, sakto namang naabutan ni mama 'yung nagtitinda ng pandesal. Napakabilis kase noon HAHAHA. harurot lagi, naka motor pa si kuyang nag titinda kaya aabangan mo talaga kase makakalampas 'yun πŸ˜† kayo po, anong almusal niyo?

@Kaeyousse

Dahil sobrang init ng sikat ng araw ngayon, sampayin is real HAHAHA. Sulit sulitin na ang pag sasampay habang kulay asul pa ang kalangitan. Maya maya bandang alas dos mag sisimula na namang kumulimlim at umulan β‰§βˆ‡β‰¦ Wala po kaming dryer, nasira eh. Naasa nalang kami sa sikat ng araw.

@Kaeyousse

Arat kain ng tanghalian! Lumpiang isda po 'yan. Dapat Shanghai kaso hindi nakain ang ate ko ng karne. Ang sarap pa rin lalo na pag may sawsawan. Tipid at sulit pa! Dati hindi ako nakain ng isda kaya sobrang contrast kami ni ate. Nahihirapan tuloy si mama sa ulam namin. Pero ngayon nakain na ako, 'Yung ate ko nalang hindi daw niya kaya kumain ng karne or manok.

@Kaeyousse

'yung feeling na mas excited pa ako sa bubble wrap kaysa sa mismong item pag naorder ako online. Pero recently ibang bubble wrap na 'yung ginagamit nila. Air column cushion ata ang tawa dito, mas better for fragile products. Katuwa, nag upgrade sila pero ang downside, wala akong maiputok HAHAHA.

@Kaeyousse

Heyow mga kaigans! Napakainit shems, inom tayo ng madaming tubig, pass muna sa kape. Hindi ko na talaga mawari ang panahon HAHAHA. Naaliw ako sa panonood ng live ni madam inutz, LT πŸ˜‚ Nakakawala ng stress. Kahit mga foul words or mga mura 'yung sinasabi niya hindi ako na ooffend. Nanonood din ba kayo ng live niya mga kaigan?

@Kaeyousse

Magandang hapon mga kaigan! Tarang pagmasadan ang paghimlay ng araw at ang pag dating ng buwan. Nakaupo ako ngayon sa terrace namin, napakatahimik ngayon, huni lang ng ibon ang nakikinig ko. Ganito ang buhay sa probinsiya. May dumaang nagtitinda ng mga Kwek-kwek at chicken balls kaya eto ngayon ang minemeryenda ko. Kain po kayo

@Kaeyousse

Magandang gabiii! Nakakain na kami ng hapunan, sana kayo rin. Gusto ko sanang manood ng movie kaso nung nilipat ko galit na galit sila HAHAHA. May inaabangan pala silang balita, malay ko ba πŸ˜† ang hihigh blood eh. Nung pinayagan nila akong ilipat, tapos na 'yung the matrix revolutions. Awts huhu Super inday and the golden bibe na ang palabas

@Kaeyousse

Magandang umaga! Ngayon lang nakapag update kase 'yung charger ko nagloloko na naman. Kagabi dapat mag popost ulit ako kaso hindi pala nag charge phone ko, nakaka highblood. Tara kain ng almusal, kape at toasted bread po. Naka raos din ng gutom sa almusal, mamaya tanghalian naman.

@Kaeyousse

Sarap 'yarn? YIEEEE! Nahinog na rin sawakas 'yung rambutan HAHAHA. Ang tamis πŸ˜‹ Kain po kayooo. Tagal ko 'tong inantay eh, 'yung iba color green pa pero 'yung mga color red na na harvest na kanina nung namakyaw ng mga puno. Perks on living in the province!

@Kaeyousse

Magandang tanghali noise cash pips! Kain tayo ng tanghalian. Luncheon meat po ang ulam namin, madali lang lutuin. Kain na rin po kayo, mahirap malipasan ng gutom. Ang sakit sa ulo tapos baka mauwi pa sa ulcer pag laging ginagawa. Iwas po tayo sa sakit ngayon, mabuti nang advance mag isip kaysa magsisisi sa dulo.

@Kaeyousse

Yes OMG! Inaccept na rin sa wakas ni Gcash ang student ID para maging fully verified na kami 😻Yayyy! Sana iaccept na rin ni coins.ph huhu. Nakapag sumbit na ako ng application, waiting nalang sa conformation ni Gcash.

@Kaeyousse

Magandang hapon mga kaigan! Tamang nood lang ng movie. Kakatapos lang matapos ng ulan sa amin, halos maya't maya ang kulog eh. Nag download ako kanina ng movie, korean movie. Slate ang pamagat, bahagya pa nga mag download dahil napakabagal.

@Kaeyousse

Arat kain ng meryenda! Chicken balls ulit HAHAHA. Buti nalang tumila na ang ulan kaya nakalabas si mama para bumili. Tamang tama habang nanonood ng movie (β—βˆ‡β—*) Kain kayooo

@Kaeyousse

Magandang gabi madlang people! Kain na kayo ng dinner. Nakakain na kami, ginisang corned beef ang ulam namin. Medyo malamig ngayon dahil umulan ulit. Nanonood kami ngayon ng balita, hindi ko na talaga ililipat 'yung channel, baka magalit ulit sila katulad kahapon HAHAHAH.

@Kaeyousse

Inilipat ni mama 'yung channel sa Blockscreening, Raging Sharks pala ang palabas ≧ω≦ Paborito pa naman niya 'yung ganitong movie HAHAHA. Bakit daw hindi ko sinabi sa kanya eh ayaw naman nila ipalipat kanina πŸ˜† Buti nalang may replay 'to bukas ng hapon. Sabi ko ay bukas nalang niya panoorin

@Kaeyousse

Good night na mga kaigan! Siguraduhin na bago tayo matulog ay manalangin, magpasalamat at humingi muna tayo ng tawad sa ating Panginoon kung may mali man tayong nagawa ngayong buong mag hapon. Iwanan muna ang problema at huwag na munang mag overthink para mahimbing ang tulog at maganda ang mga panaginip natin. Paalam! Kitakits nalang po bukas dito

@Kaeyousse

Umagang kay ganda aking mga kaigans! Eto na naman ako, tanghali na namang nagising. Buti nalang si mama never nagalit pag late kami nagigising, 'yung lola ko lang. Buhay seΓ±orita raw kami HAHAHA. Ang bad eh. Kumusta naman ang tulog niyo? Nagising na naman ako ng madaling araw, nahirapan ako makatulog ulit. Kumpleto ang oras ng tulog ko at medyo maganda naman ang panaginip ko. Kain kayo ng almusal!

@Kaeyousse

Nakakatamad na umaga! 'yung ate ko nag volunteer mag laba since tanghali daw siya nagising. Tuwang tuwa tuloy si mama HAHAHA. Bait 'yarn? Ako, eto nanonood ng TV, Anaconda ang palabas. Maya maya ako mag babanlaw ng nilabhan niya pag tapos na siya. Nawa'y huwag umulan jusko

@Kaeyousse

May LPA pala na papalit kaya nag uuulan dito sa amin. Kanina ang ganda ng panahon, napakainit. Ang dami tuloy sinampay nina mama tapos naglaba pa ulit si ate. Ngayon, ang lakas ng ulan. Kawawa naman ang mga damit πŸ˜†

@Kaeyousse

Last 4 parcels to gooo. Stop na muna, napakadaming chismosa sa labas nakakahiya naman sa kanila :)) Sabi ko kay ate sa December nalang ulit. Nagtataka na kase sila kung saan kami nakuha ng pera eh lockdown naman. Alangang ipaliwanag ko pa sa kanila 'to, sayang oras ko HAHAHA. Bahalakayojan, ewan ko sa inyo πŸ˜†

@Kaeyousse

Shout out sa manok na ito! Daig pa ang tandang kung manuka or manabong. Titinolahin ko 'to eh HAHAHA. May tiningnan lang ako saglit sa likod ng bahay namin, bigla akong tinuka πŸ˜‚ nang wawarshock eh. Tapos nung pinicturan ko aba, susugudin na naman ako piste

@Kaeyousse

Halos araw araw nalang ganito HAHAHA awit pag nag pasukan na naman. May nagamit po ba ng DITO sim card dito? Mabilis po ba ang internet? Hindi ko kase matry dahil wala 'yung phone ko sa compatible phones pero ang sabi ng iba, gagana naman daw 'yung sim kahit hindi compatible. Hindi ka nga lang makakatawag pero okay lang naman sa akin dahil wala naman akong tatawagan lol.

@Kaeyousse

Magandang gabii! Kain na kayo mga kaigan 😁 Kumain na rin ako, adobong itlog ang ulam. Itlog na nakakabilog chars, at least busog na HAHAHA. Nag uulan pa rin sa amin, ang lamig ngayon ang sarap sa pakiramdam. Ang consequnce naman ay bumagal lalo ang net, hindi tuloy ako makapag upload ng picture dito.

@Kaeyousse

Tamang nood ng TV hanang pinuputok 'tong bubble wrap. May nabasa akong nakakairita kanina, dito ko tuloy binubuhos 'yung inis sa bubble wrap na 'to. Nilalamig ako ngayon pero pag nag jacket ako, binabanas na. Hindi ko maintindihan ang sarili ko eh

@Kaeyousse

OMGGGG 😱 Sawakas nakatanggap din ako ng paayuda kay PayPal. Tampo na ako nung last kase dalawang beses na siya namigay ng 5 usd hindi man lang ako nakatanggap. Sa pangatlo pala 😻 check niyo rin ang PayPal account niyo mga kaigans! Salamat PayPal! Luh epal na naman ang kabagalan ng data connection, ayaw na naman mag upload ng picture

@Kaeyousse

Good morning guysss! Let's burn some calories today! Exercise is a must, medyo tumataba na ako HAHAHA. Ilang buwan na rin nung huli akong nakapag jogging. Wala kase akong makasama, napakadaming aso sa kalsada baka mamaya mahagad pa ako 😩 Ingat kayo palagi mga kaigan! Maging safe at healthy sana tayong lahat

@Kaeyousse

Umagang kay init mga kaigans! Ganda ng sikat ng araw ngayon, naks! Sadly, wala kaming sampayin dahil natuyo na kahapon kahit nag uuulan. Hindi ko alam kung mag tutuloy tuloy 'tong pag sikat ng araw o kukulimlim na naman mamaya. Ang hirap naman kase ng panahon ngayon, kahit weather forecast hindi rin ma predict ang panahon.

