Noong paalis palang ako papunta sa ibang bansa excited ako kasi makakapunta na ako sa ibang lugar
iniisip ko kong ano ang madadatnan ko bilang isang OFW, yong mga pangarap ko para sa pamilya ko yong kaba na baka hindi ko kakayanin
nang makarating na ako sa destinasyon ko namangha ako ibang iba sa nakasanayan ko yong temperatura ang mga tao
at dito ko na nga naranasan ang Homesick na tinatawag yong pilit mong nilalabanan yong mga luha mo pero kusang pumapatak
naiisip mo ang pamilya mo sa pinas kong okay lg kaya sila kong kumain na sila
habang tumutagal ang araw at ang buwan iba na ang nararamdaman ko yong pagod sa trabaho gigising ka,papasok uuwi pagising mo papasok na naman
sa araw araw na ginawa nang diyos yon lg ang routine ko bahay trabaho, trabaho bahay pag
araw naman ng restday hindi ka naman makakagala pipiliin mo na lang magpahinga para may lakas kinabukasan
Ilang pasko na rin na hindi ko kasama ang pamilya ko pero pilit kong nilalabanan ang lungkot
iniisip ko na lang kaya ko to para sa pamilya ko lahat ng paghihirap ko para din sa kanila
Ngayong papalapit na matapos ang kontrata kay sarap sa pakiramdam na makakauwi sa lupang sinilangan
kay sarap sa pakiramdam na makikita ko na ang aking pamilya na halos dalawang taon din