Dito sa article na ito ay pag-uusapan natin ang buhay ni Alyas "Baby Ama".
Pero bago tayo magsimula, kung interesado ka sa mga ganitong article kung saan pwede kang makakuha ng kaalaman tungkol sa iba't ibang mg bagay ay i click lang ang SUBSCRIBE button upang maging updated ka sa mga future articles na gagawin natin. Gagawa at mag pa publish ako ng dalawa o higit pa na mga articles kada linggo.
Sabay sabay nating kilalanin si Marcial Ama Perez o mas kilala sa bansag na "Baby Ama". Ang kanyang palayaw na baby ay nakuha sa kdahilanang mayroon siyang artistahing mukha o literal na masasabi kong baby pa lang kung ikukumpara mo sa mga taong nakapiit noon sa kulungan.
Si "Baby Ama" ay isang menor de edad. Ang buhay niya sa labas ng kulungan ay para sa akin ay magnanakaw o mangagantso na puma part time part time lang. Ang pagtining ng mga taong malapit sa kanya ay isa siyang batang matulungin at maasahan. Yun nga lang, nagkataona ang pamamaraan niya ng pagtulong sa kanyang mga kaibigan ay mali. Madalas siyang nasasangkot sa mga nakawan ng kainilang siyudad sa Tondo, Manila.
Nakaugalian o naging hobby na niya ang magnakaw. Minsan ang pagkakaroon libangan ay siya pa ang dahilan kung bakit masisira ang buhay mo. Alam niyo si "Baby Ama" ay hindi naman nakulong dahil nakagawa ng mabigat na kasalanan. Although masama pa rin ang magnakaw, hindi naman siya nakpatay o nanggahasa. Siya ay batang ama kung tawagin, hands-on siya sa pag-alaga sa kanyang misis noon na nagdadalang tao. Ngayon siya ay napasakamay ng pulis dahil sa, you guessed it, sa pagnanakaw. At base sa mga pag-iimbestiga ng mga pulis, sa pagkakataong nahuli siya ay ginawa lamang daw niya yun dahil sa isang kaibigan na nangangailangan ng pera pang matrikula. At dito ngayon sa bilangguan, ipapanganak ang isang "Baby Ama" .
Ang kaniyang buhay sa loob ng kulungan ay tulad ng mga tao na unang nakapasok sa bilangguan, nakaranas siya ng madalas na pambubugbog at take note, menor de edad pa lamang siya. Sa mga nagtataka kung bakit siya ikinulong eh bata pa lang naman. Well, nung mga panahong ito ay hindi kinoconsidera ng gobyerno na dapat 18-years old ka, bago ka makulong. Alam niyo marami ng beses na nag-iba ang edad na siyang pamantayan ng batas upang ikaw ay maaaring ipihit sa bilangguan. Mula 14-16 anyos o mas mababa pa. Correct me if I'm wrong.
Ngayon mabalik tayo, sa araw-araw na binugbugbog at inaalipusta siya sa loob ng kulungan ay tiniis niya ito, dahil alam niya na mayroong pa ring dalawang tao na naghihintay na siya ay makalayang muli. Tandaan na ang kanyang offense ay pagnanakaw lamang. Hands-on sa pagbisita kay Baby Ama ang kanyang misis. Dinadalhan ng pagkain at laging kinakmusta. Isang araw, bumisita ang kanyang asawa sa bilibid, matagal na nag-usap ang dalawa. Masaya na naman siu Baby Ama at ang kanyang asawa dahil nagkita na naman silang muli.
Pero habang pauwi ang kanyang asawang galing sa kulungan, isang gwardiya ang bumubuntot sa kanya. Ito palang taong ito na ito ay may nais na hindi magnda. Sa lugar kung saan walang ibang tao ay, walang ano ano ay kinaldkad ang noon ay buntis pa na asawa ni Baby Ama. Dinala ngayon siya gwardiya sa isang abandonadong kubo at dito ginahasa. Ang pangyayaring ito ay talaga namang ikina trauma ng kanyang asawa. Kung ako ang tatanungin, .alaki amg tiyansa na nagkaroon siya ng kung tawagin natin ay depresyon. Kasi kung iispin ninyo, mahirap na walang kasiguraduhan ang magiging kinabukasan mo lalo pa atmay dinadala kang sanggol, idagdag mo pa ang pagkakakulong ng asawa mo tapos mangyayari pa itong ganito.
