Loving The Heartless School King

0 12
Avatar for Kaereyes
3 years ago

Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang unti unting pagdami ng mga dahong nalalaglag mula sa puno ng mangga na malapit lamang sa bintana ng aming silid aralan

Hindi rin ako nakikinig sa aming guro. Boringgg. Hinintay ko nalang na matapos ang oras

"Okay class dismiss" ani guro namin at tuluyan lumabas

***

Habang naglalakad ako patungong Cafeteria ay napansin ko ang pagkukumpulan ng ilang mga Estudyante at dahil tsismosa ako ay lumapit rin ako para tumingin

Nakipagsiksikan pa ako ng kaunti hanggang sa nakita ko ang isang babae na makapal ang kilay at salamin marahil isa itong nerd

Nakita ko kung paano sya buhusan ng tubig. Tumutulo narin ang kanyang mga luha

Akmang bubuhusan ulit sya ng humarang ako at sinampal ang babae

(Sorry di ko sinasadya)

"How dare you miss!" Sigaw nito

Nagulat ang lahat sa ginawa ko

"Bakit kaba nangingialam?" Tanong nito

"Bakit ba ganyan ang pag trato nyo sa kanya?"ani ko

Hinawakan naman ng dalawang babae ang magka bilang braso ko

"Kapal naman ng mukha mo. Ang bago bago mo kala mo kung sino!" Anito at Sinuntok ang tyan ko

Ang sakit! Nalasahan ko ang Kaunting dugo sa labi ko ang lakas ng suntok nya! Hindi rin ako maka kilos

Muli ay sinuntok nya ulit ako. Hindi ko na kya!

Gusto ko nang bumagsak!

"WHATS HAPPENING HERE!" Doon na sila tumigil dahil sa boses na narinig

"K-king" usal ng babae

Dumidilim ang paligid gusto kong bumagsak. Binitawan naman ako kaya't matutumba ba na sana ako ngunit sinalo ako ng lalaking tinawag nilang king

Nakamask ito kaya hindi ko ito makilala

"Lahat ng involve sa gulong ito, go to Gymnasium now!" Maawtoridad na utos nito

Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.

•Chapter 1•

Primo's POV

Binitbit ko ang babae papuntang clinic naramdaman ko namang Tumahimik ang mga estudyanteng nadadaanan ko Nang nakarating na sa Clinic ay inihiga ko agad siya sa kama

"Nurse Zai, pakiasikaso" utos ko at umalis

Dumiretso naman ako sa Gymnasium at pinuntahan ang mga babaeng makakapalang makeup at mga involve sa gulo kanina

"1 week nyong mararanasan ang ginagawa ninyong pambubully sa mga School mates nyo. Sinong pasimuno ng gulong ito?" Ani ko

Tinuro naman nila si Chili- ang Vice President ng school

"Ms. Chili, hindi ka na nahiya,Dapat ikaw ang nagtuturo ng tama sa mga Estudyante rito, ngunit ikaw pa ang nagsimula! Starting today, hindi na ikaw ang Vice President."

Dere-deretsong saad ko at iniwan sila na may bakas na takot sa bawat mukha

Czyrine's POV

Napamulat ako dahil sa init na tumatama sa pisngi ko galing sa bintana. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, teka, nasaan ako? Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Teka yung babae, ayos lang kaya sya? Sino ba yung lalaking naghatid sakin dito? Gusto ko syang pasalamatan dahil baka bugbog na ako kung wala sya "Gising ka na pala " Napatingin ako sa nagsalita

" Sino po kayo?" Magalang na tanong ko sa babae

"I'm Nurse Zai. You're here at my Clinic"- nurse

"I see. Nasaan po ang mga kaibigan ko?"tanong ko

Tinuro naman nila ang dalawang babaeng nakayuko at mukhang natutulog Lumabas na ang Nurse. Tinawag ko naman ang mga baliw kong preniii

"Oii beks!"

"Beks!"

"Beekkss!!"

Pinilit ko nalang tumayo kahit na may iniinda ako pero bigla akong natumba kaya bumagsak ako

"Anyare sayo beks?"- Laurie "

Kanina ko pa kayo tinatawag, gutom na kaya ako!" Aniko

"Sorry"- akeisha

"Iniwan nyo kasi ako nabugbog tuloy ako" saad ko at kunwariy naiiyak

"Ok lang yan niligtas ka naman ni King eh yiiee" ani Laurie at tinusok ang tagiliran ko

Kung sino kaman, gusto kong magkita muli tayo at magpasalamat...

----

Abangan ang chapter 2 thanks

3
$ 0.00
Avatar for Kaereyes
3 years ago

Comments