Alam mo kung ano ang na miss ko ngayong pandemic? Yung kumausap ng tao sa personal, at yung tipong kaya mong yakapin na walang kahit anong pag dadalawang isip.
Sa bawat pagkausap ko sa tao, nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman nila. Sa bawat pag bitaw nang salita, kahit na sabihing “Okay lang ako” pero ramdam mong hindi talaga siya okay.
Kaya pinipili ko na “Always be kind” kasi hindi mo naman alam kung ano nararamdaman niya deep inside, hangga’t hindi mo nakaka usap nang sobrang lalim at seryoso.
Sa panahon ngayon, sino sino nalang rin ba ang mag tutulungan? Tayo lang rin naman diba? Tama na ang pag hila pababa. Lahat na nga down na tayo dahil sa pandemic na ‘to, tulungan na tayo.
Sayo na pagod na pagod na, normal ang mapagod. Ang hindi normal ay yung hindi ka nagpapahinga. Huwag mo akuin lahat nang problema, may mga bagay na wala ka na control doon. Mag focus ka sa bagay na alam mong kayang solusyonan at makakatulong sa growth mo.
Keep moving forward and still trust Jesus!
Kalma hindi nakakayaman ang maraming iniisip ha?
Huwag masyado mag overthink, hindi healthy.
Huwag mo masyado isipin, hindi nakaka yaman.
Sa panahon natin ngayon, importanteng protektahan ang mental health. Kung naapektuhan ito, iwasan mo hanggat maaga pa. Nakakalungkot na nga ang mga nangyayari sa ating bansa, hindi mo pa poprotektahan ang sarili mo? Alagaan mo sarili mo.
Tigilan mo ang pag iisip ng marami. If it’s out of your control, bitaw. Leave it to God! He can handle it and He can fix it! Ang gawin mo, sunod nalang sa Diyos, kumapit ka lang, at patuloy na manalig Sakaniya.
Kumalma ka, maloloka ka lang sa pag ooverthink mo. Pahinga ka, deserve mo yon.
Bakit pinipili mo padin magstay kahit na hindi na dapat?
"Hindi ba dapat piliin mo na ang sarili mo ngayon?"
Swerte ka kung may mga taong nag stay sa buhay mo kahit na hindi na dapat. Hindi na dapat dahil hindi na sila okay sayo, wala nang peace sakanila, at naapektuhan na rin sila sa sitwasyon.
Bakit nga ba pinipili pa rin na mag stay kahit na hindi na dapat? Na kahit sobrang hirap na? Simple lang, mahal ka.
Imagine, God is still there for you kahit na paulit ulit tayong nagkakasala, pasaway, nasasaktan natin Siya. Dear, that's unconditional love! Kaya kapag magmamahal ka ng tao, na alam mong worth it naman ipaglaban, isipin mo hindi ka rin sinukuan ng Lord na mahalin ka. Kaya, ikaw naman sana ang maging instrumento sa ibang tao na maranasan manlang kung paano mag mahal ang Panginoon.
Kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon kasama mo ako sa lahat ng oras.
Saludo ako sayo! Salamat sa patuloy na pag laban...
Your TESTING time, someday it will be your TESTIMONY. Embrace that season, and absorb all the lessons that God wants for you to learn. With that, you will grow in ways you could never have imagined.
You are precious, my dear. I remember, one of my pastor shared to me that we're like a diamond. Dadaan muna sa apoy, breaking times para dumami ito and ang result, mas nag mahal na mga diamond ito.
You see? Sa breaking moments mo, tataas ang value mo. The more you cut, sliced, hurt, the more you SHINE! 💎
Tama alagaan ang sarili at iwasan ang pag iisip ,welcome here po.