@Kaeyousse

Arat noon ulit, drunken tai chi ang palabas. Eto talaga ang mamimiss ko pag nagpasukan na. Hindi na ako makakatambay ng ganito HAHAHA. Ang bilis ng araw at oras, next week enrollment na namin :)) Susulitin ko na talaga ang nalalabing araw ng bakasyon huhu

@Kaeyousse

Mainit na tanghali mga kaigans! Tara nang kumain ng tanghalian. Eto ang entry ko ngayong tanghali, Sinigang at hakdog πŸ˜† Kanina pa ako natatakam at nagugutom sa mga posts niyong ulam. Buti nalang makakain na rin ako sa wakas dahil naluto na. Kain po kayoo. Sobrang init ng panahon ngayon, grabeee. Inom tayo ng madaming tubig. Bumili kami ng yelo para madami kaming mainom.

@Kaeyousse

Napakainit sa amin ngayon, buti kumulimlim na. Nag simula na ring kumulog, ang bilis talaga mag bago ng panahon halos kanina lang nakakapaso ang sikat ng araw. Kain muna ako ng meryenda, kape at biskutso. Kahit nag babaga ang init, walang makakapigil sa pagkakape HAHAHHA

@Kaeyousse

Kung ano ang kinainit kanina, Kabaliktadan naman ngayon. Kala ko tumigil na kanina ang kidlatan Kaso'y ang lakas pa rin. Sumabay sa problema ko 'yung napaka labong description of enrolment sa amin. Pag ako nairita hindi na ako mag eenroll HAHAHA chars. Kain na kayo ng dinner guysss!

@Kaeyousse

@Soleilaa and I buang moments HAHAHA. Nagkagulo kami sa enrollment πŸ˜‚ Sino ba kase 'tong excited mag enroll pero ayaw pang mag pasukan πŸ˜† Sana maging mag kakaklase na kami ng mga kaibigan ko. Lord, pagbigyan niyo na ako sa school year na ito bago kami pumili ng major. Iba iba kase kami ng itatake na majors kaya magkakahiwa-hiwalay na talaga kami.

@Kaeyousse

Good morning kaigans! Kumain na ba ang lahat? Muling simulan ang araw na ito ng pag papasalamat sa Diyos sa panibagong araw na pinagkaloob niya. Huwag ding kalimutang ngumiti sa ano mang hamon ng buhay. Lahat ay kakayanin natin kung magtitiwala lang tayo sa ating Panginoon at sa ating sarili. Mag iingat po kayo palagi, sumunod lagi sa mga protocols. Hiling ko lahat ng mabubuting bagay sa inyo ngayon!

@Kaeyousse

Mainit na umaga ulit noise cash pips! Dahil sobrang talim ng kidlat at lakas ng kulugan kahapon, wari'y bumabawi naman ngayon ang panahon. Nakapagandang sikat ng araw, tamang tama lang ang temperatura sa ating katawan.

@Kaeyousse

Nood muna tayo ng movie habang inaantay maluto ang pananghalian HAHAHA. Godzilla: King of the monsters ang palabas ngayon sa channel 7. Hindi ko nasimulan 'tong movie na 'to kase may inutos sa akin si mama kanina. Feeling ko patapos na ito eh πŸ˜† Nakaka antok talaga ngayon kahit kagigising ko lang πŸ˜‚

@Kaeyousse

Magandang tanghali kaigans! Ang oras na ay 12:01 PM sa Pilipinas, tarang kumain naaaa. Kanina pa ako nagugutom ngunit hindi ako makakain dahil inaantay ko pa ang aking ate. Ayaw niya kaseng kumain mag isa. Kanina ko pa naamoy 'yung ginisang corned beef kaya lalo akong nagutom πŸ˜‚ Napag desisyonan ko nang hindi nalang siya intayin kaysa naman malipasan ako ng gutom. Nasa online meeting kase 'yung ate ko ngayon, baka mamaya pa matapos. Kain po kayo ng madami, iwasang mag sayang…

@Kaeyousse

Maulang hapon sa inyo mga kababayans! Nag simula na namang kumidlat at kumulog, nakakaloka. Kanina sobrang init, buti nalang hindi inabutan ng ulan ang nagbibigay ng mga ayuda. Kawawa naman sila pag nagkataon. Nag simula na kaseng mag distribute ng cash aids sa baranggay namin, tuwang tuwa si mama HAHAHA. 1k per family member, maximum of 4. Binigay ko nalang kay mama 'yung pera, wala naman akong pag gagastusan. Nasa bahay lang ako palagi, ibili nalang niya ng pagkain namin…

@Kaeyousse

Magandang gabi mga kaigan! Kumain na po tayo ng hapunan. Nanonood kami ngayon sa channel 9 habang nag iintay ng balita. Kakatapos lang ulit ng ulan sa amin, sana hindi na kumulog para naman hindi na maudlot ang panonood namin.