Dumaan ang ilang linggo, napansin ni Baby Ama na hindi na siya dinadalaw ng kanyang mag-ina, hindi nagparamdam ang kanyang asawa, ilang beses na rin siyang nagpadala ng sulat, pero wala pa rin. Dahil dito, labis ang pagtataka niya at nagsimula ngayon siyang magtanong-tanong sa mga gwardiyang nagbabantay sa kanyang selda. At doon niya na rin nalaman ang malagim na sinapit ng kanyang asawa.
Ang pagsasama-sama ngayon ng mga nangyaring ito sa buhay ni Baby Ama ay ang mas nagpatatag sa kanya bilang isang batang ama na nakaranas ng pang-aapi sa loob ng kulungan. Siya ay parang naging pamato sa snake and ladder. At laging doble-sais ang nakukuha sa dice. Bagama't bata pa, unti unti siyang nakilala. Dumating na rin sa punto na siya ay kinatatakutan sa loob ng bilibid. Parang hitman na kapag may gustong patahimikin sa kanilang komunidad, ay siya ang gagawa.
Naisip niyo siguro eh bakit may mga hitman sa loob ng presinto. Well, idagdag ko na rin ano, hindi pa ko nakukulong pero alam niyo ba na sa loob ng isang malaking kulungan, ay hindi mga cell guard ang siyang nagbabantay sa mga preso. Isa sa mga dahilan neto ay wala silang sapat na mga gwardiya. Kaya sa loob ng preso ay sila sila rin ang nagbabantayan sa isa't isa na pinamumunuan ng mga lider ng kanilang grupo. May sarili silang mga patakaran at diyan nagkakaroon ng meeting tungkol sa kung paano nila mas mapapanatiling maayos ang kanilang komunidad.
Ngayon mabalik tayo, dahil sa ipinakitang katatagan at katapangan ni Baby Ama, nakuha niya ang respeto ng mga inmate sa loob. At doon nakapagtayo siya ng isang grupo na may pangalang "Sigue Sigue Gang". Sa kanyang pagtatag ng samahanay hindi mo maiiwasan ang magkaroon ng kasalungat at sa paniniwala man yan o sa prinsipyo. Sa loob ng bilibid ay may isang pangkat na kung tawagin ay "OXO Gang". Ang dalawang lupon ngayon ay minsang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan na humantong sa madugong rambulan. Sa loob mismo ng bilibid, ang sagupaang ito ay naitala na pinakamalaking rambulan sa loob ng Muntinlupa Penitentiary. Ito ngayon ay nagresulta sa pagkasawi ng 9 na mga bilanggo at ang isa dito ay pinugutan pa ng ulo.
Kaya ang noon na part time na nagnanakaw lamang ay ngayon nsasangkot na sa patayan. Siya at ang kanyang mga kasamahan ay inilitis ng husgado at pagkatapos, si Baby Ama ay nahatulan ng bitay gamit ang silya elektrika. Ang taon kung kailan gagawin ang pagbitay ay 1961 at siya lamang noon ay may gulang na 16-years old, malaki ang naging impact ni Baby Ama sa loob at labas ng bilibid. Kaya noong 1976, ay naitampok ang kanyang kwento sa pelikula na may pamagat na "Bitayin si Baby Ama!", na idinerek ni Jun Gallardo na pinagbidahan ni Rudy Fernandez at ni Alma Moreno.
At diyan nagtatapos ang ating kwento tungkol kay Marcial Ama alyas "Baby Ama".
Sources:
https://stock.adobe.com/ph/search?k=%22subscribe+button%22
https://filipiknow.net/facts-about-death-penalty-in-the-philippines/
https://www.istockphoto.com/photos/prisoner
https://unsplash.com/s/photos/gang
Kaalaman YouTube Video Link: