'MINERVA'
Habang naglalakad si Minerva'y hindi nito mapigilan ang mapayuko. May mga tao kasing bigla na lang tatawa kapag nakita ang kaniyang mukha.
Hindi na nakakapagtaka. Nabuhay siya sa mundong ang maganda lang ang nirerespeto. Nabuhay siya sa mundong maganda lang ang may karapatang maging kumpiyansa sa sarili .
Nagulat si Minerva nang may humarang sakaniyang daraanan. Sapilitan nitong pinataas ang mukha ni Minerva. Tumaas ang mukha ni Minerva at wala na ang balabal. Napangisi naman ang masamang babae, nakataas ang kilay at pinagmamasdan ang kabuuhan ng mukha nito.
"Pfftt... Kaya pala tinatakpan huh? Pangit kasi." Sarkastikong sabi nito sa harap ni Minerva.
Katulad ng dati, yuyuko ito muli at patuloy na maglalakad.
Pinatid ito ng masamang babae kaya nabangga nito ang isang lalaki. Napahawak ang kaniyang kamay sa balikat ng lalaki. Randam nito ang mga matitigas nitong parang kalamnan.
Unti-unting tumaas ang ulo ni Minerva. Hinawi nito ang kaniyang buhok gamit ang kaliwang kamay't tumayo ng maayos.
Nang maglapat ang kanilang mata'y hindi nito maikalang parang may kung anong kuryete ang dumaloy rito.
"P-Patawad, hindi ko sinasadya." Sabi nito.
"It's okay, nakita ko naman ang buong nangyari." Wika nito't ngumiti kay Minerva. Tumingin ang lalaki sa isang masamang babae. Isa lamang na irap ang ibinigay ng masamang babae at umalis dahil sa pagkapahiya.
Anong nangyayari?
Bakit parang may kung anong kiliti sa loob ng tiyan niya? Nang-init rin ang kaniyang pisnge kaya naglayo ito ng tingin.
'Ano nangyayari sa 'kin?', Tanong ni Minerva sakaniyang isip.
Kinikilig, Nang-iinit, at Namumula.
Gusto niyang magwala pero hindi puwede. Ang kaniyang alam ay para sa maganda lang ito. Kung p'wede nama'y magmaganda pero hindi talaga p'wede, kasi may huhusga sayo.
"A-Ah, sige. Aalis na 'ko." Naiilang na sagot ni Minerva. Yumuko ito at naglakad muli ngunit hindi katulad ng dati'y mabilis na.
Nahihiya siya...
May damit itong mahaba. Hindi nakikita ang paa nito dahil sa haba na parang saya. May balabal rin ito sa kaniyang ulo upang matago ang mukha nito ng kaunti.
Hindi siya maganda.
'Yan lagi ang kaniyang nasa isip.
Habang nasa kama si Minerva'y parang may kung anong bumabagabag sakaniyang isip.
Isang tunog ng alarm ang kaniyang narinig.
Tinignan niya ang maliit nitong alarm ngunit pumasok ang kaba sakaniyang dibdib nang hindi ito tumutunog. Nag-ikot pa ang kaniyang tingin ngunit wala talaga.
Lumapit si Minerva sa alarm nang biglang gumalaw ang alarm clock ng kusa. Nanginginig ito at biglang lumaki ng lumaki na para ng orasan.
Napaatras si Minerva dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Malapit ang pintuan sakaniya ngunit hindi nito magawang tumakas.
"S-Sino ka?!" Dumampot ng unan si Minerva para sa kaniyang depensa.
"Ahuuuu! Ako si Lucky, the lucky clock!" Parang nagdidiwang ang boses ni Lucky. Buhay na buhay ang boses na mayroon siya.
"L-Lucky? Hindi kita kilala." Umupo si Minerva. "Ang alam ko binili ko ang alarm na 'yan sa matanda---"
"Exactly! Siya ang matandang nagpapunta sa 'kin rito upang matulungan ka." Ani Lucky.
Hindi ka maniniwala na may mata ang orasan at bibig. Nakakapagsalita pa na parang tao. Totoong-totoo!
"Ano naman matutulong mo sa 'kin?" Kunot-noong tanong ni Minerva. Hindi pa rin pumapasok sa utak niya ang mga nangyayari. Nakakabaliw!
"Simple lang. Pagkain, Pera, Ganda." Sabi ni Lucky. Minsan ay binibilisan nitong magsalita at nilalakasan upang mas magkabuhay.
"Ga--- Pagkain. Maraming pagkain para may mabigyan ako sa mga taong lansangan." Sabi ni Minerva. Sumisikip ang kaniyang dibdib dahil hindi nito pinili ang kagandahan. Ngunit mas lamang ang makatulong sakaniyang puso kaya pagkain ang pinipili niya.
"Sigurado ka na ba diyan? Baka nagdadalawang isip ka pa. Ayaw mo gumanda?" Taas-kilay na sabi ni Lucky.
"Oo, aanhin ko ang kagandahan kung wala naman makakatutulong sa aking kapwa." Kumpiyansang sabi nito. Ngayon, mas pipiliin na niyang nakatulong kaysa maging makasarili.
"As you wish!" Masiglang sabi ni Lucky. May nga ilaw ang lumalabas sa orasan.
Ang mga ilaw na ito'y pinalilibutan si Minerva. "A-Anong nangyayari?!" Wala sa sarili nitong tanong. Napapikit si Minerva dahil sa malakas na ilaw na sumisilaw sakaniyang mata.
"Mulat na." Bulong sa kawalan.
Pagkamulat ng mata ni Minerva ay hindi siya makapaniwala. Nasa isa siyang paraiso. Ang mga magandang tanawin, malawak na karagatan, at ang buhangin na kay puti. Isama mo na ang mga huni ng mga hayop.
"Gusto mong isayaw kita?" Isang tanong ang nagmumula sa likod niya.
Bumibilis ang tibok ng puso nito na parang gusto ng kumawala. Kinakabahan man ay unti-unti itong lumingon sa gawi ng tumawag sakaniya.
"Minerva." Sabi ng lalaki. Parang prinsipe ito dahil sa mga gintong disenyo sakaniyang damit.
"K-Kilala mo 'ko?" Tanong ni Minerva sa binatang kaharap niya.
"Ang ganda mo. Kung panaginip lang ito'y ayo'ko ng magising." Sinserong sabi ng binata na dahilan ng pamumula ni Minerva.
Inilagay ni Minerva ang kaniyang dalawang kamay sa balikat ng lalaki. Ang lalaki na ma'y inilagay ang kamay sa bewang ni Minerva at nag-umpisang sumayaw.
Kahit na walang tumutugtog na sayaw ay parang may mga ritmo silang sinasabayan.
Sa araw na 'yon ay ang kasayahan na parang habang-buhay. Walang mga taong huhusgahan sila dahil sa pisikal na kagandahan.
-----
@bee
Fiction Fiction Fiction
Handy Kyle Sync