@Kaeyousse

Uyy guys ang laki naman nito 😰 why naman ganon? 'yung iba kase ang titigas ng ulo eh. May nakita ako sa balita parang nag fiestahan pa. Feeling ko sinasawalang bahala nalang nung iba 'yung banta ng covid 19. Kahit ECQ ang dami pa ring nalabas. Alam na mas mahirap ngayon dahil sa mga new variants, ginagawa pa rin ang mga ninanais. Ingat po tayo guys, sunod tayo sa health protocols and palaging magdadasal. Matatapos din 'to :((

@Kaeyousse

Malamig na gabi kababayans! Nanonood ako ngayon ng movie. Crawl ang pamagat palabas sa G! Flicks. Kala ko'y horror, mga multo etc. Muntik ko na tuloy hindi panoodin. Sinearch ko 'yung kung anong movie 'to, tungkol pala sa crocodile 😳

@Kaeyousse

Magandang umaga mga kaigans! Sabado-badooo na naman πŸ˜„ Ang bilis lumipas ng araw, konti nalang mag be"ber" months na ulit tapos maririnig ko na ang kanta ni Mr. Jose Mari Chan. Anyways, kain na po ng almusal ang hindi pa nakakakain. Maaring maging prodaktibo o magpahinga sa araw na ito. Nasasainyo kung paano niyo susulitin ang araw na ito. Mag iingat palagi, stay healthy and hydrated!

@Kaeyousse

Kulimlim na umaga mga kababayans! Ika nga sa amin ay Dag-im. Malamig ang simoy ng hangin, parang ako'y hinehele tuloy. Nakaka antok na umaga. Ang weird lang kase antok na antok ako sa araw pero hindi naman ako makatulog sa gabi. Baka kwago talaga ako nung past life ko HAHAHA.

@Kaeyousse

'yung binura mo 'yung shopee app mo para iwas budol pero gumamit ka naman ng chrome πŸ˜ƒ dejowk, may chineck lang talaga akong price ng item. Gusto kong pag ipunan HAHAHA. Ang cute nung nag error, may paganito πŸ˜† it's us, not you ampochii, drama eh

@Kaeyousse

Maulang tanghali guyss! Kain na po ng tanghalian ang mga hindi pa nakain. Sobrang lakas na naman ng kulog at kidlat sa amin. Buti nalang nakapag full charge agad ako ng phone kase bawal magsaksak pag nakulog. Hindi ako makapanood ng TV tapos bawal din mag cellphone. Palihim ko na nga lang ginagamit 'to HAHAHAHA.

@Kaeyousse

Hello kaigans! Kain tayo ng meryenda. Medyo maaga akong nag meryenda ngayon kase iinom ako ng gamot. Sipon na sipon ako, hindi tuloy ako makahinga ng maayos kanina. May pang lasa pa naman ako kaya safe pa πŸ˜† Iinom lang ako ng gamot para mawala agad at hindi na malaman pa nina mama na may sipon ako. Medyo matatakutin kase sila, mas natatakot pa ako sa reaksyon nila promise.

@Kaeyousse

YIEEE! Tunay ngaaaa, Twice ang bagong endorser ng Shopee sa 9.9 sale nila. Sana magkameron ng flash sales sa mga merch nila HAHAHA chars. 9 petot candy bong cutieee kahit imposible πŸ˜† Buti nalang hindi fake news 'yung sinabi ni kuya will nung last na nag bigay siya ng hint about sa endorser ng shopee sa 9.9

@Kaeyousse

Magandang gabi mga kababayan! Nakakain na ako ng dinner, sana kayo rin ^o^ Imbotido po ang ulam namin, kain na 'yung mga hindi pa nakain. Nanonood kami ngayon ng Pepito Manaloto: Ang unang kwento at Bee movie. Palipat lipat dahil Parehas maganda eh

@Kaeyousse

Isang mapayapang gabi sa ating lahat! Napakatahimik ng paligid at halos tulog na ang ibang tao. Oras na para ipahinga ang ating sarili. Maaring natulog na ang iba dahil pagod sa trabaho at pwede ring gising pa ang iba at nanonood ng TV habang nakain ng paboritong pagkain katulad ko. Iba iba tayo ng paraan sa pagpapahinga.

@Kaeyousse

Good morning! Happy Sun-Yey πŸ’› Maglaan ng oras sa panginoon at pasalamatan natin siya sa mga biyayang pinagkaloob niya sa atin sa buong linggo. Simulan natin lahat ang araw na ito ng may kapayapaan sa puso at may positibong pananaw sa buhay. Siguraduhin ding nakakain ng sapat na almusal para may lakas tayo sa buong mag hapon na ito. Maging maayos sana ang araw na ito. Dalangin ko ang pagkalutas ng mga problema nating lahat at mawaksi natin ang ano mang tukso o kasalanan na…

@Kaeyousse

Maaraw 'yarn? Ngayon nalang ulit ako nakapag lakad lakad sa labasan. Ang sarap langhapin ng hangin, sariwang sariwa. Minsan lang ako lumabas ng bahay, kapag may gumugulo lang sa utak ko o kaya masyadong nagiging mabilis para sa akin ang mga bagay bagay. Kung hindi ko mahanap ang kapayapaan sa sarili ko, hahanapin ko ito kalikasan.

