Someday, mabibigay ko rin sa kanila 'yung buhay na deserve nila. Para dalawa kong ina, balang araw nawa'y maibigay ko sa kanila ang maganda at maginhawang buhay na gusto kong maranasan nila. Aminadong hindi ako masunurin na anak, tamad ako at hindi ako perpekto pero lahat naman ng ginagawa ko ay para sa kanila. Kahit ayoko talagang mag aral dahil tamad ako pero pag nakikita ko si mama at si ina na nahihirapan sa pag tatrabaho at sa gawaing bahay, bigla nalang akong nahihiya sa sarili ko. Balang araw talaga, pipilitin kong abutin ang pangarap nila para sa akin at ang pangarap ko para sa kanila.
No comments yet