@Kaeyousse

Last parcel received! Salamat shopee HAHAHA. We bought this for my mom and aunt yayy. Last na 'to promise, saka na ulit. 'yung mga inooder ko naman, kadalasan laging hindi para sa akin. Para lagi sa kanila πŸ˜† naeexcite lang talaga ako mag intay ng parcel tapos ma iistress dahil ubos na ang coins.ph πŸ˜‚ Nung last na umorder ako ng oversized shirts, nakita ni mama bet niya raw kaya binigay ko huhu

@Kaeyousse

Eyow magandang gabi mga kaigans! Hindi ako makatambay ng matagal dito dahil masakit ang puson at ulo ko. May monthly dalaw pala ako ngayon HAHAHA kaya pala sonbrang iritang irita ako sa mga tao sa amin. Iimik palang ang ate ko parang gusto ko na agad sabunutan πŸ˜‚ chars. Kain na pala kayo ng dinner! Nauna na akong kumain. Hakdog po ang ulam amin, ayos naman nakaraos din ng hapunan.

@Kaeyousse

Panghimagas tayo kaigans! Pastillas po πŸ’› Ang sarap sarap, lasang gatas talaga. 'yung iba kase lasang harina lang na nilagyan ng asukal HAHAHA. Nakakamiss 'yung ganito, dito nauubos ang baon ko nung elementary kasama 'yung candy na hugis na mahabang stick. Parang pastillas din pero may chocolate, ube at milk flavor siya. 15 pesos lang baon ko dati, tres ang pamasahe. Minsan naglalakad nalang kami ng mga kaibigan pauwi πŸ˜†

@Kaeyousse

WAAAH Nakakalungkot naman, hindi ako makapanood ng KMJS. Epal kase 'yung kulog, kung kailan naman malapit na kanina matapos 'yung I juander saka umeksena. Magagalit si mama pag binuksan ko ang TV 😭 masisira daw kase pag ginagamit habang nakulog huhu. Gusto ko rin paanorin 'yung Lord of the rings mamaya sa channel 8 awts gege.

@Kaeyousse

Good Morning! Rise and shine everyone β˜€ Happy Monday ~\(≧▽≦)/~ Kumusta naman ang tulog niyo nga kaigan? Maayos naman ang akin, maaga natulog dahil sa kulog HAHAHA. Kain na tayo ng madami sa almusal, pinaka mahalagang meal daw 'yan sa buong araw. Maging postibo sa lahat ng bagay huwag lang sa mga sakit πŸ˜† charot.

@Kaeyousse

Finally!!! Sa katagal tagal ko nang inintay 'to, nag drop na rin sila ng photo teaser ni lisaaaaa. Excited na ako οΌ―(≧▽≦)οΌ― Eto ang bumungad sa akin kaninang umaga, wariko'y sasaya ang buong week ko HAHAHA. LISA MANOBAN IS COMING SOON WITH HER MOST ANTICIPATED SOLO DEBUT πŸ”₯

@Kaeyousse

Medyo mainit at Makulimlim mga kaigans! Tamang tulala lang ako sa langit habang nagiintay ng link sa enrollment HAHAHA. Kanina sobrang init talaga, pero ngayon unti-unti nang kumukulimlim nang tuluyan. Kung uualan man, sana hindi malakas ang kulog at kidlat. Nakakatakot eh, ramdam kong nayanig ang bahay namin πŸ˜† Oras na rin pala para sa tanghalian, nag luluto palang kami? Kayo ba mga kaigan?

@Kaeyousse

Annyeong mga kaigan! Napakainit na hapon sa ating lahat! Juskoo ang init talaga ngayon, inom kayo ng madami para iwas dehydration. Nanonood ako ngayon ng kdrama pero pawis na pawis ako, partida na dahil may nakatutok sa aking electric fan na parang apoy na ata ang binubuga HAHAHA. Walang kape para sa meryenda, baka mahimatay na ako sa init πŸ˜† bibili sana ako ng juice at yelo kaso nakikita ko palang ang araw na tirik na tirik parang nanghihina na agad ako οΌˆβŠ™.βŠ™οΌ‰

@Kaeyousse

Gandang gabi bayans! Nakakain na ba ang lahat? Nakakain na ako kanina pa. Nanonood kami ngayon ng movie, tomorrow never dies tapos nanonood din kami ng balita. Grabe, ang taas na naman ng covid cases ngayon. Sana naman bumaba na :(( Kain na po 'yung hindi pa nakain, 7:48 na nang gabi. Huwag nang papalipas ng gutom

@Kaeyousse

Ako na mas pinipiling humiga, makinig sa music at tumulala mag hapon HAHAHA. Oh diba malapit na akong mabaliw πŸ˜‚ charot. Hindi ko na talaga natapos 'yung mga on going K-Drama's na pinanood ko dati. Matagal na silang tapos pero hindi ko matuloy tuloy. Pag naman nag pasukan na ulit, saka ako manonood tapos maiistress ako dahil wala akong oras. 'yung phone ko kase madaling malowbat HAHAHA. Parang 3 episode palang lowbat na agad. Nakakatamad tuloy. Pag naman idodownload ko,…

@Kaeyousse

Magandang buhayyy noise cash pips! Late na naman akong nagising. 10:00 na HAHAHA, buti hindi nagalit lola ko πŸ˜‚ Kain na tayo ng almusal! Ang weird ng panaginip ko, hindi raw ako makatulog tapos halos 2 days na akong gising pero sa tunay na buhay sobrang tanghali na, tulog pa rin ako πŸ˜† Parang totoo talaga panaginip ko, kabang kaba ako kase baka inatake na naman ako ng insomnia ko, pag gising ko kinakabahan pa rin ako HAHAHHA

@Kaeyousse

Kukimlim 'yarn? Yieee ang lamig ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Ganan nalang muna tayo panahon ah. Kalmahan lang natin, hindi 'yung bigla kang kukulog ng malakas tapos kitang kita ko pa 'yung mga kidlat HAHAHA. Kitang kita ko dito sa kinakatayuan ko ang rambutan Ο€_Ο€ Hindi naman ako makakain kase pinagbawalan ako ni mama. Malapit na kase ulit turukan πŸ˜‚ Baka ubuhin daw ako, yari na

@Kaeyousse

Kain tayo mga kaigan! Ang pinagbabawal na pagkain pero binabalik balikan dahil masarap HAHAHA. Bakit kase ang sarap ng bawal πŸ˜‚ Minsan lang naman mag mag chichirya, nainom naman ako lagi ng madaming tubig. Legit kase 'yung takam pag nakakakita ako ng Junkfoods πŸ˜† ah basta, kain po kayooo Ps. Hehe mga lodicakes, ayaw na naman mag upload ng picture. Kailan kaya makikisama ng signal ko. Sana all nalang po

@Kaeyousse

Luh, nag simula na ngang kumulog at kumidlat sa amin. No chill ang panahon ngayon HAHAHA. Mag aalboroto na naman ang kalangitan. May online meeting pa naman ako na dapat attendan tapos pag nakita nila akong nag phophone papagalitan nila ako 😩 Wrong timing naman eh

@Kaeyousse

Maambong gabi mga kaigan! Kain na kayo ng dinner. Nakakain na po ako, Lumpiang shanghai po ang ulam namin. Nanonood kami ngayon mg movie, predator ang pamagat. Nakakagitla siya HAHAHA pero hindi ako magkaigi ng panonood dahil nililipat lipat ni mama sa balita. Hindi naman ako makapag reklamo, baka mapagalitan na naman ako jusko.

@Kaeyousse

Chinat ako nung kaibigan ko kanina, kung free daw ako mag join sa online tambayan nila na parang Bible study na rin. Wala lang skl, natuwa ako kase 'yung iba sa mga kaibigan ko ay nag join din. Nakaka refreshing lang kase ang ganda nung topic tapos may pa games pa sa dulo. Ang dami kong natutunan and narealize after. Meron daw ulit sa tuesday at ang saya lang dahil excited ako.

@Kaeyousse

Good night na po guysss! Maraming salamat sa araw na ito. Nag enjoy po ako, sana kayo rin. Maaring naging nakakapagod ang araw na ito, magpahinga na po at matulog ang iba sa atin para makapag ipon ulit tayo ng lakas para sa mga hamon ng buhay bukas. Hangad ko ang mahimbing na tulog para sa ating lahat! Dalawin sana tayo ng antok agad at magkameron tayo ng magagandang mga panaginip. Kalimutan muna ang problema, hayaan ang sarili na mag relax. Bukas nalang po ulit!

@Kaeyousse

Magandang umaga sa inyong lahat! Nawa'y nagkameron tayo lahat ng masarap na tulog kagabi (β‰§βˆ‡β‰¦) Kain na tayo ng almusal, nakakain na po ako ng tinapay at kape. Mag eexercise sana ako kaso late akong nagising. Ang lamig kase nung madaling araw, ramdam ko na tuloy ang pasko HAHAHA.

@Kaeyousse

Maulang umaga po ating lahat! Nakalamig ngayon, dumadagdag ang panahon sa kaba ko HAHAHA. Walang sampayin dahil naulan, buti nalang walang labahin today ΰΈ…'Ο‰'ΰΈ… Puro marksΓ© ang nasa feed ko HAHAHA GOT7 Mark at BLACKPINK RosΓ©. Konti nalang maniniwala na talaga ako na nagdadate 'yung dalawa πŸ˜‚ Bahala sila, hangga't masaya sila, support pa rin!

@Kaeyousse

Magandang tanghali! Kain tayo ng tanghalian. Pancit canton po ang akin. Kayo guys, anong ulam niyo? Medyo malamig ngayon kaya masarap kainin 'to. Nag crave lang ako dahil may bumili sa tindahan namin nito tapos bigla kong naisip na parang masarap 'to ngayon HAHAHA

@Kaeyousse

Yow magandang gabiii! Medyo matagal tagal na rin nung huli kong post. Medyo masakit kase ang ulo ko eh tapos namomroblema pa ako dahil magpapasukan na ulit, hindi pa nagbibigay nang grades ang maga prof namin. Nanonood kani ngayon ng shark attack 3: Megalodon, iba talaga ang energy nina mama pag mga shark ang pinapanood nila, tumili na lang nang tumili. Kala mo naman eh maririnig sila nung mga bida πŸ˜†

@Kaeyousse

Aight! Bye bye na po, bukas ulit. Maaga akong matutulog ngayon, bagong buhay na HAHAHA. Jowk, masakit lang talaga ang ulo ko ngayon kaya maaga matutulog πŸ˜‚ Tayo nang magpahinga at hayaan ang katawan na maramdaman ang lambot ng kama at init ng kumot, naks. Nawa'y maging ayos ang takbo ng araw natin bukas. Mahaba at mahimbing na tulog para sa ating lahat! Dalawin sana kayo ng mga crush niyo or idols niyo sa panaginip niyo πŸ˜†

@Kaeyousse

Magandang tanghali po mga kaingays! Eto ang pinaka unang post ko ngayong araw HAHAHA. Sobrang busy kanina eh Κ•β€’ο»Œβ€’Κ” Btw, kain na po tayo ng tanghalian, medyo late na rin. Luncheon meat po ang ulam ko, madali daling lutuin kase ipiprito lang πŸ˜… Naulan din sa amin ngayon, ang lamig tuloy. Sa inyo po ba?

@Kaeyousse

Owemjiii shocks! Eto na 'yun, wala nang atrasan HAHAHA. Nag enroll na ako kanina, tapos pinapili na rin kami ng majors. Financial Management ang pinili ko, 'yun kase 'yung gusto nina mama. Buti nalang 'yung iba sa mga kaibigan ko nag Financial Management din, nahigit ko raw sila πŸ˜† Lord, kayo na po ang bahala sa amin ≧ω≦ Pero imagine kung walang K-12, graduating student na sana ako instead of being a 2nd year college student. Pero sabagay blessing na rin 'yun kase hindi ko…

@Kaeyousse

Someday, mabibigay ko rin sa kanila 'yung buhay na deserve nila. Para dalawa kong ina, balang araw nawa'y maibigay ko sa kanila ang maganda at maginhawang buhay na gusto kong maranasan nila. Aminadong hindi ako masunurin na anak, tamad ako at hindi ako perpekto pero lahat naman ng ginagawa ko ay para sa kanila. Kahit ayoko talagang mag aral dahil tamad ako pero pag nakikita ko si mama at si ina na nahihirapan sa pag tatrabaho at sa gawaing bahay, bigla nalang akong nahihiya…

@Kaeyousse

Good evening mga kababayans! Kai na tayo ng dinner. Nakakain na po ako, nag papapak nalang ako ngayon ng ulam HAHAHA. Ang sarap kase ng shanghai iulam lalo na pag papapakin mo lang. Nanonood kami ngayon ng movie. Legend of the Guardians: The owls of Ga-Hoole. Ang ganda, laugh trip eh.

@Kaeyousse

Okcakes, Good night na po 😊 Kagabi napuyat ako dahil sa mga pusang nagbubunglitan at nag aaway malapit sa bahay namin. Ang lalakas pa naman nila umangil tapos sobrang tahimik pa ng paligid kaya kinig na kinig. Kanina may narinig na naman akong mga pusa, nag sisimula na naman silang mag awayan. Bakit ba ayaw nalang nila mag alburuto pag araw, sa gabi pa talaga ah. Hangad ko ulit ang mahimbing na tulog sa ating lahat! Mapanaginipan niyo sana 'yung gusto niyong makita. Byeee

@Kaeyousse

Yow mga marecakes! Magandang umaga. Nawa'y nakakain na ng almusal ang lahat! Kumusta naman ang tulog niyo? Wariko'y nakumpleto ko naman ang sapat na oras sa pag tulog, sana kayo rin ≧ω≦ Maging alerto sa paligid at sundin ang mga health protocols. Stay safe everyone

@Kaeyousse

Makahula kung ano 'yung dala ko, bibigyan ko ng rambutan HAHAHAHA jowk. May pag tago pa ng rambutan ang mga tao dito sa amin. Ayaw ipakita sa akin, baka raw kumain ako. Akala naman nila'y Hindi ko makikita jusko πŸ˜† Bawal daw kase, baka ubuhin ako. Sa Tuesday na ang turukan eh Waley na, finish na. Ayaw na naman mag upload ng picture 😭

@Kaeyousse

'yung laging may binalot at may pang recess tapos bibiki ng Kwek-kwek or fishball pag labas ng gate ng school. Aaaackkkk, hindi katulad ngayon walang allowance dahil online class HAHAHA. Wala ring binalot kase sa bahay lang naman πŸ˜† Miss ko na 'yung after class dismissal punta na agad ng night market tapos after kumain gagawa na ng thesis sa computer shop πŸ˜‚

@Kaeyousse

Magandang gabi noise cash pips! Arat kain na ng dinner. Kumain na ako, bumili ako ng wow ulam sa labas. Bumili rin kami nung juice na tang buko flavor HAHAHA. Epic fail lang talaga kase hindi namin nagustuhan ang lasa πŸ˜† Bakit ganon, excited pa naman ako Κ•β€’ο»Œβ€’Κ” Siguro hindi lang talaga swak sa mga panlasa namin, sana pala orange or pineapple flavor nalang ang binili namin. Ang ending tuloy, walang uminom

@Kaeyousse

Wow! May affliate/ referral program narin pala si noise cash! Ngayon lang ako nainform 😳 Grabee ang astig HAHAHA. Sayang na invite ko na dito dati 'yung mga kaibigan ko πŸ˜† Ang swerte nung magagaling mag invite, sana all nalang po

@Kaeyousse

Magandang morning sa ating lahat HAHAHHA. Let's all claim the positive energy ≧ω≦ Napakagandang araw at napakagandang weather naman ^o^ Kumusta ang tulog ng lahat? May nagbunglitan na pusa na naman malapit sa amin kaya medyo puyat ang kaeyousse niyo πŸ˜‚ Maging mapanuri, mapangahas at magapag matyag sa araw na ito. Maging matang lawin ika nga ni kuya kim πŸ˜† laging mag ingat!

@Kaeyousse

Okcakes, Happy Birthday sa madaldal, mataray at pikon kong kapatid @Psalms πŸŽˆπŸŽ‰ Mag bagong buhay kana sana ate, huwag ka nang laging galit tapos iyakin naman pag pinatulan πŸ˜‚ Congrats din pala sa mga achievements mo! Grabe isa ka talagang lodicakes at petmalu. Ang hilig mo mag aral, ienjoy mo naman minsan ang buhay HAHAHAHA. Mag iingat ka palagi, huwag nang padalos dalos. Malapit mo nang maachieve ang pangarap mo, isang taon nalang teacher ka na. Lagi lang akong nandito,…

@Kaeyousse

Maambong Tanghali mga kaigans! Kahit naambon sa amin ngayon, ramdam ko pa rin talaga ang hulab ng init. Ayaw pang itotodo ang ulan eh HAHAHA chars. Kain na tayo ng tanghalian! Ako'y busy paghahagilap ng grades ko. Hindi ko mawari kung nasaan ba ang mga prof ko baka busy sila πŸ˜‚

@Kaeyousse

Hello kaigans! Magandang gabi po. Nakakain na ba kayooo? Nakakain na ako kanina, hotdog po ang ulam ko. Sobrang busog ako ngayon dahil napadami ang kain ko nung pansit HAHAHA thank you Lord. So ayon, stress pa rin ako sa pagkuha ng grades. Hindi kase ako makakuha ng certification of grades sa registrar dahil hindi pa sila nagpapasok sa school. Nakakatakot pating lumabas. Kaya eto, nag pm nalang ako sa mga teacher/prof ko pero hindi ko naman sila masisi kung hindi pa sila…

@Kaeyousse

Good night kaigans! Bye byeeee na po. Tutulog na akets HAHAHA. Sana walang pusa na mag away mamayang hating gabi. Juskoo alos dose na pero hindi ako makatulog dahil sobrang ingay nila. Dati sa may tapat lang ng bahay namin sila nag aaway, ngayon umaakyat na rin sila sa bubong kaya lalong umingay 😩 Pag talaga nakita ko lang 'yung mga pusang 'yun, ipapatali ko sila sa mga amo nila HAHAHA. Dalawin sana tayo ng matatamis na panaginip mamaya, masarap na tulog para sa ating lahat!

@Kaeyousse

Good morning! Happy Sun-Yey πŸ˜„ kumusta kayoooo? Nalate na naman ako ng gising πŸ˜… akala ko nga mag isa lang ako sa bahay kanina dahil umalis na 'yung ate ko, pumuta siya sa bahay ng tita namin para maka attend ng zoom meeting sa church nila. Buti nalang nandito sa bahay ang lola ko, ayoko kase na naiiwan mag isa sa bahay, nakakatakot baka may multo πŸ˜† Anyways, pasalamatan natin ang Panginoon sa panibagong araw na ito. Ika nga nila, panibagong araw, panibagong pag asa upang itama…

@Kaeyousse

Dumating na 'yung inorder kong bag ni mama HAHAHA. Suhol 'yun para magpa vaccine siya. Ayoko na talagang umorder sa shopee, nabanggit ko na 'yun nung last dito dahil nahihiya na ako sa mga chismosa sa amin HAHAHHAA. Pero dahil kailangan naming kumbunsihin ni sa mama na magpa vaccine nung last, sabi ko ay binilhan ko nalang siya ng bagong bag. Ang ganda, mali nga lang 'yung color na pinadala ni seller. Coffee kase dapat eh, naging black nung dumating πŸ˜† baka nalito lang si…

@Kaeyousse

Yow mga kaigans! Kakadating ko lang sa bahay, may pinuntahan kase kami. Grabee nanlalambot ako dahil sa byahe HAHAHA. Hindi na kase ako sanay, ilang buwan ba akong nasa bahay lang kaya ganon πŸ˜‚ Kain na po kayooo, hindi na ako kakain ng hapunan. Sobrabg busog na rin kase ako sa kinain ko kanina. Worst feeling talaga eh 'yung sobrang naiihi ka na sa byahe. Ang lamig pa nung air-con. Feeling ko tuwing pepreno 'yung kotse, mapapaihi na rin ako AHAHAHA chars.

@Kaeyousse

Relate na relate naman ako doon sa ginagamit na hotspot ang phone para makapag internet HAHAHA. Haynako mareng jessica, ganan din ginagawa ko. 'yung basag kong phone 'yung ginagawa kong hotspot kase hindi keri ng phone ko makasagap ng mabilis na data connection. Natatakot nga ako minsan, baka sumabog ang 'yung phone ko na ginagawa kong hotspot. Nagiinit kase 'yun tapos naka charge pa dahil hindi sobrang bilis malowbat. Ang tanong ng bayan, when kaya bibilis ang internet…

@Kaeyousse

Okcakes, magandang umaga mga kaigans! Happy Monday po 😁 30 mins lang tulog ko, kaiyaq. Insomnia na naman nakakaloka. Uminom pa naman ako ng gatas kagabi para mahimbing ang tulog ko, kaso'y lalo pa nga akong inatake ng insomnia HAHAHA. Okay pi, kaeyousse bangag era na this πŸ˜† Btw, hindi muna ako mag phophone, mamaya na ulit. Nasakit ang akin ulo ayy.